Forum Topic

Official Networking Thread (LAN Configuration, Internet Sharing, Routers, Switches, etc.)

  • naku madaming salamat po @jay_soriano.
  • Need some help sa may experience sa QoS. Ang setup ko kc from PLDT ONU to another Router (edge router lite-3). Sa ERL-3 naka config ung QoS, naka limit ung youtube at download upto 10mbps. pero naglalag prn kahit limited na ung youtube at download. dpat ba ipa bridge ko ung PLDT para ang labas ung ERL-3 na ung main router ko? ayaw ko din kc ipabridge kung pwede nman magawan ng ibang fix kc meron ako nabasa na issue bumabagal daw pag nagpabridge tsaka currently kc plan 50mbps ako pero ang nakukuha kung speed 100mbps so baka mawala sayang hehe. TIA
  • ^dispose niyo na Edge Router Lite sir at palitan ng MikroTik hEXlite.

    hindi naman kailangang ibridge ang PLDT router, sadyang kulang lang talaga QoS feature set ng Edge Router Lite.
  • @jay_soriano56 not disposable po eh hehe. wala paring budget mag palit. tiis2x nlng muna cguro at baka matsambahan tamang config. anyawy thanks for the reply po :)
  • @xivres

    Mas maganda Sir ipa-bridge mode mo na Sir para swabe at si EdgeRouter na Sir ang mag-isip ng networking/routing.
  • @xivres
    If you have unused laptop or PC then you can deploy a Sophos UTM 9 that acts like a firewall and a web proxy. Mine runs a 4th gen i3 laptop with 4GB of RAM. It works like a charm with 2/3's of the features enabled!

    P.S. I bought a USB to ethernet adapter as it requires at least two NICs.
  • Hi @pokel,

    Hindi eh wala siya IP so basically pag coconnect ang ibang pc ang need access is yung comp 1. by the way its an epson L210
  • Edit...

    Problem solved na

    -- edited by dawinsm on May 31 2017, 07:36 PM
  • mga boss pano ba gagawin pag ganito

    Bldg A--500-800mtrs--> Bldg B ano ba connection gagawin ko dyan? 2mbps lang eh pero keri naman mag upgrade.. ano ba mganda? salamat
  • Mga paps I need help.

    Naka tira ako sa isang compound at nag she-share kami ng internet. Ang setup eh via LAN connection. Modem -->Router house1 -->Router house 2---> Routers house3 and house 4. Si router 3 and 4 naka connect siya parehas kay router 2. Ang modem naka bridge mode. Ang router 1 eh naka auto config DHCP at naka on ang DHCP server at ang ip add is 192.168.1.1. Lahat ng natirang router eh naka disable ang DHCP server. at may ip add na 192.168.1.2... .3 .... .4.

    Ok naman tong setup ko na ganito at matagal ko ng setup to. Kaya nga lang nasira si Router 2. So bumili ako ng 2nd hand na router. E900 Linksys.

    Ang problema eh si router 3 eh hindi makita sa network. Tinest ko yung LAN cable gamit ang cable tester at ok nman ang cable sabi sa tester.

    Kinabit ko si Router 3 diretso kay router 1 gamit ang maiksing LAN cable at nakita si router 3 sa network.

    Kinabit ko si Router 3 diretso kay Router 2 gamit ang maiksing LAN cable at nakita si router 3 sa network.


    So kala ko yung mahabang LAN cable ang sira kahit na ok siya nung gumamit ako ng cable tester.

    Kaya nga lang kinuha ko si Router 4 at kinabit ko kung nasaan si Router 3 nakasaksak at nakita si Router 4 sa network.

    Si router 3 nman kinabit ko kung nasaan si Router 4 at negative ang result. Hindi makita si Router 3 sa network.

    sinubukan ko na rin I-update yung firmware pero wala pa rin. Nag flash na din ako ng dd-wrt firmware sa E900 pero wala pa rin.

    So sure ako na hindi sira yung LAN cable at ang may sira eh si router 3.

    Pero bakit pag maiksing LAN cable eh nakikita nman si Router 3 sa network?

    At bakit si Router 4 na naka connect kay Router 2 at mahabang LAN cable ang gamit pero nakikita sa network.

