Forum Topic

All About Dogs (no trading, max image 800x600)

  • Had to put my 10yr old dog to sleep last monday.. di na kaya ng gamot na pigilan seizures niya gawa ng brain tumor + lumps sa lower back niya...

    From early december pa lang naka anti-sezure meds na siya, gabapentin for 2 weeks bumalik din seizure niya... After nun phenobarbital na last resort para sa attacks niya... Unti-unting naging ok quality of life niya, bumalik sa dati until etong sunday...

    Sa loob ng 24hrs naka 15 episodes siya ng seizures, the vet advised na dagdagan ko dosage niya ng phenobarbital... Walang epekto...

    Monday morning walk kami, pinagtitinginan ako ng mga tao bakit ako nakayuko umiiyak may hawak na liempo... Lakwatsa kami habang food trip siya hanggang dumating na sundo namin papuntang vet, drive thru pa kami sa last meal niya... Gusto ko mag back out nung malapit na kami sa clinic, di kami magkaintindihan ng vet kasi iyak nako nang iyak... Binigyan ako ng vet ng 10mins para mag decide and say our goodbyes...

    Nakatingin ako sa mata niya habang nilalagay gamot sa swero niya... Pumikit siya then bumigat na ulo niya then hugged him for about 10mins crying and talking to him...

    Ambigat sa loob hanggang ngayon iyak ako pag naiisip ko siya... Pakiramdam ko I failed him...

    If ever dumating sa point na mangyari sa inyo to, stay with your best bud till the end, kawawa sila kung last memory niya sa mundo hinahanap kayo...

    Thank you sa sampung taong adventure natin Jake...


    Pro tip: wag masyado madami last meal kung magpapatulog... May chance na ma delay ng konti effect ng gamot(euthanasia) ska mas mabigat aso, mas mahal...

    Sorry sa long post, gusto ko lang ilabas... Pic pala ni jake nasa page 406 netong thread... Try to update pics later..

    -- edited by damnoldcoot on Feb 15 2023, 02:49 AM
  • ^Sorry for your loss Bro. You did your best to give him the proper medical treatment that's what matters most. Your doggo's lucky to have a furparent as loving as you. Find solace knowing he's in a better place now away from pain and suffering. Keep the wonderful memories you've shared together through your lifetime. Peace and be well.
  • nakikiramay ako dre damnoldcoot .

    kakalungkot naman talaga mawalan ng dog. etong aspin x labrador na aso sobrang close ko rin madalas ko kasama mag bike at maglakad sa bukid.
    magiging malungkot din ako sigurado pag nawala itong aso ko
  • Alam ko malungkot sobra mawalan ng aso kase pamilya na natin yan. Nakikiramay ako, sobrang basag puso yan.

    Si Lord lang kaya mag comfort ng puso ng isang tao at tandaan natin na pag nawala ang aso natin, me dahilan ang lahat ng nangyayari na maganda, don tayo mag look forward.

    Don't worry makaka move on kadin, pinag pray na kita for comfort. Unti unti magiging ok kadin.

    Naranasan ko din yan sa dati namin aso, pero now ko lang na realize me magandang dahilan pala.

    Wag mo sisihin sarili mo, dahil hindi mo yan kontrol at ginawa mo naman best mo na.
  • @damnoldcoot

    Sorry for your loss man. My 2 Aspins crossed the rainbow bridge in their 10th year too(2021). Masakit man at feeling natin na sobrang igsi at hindi enough ang time na nakasama natin sila, let's be thankful for the whole time na kasama natin sila. We are lucky to have them not the other way around.

    -- edited by jeff_3429 on Feb 15 2023, 08:57 PM
  • Thank you po sa support mga boss...

    Iba lang kasi to kasi in between seizures niya ok siya kung titignan kaso yung suffering talaga niya yung pinaka naging basis ng desisyon ko...

    Yung decision ko ska yung absence niya yung parang mahirap pa sa ngayon... Hindi siya yung unang loss ko ng alaga pero siya yung una sa ganitong pagkakataon... Parang anak ko na kasi sila...

