Forum Topic

TPC National Lanshop Owners Kamustahan Thread

  • @Decikator2
    2016 pa huling upgrade mo sir? unless magandang gpu yan, mukang kelangan mo na ulit upgrade sir. Kaya ako kahit kalahati man lang ng total units ko pinilit ko upgrade or else wala pa rin talaga gagamit. Ngayon kahit 26 units ako, 13 units lang ang nagagamit. Yung iba wala nakatunganga lang. Dinala ko na rin lang dito sa pwesto ko tutal isang bayad na rin lang naman sa upa.
  • Mga GT730 2gb ang gamit kong video card dito sa shop...matagal na matagal pa bago ako mag-upgrade ulit ng video card.
  • ^ ang alam ko sa GT730 ang maganda version ay yung GT730 64bit ddr5 kasi noon plinano ko din upgrade pero I decided lang noon isara na shop at ipasok sa ibang business yung pang upgrade. Now bumili na lang ako bago board, procy at ram. tsaka bago keyboard, mouse, headset, mousepad.
  • Gagawin kong copy center na lang 'tong shop...focus na lang ako sa xeros at printing...sobrang tumal na ng rental ng computer dito sa lugar namin.

    Magpo-focus na lang ako sa services...secondary na lang ang rental ng pc...babawasan ko ng kalahati ang mga computer namin dito.
  • ^ ako sir slowly improving naman sa rental sales. Focus lang sa kung ano ang strenghts mo. Ako mura upa ko at internet ko kasi residential lang lugar ko so mababa kota ko. Yun nga lang, ang kalaban ko mas mababa upa kasi sariling bahay, hawak pa nya oras nya. Ako upa+gas pa.

    Mag upgrade pa ako pa isa isa pa.
  • Galing ako sa Divisoria...naghahanap ako ng plastic sealer...una kong napagtanungan na tindahan ay 1.2k php ang benta nila....naisip ko na masyadong mahal dahil pagkatanda ko ay wala pang 500pesos nuong bumili ako dati kaya naghanap ako sa iba...nakakita ako...600pesos yung pangalawa sa pinakamalaki. Masyadong matakaw sa pera yung unang tindahan na napagtanungan ko. Kailangan talaga ay magka-canvass ka para hindi ka maloko.
  • Naghahanap ako ng bnew na Xeros photocopying machine...meron akong nakitang ads na 40k php lang at bnew....yun pala ay hindi naman Xerox ang brand kungdi ay Kyocera...akala ko tuloy ay ang mura na ng Xerox. Meron kaming nabili dating xerox copying machine na 2nd hand kaya lang ay sirain naman...walang kwenta.
  • Mahal naman ng photocopying machine, di ko rin afford yan.
  • hingi lang idea kung ano magandang gamiting headset for comp shop budget is 350 and below, yung matibay sana para tumagal.
  • @eiron26
    yung very common na allan headset? pero kung ako lang dun na ako sa tig 380 pesos na badwolf o kingbao o kung ano man na ganun ang hitsura. Maarte na kasi ngayon. Problema lang dyan kapag nasira ang laki loss.
  • Nasa 280pesos lang ang badwolf headset sa binibilhan ko sa Monumento Kalookan...nasa tapat lang ng Gracepark Churh na katabi ng PLDT.

    Nasa 60pesos per pair yung pamalit na earfoam ng badwolf...mas maganda pa na gumamit na lang ng facetowel para hindi nakadikit yung earfoam sa tenga. Pwede rin na magpasadya ng parang punda para sa headset para araw-araw ay palit lang ng palit.

    Maganda rin na i-tape yung cable sa headset para hindi direktang mahatak at maputol ang cable.
  • Tanong lang po mga master,

    Ano po kaya magandang gpu para dito:

    G4400
    Ecs h110m4-c3d
    4gb kingston ram

    Para makalaro po sana ng pubg.
    Salamat po.
  • Nasa 280pesos lang ang badwolf headset sa binibilhan ko sa Monumento Kalookan...nasa tapat lang ng Gracepark Churh na katabi ng PLDT.

    Nasa 60pesos per pair yung pamalit na earfoam ng badwolf...mas maganda pa na gumamit na lang ng facetowel para hindi nakadikit yung earfoam sa tenga. Pwede rin na magpasadya ng parang punda para sa headset para araw-araw ay palit lang ng palit.

    Maganda rin na i-tape yung cable sa headset para hindi direktang mahatak at maputol ang cable.

    Good idea sir yung itape. Although di ko naiisip kung saan at paano maganda itape etong badwolf. Nakalimutan ko na bili ko sa akin, pero mas mababa ng 10 pesos yata sa price sa lazada na bulk.