    Naiisip ko na maglatag ako ng bagong cable from house 1 to house 3. Kasi para bang ayaw ni router 2 at router 3 sa isa't isa pag mahaba ang LAN cable.

    Ang sakit sa ulo mga paps.

    Sana po may makapag bigay linaw sa aking problema.
  • Good day

    Mga kapatid may mga katanungan lang ako pag dating sa networking, sana masagot nyo.

    -ilang % ang drop rate ng speed pag dating sa wired at wireless?
    -may mga way na pwedeng tapan ang speed ng wired sa wireless?
    -ano ang pinag kaiba ng cat5e sa cat6?
    -ano mas reliable sa office wired or wireless?
    -may mga wireless network setup office na ba dito sa pinas? anong line of business nila?


    hehehe..

    salamat sa mga sasagot.
  • -ilang % ang drop rate ng speed pag dating sa wired at wireless?
    depende sa dami ng gumagamit at a given time, lakas ng signal, sa layo, sa mga nakaharang at interference ng wireless signal ng wireless access point at ng wireless client. hindi pa naman mainstream ang 802.11 AC 5Ghz sa mga laptops.

    -may mga way na pwedeng tapan ang speed ng wired sa wireless?
    bottomline jan speed ng internet, susunod yung wireless router say kung naka 1Gbps ka pero hindi kaya ng CPU ng router maibigay ang throughput. then 802.11AC tapos lahat ng binanggit ko sa itaas, tapos client (yung USB or PCIe wireless receiver o laptop).

    -ano ang pinag kaiba ng cat5e sa cat6?
    1Gbps at 55 meters. less crosstalk and interference.

    -ano mas reliable sa office wired or wireless?
    mas secured ang wired. kung may network attached storage or file server go with wired. kung opisina na nagdodownload ng mga CAD files or photo/video go with wired.

    -may mga wireless network setup office na ba dito sa pinas? anong line of business nila?
    sari sari, kalimitan small businesses o kaya mga nagsisimula palang. depende din sa policy ng companya sino maka-access sa wireless network.
  • patulong naman, eto sabi nung boss:

    we need a 10 gigabit network that has 10gbe switch. we need a server with 2 or 4 10gbe ports.

    we have 9 iMacs and 4 PCs. ang gusto nila may access lahat ng computers sa 30TB na storage.

    possible ba yan and mga magkano aabutin?
  • @jay_soriano thanks sa answer sir.
  • Guys question,

    example I have 50 users sa isang network tapos diba data travels thru cable (ethernet cable) lets say 25 users nag access ng internet while the other 25 users transfer data locally. My question is lets say sa local network ko congested kasi nag transfer mga users ng mabibigat ng file ma affected ba yung mga users na nag internet and vice versa?
  • @vinnov4
    contact local reseller ng brand na preferred niyo, bibigyan kayo ng pre sales o account manager na makakapag assess at makapagbibigay kasama ng presyo / Quotation sa requirements ng Company.
  • patulong naman, eto sabi nung boss:

    we need a 10 gigabit network that has 10gbe switch. we need a server with 2 or 4 10gbe ports.

    we have 9 iMacs and 4 PCs. ang gusto nila may access lahat ng computers sa 30TB na storage.

    possible ba yan and mga magkano aabutin?

    mukhang bigatin to sir ha,

    may kamahalan pa yata ang 10gigabit switch , 10gigabit na lan card at cat 6a cable

    sa ebay 10giga NIC = $ 306.99
    https://www.startech.com/Networking-IO/Adapter-Cards/10gb-pcie-nic~ST10000SPEX

    lan card palang yan
  • @dawin

    ewan ko nga dun kung bakit ganyan gusto nya, di naman bigatin ang budget, ha ha! di ako masyado familiar sa networking pero sabi nga mahal daw yang ganyang setup. may nagquote sa amin mga 700k aabutin kaya naghahanap ako ng ibang way kung pano magkakaron ng central storage yung 9 iMacs.
  • ^
    Teka 10gbit naba ang imac nyo? Baka 10/100/1000 palang?
    Kung desktop pc kasi pwede lagyan ng 10gb lan card
  • Meron bang mabilis na AP for corporate use.
  • magastos and 10GB na setup. baka 1Gbps lang ung sinasabi ng boss mo since local storage sya ng mga MAC computers.
  • Hi Guys,

    any idea bakit tumataas ping / response time ng network and causes ping timeout minsan sa network? small office LAN setup lang naman.