    Nakakatuwa lang na pag napapansin ng tatlo kong natitirang aso na medyo natutulala ako, lapit agad sila para magpa cute ska back scratch... Andun pa yung takot na baka umabot din sa ganun yung iba kong alaga... Mas napapahaba pa tuloy pakikipaglaro ko sa kanila... Hehe
  • mga boss, ano itsura ng parvo stool? fresh blood ba or black?
  • ^Fresh blood. At combine yan, hindi yan kakain ng ilang araw at wala sila energy mapapansin mo.
  • fresh blood is parvo suspect or meron ongoing bleeding somewhere in the anus and/or organs close to it. While black stool might be sa kinain niya or internal bleeding nagmanifest sa stool na nya. Yun dog ko nag bleed dati may pagka black blood na sa stool nya may na ingest pala na foreign object buti napopoo na nya. Best thing to do is consult your dog's vet. You'll never know if its emergency case or what then if it's parvo that's fatal only a matter of days yan if left untreated.
  • Consult your vet immediately... CPV test para sure, nag positive puppy ko last october after tumamlay... Di rin siya nakasurvive sa parvo sa clinic siya nawala after ng 2 days confinement...
  • Consult your vet immediately... CPV test para sure, nag positive puppy ko last october after tumamlay... Di rin siya nakasurvive sa parvo sa clinic siya nawala after ng 2 days confinement...


    hayy sa amin din. tatlo tuta ang namatay sa parvo virus.
    kakalungkot. sana talaga pinaturukan ko agad ng vaccine mga tuta :'(
  • ^
    Nakaka 2 shot na ng 6 in 1 pup ko nang tamaan ng parvo... Ingat dapat talaga pag di pa tapos vaccination nila...
  • salamat sa mga nag reply, namatay yung aso ko noong 03/10 11AM, unang akala ko kasi parvo, then nag research ako tungkol doon and iba pala ang nangyari sa kanya, "Melena" ang nakita ko, so posibleng nagkaroon ng internal bleeding sa upper gastrointestinal (GI) tract, either foreign obect or pwede din daw na rat poison, yung mga stool na naiwan niya sa sa garahe and yung stool niya habang nakahiga and namatay ay "black and tarry".

    History lang mga faps, yung aso ko na yun ay inampon ko lang from previous owner ng bahay na nabili ko, hindi na kinuha and nag decide na lang ako na ampunin siya, naawa ako na pakalat kalat lang siya sa kalsada tapos natutulog sa harap ng gate, ayaw ko talaga ng aso, cat person ako pero sa 1.5yrs na alaga ko siya eh napamahal na sa akin, hindi ko alam ang age and lahi niya, I think cross ng aspin and may lahing aso dahil makapal ang balahibo niya and maliit ang ulo kumpara sa aspin.

    Walang tao madalas sa bahay kung nasaan siya, pakawala ko siya sa bakuran, pero may silungan at garahe para tulugan, may dog food dispenser din kaya anytime pwede siya kumain and uminom, overnight ako doon every tuesday and friday dahil WFH ang setup ko sa work, hanggang ngayon naiiyak ako kapag naiisip ko na wala na siya at wala ng sasalubong sa akin na makulit at maharot na aso, sabi ko na may off that day kasi hindi niya ako sinalubong and ang isang lalong nagpapalungkot sa akin ay parang hinintay niya ako dumating, nakahiga na lang siya ng datnan ko and kumawag yung buntot ng pagkakita and pagkarinig sa akin, wala pa 5mins namatay na siya.

    Ayun lang mga faps, nag share lang and napapaisip ako kung ano talaga ang nangyari sa kanya.

    -- edited by piLio on Mar 13 2023, 10:23 AM
  • Sorry boss... Masakit pag nawalan ka ng alaga na parang anak mo na... Iniisip ko na lang ok na siya ngayon, wala nang pain na nararanasan kung nasan man siya ngayon...

