Forum Topic

TPC National Lanshop Owners Kamustahan Thread

  • Hindi ko alam kung sira yung mikrotik na nabili ko or hindi naka-config ng maayos.


    Double check IP... and its config... from 2 modems and Mikrotik...
  • @Decikator2

    try mo sir na mag static ng isang units, IP 192.168.3.101, then sa gateway IP 192.168.3.1, baka naka disabled lang ang dhcp server ng microtik mo sir kaya ayaw mag bigay ng IP.
  • Dinala ko sa Cubao at pina-check ko yung mikrotik ko...gumagana ang dual wan...nakakapag-internet. Pero pag dito sa shop ay hindi makapag-internet.

    Parehong running naman yung ether1 at ether2 pag tiningnan ko sa 192.168.3.1/webfig/#interfaces
    Saksak ko yung modem sa ether1...running naman...lipat ko sa ether2...running din...saksak ko yung dalawang modem sa ether1 at ether2...parehong running din.

    Check ko yung 192.168.3.1/webfig/

    mode router

    address acquistion static ppoe

    ip address 192.168.2.25

    netmas 255.255.255.0 (/24)

    gateway 8.8.4.4

    8.8.8.8

    8.8.4.4

    dns servers 208.67.222.222

    208.67.220.220


    Ang dns ng dsl namin dito ay 124.106.7.37

    124.106.7.2

    Nuong binili ko yung mikrotik ang bilin sa akin ay 'wag kong baguhin yung config para hindi magkaproblema kaya hindi ko ginagalaw yung config. Eto kaya ang dahilan kung bakit walang internet????
  • @ka NLO

    Ngayong tapos na ang halalan, mangangamusta po sa inyo. Regarding po sa mga minor age. Ano po ang bagong patakaran sa inyong mga barangay.

    May senaryo po bang kapag may dumating na Barangay at kinukuha ang mga minors, pero walang abiso o letter bago kumuha ng mga minors ay puwede nila itong gawin?

    Pa share naman po ng mga rules or iba pang rules sa inyong Barangay. Salamat po...
  • Noon pa man masunurin ako. Awa ko na rin sa magulang. 10pm CLOSED. Haba haba ng maghapon. Pahinga tayong lahat ng 10pm.
  • Sangkatutak na mga piyesa ang nakatambak sa shop ngayon...nag-abroad ang kapatid ko...lahat ng nakatambak na mga piyesa sa kuwarto niya ay nilipat dito sa shop. Kailangan ma-inventory at maibenta bilang scrap...dagdag kita rin.


    Ngayong tapos na ang halalan, mangangamusta po sa inyo. Regarding po sa mga minor age. Ano po ang bagong patakaran sa inyong mga barangay.

    May senaryo po bang kapag may dumating na Barangay at kinukuha ang mga minors, pero walang abiso o letter bago kumuha ng mga minors ay puwede nila itong gawin?

    Pa share naman po ng mga rules or iba pang rules sa inyong Barangay. Salamat po...


    Malamang pag si Duterte na ang presidente ay hanggang 10pm na lang bukas 'tong shop namin...bawas kita. Bawal din ang mga estudyanteng naka-uniporme rito sa shop namin.

    Sana ay hindi matulad ang Pilipinas sa Venezuela pag nakaupo na si Duterte. Kawawa ang mga maiiwan dito sa Pilipinas.
  • Kung mayroong dapat unahin, dapat siguro yong mga nag-iinuman sa labas ng kalye at mga naka-tambay sa kalye.
  • Nag-init na naman ang ulo ko ngayon. Meron nanira ng bagong mouse namin dito...hinawakan sa cable sabay hinampas ng malakas sa table ng ilang ulit...pagkatapos ay pinilit na hatiin sa dalawa yung mouse. Galit pa at nagrereklamo na nag-lag siya. Pinalayas ko na lang at sinabihan na 'wag nang bumalik.
  • @decikator2

    Better to bring it sa pinakamalapit na brangay. Pabayaran mo kung may nasirang gamit as in 100% payment kasi brand new yong item na nasira. Kung gamit na for 2 months, 50% will do.

