Forum Topic

TPC National Lanshop Owners Kamustahan Thread

  • @decikator2,
    Sa inkwarehouse sa cubao po din ako bumili at nagpaconfig ng mikrotik
    last october 2016,ok naman po. Baka po may nag-install ng modskin ng lol,
    cause po kasi minsan ng lag yung modskin ng lol lalo na pag may bug yung
    release nila.
  • Sobrang baho kanina sa shop...amoy na nabubulok na hayop o tao...pero pagkaalis ng last 2customer ko ay nawala yung amoy. Malamang ay may gangrenous na sugat kaya sobrang baho. Akala ko ay meron nagtapon ng kung ano sa basurahan sa labas ng shop.

    ======================================

    Meron akong customer na hinati yung isang bente pesos at saka nirolyo separately yung magkabaak para magmukhang dalawang bente pesos...at binayad sa akin. Dapat ay binubulatlat ng maayos ang mga perong nakatupi o naka-roll para hindi ka maisahan.
  • @Decikator2
    fight fight lang sir. ganyan talaga. sa 12yrs ko naman sa shop ang dami ko na rin na encounter na pasaway na customer. meron pa nga noon mga batang mangangalakal binaril ng pellet gun monitor ng timerpc ko. Nagmuka tuloy sapot ni spiderman.
  • Nag-iinit ang ulo ko ngayon...binugahan ako ng vape sa likod ng ulo habang nakaupo ng isang bata.... sabay takbo palabas ngayon-ngayon lang. Dami nilang magkakasama na pumasok sa shop...gusto lang palang mang-trip. Akala nila ay hindi sila makikilala dahil malabo ang cctv namin....kaya ang lakas ng loob...hindi nila alam na ang malabo ay yung monitor namin...sa monitor ng server ko kinabit at kitang-kita kung sino ang tumarantado sa akin...pati na yung mga kasama niyang bata na pangisi-ngisi habang pinapanood kung paano ako bugahan ng usok.

    Iba-ban ko na lang yung grupo nila...doon na lang sila maglaro sa kabilang shop.

    ==================================

    Nitong nakaraang linggo naman ay meron nagpawala ng ahas sa loob ng shop.
  • grabe mga bata dyan sa inyo sir, kakaiba ang mga trip nila parang nakakaubos ng pasensya. hayss
  • @Deci
    Lols tindi ng lugar niyo sir ah, anu ano exp mo na kalokohan. saan ba yan sir? pag sa probinsya yan pinulutan na yan ahas na mahuhuli. wahahaha
  • Nitong nakaraang linggo naman ay meron nagpawala ng ahas sa loob ng shop.

    sakin me tumae mismo sa floor ng shop. iba na trip ng mga kabataan ngayon.
  • anu ano exp mo na kalokohan


    Magpapa-open time tapos ay wala naman dalang pera. Nasa 30k+ php ang pautang ko sa shop...mga ayaw magbayad ng utang. Kaya matagal nang walang open time dito.

    Magrereklamo na binabawasan ko raw ang oras nila...io-open ko yung cctv namin...ipapakita ko kung anong oras sila umupo at kung anong oras na...kitang-kita naman sa time stamp ng cctv kung anong oras sila nagsimulang maglaro. Ang laki-laki ng led wall clock namin...lagi kong sinasabihan sila na basahin yung wall clock bago sila maglaro.

    Me nagrereklamo na hindi nadagdagan ng isang oras yung pc niya(PC-22)kahit nagbayad na siya....galit na galit pa...ang taas pa ng boses...dinagdagan ko siya ng isang oras. Ni-review ko yung cctv...nuong nagbayad siya ay PC-28 ang dinagdagan ko ng 1hr. Tinanong ko yung batang naglalaro sa PC-28...sabi ng bata ay pinalaro siya ng uncle niya na naglalaro sa PC-22. Ayun...tumahimik yung mokong at lumabas ng shop.

    Maglalaro ng 5 oras tapos ay babalik kinabukasan at binabawi yung perang binayad sa akin dahil pinapabawi raw ng nanay niya.