    Exactly 1 month kahapon nung pinatulog ko si Jake, napakahirap ng decision na yun hanggang ngayon pag naiisip ko patago akong iiyak yakap ko iba kong aso...

    Pero unti-unti rin, gagaan sa dibdib mo yan pag inisip mong wala na suffering niya habang may sakit siya...
  • ^ condolence din sayo kakabasa ko lang ng post mo.

    hindi ko din expected na ganito impact sa akin nung asong yun, and yes considered na family member ko siya, parang ayaw ko nga muna pumunta doon sa bahay kasi ang bigat sa loob na hindi ko siya dadatnan doon.

    Iniisip ko na lang na naging masaya naman kaming pareho, naalagaan ko siya at nabigyan ng "home" bago siya kunin, kesa sa namatay lang siya sa kalsada.

    -- edited by piLio on Mar 13 2023, 11:24 AM
  • condolence,

    yung dalmatian namin may nakabuntis na iba hindi namin alam kung sino,
    ngayon 2 months old na yung puppies, sobrang ganda ng temperament, tahimik lang pero hindi nerbyosin pag kinakarga at kusang malinis sa higaan nila.
  • parang covid yang parvo na yan, nag mumutate kahit may turok ka na 2x anti parvo tatamaan paren, immune system lang panlaban nila dyan, kaya yung aso ko kahit 2x may turok tinamaan paren pero masigla sya at naka survive paren, pina confine ko na sa vet clinic kasi di ko kayang tutukan sya may work ako kahit mag bayad ng mahal basta buhay sya.
  • Condolence @damnoldcoot

    Yung 3 months old ko na Japanese Spitz tinamaan din ng Parvo, halos buto't balat na lang sya, malaki rin nagastos ko sa treatment nya, buti yung wife ko sobrang tyaga sa pag-alaga, pinagpupuyatan nya talaga para lang mamonitor...awa ng diyos naka survive yung puppy ko...ngayon 10 months old na sya, sobrang playful at ang kulit, tapos ang bigat nya, sobrang lakas kumain.

    Ngayon nag-woworry ako dun sa 7 years old ko na Japanese Spitz din, medyo matamlay daw sabi ng wife ko, pero kumakain naman, sabi ko baka namimiss ako, malayo kasi work ko at every weekend lang ako nakakauwi. I ask my wife na dalhin sa vet para ma-checkup lang...until now antay lang ako ng update.
  • nagsusugat yun 1.5y/o chow namin kinakamot nya saka kinakagat yung legs niya. sa pagkain kaya? boiled chicken saka top breed adult yung pagkain niya. sak yung coat niya medyo dry, ano magandang supplement para kumintab ang coat niya?
  • ^pa check mo sir baka may mange? need i scrape skin nya at microscope asa ilalim ng balat ang mange kasi
  • nagsusugat yun 1.5y/o chow namin kinakamot nya saka kinakagat yung legs niya. sa pagkain kaya? boiled chicken saka top breed adult yung pagkain niya. sak yung coat niya medyo dry, ano magandang supplement para kumintab ang coat niya?

    Yung Shih Tzu ko same situation din kamot sya and chewing her groin and tail. After sya maoperahan to remove her kidney tumor Sept 2022 her skin issues persisted ever since. Pina skin scrape ko na din sya wala naman daw mange. Kung anu ano nang gamot ang pinainom and tinurok ng vet wala pa din nangyari't hindi naalis allergy nya, sabi her allergen can be anything from food to environmental elements etc. Naka hypoallergenic dog food na din sya.

    She had this skin issue nun 2020 secondary to demodex mange na ibang vet pa tumingin't gumaling sya so what I did was backtrack kung ano gamot binigay.