    @keex_bass
    sorry sir di ako familiar sa mga gpu. small time lang shop ko, wala separate gpu.
  • Ako din naman sir small time lang din. Hehe. Hintay na lang ako ng sasagot.
  • G4400
    Ecs h110m4-c3d
    4gb kingston ram


    goods dito gtx 960 or 970, rx 460 or 470.
    may slight bottleneck nga lang, medyo mahirap si processor sa ibang games.
    PUBG is CPU intensive game, so most likely low-med sa 1080p, med-high sa 720p

    kung kaya mag i3 go, pero kung wala, okay lang.
    kung may mahanap kang 1050ti na mas mura kesa dun sa suggest ko mas okay.

    -- edited by akosichoii on May 24 2019, 03:57 PM
  • Thank you master sa reply.
    Ano po mas ok sa tatlo; gtx 960, gtx 750ti at rx 550?
  • Lalong humina ang mga shop dito sa lugar namin simula nitong pasukan. Wala na halos na naglalarong mga nag-aaral sa college...panay mga bata na lang ang customer.

    Naglipatan na sa celfone ang mga customer.

    ==========================================================

    https://www.facebook.com/groups/868704056489019/permalink/3328567173836016/?sale_post_id=3328567173836016

    May bibili kaya ng 2m php dito...eh papalubog na ang lanshop business. Mukhang biglang humina rin sa lugar niya. Sobrang laki ng shop niya...mga 10-15pc na lang ang ideal na laki ng computer shop ngayon...dagdag na lang ng maraming services.
  • ^ ako medyo lumalakas naman pero matumal pa rin matatawag. kasi sa dami ko pc ay swerte ko na maka 1k ako. Pero target ko now na kota 1k. Mababa naman expenses ko.

    pero bagsak ako sa services, halos wala.
  • @Ripantnow....meron na bang vdsl2 o fibr sa lugar nyo???
  • @Decikator2
    oo naman sir, maraming taon na sir na meron. Matagal na ako naka fiber kahit dun sa dati ko pa shop. Sobrang halaga na naka fibr now, ang lalaki pa naman ng mga patches ngayon, at meron pa mag laro na sobra dalas magpatch kagaya na lang ng SF Bull at dota2. 25mbps lang ako.
  • ano na balita sa inyo dito? kamusta mga negosyo?
  • @Ripantnow
    sir your back na pala sa computer shop business buti naman . Kami eto survival mode pa rin, may nagtayo kasi ng pisonet sa amin ung isa katabi pa namin ung isa sa dulo ng street kaya nawalan kami ng customer. ang masama pa dun wala silang business permit sa munisipyo at Brgy permit lang sila tapos ayun binaba pa sa 8mins per piso.

    Walang choice kundi i convert na rin sa pisonet ung mga units namin. Paunti unti bumili kami ng pisonet dual coinslot para pwede sa 2 computer.
  • murang headset na ok naman ay ung Invons headset, kaso matagal ng out of stock . 2016 pa ung ibang headset dito na invons pero ok pa naman ung iba . nababagsak kasi kaya nawawala ang tunog nya di ko alam i repair. P130 dati sa easypc ewan ko na ngaton kung may mabibili pa nun.
  • @pctechdude
    balik shop ako, kaka 3 months lang. Yun kasing nilipatan ko business di naging ok pero tuloy pa rin naman. Yung piggery at yung isa na alam mo na kung ano wag mo na lang sasabihin kasi secret ko pa rin yun til now. Shhhh..

    @ceramic
    mababa pa rin pero medyo going strong na naman ako kasi padala dalawa nakaka upgrade na ako ng units monthly, entry level nga lang. Lahat ng kinikita sa shop improvements ko lang pinapasok.

    At dahil 2 units lang naman monthly, dito na rin ako bili. Board, procy, ram lang naman binibili ko. Para malapit pa-RMA. Pero yung una ko batch na 7+6 sa gilmore ko binili, biglaan kasi. Although meron sana makunan mas mura, kaso oras kalaban ko nun.

    Now 15/26 ko ang medyo decent na. Daan lang sa tyaga.
  • ^sir anong specs po ngayon ang pwedeng iassemble kapag magstart ng computer cafe? plan to buy atleast 4-5 unit pang internet lang at walang games kasi malapit school.

    thanks
  • ^ kung pang internet lang wag ka na bili bago. May nabibili mga nasa 7k lang whole set na.
  • Magtanong naman po pwedeng bang i-wireless network ang L120, usb to converge wifi modem via usb? patulong naman po paano ba sisimulan.

    salamat
  • magandang gabi po.. ano pong setup ang panalo sa halagang 10k, sensya na po baguhan pa lang po
  • @albertekiz
    hehe! baguhan daw!

    balita na ba sir?
  • Naka-disabled na ang wifi ng pldt router namin...napansin ko kasi na walang nagrereklamo ng lag sa CF nuong naka-disable ang wifi ng pldt router namin. Nasa 130mbps ang speed ng internet namin dito. I-turn on ko na lang yung wifi tuwing sarado ang shop.