Forum Topic

TPC National Lanshop Owners Kamustahan Thread

  • @Decikator2
    25mbps lang ang akin. naka on wifi pero ako lang gumagamit at di rin palagi. Pero meron ako bandwidth management, luma na nga lang pero kahit pano working pa naman. Tomato flashed router lang.
  • mga papi, may nakaexperience ba ng ganitong problem ngayon sa filing?

    "your tax return was not submitted....
    -no internet connection
    -slow internet connection
    -overly restrictive firewall"


    nadisable ko na antiv and firewall pero ganyan pa rin :/
  • Pahina ng pahina na ang mga computer shop dito sa lugar namin. Wala nang future 'tong lanshop business...mga bata na lang halos ang mga customer.

    Hindi na siguro tatagal ang kalahati ng mga computer shop dito sa lugar namin sa loob ng 3 taon.
  • @Decikator2
    May future pa sir pero not for all. Meron magsusurvive pa rin, yung mga minimal lang expense. Ok ako ng june pero ngayon july tumumal na ulit.

    Ang prob ko lang dito mga bata dito mga pasaway. Ang iingay, ang dudumi bunganga, taas paa lamesa minsan, harabas gumamit keyboard mouse yung iba, reklamador na lag. Magban sana ako kaso di pwede, sila kasi majority customer. Kaya tiis na lang.

    @eembrace
    baka sa server ng bir mismo, try lang some other time.
  • @ripantnow

    sa server nga siguro. kasi after 2 days saka ko lang nareceive.

    musta mga masters ng tpnlo? \m/
  • long time no read this thread helps me out way back...
  • Tingin ko ay matutulad sa payphone 'tong mga computer shop sa lugar namin...madami ang mawawala pero may maiiiwan pa rin.

    Kung madali lang i-dispose 'tong mga pc ng shop ay matagal na akong nagsarado. Magtatayo na lang ako ng piso print/xerox/photoprint/scan pero wala nang rental na mga pc...hindi na profitable ang pc rental.

    Galing ako sa may Morayta...tabi-tabi doon ang piso print at xerox pero malakas pa rin ang business nila.
  • @siemher
    Nagsarado na ako sir dec2017, mahirap lang buhay, wala nakita ibang profitable business ng 2018 kaya binuhay ko na lang ulit units ko kasi 1 year din nakatambak sa bahay. Nabago din original plan na pagtyagaan na lang mag old units ko tapos hanap na lang rural area. Maselan na rin tao sa rural kaya napilitan ako upgrade to 200ge man lang.

    @Decikator2
    Profitable pa rin naman sir sa mga magaganda location, at sa ibang mababa ang expense. Dito sa akin profitable pa rin naman basta wag na kukuha ng tauhan at magtyaga sa longer ROI.

    Sa mga printing services naman basta mura supplies at meron mura repairs din para sa printers na gamit. Sa akin minahalan ko kasi konti lang services dito, at mahal parepair printer.
  • Bumili ako ng papaitan kanina...malayo-layo rin ang nilakad ko...mga nadaanan kong mga computer shop ay nasa lima o wala pa yung mga customer nila.

    Nasa harap na sila ng kalsada pero ang tumal pa rin ng pasok ng customer.

    Tingin ko ay hindi na tatagal yung karamihan ng computer shop dito sa lugar namin.
  • ^

    Kung wala ka ibang choice sir kelangan mo tyagain at ituloy pa rin yan at subukan palakasin. Pero suggest ko is gawa ka pa ng ibang business kung kaya mo pa. Yun nga lang, swertehan din kung yung iba mo business mapalakas mo din.
  • Good day po! may I ask lang po papaano installation ng garena at Lol pH. kasi Naka deeprfreeze po pc then c lang po Naka freeze yung D Naka thaw. nangyayari po kasi kapag may bagong update, edi iuupdate na, lumabas na Play. Pagrestart ng pc, pagkalogin ng garena, update pa rin pero kapag pinundot po ang update button, saglit lang updated na at may play na lalabas. Pwede po ba yung pagkaupdate ng lol pagrestart play pa rin? Kailangan pa po kasing I thaw ang pc then update lol ph kapag lumabas na Play, okay na at freeze na uli. Traditional setup po ito. Salamat po sa sasagot. naka install po pareho garena at lol sa D po na naka thaw always and c lang naka freeze. yung ibang games po okay naman.
  • @DYPrototype
    ok lang yan, ganyan din ako sa diskless ko. Pwede naman nila locate game files lang tapos OK. Magiging Play na yan.
  • @DYPrototype/Sir Rip,

    Pwede po gumamit ng xml file, copy lang po sa garena folder para hindi na locate
    mga garena games.

    Copy paste nyo po below text sa notepad tapos save as garenagames.xml, tapos copy nyo po garenagames.xml sa garena folder, para di na mag locate ng games. Edit nyo na lang po yung path kung saan naka install yung Lol o iba pang garena games.


