Forum Topic

recommend a refrigerator

  • @kate

    LG is better than Samsung quality wise. pero mas maganda kung may japanese brands sila.

    -- edited by theredguy387 on Jul 12 2019, 10:12 PM
  • I bought an LG 24 cu ft side by side ref around 2 weeks ago to replace my 14 yr old samsung 16 cu ft ref.

    Due to my household needs the old ref was inadequate so i had to augment it w/ a small 5 cu ft ref and another 3 cu ft chest freezer.

    I decommissioned the the 5 cu ft ref but still maintain the 3 cu ft freezer...

    When i got my electric bill i'm happily surprised that its ~p1k less from my usual bill... and this is just 2 weeks.

    Most likely a lot of the savings is due to subtraction of the small ref but i did not expect it to be this big!

    I'm excited to see the savings in a full month's use.





  • meron din palang ref dito.. hahaha..

    eto nabili namin last year,

    Ipinalit ko sa 7cuft na LG non-inverter ref namin dati.




    Samsung Inverter 19cuft ata to. matipid sya.. mas mababa consumption nya kesa dun sa 7cuft na LG namin dati.
    binili ko ito nung lumipat kami ng bahay nung march. kelangan namin ng mas malaking Ref since medyo limited yung size nung dati.

    yung LG namin na mas maliit umaabot yung kuryente namin ng 1.7k total bill (without inverter airconditioner, 3.5k if with air con)

    dito sa samsung inverter na mas malaki wala pang 1.5k ang total bill (wala akong aircon sa new house, since di kelangan, so walang comparisson if with aircon).

    sa setup, mas marami pa ilaw sa new house, though yung mga ilaw sa labas ng bahay lahat ay LED na automatic on sa hapon till umaga.
    sa luma, isang ilaw lang sa garahe. at mga 7-8 lights vs dito sa bago na 16 lights sa loob, then 15solar lights sa loob. both setup is LED na so, minimal lang ang consumption ng ilaw. para lang sa comparisson, so I conclude na mas tipid talaga ang inverter, knowing na mas maraming ilaw sa bago compared sa luma.

    -- edited by pongscript on Jul 23 2019, 10:24 AM
  • Hello everyone. Looking din kami ng bagong ref. At eto yung dalawang pinagpipilian namin:

    Panasonic NR-BP230VS(silver) / NR-BP230VD(black) - 8 cubic feet 388 EEF





    Pros and cons for me:

    Pros
    *388 EEF
    *Econavi Sensor
    *Japanese Brand

    Cons:
    *Glass yung mga patungan so prone sa basag

    Condura CTD800MNi (8.5 cubic feet) / Condura CTD700MNi (7.5 cubic feet)
    CTD700MNi





    CTD800MNi





    Pros:
    *463 EEF
    *Metal na coated ng paint yung pinapatungan ng items nya.

    Cons:
    *No Econavi

    Ano sa tingin nyo? Lamang ang Condura para sa akin dahil higher EEF at dahil hindi babasagin yung pagpapatungan nya ng items. Si tatay ko kasi mahilig maglinis ng ref pag nag de-defrost sya. Kung glass kasi yung tatanggalin pag cleaning time nya eh mas prone sa basag dun sa glass ng Panasonic compared dun sa coated ng paint na metal ni Condura. Kung kayo, ano pipiliin nyo sa dalawa? Salamat in advance :)

    -- edited by jeff_3429 on Jul 23 2019, 12:07 PM
  • ^econavi is trademark of panasonic if im not mistaken. basta inverter sir matipid na yan vs no frost noninverter
  • yung panasonic ref na binili ko sa parents ko dati, nasira yung hinges. parang 6yrs ata tinagal nun if di ako nagkakamali. compared dun sa lg na binili ko na nabenta ko nat lahat wala parin problem hung mga hinges. sa totoo lang yung mga glass na patungan mas gusto ko compared sa bakal, since may tendency lumundo yung bakal overtime. just stay away from plastic since di talaga sila tumatagal, mabilis mabasag ang plastic.

    no experience sa condura, but maganda daw yan at matibay.

    magkakatalo na lang sila sa tipid. bare minumum for me para sa ref ay inveter, mura na sya ngayon compared dati. halos nakikipagsabayan na sa non-inverter ang price, mas sulit sya in long run.

