-
Godai_Yusaku
on
20 Oct 22 @ 10:46 AM #
@newbie
Your 2hp aircon is rated for around 1,600w. On the other hand, a 20A breaker is rated for 4,600w at 230v. Sobra sobra yan imho. A 15A breaker is better suited since it is rated for 3,450w at 230v. That way ay mas maaga mag-trip yung breaker in the event of an overload. Sa 20A kasi eh sunog na yung aircon mo, hindi pa nagti-trip yung breaker mo dahil sa taas ng capacity nya.
Kung conventional yan, matic na 30A agad ang breaker na ilalagay to accommodate yung surge current ng unit. But since inverter yan, get the 15A breaker. For more information, visit page 01 of the DC Inverter Aircon thread.
-
srkid
on
20 Oct 22 @ 01:07 PM #
Aww hindi sinabi ni Mark from Ray and J na kailangan palitan ang breaker - nagpalit kami from conventional to inverter unit ... tsk tsk
-
newbie
on
20 Oct 22 @ 09:38 PM #
thank you Sir Godai_Yusaku. ayaw pumayag noong installer na 15A :( 30A pa nga gusto, pero sabi ko short na ako sa budget... yun na lumang Koten 20A ang gamitin namin. Ayun, kinabit niya 20A. pero pinalitan ko din ng 15A pagkaalis nila :D
question pala sa copper tubes... hindi ba pwedeng mas maigsi sa 10ft? ni-loop kse yong labis.
tenks po ulet
-
Godai_Yusaku
on
20 Oct 22 @ 10:49 PM #
@newbie
ayaw pumayag noong installer na 15A :( 30A pa nga gusto,
Sa site kasi ng LG PH, 25A ang recommended circuit breaker ng 2hp na ST inverter. So malamang yun ang sinusunod nya. But in reality ay hindi na yun applicable sa mga inverter units. Tama yan 15A na kinabit mo sa NEMA box. Then sa mismong panel board puedeng 20A para may progression ka.
@srkid
Maybe inisip nila na wag na palitan para makatipid ka pa ng kaunti. But for your safety, you should endeavor to replace it with the correct rated breaker for your aircon.
-
Godai_Yusaku
on
21 Oct 22 @ 02:06 PM #
@newbie
question pala sa copper tubes... hindi ba pwedeng mas maigsi sa 10ft? ni-loop kse yong labis.
No, hindi puede. May minimum length ng copper tubes na required to hold the required amount of refrigerant and oil at a certain pressure.
-
newbie
on
21 Oct 22 @ 09:56 PM #
^ copy sir. tenks!
-
fried_bangus
on
08 Nov 22 @ 11:10 AM #
Hitachi compact window type
Problem po is shutting down after few minutes of turning on.
Last cleaning 10months ago.
Ano po possible na sira.
-
aRTie
on
09 Nov 22 @ 12:05 PM #
mga sir, pa recommend please ng relatively cheap but good enough avr for inverter ref
late adopter ako sa inverter ref. tagal kasi masira nung ref ko. lol
TIA.
-
statix
on
09 Nov 22 @ 02:02 PM #
@aRtie
tumagal naman ng 14yrs yung isa namin 13cu ft panasonic inverter bottom freezer without AVR. just recently, 2 x 14cu ft na panasonic bottom freezers na gamit dito sa bahay, hindi pa rin ako gumagamit ng AVR.
-
aRTie
on
09 Nov 22 @ 02:54 PM #
^
Ah talaga. Good to hear na hindi naman pala ganun ka sensitive
Yung bibilan ko kasi, may add on na offer for avr, pero mejo namamahalan ako @4k, pandagdag na sana sa bigger size ref
Anyway, for safety precaution na rin yung sakin. Mejo suburb kasi yung area ko, minsan konting hangin lang nagfi-flicker na kuryente. Hehe
-
statix
on
09 Nov 22 @ 03:00 PM #
^kung nag flicker ang mga ilaw mo every time na humahangin? ipa-check mo na rin sa electrician ang entrada/dropwire service line mo bro, baka corroded or loose na yung crimp nya. nagkaganyan na yun dropwire namin dito sa bahay.
