Forum Topic

All About Dogs (no trading, max image 800x600)

  • ^I think either frontline or nextguard lang dapat gamitin. Your dog should be fine kung isa lang although different ang pag administer nila.
  • wallcolm_x Send Message View User Items on 30 Oct 23 @ 02:40 PM #

    effective nga yung nexgard ba yun na chewable tab kinbukasan wala na yung mga garapata sa aso ko much better ba lagyan ko pa ng frontline or baka makasama na sa knya? pag bukas na pagbukas ng tablet kinain agad eh dahil amoy meat
    Ok na yan boss. Every 6 months ganyan pinapakain ko sa mga dogs namin. All of our dogs are aspins. Napaka convenient kasi di na nagkakagarapata saka di nagmumuta.
  • ^ bakit nga ba nag mumuta? pansin ko parang nag mumuta sya eh like kada 2 days may muta
  • alam ko normal may muta ang aso, usually dahil din yan sa diet and lahi ng aso
    and frenchie ko araw araw un may muta. lagi dapat punas sa face unlike dun sa pomeranian ko hindi naman masyado
  • ^Alam ko one sign pag may muta na may bacteria or there's something with the dog. One indication ito bukod sa kung ano status ng pupu nya. Kung basa ang pupu ng dog baka may sakit o kung ano. That's the time na dapat ipa-vet mo na ang dog mo.
  • Guys need help, andito ako sa abroad nasabi lang ng mother ko na yung alagang bitchon namin simula kahapon nahihirapan umihi.. latelay napansin nila na tataas lang yung paa para umihi pero wala nalabas.. mga 15secs na ganun.. last week inihiwalay nila yung poodle kasi heat daw at gusto mababhan ng bitchon ko.. 3 days na panay tubig lang ayaw kumain at gusto bumaba. Kahapon llumakas daw kumain kasi dati sinusubuan pa yun oero biglang kumain na sa pakainan nya. Chicken breast , minsan dogfood, puso ng manok at carrot mga ki akain nya.. salamat po.
  • @Bartholomewjojosimpson
    ipadala nyo po sa reputable na vet. kung malapit kayo sa UPD meron mahuhusay na Vet. doctors sa likod lang ng fine arts bldg.
  • tingin ko normal yan pag nakaamoy yan ng in heat na aso pero maganda pa tingnan nyu sa vet tell them kung ano napapansin nyo nung nakaaraang araw
  • last oct 30 nag post ako dito about sa dog ko na may thick problems di ba? sad to say namatay na sya kahapon may cause kaya yung pag bigay ko ng nextgard sa knya? last week kasi pinaliguan ko sya tapos after nun nanghina sya naging picky sa pagkain then kahapon wala na sya not sure kung dahil senior na or dun sa dosage eh..
  • Nadala na po kanina sa vet yung bichon namin.. uti sabi..pina catheter tas may binigay na gamot na tablet.. medyo pahirapan pag inom pero na papasubo ng mother ko.. ok lang kahit gumastos 3k as long as nakikita mo nanakakaihe na yung doggy namin.. naawa lang talaga ako at tataas paa walang nalabas na ihe, siguro may masakit dun di lang makapag sabi..
  • pag in heat ang fem at may male mababaliw talaga yung mga male dogs, dahil sa amoy nun hindi sila makakain dahil gustong gusto na nila maka sampa. its normal,. pero nagiging problema decrease yung appetite at ang iniisip lang nila lagi yung naamoy nila

    kaya lagi advice pag ganyan is ihiwalay yung fem or male

    buti napacheck up sir bartholomew

    @wallcomx
    nexgard chewable ba? may nakalgay naman instructions if ilang weight=dosage pede ibigay... pag senior dog sakin talaga mas ok ipacheckup agad para maagapan.
  • nexgard chewable ba?

    oo next guard chewable
  • im sorry for your loss pafs same tayo kaka matay lang din ng 1st dog ko Chihuahua, senior din hays
  • sabi ng breeder dito samin na namatayan rin ng husky (halos kaedadrsn ng aso ko yun) ganun daw tlaga pag pagbsenior na tatahimik na lang ayaw na kumain at magkikilos tapos yun na ....dami alaga nun may pug, may chow, may pom at at chihuahua
  • pero in a goodway iniisip lagi natin hindi na umaabot na nahihirapan sila. masakit talaga parang tao na yan

    recently bloodtest check up nitong 10yo pom namin is good pa, mababa lang daw hemoglobin / rbc
    need lang mag iron sulfate na vitamins. at pede pa raw mag stud which is a good thing kasi pede pa pala
  • saturday another chihuahua lost yung asawa nung namatay kong aso nung july

    2 dogs within the year nawala saken sobrang depressed ko nung weekend i had to give him up na sa vet pina euthanize ko na sya kasi wala naren pag asa asa max na ng buhay nya 13 years din siya, nung umaga kumain pa sya pero napansin ko di naubos ang food nya lage kasi ubos yun at magana kumain napansin ko biglang tumamlay at nag panting ang hininga ayun tanghali nag vomit at lumabas ang sipon sinugod ko pa sa vet na baka sakali mapahaba ko pa buhay nya pero upon checking ng vet mababa temp at sabi wala na nag recommend to end his life para hindi na sya mahirapan, 1st time ko talaga maluha nung makita sya pero atleast di na ako pinahirapan tanggap ko naman anytime talaga mawawala sya pero kaka sad paren kahit paano kahit ulan ulan nag hukay ako sa hardin namin para mag libing
  • My 10 year old Japanese Spitz died last Saturday, as per vet, kumplikasyon daw sa liver nya, binigyan sya 2 weeks na gamutan, pero lately ayaw na nya i-take yung medicine, tapos di na sya talaga makabangon at ayaw na kumain...pinilit nya tumayo at dun sya namatay sa bahay ng biyenan ko, sobrang nakakalungkot, yung alaga mo na laging sumasalubong sayo, tumatabi pa sakin matulog, yung makita mong naghihirap, thankful na din ako kasi nakapagpahinga na sya, pero sobrang sakit at lungkot talaga.

