*** The TPC Android application IS NOT OFFICIAL. Use it at your own risk! ***
Using the app GIVES THE DEVELOPER ACCESS TO YOUR LOGIN DETAILS.

Forum Topic

TPC National Lanshop Owners Kamustahan Thread

  • Meron na ako bootable windows 7 flash drive na working. Ask ko lang kung pwede ko ba lagay na rin sa flash drive ko ibang installers as simply as copy paste? Tinatamad lang ako try kasi matutulog na ako kaya tanong ko na lang hehehe! ^_^

    Pwedeng pwede sir Rip.... Hello NLO...
  • Ngayon ko lang nabasa reply mo mr good samaritan jawslash. Pero kanina morning naman ay diniretso ko na lang lagyan and working naman sya.
  • Pa O.T.
    permission to posts hehehe

    sino malapit sa munoz market na comp. shop

    magpalagay lang ako ng lan games sa laptop ko
    yung mga vintage games

    pm me for the price at replayan ko kung anong games palalagay ko

    salamat..
  • Pa-help naman mga sir sa mga nakaka-alam sa diskless dito... bale nagpa setup ako ng diskless a month ago... NXD Linux based ang ginamit nya. Wala kasi ako knowledge sa diskless so lahat ay sa kanya ko talaga inasa. OK naman ang lahat, kaso after a week dun na nagsimula magka problem. Pagbukas namin ng shop nung araw na iyon ay nakapagboot pa ang isang client..kaso kapag sinusubukan i-boot ang ibang clients magffreeze na silang lahat. Hanggang dumating sa point na hindi na ako makapag log-in sa diskless server. After an hour dumating yung gumawa sabi naka log-in naman daw sya sa server. So sa madaling salita di namin alam naging cause. Ni-restore lang nya yung diskless.

    OK na ulit...after a week na naman..nagkaron ng same problem. Pero ito naman gumagana na nung araw na yun..pero kinahapunan later that day, bigla na lang daw nagfreeze mga clients at kahit nirestart nila ang diskless ayaw na gumana. Pina-reboot ko lahat ng network equipments pero ayaw pa din. After an hour...bigla na lang gumana ulit.

    Hanggang sa week na ito, ganun din... kaso ngayon parang dumadalas na mangyari at hindi na kagad umaayos. Last night bandang 11, puno ang shop...bigla na lang nagfreeze lahat..nirestart ko pa ang server gumana ulit..kaso after 5mins nagfreeze ulit...pagrestart ko ng server ulit ayaw na gumana..ayaw na din maka log-in. Umayos kagabi, di ko alam alin sa mga ginawa ko ang nagpagana..pero pag gising ngayong umaga..gumana isang client..pag pasok ng 3 na customer nag freeze sya. nirestart ko ang server, hindi maka log-in. more than an hour nako nag ttroubleshoot ayaw talaga maka log-in. naisipan ko lang magbukas ng isang client nagulat ako nag boot. nagtry ako ng 7 na client nag boot naman lahat..kaso di pa din ako nakaka log-in sa server.

    pinipilit ng gumawa na hardware problem sya... pwedeng lan card daw or switch or power supply.. pero hindi naman ma-prove. ang hinala ko naman is pwedeng sa diskless application mismo... sa tingin nyo ano po bang cause nito? hardware or software sya?

    kasi gusto ko magpa setup ng windows based na kasi wala ako maintindihan sa Linux at wala din makita na help sa google. eh pano naman kung hardware... willing ako bumili ng isang bnew server kung hardware talaga..pero pano kung hindi?

    help naman please.
  • ^ ask ka na lang kung meron man thread ng users ng ganyan diskless. Kadalasan kasi ngayon ccboot users eh. Ilan sa amin nagka problema din naman pero naayos din katagalan thru forums.
  • nakaka stress ung mga ganyan bagay lalo na ang problema ay connection ang nakaka inis pa jan alam ng nagkakaproblema eh may sisigaw pang LAG na may kasamang MURA na napaka lutong. Iba na talaga ang mga bata sa panahon ngayong walang COMMON SENSE.