    Mag-e-exhibitionist sa shop...ilalabas ang pototoy niya at ipapakita sa mga babaeng customer...ihahampas pa ang uten niya sa table ko sabay labas ng shop.

    Sa tabong nakasabit sa drum umiihi imbes na sa inidoro. Lamog talaga. Kung walang ilaw sa kubeta ay malamang ay maipanghugas mo pa sa kamay yung ihi.

    Batuhin ang shop ko dahil hindi ko na pinapapasok dahil tumatakas at ayaw magbayad.

    Papasok sa shop tapos ay bubuhayin ang lahat ng pc tapos ay lalabas ng shop.

    Tatabi sa'yo tapos ay bubuhayin ang pc...hindi naman maglalaro. Papatayin mo yung pc. Bubuhayin na naman ulit. Tatanungin ulit kung maglalaro. Hindi sasagot. Papatayin mo na naman ang pc. Bubuhayin naman ulit ng ungas. Mukhang gustong subukan kung gaano kahaba ang pasensya mo.

    Magnakaw ng pera sa cash box ko habang ako ay umiihi.

    Kunin ang celfone naiwanan ng katabi at isosoli lang yung celfone dahil kitang-kita sa cctv yung pagdampot ng celfone at malinaw yung pagkakuha ng cctv sa mukha niya.

    Kalasin yung dalawang kable ng monitor pero nalimutan na takpan muna yung cctv. Tinakpan lang ang cctv pagkatapos kalasin yung dalawang kable. HIndi natuloy yung tangkang pagnanakaw dahil makikilala sila. Dalawang estudyante sa public high school na kilalang magnanakaw.

    Baliin yung brandnew headset namin ng bantay ng kabilang shop. Dumayo sa shop namin para manira lang.

    Silaban yung isang mouse namin hanggang matunaw yung plastic. Kaya bawal ang lighter sa loob ng shop namin.

    Lagyan ng chewing gum yung lens ng mouse. Madalas ay tinatanggal yung warranty sticker at yung ang sinasalpak sa lens.

    Ibuhos na lang sa sahig yung natirang sauce ng fishball. Dagdag trabaho sa akin.

    Ihampas sa table yung mouse at hatiin sa dalawa dahil sa lag.

    Kumain ng langka at idikit yung kamay sa monitor para bumakat ang dakta.

    Duraan yung mouse para walang maglaro.

    Papasok sa loob ng shop tapos ay susuka sa gitna sabay alis.

    Dadaan sa tapat ng shop tapos ay sisipain o itutulak ng malakas ang pintuan sabay alis.

    Nakatapak ng tae ng aso sa labas tapos ay papasok sa loob ng shop at ipupunas yung tae sa table, sa sahig at sa hagdan.

    Tumae sa kubeta at hindi magbuhos. Ginawa pa akong tagabuhos nila.

    Dumura sa sahig. Kadalasan ay yung mga batang mangangalakal ang gumagawa.

    Matulog sa ilalim ng computer table at mapagsaraduhan sa loob. Kinabukasan na makakalabas. Ginawang motel ang shop namin.

    Hatakin yung mga cable sa hub para mawalan ng internet connection.

    Burahin yung mga oras sa whiteboard para hindi masingil ng tama - hindi pa kami naka-handycafe nuon.

    Yung mga gustong manglamang...magbabayad ng 2piso pero sasabihin nila na 10piso ang binayad nila...meron nakatutok na cctv sa table ko...kitang-kita kung magkano ang nilapag nila. Meron manghihingi ng sukli kahit sakto lang ang bayad nila.

    Magbabayad ng pekeng pera. Kakabukas ko pa lang pero meron nang gustong magbayad sa akin ng pekeng isang libong piso. Meron akong money detector sa tabi ko.

    Nakawin yung mouse at memory ng computer.

    Nakawin yung mga mouse pad namin. Kahit nakapaskil na ang mukha nila dahil sa pagnanakaw ng mouse pad ay babalik pa rin at pasimpleng magnanakaw ulit.

    Nakawin ang game cards. Nasa 5k+ php na game card ang nanakaw sa akin ng isa kong player sa tindahan namin. Gumamit ng pangbingwit at biningwit yung mga game cards na nakatali sa goma.