    -- edited by pongscript on Jul 23 2019, 12:14 PM
  • scandinavian_armor Send Message View User Items on 23 Jul 19 @ 11:42 AM #

    ^econavi is trademark of panasonic if im not mistaken. basta inverter sir matipid na yan vs no frost noninverter
    Econavi sir is yung sensor. Titignan nya kung ano yung laman ng ref at dun sya mag base kung gaano gagamitin nyang power. Basta dapat naka set sa Medium yung settings yung top and buttom door ng ref para gumana yung Econavi.

    -- edited by jeff_3429 on Jul 23 2019, 12:17 PM
  • para sa no-frost inverter, no need for monthly, quArter or even annual cleaning, since di naman sya nagiipon ng yelo na nagiging sanhi ng pagtutubig sa may chiller area, na nagdudulot ng pangangamoy. tamang punas lang sapat na. then lagay na lang ng pantanggal amoy na nilallagay sa ref, or cheap alternative na uling.
  • pongscript Send Message View User Items on 23 Jul 19 @ 12:13 PM #

    yung panasonic ref na binili ko sa parents ko dati, nasira yung hinges. parang 6yrs ata tinagal nun if di ako nagkakamali. compared dun sa lg na binili ko na nabenta ko nat lahat wala parin problem hung mga hinges. sa totoo lang yung mga glass na patungan mas gusto ko compared sa bakal, since may tendency lumundo yung bakal overtime. just stay away from plastic since di talaga sila tumatagal, mabilis mabasag ang plastic.

    no experience sa condura, but maganda daw yan at matibay.

    magkakatalo na lang sila sa tipid. bare minumum for me para sa ref ay inveter, mura na sya ngayon compared dati. halos nakikipagsabayan na sa non-inverter ang price, mas sulit sya in long run.
    So yun pala yung disadvantage nung metal? Yung sa current ref namin ngayon ganun at around 8 years na sya, parang di naman sya nag bend. Baka siguro sa mga bagong labas ngayon since mahal ang mga materials, maninipis na siguro yung mga bakal kaya prone sa bending.

    Condura current ref namin ngayon, 2011 namin nabili. Ngayon, Nag chip off na yung paint dun sa bandang baba na part at may kalawang narin. Yung rubber nag-si-seal pag sinasara mo yung pinto hindi na masyadong nadikit. Minsan nag si-seal minsan hindi. Yun ang issues pero yung ref mismo ok pa din.

    pongscript Send Message View User Items on 23 Jul 19 @ 12:17 PM #

    para sa no-frost inverter, no need for monthly, quArter or even annual cleaning, since di naman sya nagiipon ng yelo na nagiging sanhi ng pagtutubig sa may chiller area, na nagdudulot ng pangangamoy. tamang punas lang sapat na. then lagay na lang ng pantanggal amoy na nilallagay sa ref, or cheap alternative na uling.
    Ah... Nice naman pala. But knowing my father, gagawin nya pa din yung paglilinis ng ref.

    Mas latest ba yung model ni Condura kesa dun sa Pana na pinagpipilian ko?

    -- edited by jeff_3429 on Jul 23 2019, 01:23 PM
  • Ask ko lang po kung may nka-purchase npo ng Pana NRBX418XSPH model?
    14.4 cft., bottom freezer, malapad..
    Any feedbacks? Planning to buy sana..
    Tia!
  • Nag punta ako ulit ng appliance store kanina, napansin ko na may pros and cons pa pala dun sa mga pinagpipilian ko na model:

    Panasonic Pros
    -Automatic Defrost
    -May No Frost technology

    Condura Cons:
    -Manual Defrost
    -Wala sila nung no frost technology.

    Parang mas maganda overall yung sa Panasonic, pinaka cons lang talaga sakin yun glass material na gamit dun na pagpapatungan ng mga ilalagay. Mas mahal na kasi yung model na may No Frost and Automatic Defrost ni Condura eh.
  • @jeff_3429,

    actually wala naman akong naging problem sa glass shelf, kasi yung LG ko dati glass shelf din, 2008 ko nabili, hanggang sa nabenta ko last year, wala pa rin issue. wala naman nabasag. matibay naman yun wag mo lang mabagsak, syempre mababasag yun.. pero di naman nangyari yun for 10yrs, since no frost sya at di kelangan ng palaging linis para di bumaho.
  • Kakabili ko lang rin nung Panasonic NR-BP230VD(black). Mas okay yung no frost tech. Tama si @pongscript, less tanggal na nung tempered glass panel kasi di naman na bumabaho yung ref. Ngayon kung gusto pa rin lagi linisin, pwede naman punasan na lang or ingatan na lang talaga yung tempered glass panel.