-
aRTie
on
09 Nov 22 @ 03:25 PM #
^
joke lang actually sir yung konting hangin, pero pag may bagyo kahit signal 1, given na walang sablay may brownout samin
napatingin ko na sir to sa electrician, maayos naman electricals namin
pero mejo marami kasing puno sa subdivision, and may iba tumatama na sa wirings, madalas hindi name-maintain
hindi kasi proactive yung admin samin, maghihintay pa muna may mangyari before umaksyon. pag may naputol na wire na, saka pa lang papatabasan yung mga puno
-
statix
on
09 Nov 22 @ 06:45 PM #
^ah ok,,, hehe
get the biggest what you can have na.
-
aRTie
on
11 Nov 22 @ 02:42 AM #
Salamat sir. May nakuha ako Stavol na brand. Mejo mura ng konti
-
statix
on
11 Nov 22 @ 01:20 PM #
^i meant yun fridge ang lakihan mo na paps.
though i heard na solid brand ang stavol, that's nice then ;)
-
aRTie
on
11 Nov 22 @ 02:14 PM #
ahh, hehe. kala ko nga you meant yung avr
na-max ko na actually sir yung nabili ko na Pana, limited lang kasi width space ko for ref. hindi na kasya yung mga french door and side by side
-
Godai_Yusaku
on
15 Nov 22 @ 09:34 AM #
@bangus
Hitachi compact window type
Problem po is shutting down after few minutes of turning on. Ano po possible na sira.
Last cleaning 10months ago.
Call in service na syempre. Daming puedeng sira nyan but ang tanong eh may error code ba na lumalabas? If wala, then itawag mo na yan para ma-check. For sure lilinisin muna nila yan bago nila ma-diagnose ng maayos though.
@artie
Best to have those trees trimmed. Trees and uninsulated electric wires are a bad combination as this often results in a line-to-ground fault. Hence, the power utility will shut off the supply until they think it is safe to turn it back on. That AVR will indeed be a good investment especially since inverter refs are know for being prone to power spikes and flickers.
-
puma
on
27 Nov 22 @ 11:33 AM #
Ref Panasonic - may naka encounter na ba dito na yung hindi lang freezer ang nagyeye yelo, pati yung baba ng freezer nag yelo na rin ang hirap tanggalin hindi automatic defrost yung ref, pero inverter siya....thanks sa sasagot.
-
curenei
on
17 Dec 22 @ 04:51 PM #
normal ba 3 years lang sira na compressor ng lg ref namen. within warranty pa naman kaso 7.5k ang labor pag ginawa. worth 21k yung ref nung nabili
-- edited by curenei on Dec 17 2022, 12:51 AM
-
statix
on
17 Dec 22 @ 05:05 PM #
^whoa! grabe naman sa labor charge yan, swapping lang naman halos ang gagawin dyan.
nakalibre nga sa brand new compressor pero hold up naman sa labor.
-
curenei
on
18 Dec 22 @ 11:41 AM #
yun nga eh. parang binayaran din yung compressor. pupullout daw yung unit. ganon ba talaga home service nila di naman gagawin sa bahay namen.
-
statix
on
18 Dec 22 @ 12:09 PM #
^by pulling out the unit from your home to replace the compressor, just to make it looks like more complicated to do the job. hence for them to charge you more(?)
ewan ko lang kung anong meron gagawin dyan na hindi kayang/pwedeng gawin sa bahay. pambihira naman talaga.
-
GobiGobi
on
27 Dec 22 @ 11:20 PM #
hingi lang suggestions anong ok na brand for inverter aircon kasi heto lang yung kasama dun sa promo na 24months installment 0%
Condura
Kelvinator
LG
Samsung
Midea
-
GIGAM25
on
18 Jan 23 @ 04:29 PM #
just bought fujidenzo side by side ref. arrived yesterday. rest for 5 hours then saksak. laman lang until now sa freezer is ice tray then sa ref is isang pitsel ng tubig. naka 24 hours na pero walang formation ng ice sa freezer. malamig lang yung ice tray. reported na sa pinag bilhan ko. check daw bukas. common sakit ata to ng side by side nila. model isr-20ss. :( until now monitoring pa rin ako.
-
Lordkram
on
20 Jan 23 @ 04:45 PM #
Replacement of thermodisc and defrost timer. Magkano kaya aabutin? Quote sakin 6.5k. Fair na ba?