    nung nasa idad nila ako kung may free time ako after ng school tumutulong ako sa business ng nanay ko( maliit na garments) at nung college na ako nag work naman ako sa fast food chain.nakaka lungkot lang ganito na pala ang sinasabi nila na pagasa ng bayan.

    simpleng tanong na assignment nila kailangan pang i GOOGLE eh essay naman ang tanong.tsktsktsk
  • Post deleted #11870102
  • @Pcar

    possible niyan network at hdd, baka may tama ng hdd mo or nagagalaw ng network or may tama na ang switch, ngayari dati sa amin yan nag freeze ang mga client pero mga 10sec lang ang problema nilangam pala yungs witch namin at nadali yung port ng sitch to server.
  • Sir pati kasi yung server nagloloko e, ayaw makalog-in. May signs na problem is sa diskless software or maybe sa HDD, pero pwede din network kaso di ako convinced. Kasi may mga trial and error kameng ginawa like gumamit ng ibang switch kahit 100mb lang to test..sinubukan din namin irekta sa pldt modem para lang magboot ang client. Pero manggaling ang problem parang sa server side eh. Madedetect kasi ng client ang IP ni server pero ayaw tumuloy kaya feeling ko disk ang problem.

    Nag run ako ng HD tune nagpass ang sa benchmark ang HDD OS disk ko pero ang SSD nakakagay read error test aborted. Yung error scan ongoing pa. Bakit kaya nagerror yung sa SSD? Ibig sabihin ba sira siya kahit 1month old pa lang?

    Reliable ba itong HDtune?
  • ^ kapag diskless kelangan talaga may mga spare parts. Kagaya ng game disk at kahit isang 128gb SSD. LAN card, at spare ports ng gigabit switch.
  • ok lang po ba yung mechanical keyboard for shop ?
  • ano ba magandang epson printer ngayon na maganda for docs, photo at photocopying?


    @chanrio

    naku sir. baka magtapon ka ng pera dyan. isang keycap lang mawala. lagot na. dami naman sir na alternative keyboard na sulit. gaya nung rakk. mas mura pa, mukhang mechanical din naman.
  • ano ba magandang epson printer ngayon na maganda for docs, photo at photocopying?

    ung epson L220 mukang ok ang bilis mag scan saka may lagayan na sya ng ink sa right side. un nga lang mahal din ang presyo. Gaming lang kami dito sa shop kaya sa labas ako nagpa scan.
  • Meron po kasi sa lazada 700 pesos lang mouse keyboard na mechanical nka sale.
  • ^baka yan yung zeus, umabot paako nung Monday na 399 hehehe yung kb/m combo nila kaso 24pcs lang nabili ko, mukang ok yung mouse pero yung kb mukhang bibigay agad pag sa SF players.
  • If youre about to choose between rakk gaming keyboard v2 versus a4tech anu po kaya mas matibay?
  • Ano po gmit nyo pang monitor ng prints? Blak ko kasi bmli printer pero need mamonitor ng print kasi nde ako bantay ng sarli kong shop
  • ^epson may sarili monitoring ng print, per page na black or colored
  • gud pm,mga sir normal lang ba ngaun sa mga new motherboard (emaxx fm2) need pa maglagay ng headset or audio device para malaro ang GTA Sa,at blanko din sa dxdiag ang sound/ device info pag walang headset,..pag meron headset completo mga info nakalagay,,may tama kaya tong nabili kong motherboard..


  • mga sir saan ba nanggagaling yang naglalawa na ink na yan? sa ink waste pad lang ba yan?

    -- edited by PCar on Feb 21 2017, 10:37 AM
  • @PCar

    Grabe yan ha! Anong model ng Epson yan?
  • T60 sir. Pinaservice ko nung nakaraan grabe sir kumalat ink. As in naglawa. Di ko naman masyado natagilid yun. Before nun wala naman lawa whatsoever. Simula nun nakita ko na ganyan.
  • Naka-cis na ba 'yan? Check mo yung dinaan ng tube sa likod baka nahatak at tumagas sa loob. Detachable yung pinaka left side sa likod. Dyan nakalagay banda ang waste tank ng epson t60. Matinding linisan yan!

    -- edited by maxx6740 on Feb 21 2017, 02:31 PM