    Gawing pamunas yung bagong mouse pad namin.

    Basagin ng sadya yung mga LCD protector ng monitor.

    Suntukin ang casing ng computer hanggang sa mayupi.

    Pindutin ng sobrang lakas ang button ng pc hanggang sa masira.

    Pindutin ng sobrang lakas ang AVR hanggang sa maitulak na sa likod at mahulog sa table.

    Meron gagong estudyanteng kumuha ng alcohol ko sa table at binuhos sa loob ng katabing pc. Ayaw mabuhay ng pc.

    I-disassemble ang headset. Kalasin ang mga turnilyo ng headset.

    Pukpukin o bayuhin yung keyboard hanggang sa mabali ang space bar.

    Nakawin yung mga keys ng keyboard. Mga walang magawang mabuti na mga tambay.

    Panggigilan at hatiin sa dalawa ang monitor dahil natatalo sa dota.

    I-hack yung timer namin para makapaglaro ng libre. Meron pang sumubok na magpa-refund ng 30php kahit 10php lang ang binayad. Nahuli ko lang dahil tanda ko kung magkano lang ang binayad sa akin kaya ko nalaman na meron nangha-hack ng handycafe namin.

    Dalawang upuan namin ang nasira dahil meron nagharutan na player. Tinulak niya yung dalawang katabi niya..natumba yung dalawa at yung dalawang upuan ay nabalian ng paa. 600pesos na agad na upuan ang nasira ng kumag.

    Ginawang upuan yung computer table...nasira dahil hindi naman upuan ang mga yon. Nakaturnilyo lang ang mga yon.

    Takpan ang mga cctv namin para hindi makita kung ano ang ginagawa nila.

    Sirain yung button ng monitor dahil sa kapipindot. Kahit paulit-ulit nang sawayin na 'wag pakialamanan ang monitor.

    istorbohin ang pagkain ko para magpapalit lang ng pera. Kumakain ako sa loob ng bahay namin tapos ay meron sisigaw ng malakas at tinatawag ako at nagmamadali pa...pagkalapit ko ay sasabihin ako na magpapapalit lang ng pera. Ang sarap sipain.

    Magsulat sa lamesa at dingding ng shop ng kung ano-ano.

    Tatambay sa shop at walang pasabing ire-recharge yung mga celfone nila gamit ang kuryente namin.

    Magdadala ng portable hard disk at isasaksak sa client pc namin para kumopya.

    Magsasaksak ng mga usb sa client pc na hindi nagpapaalam. Napansin ko na ang madalas na masirang motherboard namin ay yung magkabilang dulo na madalas na pinagsasaksakan nila ng usb. Kaya bawal na bawal dito sa shop namin ang magsaksak ng usb.

    Kukuha ng basura sa labas at itatapon sa loob ng shop. Mga walang magawang matino.

    Tututukan ka ng laser sa mukha...itututok pa sa mata mo. Mga kulang sa palo at sinturon.

    Hahawak sa sa'yo at papahiran ka ng sipon. Gustong talagang sagarin ang pasensya ko.

    Lalagyan ng langgam sa likod ang mga customer ko...maski ako ay nilagyan din sa likod.

    Tuklapin yung computer table.

    Meron tarantadong kumuha ng upuan ko...napatihaya ako sa sahig nuong pag-upo ko...akala ko ay meron napunit na muscle sa balikat ko dahil sa pagkabagsak ko dahil sumakit ng todo at hindi ko maigalaw.

    Lagyan ng paputok ang pintuan ng shop. Trip lang nila.

    Meron pumasok sa shop namin na binatilyo at hinamon ng suntukan ang isang player dito...pinalabas ko pareho...nag-away sila sa labas. Pagkatapos mag-away ay pumasok ulit dito sa shop ay naghamon naman ng suntukan. Sinusubukan talaga ang pasensya ko.

    Lagyan ng balat ng saging o bote yung hagdan ng shop para meron madulas. Pag meron naaksidente ay ako ang mananagot dahil sa kagaguhan nila.