    Cycomatic ang tawag sa mga taong ganyan. Masyadong kasing nadadala sa emotion ng nilalaro.
  • ^mahirap pla yan buti yung tig 340 na mouse lang binili ko balak ko pa nman na mag buy ng mamahaling mouse for gamers hahahaha, endup buying jizz mouse yung may led.
  • Mula sa P6,104.04 ay naging P4.725.63 na lang yung isang pldt bill ko. Nagtaka nga ako kung bakit bumaba ang singil.

    Hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagana ang Mikrotik ko...dinala ko ulit sa binilhan ko. Sabi sa akin ay i-check ko ulit ang ip add ng modem namin sa shop...pagdating ko sa shop ay check ko ulit...hindi ko na ma-access yung modem(192.168.1.1)...nakakapag-internet ako kung naka-obtain automatically yung ip...pero pag nilagay ko sa default gateway ang 192.168.1.1 ay hindi ako makapag-internet.

    Mukhang nabago yung ip add ng modem ko...last week lang ay naa-access ko pa yung pldt modem ko pag nilagay ko ang 192.168.1.1. Nare-remote control kaya ng PLDT yung pldt modem namin???

    Need ko ng bagong modem....wala nang binebentang modem ang iGlobe sa Gilmore. Saan kaya ako makakabili ng modem na isasalpak na lang at gagana...yung hindi ko na kailangan i-config???

    Meron dito na taga-pldt na nagbebenta ng modem...yung nagre-repair ng dsl namin pag nasira. Hindi naman ako sure kung saan galing yung modem niya.

    Nagtanong ako sa Gilmore...pero yung binebenta na mga modem ay modem router na meron na rin wifi...ok kaya ang mga yon??? Need ko yung isasalpak na lang at naka-config na.
  • @Decikator2
    lahat naman sir syempre ico-config mo pa muna. ang hanapin mo na lang sir ay technician na magconfigure ng network settings mo.
  • @Decikator2
    lahat naman sir syempre ico-config mo pa muna. ang hanapin mo na lang sir ay technician na magconfigure ng network settings mo.


    Yung mga modem na binili ko sa iglobe ay lahat ay naka-config na...isasalpak na lang....katulad ng mga pldt issued modem...isasalpak na lang.

    Siguro ay pwede kong gayahin ko na lang yung config ng dati naming modem dito na galing sa iglobe.

    Hindi naman ako marunong mag-config. Malamang ay bumili na lang ako ng modem duon sa taga-pldt para naka-config na rin.

    Kapatid ko kasi ang technician dati rito sa shop...kaso nasa Amerika na. Sa youtube na lang ako umaasa para matuto.
  • Philippines Banning LOL, DOTA2 and MOBA's in Computer shops
    Wednesday, April 08, 2015

    MANILA - A bill has passed the hearing committee that will ban League of Legends (LoL), Dota 2 and other MOBA games in computer shops in the Philippines. This will be effective next month from the date.

    Filipino gamers were shocked as the news of their favorite pub games being banned hit the waves today. Many took to Facebook and Twitter their disappointment over the decision to pursue the ban after a double murder that occurred recently in Cavite over a LAN game of DotA (Defense of the Ancients).

    Mineski members were 'disgusted' with the move and expressed interest in possibly moving to South Korea or America to pursue their e-sports careers there in the MOBA leagues. The global gaming community also sent out their sympathy to Filipino games and called for an appeal with the local government.

    Dasmarinas has already banned the game of DotA inside computer shops, but after the nationwide ban was announced, many computer shop owners were confused and worried about losing their loyal hour-to-hour customers and patrons.

    <click here for link>

    Mukhang ito ang papatay sa negosyo natin mga ka-lanshop. Nabasa ko lang 'to sa 9GAG. Mukhang hindi totoo...April 08, 2015 pa 'tong news na 'to.

    -- edited by Decikator2 on May 24 2016, 10:01 PM
  • Pag naka-obtain ip add automatically ay nakakapag-internet ako pero hindi ko ma-access yung menu ng 1st pldt modem namin. Pero kung use the following ip address ang ginawa ko ay nakakapunta ako sa menu ng pldt modem...tama naman yung ip add ng modem(192.168.1.1)pero walang internet. Kulang na kulang ang knowledge ko.