    Then I remembered that supplement called Coat Shine <click here for link> was prescribed by her previous vet. Dunno if that was incidental since may iba pa sya meds like antibiotics etc but these past 2 weeks pinainom ko sya ulit nito and seems to have alleviated her skin issues. Hindi na masyado nagkakamot and hindi na din nya chew groin nya. Even the bad odor went away eto lang past few days. Her fur also became vibrant and shinny. I think yun rationale netong supplement is before it can achieve improving the coat, it will rectify prevailing skin disease first.

    I researched it a while ago and here's what Omega 3 Fatty Acids (active ingredient of Coat Shine) can do daw:
    Omega 3 Fatty Acids are very popular nutritional supplements for dogs. They are advertised to help with skin conditions, allergies, kidney function, lymphoma, heart disease, cognitive function, arthritis, and more.
    <click here for link>
    This is a supplement so its suppose to be safe but I suggest you consult with vet muna before you give anything to your furbaby alongside the routinary checkup.

    -- edited by musicgeek on Mar 15 2023, 12:59 AM
  • as per my experience

    scabbies ang nangyari sa mga chihuahua ko
    upon skin scrape positive yung isa kong chihuahua yung tatay , yung anak naman malapit na ren at posible mahawaan din.
    nag take sila ng bravecto at may anti biotic din sa kanila tinurok, tapos bumili ako ng mycocide shampoo twice a week sila maligo babad ng 10mins bago banlaw, may binigay dins aken na supplements for coat para maka bawi nalimutan ko lang pangalan, ayun talagang tutuk ako sa pag alga sa kanila at tinuloy pag bibigay ng nutripet para lumakas kain, linis din ng cages lage, so far naka bawi ang coat nung tatay, kung napabayaan ko siya baka kalbo na to sa kakamot at dry skin na sya at may dandruff na ang balat.

    vet ko ren naman nag reseta non tapos plan ko ren i de worm sila by april at vaccine na ren para updated na ren, yun binigay na time frame ng vet saken dahil binigyan sila ng antibiotic kaya di papede turukan o i deworm.
  • Ok ba to exotic bully benta sakin, nsa 1.2m php. Import. Me naka try naba? Planning to get bukas.
  • Ok ba to exotic bully benta sakin, nsa 1.2m php. Import. Me naka try naba? Planning to get bukas.

    wag ka mag madali. alamin mo muna ano peds, ano papeles/group(ABKC, UKC are 2 major groups na maganda). ano itsura ng magulang kasama na peds din nila.

    I have 1 bully also(classic type) and i used to photo shoot sa mga competition.

    pag sinabi nyang 1.2M, alamin mo yung nagbebenta if naaako sa status nya yung sinasabi nya muna. if hindi, kahit wag mo na tignan yung aso, pass ka na. if naaako naman, check mo na yung peds and mga sinabi ko.

    Exotics are commonly short lived. Not my type pero madami nahuhumaling.
  • read this to give you ideas/

    <click here for link>
  • @redwarrirors
    knowledgeable ka naman sigurado dahil hindi biro yung price o worth ng exotic bullies

    dito sa fairview napakarami breeders. ganyan din milyon ang usapan. pero natatakot ako mag invest maganda rin sana kasi business side nito
  • ask lang me naka experience na ba nit medyo pa senior na sya pag natutulog sya tapos pag gising nya yung naalmpungatan cross eyed sya pero babalik sa normal pansin ko to this past few weeks eh
  • ^
    May instances na nangyayari sa aso ko yan months before yung unang episode ng seizure niya... Di ko alam kung related sa sakit niya yung cross eyed pagkagising....

    Nagka brain tumor aso kong senior at yun yung cause ng seizures niya... Best na consult po sa vet para sure... Di ko po to sinabi para mag cause ng alarm pero sana po nakatulong to...
  • Jake 2013



    Chap 2016



    Jake & Chap January 2023



    Pahinga sila sa kakulitan 1 month before saying goodbye kay Jake
  • Ask ko lang po. May aspin kc na dog na pina alagaan sa akin. Gusto ko sana e pa vaccine ng 5-in-1, ilan ba shots needed kc never pa sya vaccinated ng 5-in-1 since puppy pa sya.