    Sumilip sa exhaust fan mula sa labas tapos ay sisigaw ng napakalakas kahit malapit nang mag-alas dose ng gabi. Galit na galit ang ermat ko nuon dahil nabulabog ang tulog nila.

    Tirahin kami ng pellet gun mula sa labas ng shop. Akala siguro nila ay hindi sila papatulan dahil mga bata lang sila.

    Sisilip sa exhaust fan at mandudurara gamit ang straw ng softdrinks. Maski ako...dinuraan ako sa mukha. Mga tarantado talaga.

    Meron mga batang mangangalakal dito na palihim na sumisinghot ng solvent at rugby...amoy na amoy ko sa hininga nila. Saway ako ng saway pero ayaw makinig.

    Mga batang marunong nang manood ng porn kahit bawal sa shop namin. Mga wala pang 10yrs old na mga bata. Malamang ay napapanood nila yung mga magulang nila habang nagse-sex. Mga paupahan kasi ngayon ay sobrang liliit kaya kitang-kita ng mga bata kung ano ang ginagawa ng magulang nila.

    Mga naglalagay ng keylogger - hindi pa uso ang deep freeze.

    Mga nagse-set sa web browser ng hurr durr/gay porn. Wala pang deep freeze.

    Isi-system restore ang mga pc sa earliest restore point - nuong pagka-install ng windows. Wala pang deep freeze. Sarap batukan.

    Mag-i-install ng autoexe.bat na pang shutdown ng pc tapos ay lalagyan ng icon ng warcraft para pag click sa icon ay magsha-shutdown ang pc. Akala tuloy ng mga customer ko ay sira.
    Wala pa kasing deep freeze.

    Malapit nang mag-20 years 'tong shop kaya ang dami nang nangyari. Hindi pa uso ang internet nandito na 'tong shop na 'to.

    -- edited by Decikator2 on Jun 22 2017, 03:12 PM
  • ^ sir di ko na natapos basahin yan mga katarantaduhan ginawa sa yo. Pero sa tingin mo kelangan mong gumawa ng hassle muna kahit pa mapa brgy ka. Manakit ka na muna siguro ng isa hanggang tatlo. Suntukin mo na sa muka. Manakit ka na. Kapag ganyan kinakaya kaya ka na ay pinagkaka isahan ka na.

    Pero tingnan mo rin sir sarili mo kung wala ka ginagawa nakaka offend sa kanila. Kung wala sige tadyakan mo na.

    Regarding deep freeze, sir tagal na yan. Wala pa ako shop gumagamit na ako nyan. That was before year 2005. Ewan ko lang kung ano year ka nag start.

    -- edited by Ripantnow on Jun 22 2017, 08:11 AM
  • daming loko loko sa lugar nio sir.. one time me nambato sa shop ko at nabasag yung glass, hinunting ko tlaga yung mga kabataan..ayun hindi naman na bumalik.. saka sa area namin, mababait ang customers at mataas respeto nila sakin kasi nakikisama dn ako sa kanila..

    maiba ako, anyone here na gumagamit ng half diskless?
    mas mababa ba ang server requirements kumpara sa full diskless?
  • Decikator2

    mga kampon ng demonyo mga customers mo jan ahh!


    maiba ako, anyone here na gumagamit ng half diskless?
    mas mababa ba ang server requirements kumpara sa full diskless?


    yes paps mas kahit minimum requirements pede na
  • @tracer1

    Thanks sir.. user friendly po ba? sir pede mo ba ako i PM about that ksi feeling ko eto na sagot sa never ending updates ng dota 2 eh. nahihirapan na ksi yung bantay ko sa araw2 na pag uupdate..
  • ^yes paps user friendly din naman para isang update-an kanalang bat pala di mo nalang i full diskless?
  • marami sa complain mo sir Decikator2, naranasan ko din, kaya ako dito, naka magnetic lock na yung pinto, gumawa sila ng kalokohan sa loob, siguradong hindi sila makakalabas ng shop at makakaharap ko sila, isa pa naka account na kami dito, at tinuruan ko yung mga costumer ko na busisiin muna nila yung pwesto na gagamitin nila, i-inform ang bantay pag may napansin na problema sa pc na gagamitin nila, naka diskless kami kaya sa server na ako ng oopen ng mga PC tapos sa PC/client naka disable yung Shutdown, tapos hindi naka kabit yung mga wire sa System panel connector

    yung sa ugali naman, mahirap yan, ang advice ko wag mo sasaktan, kung kaya mo i hold, gawin mo tapos humingi ka ng assistance sa barangay (kung nasa residential area) or pulis
  • ^