    Ang pansin ko talaga sa mga naging alaga kong aso, di sila namamatay sa bahay, talagang sa ibang bahay o lugar sila namamatay, pinipilit nilang tumayo at maglakad talaga. Siguro dahil sa ayaw nilang makita sila ng amo nila na naghihingalo na.

    Rest in Paradise my Chester! All dogs go to heaven!
  • yes dog will wait us in heaven <3

    kaya pag may aso sulitin nyo ang time nila sa mundo
  • Sorry for your losses bros. Like losing our human loved ones, it's extremely difficult to bear the passing of our furbabies.

    Since 2020, my 12 yrs old Shih Tzu has dealt / been dealing with assortments of ailments- hypothyroidism, pyometra, mitral valve (heart) disease, kidney tumor, mange etc. While most of these has been addressed / operated on, science can only do so much to extend her life. I lost count of the # of doctors consulted, vets visits and amount spent in the process. Tanggap ko na that there will come a time to say goodbye given some of her diseases can only be slowed down with medicines. On my part, I just want that I do whatever I can to keep her healthy and have a good quality of life in her senior years. I treasure each day that I'm spending with her.
  • hello po.. sorry po if OT. ask ko lang po if possible ba na ma infect ng rabies pag nagasgasan ka ng object na usual na nagagalaw ng dogs/cats??

    to be specific, may PVC pipe kasi samen na naka abang lang pero usual tambayan ng aso,pusa, daga etc. kahapon kasi inaayos ko yun then accidentally nagasgasan ko yung kamay ko (peeled skin) kasi matalas pala yung pinagputulan ng pvc.. worried lang baka kasi thru it baka ma infect ng rabies...

    salamats.

    -- edited by Tekken_Zaibatsu on Nov 30 2023, 01:56 AM
  • ^No siir if galing sa isang object. #1 cause ng rabies talaga is Dog bite.

    ang bigat sa dibdib sa mga post niyo sir, kaya itong pom ko matanda na medyo nabibingi narin eh
  • @Tekken_Zaibatsu, ang risk jan is tetanus at leptospirosis kasi may mga daga..Para ma lessen worries mo, pa inject ka ng tetanus toxoid sa nearest clinic for tetanus, and inom ka ng 2 capsules doxycycline, ang doxycycline,, need ng doctor's prescription, pareseta ka na rin sa doctor pagpunta mo ng clinic.
  • update sa condition ng pom ko, mali pala ko sa age, 13yo na pala sya, iniwan kasi ito sa amin ni utol dahil nakapag migrate na rin nasa 7years+ na rin sya sa amin.

    2weeks inuubo, kala ko kennel cough, buti hindi trachea collapse or heartworm yung ang suspect ni Vet MD.
    xray done chest PA and Lateral View. medyo mahal nasa 950 each,. daig pa tao hehehe
    CBC done 800 pesos, ok naman medyo mababa lang onti Hemoglobulin slight

    as per xray need na cardio doctor, which is bihira nga ito. naka sched mahaba pila around 1month+ unless may mag backout. once a month lang si doc sa Serbisyo Beterinaryo Fairview

    binigyan sya ng Cardio meds at iba pa vitamins, medyo mahina na daw hind legs, (2legs sa likod) humihina na kumbaga yung mga litid.

    medyo mahal ang pagpapagamot sa aso/ pet hindi biro pati medicines
    ok naman service nila.
  • ^May cardio meds din dog ko. She was diagnosed with degenerative mitral valve disease and given pimobendan for it. Mag 12 na sya this September. I hope our dogs will get healthier although they're in their senior years na.
  • ^same pala tayo sir MG mitral valve din may regurgitation na secondary narin sa aging 13-14yo narin, nabawasan na function or hindi masyado nag close valve kaya may bumabalik na fluid/ blood (backflow) kaya pala umuubo yung dog ko.. via Ultrasound nga pala ito na diagnosed, pero masigla parin medyo nabawasan lang gana kumain paminsan pero hinahaluan ko chicken at masarap na gulay para kumain
    eto parang tao talaga may maintenance meds narin 4 tablets
    pimodine
    enapril
    furosemid
    at cardiexcel
  • ^yung pagka diagnose ng progression to MVD sa Shih ko was actually incidental since she was about to be operated on for kidney tumor removal the Vet had to ensure her heart can withstand the procedure. The vet gave the pimobendan for 2 weeks prior to operation then naging maintenance na nya. I remember yan furosemide / diuretics yan to drain the fluid from the lungs was also prescribed kaso nagsuka dog ko it was administered to her later on the vet just removed the drug since wala naman fluid sa lungs ang dog ko. Kaya talaga important for us furparents to do our research pa din taking the vets advice / prescriptions with a grain of salt.