Forum Topic

Post your aircon & ref problems...

  • @newbie

    Your 2hp aircon is rated for around 1,600w. On the other hand, a 20A breaker is rated for 4,600w at 230v. Sobra sobra yan imho. A 15A breaker is better suited since it is rated for 3,450w at 230v. That way ay mas maaga mag-trip yung breaker in the event of an overload. Sa 20A kasi eh sunog na yung aircon mo, hindi pa nagti-trip yung breaker mo dahil sa taas ng capacity nya.

    Kung conventional yan, matic na 30A agad ang breaker na ilalagay to accommodate yung surge current ng unit. But since inverter yan, get the 15A breaker. For more information, visit page 01 of the DC Inverter Aircon thread.
  • Aww hindi sinabi ni Mark from Ray and J na kailangan palitan ang breaker - nagpalit kami from conventional to inverter unit ... tsk tsk
  • thank you Sir Godai_Yusaku. ayaw pumayag noong installer na 15A :( 30A pa nga gusto, pero sabi ko short na ako sa budget... yun na lumang Koten 20A ang gamitin namin. Ayun, kinabit niya 20A. pero pinalitan ko din ng 15A pagkaalis nila :D

    question pala sa copper tubes... hindi ba pwedeng mas maigsi sa 10ft? ni-loop kse yong labis.

    tenks po ulet
  • @newbie
    ayaw pumayag noong installer na 15A :( 30A pa nga gusto,

    Sa site kasi ng LG PH, 25A ang recommended circuit breaker ng 2hp na ST inverter. So malamang yun ang sinusunod nya. But in reality ay hindi na yun applicable sa mga inverter units. Tama yan 15A na kinabit mo sa NEMA box. Then sa mismong panel board puedeng 20A para may progression ka.

    @srkid

    Maybe inisip nila na wag na palitan para makatipid ka pa ng kaunti. But for your safety, you should endeavor to replace it with the correct rated breaker for your aircon.
  • @newbie
    question pala sa copper tubes... hindi ba pwedeng mas maigsi sa 10ft? ni-loop kse yong labis.

    No, hindi puede. May minimum length ng copper tubes na required to hold the required amount of refrigerant and oil at a certain pressure.
  • ^ copy sir. tenks!
  • Hitachi compact window type
    Problem po is shutting down after few minutes of turning on.
    Last cleaning 10months ago.
    Ano po possible na sira.
  • mga sir, pa recommend please ng relatively cheap but good enough avr for inverter ref

    late adopter ako sa inverter ref. tagal kasi masira nung ref ko. lol

    TIA.
  • @aRtie

    tumagal naman ng 14yrs yung isa namin 13cu ft panasonic inverter bottom freezer without AVR. just recently, 2 x 14cu ft na panasonic bottom freezers na gamit dito sa bahay, hindi pa rin ako gumagamit ng AVR.
  • ^
    Ah talaga. Good to hear na hindi naman pala ganun ka sensitive

    Yung bibilan ko kasi, may add on na offer for avr, pero mejo namamahalan ako @4k, pandagdag na sana sa bigger size ref

    Anyway, for safety precaution na rin yung sakin. Mejo suburb kasi yung area ko, minsan konting hangin lang nagfi-flicker na kuryente. Hehe
  • ^kung nag flicker ang mga ilaw mo every time na humahangin? ipa-check mo na rin sa electrician ang entrada/dropwire service line mo bro, baka corroded or loose na yung crimp nya. nagkaganyan na yun dropwire namin dito sa bahay.
  • ^
    joke lang actually sir yung konting hangin, pero pag may bagyo kahit signal 1, given na walang sablay may brownout samin

    napatingin ko na sir to sa electrician, maayos naman electricals namin
    pero mejo marami kasing puno sa subdivision, and may iba tumatama na sa wirings, madalas hindi name-maintain
    hindi kasi proactive yung admin samin, maghihintay pa muna may mangyari before umaksyon. pag may naputol na wire na, saka pa lang papatabasan yung mga puno
  • ^ah ok,,, hehe
    get the biggest what you can have na.
  • Salamat sir. May nakuha ako Stavol na brand. Mejo mura ng konti
  • ^i meant yun fridge ang lakihan mo na paps.
    though i heard na solid brand ang stavol, that's nice then ;)
  • ahh, hehe. kala ko nga you meant yung avr
    na-max ko na actually sir yung nabili ko na Pana, limited lang kasi width space ko for ref. hindi na kasya yung mga french door and side by side
  • @bangus
    Hitachi compact window type
    Problem po is shutting down after few minutes of turning on. Ano po possible na sira.
    Last cleaning 10months ago.

    Call in service na syempre. Daming puedeng sira nyan but ang tanong eh may error code ba na lumalabas? If wala, then itawag mo na yan para ma-check. For sure lilinisin muna nila yan bago nila ma-diagnose ng maayos though.

    @artie

    Best to have those trees trimmed. Trees and uninsulated electric wires are a bad combination as this often results in a line-to-ground fault. Hence, the power utility will shut off the supply until they think it is safe to turn it back on. That AVR will indeed be a good investment especially since inverter refs are know for being prone to power spikes and flickers.
  • Ref Panasonic - may naka encounter na ba dito na yung hindi lang freezer ang nagyeye yelo, pati yung baba ng freezer nag yelo na rin ang hirap tanggalin hindi automatic defrost yung ref, pero inverter siya....thanks sa sasagot.