Forum Topic

Post your aircon & ref problems...

  • ^when I was researching for ref few years ago, nababasa ko problem sa samsung ref eh yung mabilis ma-corrode yung copper part sa likod ng ref na connected sa compressor. parang in a span of 1 year masisira na yung part na yun, ending eh may leak sa likod. hindi compressor yung problem pero yung connection so hindi pasok sa normal na 10yr warranty on compressor. not sure kung gang ngayon may ganung problem pa.

    re: my LG AC, napa-repair ko na and capacitor lang yung problem. 1200 damage (600 for parts, 400 labor, 200 tip).
  • ^
    nabasa ko rin tong design flaw na to ng Samsung ref
    kaya nung binilan ko ng ref yung parents ko last year, blindly went with Sharp J-Tech
  • @artie

    hows the sharp ref?
  • ^
    good naman so far sir, no issues whatsoever after a year of use

    a lot cheaper din yung Sharp that time, compared kay Pana and Sammy
    not sure lang sa price nya ngayon
  • ^
    First choice namin sa Ac is Sharp kaso wala daw stock, so we settled for Panasonic. So far so good din.
  • bakit suggest sa tindahan direct( manual) cooling nalang bilhin ko instead inverter type sa sitwasyon ng aming electric company na parating nagbobrownout.

    -- edited by sem_rs on Jul 11 2019, 04:51 PM
  • Sir tanung lng po anu po karaniwang sira nang aircon pag ng cucut off ang overloaf protector
  • sem_rs Send Message View User Items on 11 Jul 19 @ 04:49 PM #
    bakit suggest sa tindahan direct( manual) cooling nalang bilhin ko instead inverter type sa sitwasyon ng aming electric company na parating nagbobrownout.


    power surge kapag nag-restore na ang power.
    mas sensitive "siguro" ang mga inverters.
  • Post deleted #12237464
  • which is more needed first avr or time delay?

    -- edited by sem_rs on Jul 12 2019, 04:05 PM
  • ^
    Power on delay is already enough to protect your ref during a power surge
  • usually naman may power on delay na dapat, yung carrier at koppel namin na ac at 7 years old meron na.

    -- edited by frequenzy on Jul 13 2019, 01:58 PM
  • Q: meron akong lumang ref as in nangangalawang na ang kaha pero ok pa naman ang cooling.. at meron din akong LG ref na sira ayaw lumamig nagpalit na ako ng motor at ganun pa din. sabi ng tech may papalitan daw na sobrang mahal na piyesa na parang bumili ka din ng bago. tanong ko lng pwede ba itransplant yung parts ng luma kong ref na puro kalawang na sa medyo bago pa na LG ref?
  • Hindi pwede
  • meron kami westinghouse more than 15yrs na dinidefrost monthly ngayon nagpapawis na sa loob kata tumutulo sa loob pero malamig pa naman at sobrang kapal na mag ice.
    hindi pala pwede sa.lugar namin yun inverter type buti nalang hindi pako bumili ng samsung yun twin cooling nila almost 30k.
  • sem_rs

    Stay away from Samsung. Bukod sa bad experience ko sa ref na yan, marami na rin nagpost dito ng bad experience sa appliance nila.
  • sabi din sa kabilang thread wag din daw Samsung na aircon LOL

    bago pa lang yun Samsung ref ko so hindi ko pa masabi kung sirain. ang ayaw ko lang sobra namang bilis magyelo. sa bottom freezer kasi ako naglalagay ng bote ng tubig wala pang 30 mins siguro matigas na yun tubig hindi naman nakatodo yun temp.
  • @sem

    nagpapawis na sa loob kata tumutulo sa loob pero malamig pa naman at sobrang kapal na mag ice

    usually nangyayari to pag naiiwang bukas yung ref
    baka hindi na maayos yung rubber seal nya sa gilid ng pinto ng ref?
  • @beansent

    -15 to -18 °C yung temperature ng frost free na freezer kaya mabilis magyelo ang liquids. suggestion ko is ilagay mo na lang sa ref yung pinapalamig mong tubig at huwag sa freezer.
  • yung window type aircon ko sa bahay nag yeyelo na sya pero nilinisan ko yun ganun pa din. possible recharge ng freon na to mga sir?
  • yung aircon namin eh yung 1/4 itaas ng coils hindi malamig. pero yung 3/4 sa baba super lamig at basa. yung sa itaas lang talaga ang hindi malamig at super dry niya.

    carrier aircon 2 yrs pa 1.5hp with remote. minsan may error FR error. madumi lang ba or meron need icheck?
  • @sled
    kung sure na malinis na at nagyeyelo pa rin, then malamang kulang na sa refrigerant which means may leak.
  • ref namin non frost and almost or 10yrs na. Malakas naman sa freezer pero parang bigla nalang humina yung blower nya para magbaba ng lamig sa ref. Pagbinubuksan ko yung freezer saka lang nararamdaman yung lamig pababa sa ref pero once na isinara ko ang freezer sumasabay din sa paghina yung blower. Ano kaya problema nito? salamat
  • ref namin non frost and almost or 10yrs na. Malakas naman sa freezer pero parang bigla nalang humina yung blower nya para magbaba ng lamig sa ref. Pagbinubuksan ko yung freezer saka lang nararamdaman yung lamig pababa sa ref pero once na isinara ko ang freezer sumasabay din sa paghina yung blower. Ano kaya problema nito? salamat
  • Ang weird ng aircon namin. Mag 2 months pa lang sya. Carrier non inverter optima green (without remote).. Every night sineset ko lang sya na 8 hours naka on pero pag gising ko naka 12 na sa timer kaya pala di namamatay. Inobserve ko sya sinet ko sa 2 hours lang pero ang ngyyre imbes lumapit na sya sa off lumalapit pa sya sa 3. Meaning pabaligtad yung timer ??
  • Ipawarranty mo na agad
  • Panasonic NR-BP8717DX, may idea po kayo if ever hindi na lumalamig after mag defrost cycle? may button sa loob to defrost yung unit and same din to turn back. Tried to remove the plug for almost 3hrs and re-plug. Thanks in advance.
  • Ano po ref nyo na direct cooling na meron auto defrost?

    -- edited by sem_rs on Aug 01 2019, 07:23 PM
  • Mga Boss, Plano ko bumili ng LG Ref side by side pero Linear Inverter sya, ok ba yung linear inver compare sa smart inverter? salamat

    -- edited by dens2018 on Aug 06 2019, 06:50 AM
  • sapat na ba ang 30 amps na breaker sa .75 horsepower na aircon?
    may bad effect ba kung masyado mataas yun amps sa required?