    Ginawa ko ay obtain ip add automatically muna...tapos ay type ko ang cmd...tapos ay ipconfig /release...tapos ay ipconfig /renew...tapos ay use the following ip address...tapos ay type ko ang 192.168.1.1...saka ako nakapunta sa menu ng pldt modem.

    Sinubukan kong gawin din duon sa 2nd pldt modem ko....hindi ko ma-access yung menu. Nakakapag-internet ako pag naka-obtain ip address automatically...pero kung naka-use the following address ay hindi ako makapag-inter....hindi ko rin ma-access yung menu ng pldt modem.

    -- edited by Decikator2 on May 25 2016, 08:43 AM
  • ^reset mo nlang para mag punta sa default, basta nman pldt modem/router d na need config.
  • pag naka obtain at may internet ka ano ang binibigay na IP address at gateway? yung binigay na gateway ang try mo access sa browser.
  • @all

    saan kayo bumibili ng letter at long sized printing paper around q.c. thnx
  • Tiningnan ng tech thru teamviewer kung ano ang problema at hindi mapagana ang mikrotik...sabi sa akin ay naka-public ip ang dalawang modem kaya hindi gumagana.

    Brand at model ng modem ko ay:
    BAUDEC Model RN243R4-2T2R-A6
    at
    ZYXEL Model Number P-660R-D1
  • Mga sir ask lang meron ako i3 2100 with H61 mobo. Ok lang ba kung papalitan ko proc ng g1840? Salamat.
  • Wala na bang PLDT dsl business plan??? Tiningnan ko sa website ng PLDT ay wala na...homefibr at home dsl na lang. Dapat ay nasa 15mbps na ang speed namin. 10mbps pa rin ang speed namin dito. Kaya pala ang sabi sa akin sa Cubao ay marami nang lanshop ang na-upgrade ang speed sa 15mbps. Nagmura na ang dsl at bumilis pa.

    -- edited by Decikator2 on May 26 2016, 09:13 PM
  • ^

    Depende sa lugar yan. Meron kasing mga lugar or marami pa sa mga lugar ang hindi pa nalilinyahan ng PLDT fiber lines. Actually marami ibang lugar kahit PLDT dsl wala pa. Ok na sir yan speed na yan, mata-tyaga na yan kasi believe it or not noon 3mbps lang ako. Pero bawal youtube sa akin noon. Marami dito sa thread nasa rural area, wala pa pldt kanila. Pero ilan lang kasi dito malulupit na setup ng routers. Yung iba dual WAN or dual internet gamit.
  • @PCar,

    Hindi po pwede palitan ng g1840 yung i3 with H61 mobo, mag-kaiba po sila ng socket , yung i3 nyo po socket 1155(ivy bridge), yung g1840 socket 1150(Hashwell).
  • ang mikrotik bihirang gumana behind pldt's modem dahil treated sya as desktop computer lang na connected sa router.

    ang dapat mong kalikutin sa pldt modem ay kung panong sa mikrotik mo mapupunta yung ip public ip address na ibibigay ni pldt.

    depende sa modem pero ganito yung naaalala kong ginawa ko
    0. you may want to get the username and password for the internet, usually telephone number then account number
    0. backup mo yung settings ng pldt modem.
    0. rekta mo yung pc mo sa modem, tapos gawin mong static sa pc mo yung ip address na ibibigay sayo, note mo rin yang ip settings na yan
    0. disable DHCP ni modem para hindi mabigyan pc mo ng 192.168.x.x ip
    0. set the modem to bridge mode(WAN or ADSL page) usually dito mo din kailangan username at password
    0. set your pc to obtain ip automatically
    0. check mo kung public ip address na ibibigay sa pc mo at makakapag internet kana.

    pag nakapag internet kana sa pc mo ibig sabihin magkaka internet narin si mikrotik mo pag sinaksak mo sa modem

    mikrotik mo palang mag kaka internet, pero kung yung consumer mikrotik yang nabili mo baka magkainternet narin yung mga naka connect sa kanya

    hth
  • Ang sabi sa akin ng technician ay kailangan kong sabihin sa pldt na gawing 192.168.1.1 yung ip ng dsl namin dahil naka-public ip siya. Saka papalitan ng bagong modem sa pldt yung luma naming modem dito. Gagamitin namin yung QNO FVR300 bilang router sa pangalawang modem para maging 192.168.2.1 yung ip.

