Forum Topic

TPC PC Parts RMA Thread (List your Returned Products here)

  • ^ Thanks for the update. That's actually pretty fast especially for a flagship GPU. Actually any GPU pala for that matter.
  • ugh actually I had to RMA it again(yep the new replacement) with the same issue. Currently omw to pick up the replacement again two weeks after from Techsquad.
  • Anyone here with experience on recent gpu rma via ubertech? My Gigabyte 3080ti Eagle just pulled a no display + 100% fans and now it won't boot up..


    ako rin may pina-check na gigabyte 3060ti gaming pro oc. same issue: no display, 100% fans. sobrang init pa ng card.

    pina-check ko sa store and same issue nangyari din sa kanila. forwarded to distro for assessment. although just now, sabi daw ng ubt, working daw sa kanila bagong format.
  • Hello, something weird nangyari sa RTX 3070 nakaka sad lang kasi hirap pa naman wala ngayong GPU pero tiis muna sa built in GPU ni 10850k. Bigla nalang hindi ako makapag laro laging crash so I decided na mag format since mag foformat namana talaga ako ng PC. Then after ko maformat naginstall ako ng bagong driver nagtry din ako ng lumang driver pero ganon pa din. Pinacheck ko na din sa kahit anong PC ganon din. NO BSOD no BLACK screen kea nakakataka. Crash lang lahat ng games :( so ayon pna RMA ko na din. wala pang balita mejo matagal talaga ngaun
  • Meron na ba nakapag RMA ng ram sa TeamGroup Taiwan? Pano nyo pinadala?
  • Guys question ko lang...

    nasira po ung RTX 3070 Gaming X trio MSI ko...
    DOP: November 2021 ko po sia nabili

    Ngayon po binalik ko sia by DECEMBER 28, 2021 ang ISSUE ng GPU ko ay GAME Crashing po sa lahat ng games wala pang 2 months ko nabili sa shop. Then nireturn ko complete with receipt and box plus accessories. Na approve naman po sa loob ng kulang 2 months ung RMA. STORE WARRANTY nalang po papasok ang GPU ko hindi na po replacement warranty since almost 1 month ko na syang ginamit well naghintay naman talaga ako for replacement ni supplier daw then nag PM sakin na binigyan daw ni SUPPLIER si SHOP ng CREDIT MEMO...Sa totoo lang now ko lang yan narinig pero sige waiting ako sa explanation ni SHOP. Ang credit memo daw na ibinigay sakin ay 43k which is kung gaano ko nabili ung GPU na RTX 3070 ko mura kasi nung time na yon. So ngaun inioofer sakin na maging STORE CREDIT ung 43k no refund policy daw kasi sila. Tapos ngayon po inooffer kasi sakin ung 3070 na mag aadd ako ng 2k kapalit nung ASUS 3070 KO eh tri fan ung TRIO ko mas trip ko ung porma nun compare sa KO unless TUF sige mag ADD AKO 2k. So sabi ko pede bang hindi ko muna gamitin ung STORE CREDIT for the meantime eh sa wala akong bibilin na parts kasi GPU lang talaga kulang mag papa baba muna ko ng price ng GPU. Ang sagot sakin continues daw kasi ung warranty kea need ko na bumili or mag decide....question ano po kaya magandang gawin. Gusto ko sana i refund nalang ung 43k ko kung walang pamalit naiintindihan ko naman kng bakit wala dahil GPU shortage. Willing to wait naman ako baka sakali magkaron ng STOCK hindi ko lang gusto na magpalit ng BRAND then add pa ko 2k sa hindi ko naman gusto na model ng 3070. Isa pa diba dapat naka hold ang warranty since wala pa naman ipinapapalit sakin dapat hindi continue un dapat bagong warranty.
  • ^hindi na mababago ang end date ng warranty period mo for that video card, so better decide na kung agree ka sa terms ng store o hindi. Based on your preference, refund na lang ang best option mo, kasi lalo kang malulugi kapag pinatagal mo pa yan.
  • paano kung hindi sila nagrerefund sir?
  • ^ hindi ata pwedeng hindi... Kailangan nila irefund if they can't provide the exact model. Pwede mo escalate sa DTI.

    Either same model or refund ang option ng store kapag hindi ka pumayag sa offer nila.
  • Ayon sa DTI...

    Consumers are entitled to either an exchange or refund, as long as there is a defect in the quality of goods or imperfection in the service.

    https://www.dti.gov.ph/konsyumer/consumer-education/

    Ang hindi lang puwede sa refund ay change of mind, halimbawa may nakita kang mas mura o mas magandang klase, o hindi compatible ang piyesa na nabili mo, kasi dapat as a consumer you do your homework bago bumili.

    Pero kung defective ang item, walang reason para hindi i refund o palitan ng same item, pag ayaw, magsampa ka ng reklamo sa DTI, siguradong makukuha mo pera mo.
  • @Nixus123

    Just be firm with them. Demand nicely but firmly.
  • as they say.. DTI na muna... soft ka muna sa umpisa... along the way... mag HARD ka na... ^^
  • Any idea po kung san pwede ipa RMA Patriot Viper 16gb dual. Gagawan ko sana ng RMA request pero wala yung exact model sa list nila.
  • Hello ask ko lng po if possible pa marepair yung gpu ng laptop, kasi po nagparepaste ako ng cpu / gpu ng laptop ko then ayaw na gumana ng hdmi port tpos nag bsod pag nag iinstall ng gpu driver. Shoulder po ba ito ng repair shop kung sakali?