    ganito setup as of now :

    PLDT Modem - 1 pc connected directly sa kanya / 1 cable connected to 1 switch hub ( 2 computer connected) / 1 cable connected to switch hub ( 8 pc connected sa kanya) <--- tapos sa switch hub na to may naka connect na isa pang switch hub na may 4-5 pc yata. All computers are set to "obtain ip address autocamatically".

    ok lang ba to? or it can cause problem? since too many switch hub connected sa PLDT modem na parang nag branch out na. may 2-3 pc din pala na naka XP pa. the rest win7 na.

    ano ba ideal na setup?

    PLDT modem --- > 1 un-managed switch --- then all pc connected dito.

    ...can someone enlighten me. minsan kasi pag nag isolate ako ng problem, tapos rekta 1 pc sa modem, as in solo nya.. maayos ping eh, wala din bungi yung response time.

    nagkakaron kaya ng conflict?

    Salamat ! :)
  • ^ up sa question ni neesnu. gusto ko rin malinawan sa ganyang setup hehe.. actually sakin ganyan din halos ung setup.

    PLDT ONU -> UBNT EdgeRouter
    UBNT EdgeRouter -> 8 port switch
    8 port switch -> laptop, desktop, android tv, xbox, seagate nas, ubnt loco m2, 1 router (route mode), 16 port switch
    16 port switch -> 11 routers (router mode).. ung 10 router halo ang devices pero mostly sa wifi naka connect and atleast 1 desktop.. ung 1 sa comp shop 8 desktop naka connect..

    ung UBNT edgerouter naka setup ung DHCP 5 ip address lang with 1mbps speed. pero ung mga router naka static lahat with max speed. other IP address nka blocked kaya walang makukuhang internet. nakasetup din ung QoS d2 pero bumibigay din naman pag na mamax out ung internet bandwidth. from time to time nakaka ramdam prn ng mabilisang pag spike ng ping pero saglit lang avg 1-3 secs then ok na ulit.

    ung nasa 16 port switch dun nakakabit ang negosyong pa internet :).. any suggestion sana kung an/paano mas magandang setup sa ganitong type ng business.. marami pa kc gs2 kumabit kaso di na muna ako nagpapakabit medyo matrabaho na rin kasi ayusin ung lag ng mga nag oonline games lalo na meron comp shop sakin nakakabit..
  • Pa tulong naman ako mga sir.

    CrossOver and Straight Through cable are not working using pldt router.

    Pero kapag ginamit ko yung cable included (color yellow) ay working naman automatically (auto connect sa internet) kapag sinalpak sa ps4 and laptop.
  • Good morning mga ka tpc! Ano po kayang magandang at mura na router na may load balancer pag tetestingan lang sana, thanks!
  • guys anong model ng mikrotik router ang pasok sa needs ng office namin? around 80computers + 20 phones(mitel via Inet). wired LAN karamihan pero kelangan din may wifi.
    internet ay 6 PLDT FIbr 100mbps.

    kailangan ma-monitor kasi yung useage ng bawat PC and limit if kailangan, load balancing, kaya naisip namin mikrotik.

    anong ma-recommend nyo na setup?

    -- edited by piLio on Jun 09 2017, 11:30 PM
  • ^RB1100AHx2

    tapos ang wireless handle ng Ubiquiti UniFi LR ot AC LR.
  • ^
    salamat. if 20-30 computers pwede na muna ba yung RB951G-2HnD? then dual wan(2 10mbps dsl, load balancing, failover) mapagpraktisan

    -- edited by piLio on Jun 10 2017, 01:26 AM
  • even hAP lite na tig P1,900 pwede pag practisan.

    OS is one and the same, limited lang sa horsepower.
  • Na curious lang po ako, kasi ngayon lang nanaman ako nakarinig ng brand na mikrotik, mas maasahan po ba kesa sa mga d-link, linksys at etc.? Maraming salamat po at happy independence day mga ka tpc!