    [0. you may want to get the username and password for the internet, usually telephone number then account number


    Eto ba yung "username adminpldt password 1234567890" o iba pa yung tinutukoy mong username at password????

    Thanks.

    Yung pina-repair kong FVR300 na nagastusan ako ng 4k something sa iglobe ay sira na kahit hindi ko pa nagagamit pagkatapos ma-repair....natambak lang kasi bilang back up at hindi ko pa ginagamit simula nuong kunin ko sa iglobe. Dapat siguro ay hindi ko na pina-repair at nagastusan lang ako.

    Yung dalawang FVR300 sana ang gagamitin ko para mapagana ko na ang mikrotik dito sa shop.

    Pupunta ako sa pldt sa lunes...ipapabago ko yung ip ng dsl namin...at maitanong din kung bakit 10mbps lang ang speed namin samantalang dapat ay 15mbps yung dsl plan namin na 3k+/month.

    -- edited by Decikator2 on May 28 2016, 04:49 PM
  • Kagagaling ko lang sa customer service ng PLDT....gagawin nang 15mbps ang business dsl namin . 3-5days ang waiting time.

    ===========================================

    Sa 177 + 1 ako tumawag para mapalitan yung public ip ng dsl namin, Tatawagan ako after 4hours.

    ==================================================

    Ginawang PLAN4200(phone + DSL....8.5mbps up to 15mbps)yung lumang plan namin....plus me libreng telpad at papalitan ng bagong modem yung lumang modem namin. Meron lock in period na 3years. Nasa 500pesos lang ang ibababa ng bayad ko kada buwan.

    Pero mas mabuti kung PLAN3000(+700php for phone)na lang ang kinuha ko...hindi ko naman magagamit ang telpad....bababa pa ng 1k ang bayad ko kada buwan.

    -- edited by Decikator2 on Jun 01 2016, 04:13 PM
  • Hanggang 10pm na lang ang mga bata rito sa shop. Napanood ko sa TV yung mga pinaghuhuling mga bata.

    Sa kabilang shop ay wala na ring mga bata.

    Sa probinsya namin ay sa hapon na lang pwedeng magpapasok ng mga bata o estudyante sa mga kompyuteran. Tapos ay gagawin pa 'tong curfew na 10pm sa mga bata. Kailangang mag-adapt.
  • @decikator

    24 hours ka ba Boss?

    Ano kaya nangyayari sa TIPIDPC, pang apat na post ko na, pero hindi nag-aappear yong post ko. hehehehe...
  • Mula 10am to 12mn lang ako....pero madalas ay 12noon na ako nagbubukas.

    ==================================

    12noon na ako nakapagbukas ngayon...kinuha ko yung bago kong modem sa pldt.

    Tinanong ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naa-upspeed sa 15mbps yung dsl namin....ngayon lang sinabi sa akin na depende yon kung hanggang anong speed limit yung box na pinagkakabitan ng dsl namin. Mukhang hindi maa-upspeed yung dsl ko rito.

    Pag nakita ko yung taga-pldt sa lugar namin ay itatanong ko kung hanggang anong speed ang max dito sa lugar namin.

    -- edited by Decikator2 on Jun 03 2016, 12:28 PM
  • Dagupan to enforce curfew for minors
    June 3, 2016 - 2:54pm

    DAGUPAN CITY, Philippines (Philippine News Agency) — The city of Dagupan is bent on enforcing its long-standing ordinance imposing curfew for minors from 10 p.m. to 4 a.m. the following day, heeding the call of President-elect Rodrigo Duterte who proposed a nationwide curfew for minors.

    City Ordinance 1771-2003 requires parents, guardians, overseers of students and minors under their ward to require these minors to stay home. It also prescribed penalties for violators.

    <click here for link>

    -- edited by Decikator2 on Jun 03 2016, 03:23 PM