Forum Topic

TPC National Lanshop Owners Kamustahan Thread

  • dito okay pa nman kahit madami nang katabi
  • blueprince Send Message View User Items on 08 Nov 18 @ 06:46 AM #

    dito okay pa nman kahit madami nang katabi

    may shop ka na ulit pre?
  • end of 2018, kamusta na ulit mga masters =)
    latest specs natin jan? ;)
  • Yes mga lodi latest specs natin jan?
    Planning to open a shop dito samen sa province, hope makahingi ako senyo tips and tricks. Thank you
  • Happy New Year mga Papi... kamusta na ang buhay Lan Shop Owner?

    -- edited by jawslash on Jan 10 2019, 09:00 PM
  • may tanong lang ako sa mga lanshop owners, medyo luma na yung tanong eh.

    ang counter strike condition zero at saka war of the ring, nalalaro pa ba? i-install daw sa laptop eh.
    mga lumang games na sila, pero original naman yung mismong game. sealed pa nga ang kahon eh
  • dying na itong thread dahil sa FB groups.

    -- edited by burnok on Feb 10 2019, 09:12 PM
  • @ sir Jun - wala na nagllaro sa lanshop nyan...dini delete na to save disk space.
  • up natin ito cancer na mga FB groups.
  • musta mga sir ? naka maintenance ba ang FB ?
  • sir/mam meron na po bang switch na me qos or bandwith limiter per port or smart qos.....switch po hindi po router
  • Meron din palang FB group ng mga nagbebenta ng mga 2nd hand computer/computer parts na karamihan ay galing sa mga nagsaradong computer shop.

    https://www.facebook.com/groups/868704056489019

    Mas madali siguro ibenta kung per spare parts ang benta kesa buong unit.

    Nakakalungkot din na makita na napakaraming computer shop ang sunod-sunod na nagsasara.

    Celfone lang pala ang magpapataob sa maraming computer shop..hindi mo na kailangang pumunta sa computer shop dahil kaya na ang mga celfone ngayon na doon ka na lang mag-chat, facebook, youtube at maglaro ng mga online games.

    Mobile legends ang pinakapatok ngayon na laruin sa celfone...nawala halos yung mga naglalaro ng LOL at Dota2 sa mga computer shop dahil sa ML.
  • Maintenance pa rin ang ULOP...o sarado na???
  • I'm baaack! Yung akala ko noon ay quit na, hindi pa pala. Mahirap din pala iwan itong business na to na maraming taon na kasama. If you guys remember dec2017 nagclosed na ako. Pero mga 5 months after ko maclose nagumpisa ko sya mamiss ng todo. HIndi lang isa beses ko napanaginipan at ramdam na ramdam kong gusto ko bumalik. Assume kaka 1 month ko pa lang now nago operate. Iba location na rin, bukid na.

    Had to upgrade old units. 26 units ako pero kalahati lang yung naupgrade ko mobo, procy, ram para lang maging playable na sa ROS Dota2. And then bili lahat ng bago headset, mouse, keyboard, mouse pad. Panibago wire ng kuryente. Exhaust fans, wall fan, 17" Monitors pa rin ulit, hardwares ng server, repair ng printers, UPS, at kung ano ano ano ano ano pa para lang makapag operate na ulit nitong shop.

    Mura nakuha ko pwesto sa bukid. Kaso nga lang ang tumaaaaaal!!! Dito ko nararanasan minsan yung 150 sales 9am-4pm. At ang nagiging average sales lang 400-500 halos. Lumalakas na sana ako pakonti konti noon kasi bukid na nga lang dami pa rin kalaban nasa sarili bahay. Konti units nila pero marami sila. Kaya eto, tyaga tyaga lang. Sa service na lang babawi hopefully kapag nakilala na ng husto.
  • Sobrang tumal na ng computer shop dito sa lugar namin...yung mga tig-15pesos/hour ay nag 10php/hr na para lang may makuhang customer....pero matumal pa rin.

    Buti na lang at hindi ko natuloy yung pag-a-upgrade ng mga pc dito sa shop kaya may ipon pa rin ako.

    Tingin ko ay hindi na profitable ang mga computer shop dito na marami ang mga pc...mga 10-15pc ang ideal na dami...saka kailangan ay meron kang ino-offer na mga services...sa services na lang talaga kikita ang mga computer shop dito sa lugar namin.

    ===========================================

    Ang dami na rin nagbebenta ng mga 2nd hand computer na wala pang 1 year old at may shop warranty pa. Kawawa naman yung mga may-ari...pumasok sila kung kailan palubog na 'tong industriya natin.
  • ^ Tamad na ako backread pero I mentioned naman yata noon na yung pang upgrade ko ng pc noon ay sa iba ko na business pinasok at nagquit na ako. Yun nga lang yung pinasukan ko business hirap din ng kita.

