Forum Topic

Post your aircon & ref problems...

  • may aircon ba na walang drain or drip sa likod? yung walang natulong tubig?
    baka may alam kayo brand. pa pm nalang if ever please!
  • noob question lang mga sir. pwede bang gawing air fresherner ung fabric conditioners? like downy (passion), dell (pure love), etc. ang mahal kasi ng mga air fresherners eh. wala naman kayang side effects sa airconditioner kung fabric conditioner ang gagmitin as air fresherner? split type po aircon namin :) thanks po!
  • side effect sa aircon? sa aircon ba ilalagay yung downy?

    -- edited by lxi97 on Sep 04 2019, 12:37 PM
  • sa may bulak po tapos ilalagay sa may itaas ng aircon po
  • so stay away parin ba sa Inverter type na Ref and Aircon?
  • GobiGobi Send Message View User Items on 15 Sep 19 @ 04:41 PM #
    so stay away parin ba sa Inverter type na Ref and Aircon?


    we have 2 ref at 2 split type aircon dito sa bahay, never looked back.
  • imho mGanda inverter type kun stable ang kuryente sa area. sensitive yta ang inverter type sa brownout and fluctuation ng kuryente.
  • Naka 6 months na LG split type ko, sa Abenson ko nabili. Saan po pala ako dapat kumontak for free cleaning?
  • ^
    Just call the branch na magpapalinis ka ng AC kung sa kanila ka nagpainstall
  • Okay salamat @oabla
  • Nagleak po yung refrigerant nung split type (inverter) namin na AC after 2 months nung ininstall, ang paliwanag po samin is yung manufacturer daw po ang may kasalanan kasi di nila chineck kung may laman pa. Tama po ba yun? Yung 5 years ko po na window non inverter type not once nagkaproblema.
  • Anong brand and ilang hp ac mo sir?

    kapag bago naman sir may laman na freon sa loob ng ac. pipes nalang and vacuum sa loob na pipes para walang impurities. baka hindi marunong nag install ng ac mo.
  • @JP
    underwarranty pa yan, so itawag mo lang at libre naman pagawa. as long as authorized yung naginstall.
  • Both aircon and ref namin inverter na din. Kailangan magtipid sa kuryente.
  • Patulong naman po. Yung panasonic NR-AP7671DX namin grabe yung moisture sa pinto ng freezer. Kulang kulang 10 beses na pumunta yung technician nila at pinalitan yung mga parts na kung anu-ano, 1 time pinull out pa nila yung ref. Pero di naman naayos.

    Ngayong 1 year na yung ref, di na daw covered ng warranty yung problema pero di naman nila naayos yung problema in the first place.

    May habol pa ba kami dito? First ref pa naman namin to. Di kaya manufacturer defect to?
  • LF: Defective KAG-150RSINV

    bilhin ko basta buo, iswap ko lang yng parts ng sa akin which is sira na :)
  • Defective sa akin yung PCB ng Carrier Xpower 2 window type. the rest ay ayos na ayos pa. San ba makakabili ng replacement ng pcb nito?
  • help lang masters, what if submeter lang yung meron ang unit tapos no dedicated breaker for an AC. sabi ng land lord irekta nalang daw sa socket kasi may breaker naman yung unit.

    pwede ba ito? or need ba talaga mag pa install ng sariling breaker/switch? kakatakot kasi, thank you mga masters.
  • tipikal pinoy mindset pwede na yan. kapag nasira or worse nasunog dun lang marerealize na sana pala ganito ginawa ko.
    usually kapag ang amperage is over 7 amps dapat may sarili ng circuit.
  • I have an older window type ac unit, pero I never connected the drain pan (not sure if it came with one).
    Ililipat ko sya to a different room where kailangan talaga madivert yung drip ng water. May nabibili bang
    universal drip pan para sa AC units or kailangan talaga i-DIY na lang?
  • yown, cge thank you master. kausapin ko landlord ulit. feeling ko tamad lang mag kumpuni ng breaker ito e hehe. sayang kasi may offer sa l*z*d*, samsung na split type 1hp, 19k lang. up!
  • hi. ano kaya prob ng aircon namin window type biglang nasira kasi after magfluctuate yung ilaw. malamig and malakas pa rin yung hangin pero ang compressor parating nagoON and Off. mga 30sec malamig tapos magooFF sya parang nakafan mg 3 minutes tapos On na naman sandali off ulit. short cycling ba tawag jan? ano kaya nasira dito? ty
  • Kung walang butas sa likod ung aircon, it doesn't mean na hindi tutulo yan. Had my carrier .5 hp leak water all around sa loob at labas ng window after 6 months. pinalinis ko tapos ayos na ulit. Kaso mandatory na talaga palinis un.