    May tama rin sir sir albertekiz. Kung may paraan na hindi saktan sige wag mo na lang saktan "muna" ^_^
    Perahan mo na lang ng madala. Hayaan mong makinabang din ang brgy para ganahan sila manghuli. :D
  • Ripantnow

    May tama rin sir sir albertekiz. Kung may paraan na hindi saktan sige wag mo na lang saktan "muna" ^_^
    Perahan mo na lang ng madala. Hayaan mong makinabang din ang brgy para ganahan sila manghuli. :D


    hahaha! oo sir turuan ng leksyon yung mga kostumer na ganyan lalo na yung mga tambay, sa pagkakatanda ko, dumaan ka din sa mga senaryo na ganyan sir Ripantnow, kasi once na sinaktan natin yang mga yan, posib;e na pwede nila tayong balikan or lalo lang nila gaguhin yung shop natin or baka kasuhan pa nila tayo pag sinaktan natin, ipasanatin sa pulis or sa barangay tapos saka natin kasuhan sa mga kalokohan nila, pabayaran natin sa kanila yung mga nasirang mouse, keyboard, headset at nawawalang memory, need na may sampolan yang mga yan para maipakita natin sa kanila na tayo ang boss pag nasa loob sila ng shop natin
  • @albertekiz
    Sa tagal ko na dito sa thread ay naikwento ko na rin siguro lahat ng mga katarantaduhan ng mga customer ko dito. Pwera discrimination pero squatters kasi iba mga customer ko. At yung iba naman hindi naman taga squatter pero ugaling squatter. Pero marami na nawala ngayon. Matumal na kasi. Yung mga loko loko noon ay tumanda na at baka may mga trabaho na. While yung iba baka sa iba na nakatira.

    Pero talo ako ni sir Decikator2 sa tabi ng pinagdaanan problema sa shop. Tibay ni sir! hehehe!
  • may gumagamit ba ng Gcafe dito?

    pwede ba lagyan iba rate ung iba PC? kunwari 10/hour.. pero ung VIP PC eh 20/hour?

    Thanks
  • @Decikator2

    may bata din ditong nakaka urat di ko naman masaktan kasi bata,
    sisigaw sa loob ng shop
    nanakawan ng pera yung mga bata sabay takbo
    kokotongan yung mga customer habang naka talikod tapos isisisi sa iba.
    papaputok sa loob ng shop sa new year sabay takbo.
    nag hahamon ng away lagi.

    ang sarap bumili ng sniper riffle tapos ssnipe ko sa malayo papatamaan ko sa sakong or tuhod para di na makapunta sa shop ko haha.
  • Grabe naman yang lugar ni Sir Deci, lugar ba ng mga "informal settlers" yan? Isara mo na yung c.r. mo para mabawas sa trabaho.
  • May gumagamit pa po ba dito ng winxp? kasi madami ako softwares na gumagana sa winxp pero di gumagana sa win7 gaya ng classroom spypro para imonitor ung mga ginagawa ng mga customers, madami kasing nagdadownload ng movies kaya bumabagal ang net ko... Pano po ba mapagana yung mga aoftwares ko na gumagana sa winxp pero di gumagana o di mainstall sa win7?
  • ^ try compatibility mode
  • @diktator

    inaabuso ka na sir... ako sa una plang sa mga branch namin pag nandun ako hindi ako natawa, siryoso ako at puro sita... pag mabait ka aabusuhin ka talaga... mabait din nman ako pero dapat hindi ka papaaubuso.

    negosyo yan hindi nman ilegal ang business mo pwde ka mag pabarangay or if alam mo 18 up bigwasan mo ng isa or kahit pitcharahan... lagay ka din ng bakal. kahit wag mo labas lagay mo lang sa clutchbag para may dating pag niyabog mo sa dibdib... 1 lang iiwasan mo yung minor de edad, pag ganun patawag mo sa brgy ang mga magulang dun kyo mag usap at dun mo pakita ang ibedensya... wag mo ikakalat kaso pa yun sa brgy lang... pero pag 18 up gulpihin mo na wla ka kaso dun.
  • Mga sir ask ko lang magakano po ang print/photocopy ng:

    Short
    Black & white=?
    resume with colored pic=?
    half colored=?
    full colored=?