    Worst case, feeling ko may mabibilhan naman nung tempered glass panel or pwede nga rin pagawa ka na lang sa mga glassworks. Common naman na yung tempered glass ngayon, gamit na nga rin lagi sa mga pc cases. :D
  • ^Nice! Ano average bill mo sir tapos anong difference nya ngayon from your previous ref? Parang ang liit nga lang ng freezer nyan compared dun sa current ref namin.
  • Wala pa sir kakabili ko pa lang din eh. Idedeliver pa lang. Pero halos same same tayo ng considerations nung bibili. Yung black pala mas mahal ng konti kasi meron pa siya nung prime fresh storage bin, i think same purpose siya sa chiller ng mga old refs.

    Walang ganun yung silver. Worth it naman imho.
  • okay lang yung mga glass shelves ng panasonic, even yung sa old ref namin na electrolux matitibay naman. if ever naman, madali lang ireplace yan. experience before na nabasag ko yung plastic tray sa door nung electrolux namin, kinontak ko service center nila and nakabili ako nung tray. around 300 ata bili ko nun.
  • Mga boss ano po bang best bottom freezer type for 30k-40k budget?

    Meron din ba LG ganun parang wala ako nakikita.
  • ^jr2,
    check mo sa whirlpool or samsung, yan yung may nakita ako dati na around 40k below. saka depende din sa capacity ng ref na hanap mo.
  • Ty paps. I've been reading kasi a lot of feedback about Panasonic din.


  • Eto 29k bili namin
  • @jr2_pajarillo

    Eto sir baka makatulong:
  • @jr2_pajarillo,

    ok din yang panasonic, ok mag freeze, pero yung dating ref na binili for my parents, di ako satisfied sa tibay ng pinto, natatanggal yung hinges overtime, naglalagay kami ng mga palaman at softdrinks can sa pinto. hindi kaya yung daily abuse. knowing na same ang treatment ko sa LG namin dati.. so far walang sira ang pinto maliban dun sa isang mababaw dent, kasi tinamaan ng anak ko.
    pero thats 15yrs ago(panasonic).. di ko na alam kung narectify na nila yung issue, knowing na di rin naman narereport yung ganung problem.

    -- edited by pongscript on Aug 01 2019, 10:06 AM
  • Yup. Kami naman din ganun negative feedback din sa Samsung inverter ref pero 5th year na sa December wala pa naging problema need lang palitan since di na enough yung space talaga masikip na. Hehe.

    Gustk kasi ni misis yung bottom freezer. OK sana side by side kaso I doubt na kakasya sa main door namin since townhouse lang kami.
  • jr2,
    paside naman nila ipapasok yan.. saka may gulong yung mga malalaking ref.
  • Mga sir patulong nmn bibili kasi ako this week around 17k below ang budget ko, anu po ba pinaka magandang bilhin Panasonic,Lg,Samung or anu po ba?, I really badly need your help po kasi first time ko bibili po..thanks in advance.

    -- edited by rocksnyder12 on Aug 18 2019, 09:40 PM
  • @rocksnyder,

    so far maganda yung experience ko with LG ref, tumagal ng 10yrs tapos nabenta ko pa(kelangan ng masmalaki, aince lumipat kami ng bahay) pero mukhang ayos din yung condura, though ang gamit namin ngayon ay samsung pero bago bago pa so di ko masabi ang longevity, pero so far tahimik sya..at ayos naman mag palamig. sa panasonic naman, yan yung binili ko dati sa parents ko, nasira yung hinges ng pinto, not sure kung ilang taon na yun, estimated ko wala pang 6yrs.
  • sa panasonic naman, yan yung binili ko dati sa parents ko, nasira yung hinges ng pinto, not sure kung ilang taon na yun, estimated ko wala pang 6yrs.


    baka masyado madami nakalagay na mabibigat sa door side. di kasi advisable maglagay ng mabigat sa part na un regardless of the brand.
  • @mmb01,

    pero tumagal yung LG namin with same treatment. saka usually ang nakalagay sa may pinto ay palaman, keso , butter.. so yung normal na nasa pinto.