    Gusto ko lagyan ng butas sa ilalim ng unit tapos lagyan ng tube fittings para may pagdaluyan ung tubig sa loob once nagaccumulate.
  • Mga sir. May aircon po ako Condura Window Type Inverter nabili lang last July. Then nung Oct/Nov, napansin namin na mabaho buga nya and pag tumagal ung room namin nag-aamoy parang imbornal (o basta mabaho). Nung pinaservice namin ung ac namin, ang sbi is malinis naman ung ac nmin. D nila mapinpoint ung cause ng mabahong amoy. Nilagyan n lng ng technician ung grills ng downy. Bumango nmn xa. Kaso after ilang days bumalik ung mabahong amoy s rm namin pag gamit ung aircon. Then nung 2nd time na pinaservice namin, malinis dw aircon nga namin. Pero clineaning na lang din nila kc hindi tumabla ung downy dti. Kaso ngaun bumabaho ulit rm namin. Ano po kaya problem and solution? Salamat po!

    -- edited by snowdrops on Dec 16 2019, 01:12 AM

    -- edited by snowdrops on Dec 16 2019, 01:13 AM
  • @snowdrops

    sir sa experience ko sa aircon ko na condura for the last 2 years, bale nung 1st 2nd and 3rd month ko ganyan, medyo me foul odor ung aircon. Bale after kasi gamitin ang aircon natin usually kapag napakalamig na mode, ay moist ang loob ng aircon po natin. Usually dun napasok o namamahay ibang lamok since me stagnant water somewhere or in shore mamasa masa na feel. Anyway one thing i learned thru customer service nila ay from time to time ay gamitin ang DRY mode aircon para mawala ung moist sa loob although mas matagal nga lang lumamig ang kwarto sa experience ko kapag naka dry mode. Anyway ang diskarte ko po ngayon sa split type ko ay naka Turbo for the first 15 minutes, then kapag malamig na kwarto, turn ko na sya sa dry mode hanggang pag tulog at gising ko na po iyon. So far so good namn po
  • @vicmanhid

    Thank u sir s tip! Specific problem po b xa ng condura aircons? 1st tym ko lng po kc nakaexperience na bumabaho ung aircon. Although ung condura aircon po namin, mabaho ung hangin nya s unang buga plng pag binuksan ung aircon. Pag bagong downy/cleaning siya, ok ung amoy ng unang buga nya pero after ilang hrs mabaho na ung rm namin. Then after ilang days ng use, bumabalik n po s dti ung sakit nya na mabaho ung hangin sa unang buga pa lng.

    Every kelan po ba dpt tumutulo ung tubig s aircon? Dpt po ba every gamit ng aircon, may tumutulong tubig?
  • @snowdrops

    for 2 years wala pako na experience na tumulo split type aircon ko. meaning kasi kapag natulo na, me problema sa unit or HINDI TAMA ung pagka mount. Meron din pong factor kung san nakalagay ung outdoor unit since dun po humihigop ng hangin if merong mabaho o dumi sa lugar kung asan ang outdoor unit, iyon din po ang maamoy sa loob.
  • Pano po ayusin pag tumutulo yung no frost samsung ref between freezer and refrigerator?

    Nag research ako sabi baka may clogged sa drain kaya nag back flow yung tubig.
  • vicmanhid Send Message View User Items on 18 Dec 19 @ 03:57 AM #
    @snowdrops

    for 2 years wala pako na experience na tumulo split type aircon ko. meaning kasi kapag natulo na, me problema sa unit or HINDI TAMA ung pagka mount. Meron din pong factor kung san nakalagay ung outdoor unit since dun po humihigop ng hangin if merong mabaho o dumi sa lugar kung asan ang outdoor unit, iyon din po ang maamoy sa loob.


    i agree sa dripping dahil sa faulty installation.
    pero hindi dun sa foul odor dahil sa location ng outdoor unit. closed loop ang split type ACs paps. pero posible nga sya sa window types.
    kung sa split type, posibleng may leakage ang room na pwedeng pasukan ng bad odor coming from the outside.
  • @statix @vicmanhid di po nagddrip aircon ko. normal b un? Sbi kc s kin ng technician normal un kc nag-eevaporate naman ung tubig. Ano po ung closed loop?

    Ano po ung ibig sbhin nyo sa may possible leakage? Triny ko po amuyin CR namin, wala siyang amoy. Clinoclose din namin ung mga pinto including sa CR namin pag nag-aaircon. Nagtry din ako mag-amoy amoy s mga sulok ng kwarto kaso wala ako maamoy na kakaiba. Pano malalaman if may leakage ung room?