    <?xml version="1.0" ?>
    <games>

    <!-- Philippine Region -->
    <game id="32774" path="D:\Program Files (x86)\GarenaLoLPH\GameData\Apps\LoLPH" />
    <game id="32769" path="D:\Program Files (x86)\GarenaHoN\GameData\Apps\HoN" />

    </games>
  • @cybx1234
    nasanay na mga customers ko sa "fake update" kasi already updated na sa server. Kapag ba patched na sa server automatic madetect na nya? Di ko na kasi pinapansin yan dito
  • @Sir Rip,
    Kapag patched na server automatic na patched na din po sa client pc.
  • @cybx1234
    oo sir, patched na naman din sa akin. Yun nga lang , update pa rin nakalagay pero hindi naman sya totoo maguupdate, diretso load na din sya.

    Bale di ko na yan pinapansin, di naman problem yan hehe! Not an issue. Thanks pa rin sa idea.
  • Pag na-load mo na yung Gameclub card tapos ay susubukan mo ulit na i-load...lalabas yung "Working Failed (5555 PPCardNo is unavailable????"

    Meron kasing bumili sa akin na 4 na 50pesos gameclub card...yung tatlo ay pumasok pero yung isa ay sinasabing hindi raw pumasok.

    Pagkatanda ko kasi ay pag nag-error ng 5555 PPCard ay ibig sabihin na na-load na yung card at hindi na pwedeng i-load ulit. Tama ba yung pagkatanda ko???

    -- edited by Decikator2 on Aug 15 2019, 07:39 PM
  • No idea sir, loadcentral kasi ako. And hindi na rin ako nagbebenta ng load kasi mga ogag mga taga rito di marunong load, tapos ako pagbibintangan may problema kaya wag na lang. hehehe!
  • @Ripantnow

    Active ka pa rin dito ah.
  • @pctechdude
    Ba oo nga ano, wala kasing ibang active kaya nagmuka akong active kahit hindi naman masyado
  • Tumitindi ang competition dito sa lugar namin habang umuunti ng umuunti ang mga customer ng mga computer shop dito. Tig-10php/hr na halos lahat ng mga computer shop dito sa lugar namin...tapos ay halos wala pa rin mga customer. Nauuso na rin ang pa-tournament para lang makahatak ng bagong customer.

    Kahit uwian na ng mga bata sa tanghali at hapon ay hindi na sila dumidiretso sa mga computer shop...diretso na sila ng uwi agad.

    Halos wala nang naglalaro ng LOL dito sa shop...panay CF na lang ang nilalaro...nagsawa na rin sa ROBLOX ang mga bata.

    Sa print/photocopy na lang kumikita ang mga shop dito...wala na halos sa rentals ng pc.

    Tingin ko ay marami sa mga computer shop dito ay nakaka-break even na lang...talo yung mga umuupa ng pwesto at saka yung may mga bantay.

    Iniisip ko nang isarado na 'tong shop at i-dispose na yung mga computer...pero sa tingin ko ay mahihirapan at matatagalan bago ko mabenta ang mga units dito.

    =====================================

    Tantiya ko...mga 3 years pa...wala na halos computer shop dito sa lugar namin.
  • ^

    habang tumatagal lalo mawawalan ng value yan sir. Try mo lipat iba lugar or try mo non gaming. kaso sino pa ba gumagamit sa non gaming now halos wala na rin. mga nagre research sa gaming na rin gumagamit para pagkatapos diretso laro na. Pagisipan mo mabuti yan sir. Kahit ako nakalipat na pero gapang pa rin. Dapat may iba source of income ka pa.
  • Latest Lanshop Project.
    Traditional Pa Table,




    -- edited by pctechdude on Sep 03 2019, 01:56 PM
  • https://www.youtube.com/watch?v=qfTIhNd4i6g


    Ipapasara yung computer shop at ipapakulong pa yung bantay...kakasuhan ng child abuse dahil nagpapasok ng estudyante sa computer shop na binabantayan niya. Nagtataka nga ako kung bakit naging child abuse yon...dapat na talagang baguhin yang child abuse law.

    -- edited by Decikator2 on Sep 14 2019, 09:11 PM
  • Ako di talaga tanggap naka uniform. Kasi kahit pa nagkaintindihan na kayo nyan customer o kahit magulang nyan customer, yung ibang taong makakakita mami misinterpret yan. Kaya di talaga ako tanggap kahit research lang.
  • may nakapag try na bang pagsamahin ang R8 (Ryzen 3 2200G) sa R7 (A8 7650K) sa iisang image sa shop nila na hindi nag problem sa video?
  • @albertekiz
    wala na yata masyado tao dito sir. di ko pa rin natry yan. 200ge akin.
  • Ripantnow Send Message View User Items on 17 Sep 19 @ 01:01 PM #

    @albertekiz
    wala na yata masyado tao dito sir. di ko pa rin natry yan. 200ge akin.

    salamat sa reply chief, bumili kasi ako ng 220ge kaya lang problem ko yung driver ng Ryzen (R8) at driver A8 7650K (R7), na try ko mag upate thru Keep Writeback saka Super Client gamit yung image ng Ryzen saka image ng A8, wala pa din, kaya nagbabakasakali na may nakapag subok na
  • ^ sa fb group ka na lang try mag ask sir, mukang wala na followers dito. Di na rin ako nagbabasa sa ulop. Dito nagkataon lang naka bookmark and may iba pa akong thread follow dito kaya nakaka silip pa ako dito tpc.
  • Kamusta na kayo tahimik na ah...