    Note: wala nmn sila abiso na incase may masira di na nila sagot, bali ang purpose ko lng tlga i pa clean ung fans tapos repaste. walang defective part sa laptop ko. Dinouble check muna nila kung fully working ung laptop before baklasin para i clean + repaste yung cpu/gpu

    PS: nag try na din po ako full reformat same issue tlga pag nag iinstall ng gpu driver nag bsod sya tapos code 43 ung error nakalagay sa device manager ng display adapter ng gpu, tapos ung hdmi di na din nagana kaya suspect ko may problema sa gpu

    please move or delete my post if mali po yung thread na pinag post ko ty

    TLDR: repair shop broke my laptops gpu, shoulder po ba nila repair/replacement ng parts neto? tq

    -- edited by clampzy on May 15 2022, 12:32 AM
  • RMA'd my Gigabyte 3060 Ti sa Ubertech/Techsquad nung July 2, they returned the card nung August 10. I only had the card and the box bc I lost the receipt. Nag sign up din ako sa e-support website ng Gigabyte para madaliin sila sa RMA process. I think mas mabagal sila kikilos if di ko kinulit ang gigabyte mismo. After nung ETA na 2-3 weeks according to Ubertech, kinulit ko na din sila since di na sila nag reply sa text ko nun. Tinawagan ko and pina-follow up tapos ayun, nalaman na may dadating din pala na replacement unit. Wala lng sila way of tracking kung kailan dadating. Malalaman lng nila pag nasa pinas na. Once nasa pinas na ang replacement unit, it takes about 2 days bago mapunta sa kanila
  • hello ask ko lang po kung saan pwedi magpa RMA ng gtx 1050ti asus?? masaming salaamt po
  • Hi.

    May nakasubok na po ba dito magpa-RMA ng gskill rams sa Taiwan? Magkano po kaya inabot sa courier?

    Trident Z - 2x4GB, DDR4 po. TIA
  • mga sir san po pwede pa rma msi mag coreliquid 240r, dec 4 2021 ko sya nabili wala pa syang 1 yr, binalik ko sa pc hub 6 mos lang daw warranty wth kala ko 1 yr warranty ng mga brand new na parts anyway, nalaman ko na marami pa lang owner ng aio nato na ganito ang problema, nag research ako kung pano gagawin ko nalaman ko na pwede mag apply for swap kung pasok yung serial no ng aio ko sadly hindi sya pasok sa swap program, baka meron ako kaparehas na problema na, na napa rma nya yung item nya tia
  • Post deleted #12433816
  • Mga master

    Kapag po ba may konting gasgas yung backplate ng gpu idedeny na ito ng Ubertech for warranty claims?

    Yung Palit Gaming Pro Non-OC GTX 3080 ko ksi parang nag dried up na yung thermal paste / pad. Yung Gpu Core is at 85c and Gpu Hotspot temp at 108c when I tried demanding games like Witcher 3 (Next-gen) and Watch Dogs 2 - both at ultra config. Dati naman walang problem sa temps. I bouught it noong Jan 2021.

    Salamat in advance sa insights mga bossing.

    -- edited by RyuzakiL on Dec 18 2022, 02:41 AM
  • Kapag po ba may konting gasgas yung backplate ng gpu idedeny na ito ng Ubertech for warranty claims?


    nope basta intact all sticker yung 1660s ko dameng gasgas nun di naman tinanggihan make sure lang na yung gasgas eh di masyadong malalim na parang nabagsak
  • @nabannanaman

    Salamat master. Cge pro nag aalangan pa in ako sa warranty claim. I heard mabagal yung Ubertech pag dating sa warranty
  • Di ko gets, bakit mo ipapawarranty kung sa tingin mong causes is dried up GPU? you can easily replace the TIM yourself.
  • Looks like I need to RMA my Palit Gamerock 4090, Not detected na siya as of today lang, bought it Nov 28. Tried it on another PC not detected pa rin, tried a 3080 sa pc kung saan galing yung 4090 ok naman.

    Sa mga nagpa RMA sa Palit recently ok naman ba? Thanks. Yung mga may experience sa Palit sa thread na to mejo matagal na kasi
  • Planning to buy a 2nd hand gigabyte mobo. Same lang ba si ubertech na sticker lang tinitignan and not the receipt? If so saan usually sticker ni ubt sa board? Sa likod ba? Tia
  • Good news, ASUS is switching to UBT as official distributor. :)
  • Sino ba distributor dati ni ASUS?
  • Pwede bang magpaRMA kay UBT thru courier?
  • Sino ba distributor dati ni ASUS?

    Banbros

    Pwede bang magpaRMA kay UBT thru courier?


    pwede call ka lang for instruction
  • Ever heard na nagrerepair si UBT ng GPU locally or papunta siya overseas for repair? Or void daw warranty dahil tampered ang sticker?