    Yes agree ako, parang ang ideal na lang now ay 15 units. Etong kalahati units ko halos di nagagamit. Naka abang lang sila sa surfers pero wala na rin naman mga yan. Ewan lang kung maisipan ko to ilipat sa mas bukid pa sa bukid hehe! Meron bang ganun. Yung masaya na sa dota1, L4D, NFSU2, CS1.5, at kung ano ano offline games. At mga lumang online games.
  • May nadiskubre ako...nawala yung cravings ko sa pag-inom ng softdrinks nuong uminom ako ng sabaw ng buko...dati ay nakakatatlong 750ml na softdrinks ako araw-araw...ngayon ay hindi ko na hinahanap ang softdrinks.
  • ^ hehehe! totally random stuff yan sir ah. Naku iwasan mo yan softdrinks. Ako kahit papano sa foodchain lang nakakainom nyan.

    Open ako today, pero bukas magsara ako. Wala rin masyado customer now, baka maaga na lang din ako magsara.
  • @Sir rip,

    Open din ako ngayon, baka maaga din ako mag-close mamaya.

    -- edited by cybx1234 on Apr 18 2019, 01:48 PM
  • ito buhay parin..
    go lang ng go..
    go with the flow!
    kailangan may tactics para tauhin talaga ung shop
    importante upgrade2x buy n sell sa tpc pra mura upgrade hehe!
  • Kala ko makakasara ako maaga, dumating mga pang gabi ko. Til 10pm pa rin ako, normal closing hours. BIli sana ako pizza sa shakeys kainin bukas. Magclose muna ako bukas. Katakot baka walang dumating customer at ako lang andito. 15km pa to exactly sa bahay namin. 30km din everyday byahe ko. And 2k gas monthly allowance. Yan yun isa sa lamang sa akin ng kalaban ko kahit maliit lang sila shop tapos wala sila upa.

    -- edited by Ripantnow on Apr 18 2019, 08:33 PM
  • andito la pala kayu
    mga papz pwede ba ma update ang os na naka vhd na?
    salamat
  • @rayrayken2012
    diskless? di ko pa natry kahit maginstall ng service pack.
  • @Ripantnow

    yes sir.. diskless
  • Ang malas naman. Nakakainis! Inagahan ko pa naman mag open. Pagdating ko walang internet. Ngayon lang almost 2pm nagkameron. Kaso wala na, zero customer, andun na for sure sa kalaban ko sa tagal nila naghintay. Assume 2hrs each mga yun. Matumal na nga nawalan pa lalo. PLDT!!! Ok naman fibr ko buong march, wala dc kahit isa, pero eto lang april17 nagstart magkaganito.

    May ip ang modem pero walang internet. Kelangan pa itawag para maayos. Ang another prob is kahit naitawag ko na di rin kagad nila maayos kahit natry na nila troubleshooting dun kagaya today....

    sh/t happens!
  • Lumindol dito ngayon sa lugar namin ng malakas.
  • @Decikator2
    Akala ko kanina nahihilo lang ako, tiningnan ko pa kagad lalagyan ko ng tubig kung gagalaw. Mahina lang naman dito. Naconfirm ko lang na lumindol talaga dun sa mga kachat ko
  • Tumiklop na ata ang ULOP...sobrang tagal na pero maintenance pa rin ang nakalagay. Maski yung facebook page ng ULOP ay wala na rin.
  • Bihira na ako magbasa sa thread, pumupunta lang din ako ULOP kapag may need research. Dito naman sa tpc dahil iisang thread lang naman to kaya nabubuksan ko pa, madali pa subaybayan.

    @Decikator2
    Musta kita sir? Naglabas pa ulit ako 200k para lang marevive ulit mga units ko at makapag setup sa malayong lugar na, bukid. Pero sa situation ko now, ewan kung dahil summer lang, pero sa current sales, 3yrs na di pa ROI sa 200k. Hirap pa rin buhay. Although 1 month mahigit pa lang naman ako now. Kaso same faces ako everyday, yun ang problema ko. Walang bagong customer napapaunta dito kahit may malaki na ako ads sa labas.
  • Survival mode pa rin...pahina ng pahina ang kita...nawala na yung mga regular kong customer...mga bata na lang halos ang customer ko rito.

    Hindi ko na rin mababawi yung ginastos kong 200k+ php na ginamit ko sa pag-upgrade ng mga pc at pinang-maintenance ng shop simula nuong 2016 nuong iniwan sa akin ng kapatid ko 'tong shop.

    Nuong iniwan sa akin ng kapatid ko 'tong shop ay nasa 50+ ang pc rito...ngayon ay nasa 28 pc na lang.