    Long
    Black & white=?
    resume with colored pic=?
    half colored=?
    full colored=?
  • Meron na naman bang curfew ngayon dito sa Kalookan??? Wala naman nagpupunta ritong mga tanod.

    Meron kasing isang bata na nagpunta ngayon dito at nagtatanong kung meron nagpuntang tanod dito kahapon tungkol sa curfew.


    Curfew hours mahigpit na ipapatupad sa Caloocan City
    Posted By: Bombo Jovino Galangon: September 05, 2017 | 2:31 AM
    <click here for link>

    -- edited by Decikator2 on Sep 10 2017, 10:14 PM
  • @Decikator2
    Ako meron o walang curfew ay sarado ako 10pm. Sir sa lupit ng mga customer mo, di ko rin mare recommend na magpa lampas ka curfew hours. Mas maraming loko kapag gabi.
  • Mga sir pwede pa kaya magtayo ng shop? kaso yung nagiisang computer shop samin bulok na ang mga computer pinagtyatyagaan na lang talaga pag wala ng choice mga taga samin. virus infected pa ang mga pc nung huli ako gumamit hehe... Ang problema lang walang wired samin mas nakakaakit sana kung may wired para mabilis ang internet ang pinakapossible lang is broadband. Unlike before mahina pa ang broadband ngayon mukhang okay naman na ata (cross finger). What do you think mga sir? walang babayarang renta pero maglalabas ng puhunan para sa pagpapatayo ng pwesto, computer at syempre ISP
  • @godlike00
    ikaw sir makaka tantya depende sa pagkakakilala mo sa market sa lugar nyo. Yung sa internet naman, pwede naman unahin mo ipakabit na yan kahit wala pa shop, kung pangit, ipa convert mo na lang na residential hanggang matapos lock in period at sa bahay mo na lang gamitin
  • Kaninang 10pm...meron nagpunta ritong 2 tanod para tingnan kung meron mga bata sa loob ng shop.

    Hapon pa lang ay sinasabihan ko na yung mga bata rito na meron curfew...kaya bago mag-10pm ay sinabihan ko nang magsiuwian na sila. Mawawalan ng trabaho yung mga batang namumulot at nagtatapon ng basura sa gabi.

    Dapat kasi ay ikulong yung mga magulang ng mga batang nahuhuli na lumalabag sa curfew...mga magulang ang responsable sa pagdidisiplina sa mga anak nila....hindi nila ginagawa yung tungkulin nila bilang magulang.

    Dami dito sa lugar namin na mga bata na pinapabayaan lang ng mga magulang nila...dami ritong mga bata na kasali sa mga gang na laging naghahanap ng away...dami rin dito na nagso-solvent...nagtataka nga ako kung ano ang ginagawa ng barangay namin duon sa mga nagbebenta ng solvent sa mga bata.

    ==========================================================

    Medyo tumahimik ang shop ko ngayon...meron 4 na bata na nangbato sa akin nitong August 29...naka-ban ngayon dito sa shop. Tinamaan ako ng solid sa tenga...nag-init ng husto ang ulo ko...hinabol ko...naghiwalay silang apat...hinabol ko yung isa hanggang sa sementeryo...kaso ay hindi ko inabutan...ang bilis tumakbo. Nagpunta sa shop yung erpat ng isa at dala-dala niya yung anak niya...pinalo sa loob ng shop at sinabihan na humingi ng tawad sa akin. Hanggang ngayon ay hindi na nagpapakita sa shop.

    ===================================================
  • ^ lol! unlimited talaga pasaway dyan.