Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • Help mga master.

    Ung Floor tiles ko kasi may part na pag naapakan is tumutunog (lulubog ng konti) specifically pag naapakan mo ung dulo ng tiles. Ung grout is bakbak na kakagalaw ng tiles pag naapakan. Inshort ampaw ung pagkakalagay ng tiles.

    Ano magandang remedyo dito? Pwede kaya Epoxy lagyan ung bawat dugtungan ng tiles na umaangat?

    salamat
  • tangalin po yung tiles. then pa lagyan ng tile adhesive and retiles and grout sa side. baka mapamahal kalang sa epoxy. aangat din yun kasi ampao.
  • Ask ko lang po. Currently kasi may steel windows kami pero papalitan ko ng sliding windows. Sabe sakin nung installer need pa daw namin pasinsil at pafinish sa mason yung current window. Ganun po ba talaga yun hindi ba pwede cut na lang para maalis kasi mangyayari wala kami windows whole night pag ganun papatuyuin pa kasi yun diba pag finish. Salamat po.
  • Hi, magkano na per square meter sa pagpapagawa ng bahay?
  • @jr2_pajarillo

    inside ba yun steel windows? If yes, kailangan talaga kasi di lang naman nakapatong yan at may naka baon na pang-kapit or brace. Mas madali kasi ilagay kung skwalado yun window at syempre mas maganda tignan na malinis.
  • ^
    Yup boss. Naisip ko nga din yan eh saka para mas maayos talaga gawa. Kala ko lang kasi kasama na yun sa babayaran ko yun pala di pa. Hehe. Sabagay madali naman na yun sa mason. Salamat sir at nalinawan ako.
  • wala ba ibang solution bukod sa tangali ung tiles?

    wala bang liquid na pwede ibuhos dun sa side ng tiles. Iniisip ko kasi mag timpla ng purong semento na malabnaw then papasukin ko dun sa side ng tiles para magkalaman.
  • Post deleted #11876103
  • wala ba ibang solution bukod sa tangali ung tiles?


    subukan mo yung epoxy primer. liquid 2 part epoxy paint yun. haluan mo lang ng lacquer thinner para lumabnaw. puhos mo lang. P200 pinakamaliit na lata. kaso mabilis tumigas yan at mahirap maalis pagnatuyo na.
  • @ marie_c

    thanks sir try ko ipagtanong sa hardware.

    nung nagpakabit ako ng granite sa kitchen top ang ginagamit nila is epoxy para dun sa dugtungan indi sila gumamit ng grout so iniisip ko baka pupwede rin sa floor tiles ko. ang indi ko lang alam anong type ng epoxy un.
  • ^ maraming binebentang tile adhesive - Bostik, 3M na ginagamit pandikit sa mga tiles, mas madikit kesa cemento lang.
  • Yung ABC tile adhesive 25kg for 250 pesos
  • Ano po ang magandang pantanggal ng naiwang paint sa brush? Two days na pong nakababad sa thinner pero matigas pa din ang mga bristles. Ang paint po kasi na ginamit ay iyong pampa glossy ng tiles, clear coat. Hindi po siya water based kaya hirap po kaming palambutin at ipaghiwa-hiwalay ang mga bristles.
  • @ jonbprofeta

    bumili kn lang ng bagong brush, d mo na magagamit yan. Nung naglagay din ako ng pampaglossy (wet look) sa wall tiles at sa plant box nanigas din ung brush kahit magdamag nkbabad magamit man ang hirap ipahid.
  • jonbprofeta Send Message View User Items on 22 Feb 17 @ 06:18 AM #
    Ano po ang magandang pantanggal ng naiwang paint sa brush? Two days na pong nakababad sa thinner pero matigas pa din ang mga bristles. Ang paint po kasi na ginamit ay iyong pampa glossy ng tiles, clear coat. Hindi po siya water based kaya hirap po kaming palambutin at ipaghiwa-hiwalay ang mga bristles.


    sir magkano yung clear paint para sa tiles? kakapagawa ko plang din ng bahay pinalagyan ko ng tiles banyo at lababo.
  • mga sir, halimbawa ba ng mga end lot. kung ung kapitbahay mo ba magpapagawa ng wall division at makikihati syo ng gastos, pano ang magandang usapan kapag ganito? dba dapat kung mgkano lng ang ishare na dpat mapagkasunduan? thanks po.
  • @ sir Dodick

    In my opinion,
    1. kung yung wall division ay pasok sa lot ng kapit bahay mo at sa lot mo. hati po kayo, pero share kayo ng wall. baka in the future gamitin mo cya part ng bahay mo or garahe. pero dapat magkasundo kayo sa construction ng wall (design) at magkano gagastosin.
    2. kung yung wall division ay sa lot lang ng kapit bahay mo. sagot nya expenses. kasi sa lot nya and property nya yung wall.
    3. kung yung wall division ay sa lot mo lang. sagot mo expeses.

    no 1 is the best option para sa akin. half nalang gagastosin mo.
  • hindi mo kailangan makihati,sabihin mo lang di mo kailangan ng wall. at yung wall dapat sa loob ng property nya. wag mo lang gamitin wall nya. ok na yon, may wall ka na wala kang bayad.
  • Kung plano mo din magbakod soon pwede makihati pero kung wala eh sabihin mo na lang wag idamay lote mo boss. Ganyan ginawa ko dito samin kalahati lang pinader ko kasi wala pa nakatira sa tabi ko. Hirap din kasi usapan pag hati eh. Wag mo nga lang gamitin yung wall nya.
  • thanks guys sa input. d naman kalakihan kasi ung lot na pagdidibisyunan, knausap naman nya ako dati at umOK nmn ako ng hati. pro since wla pko budget at pinasisimulan na nya sinabi ko nlng ng mgshare ako ng 10k+meron pkong natirang hallow blocks at konting bungahin sabi ko gmitin na nya. kaso ngpadagdag pa ng 2-3k sabi ko ok nyun 10k, wla na syang reply. pro tama dapat na kung ano ung build nya sa side nya eh same lng din sa akin, like nkapalitada na sya dpat and so on...Thanks uli...
  • Nyak. Ganun talaga kamahal boss? Gaano ba sukat at pinostehan ba?
  • oo popostehan tatlo ata me mga bakal din sya, nkita ko ung materyales nsa 21-23k dko lang alam kung lahat bayun eh sa division. lot area 50sqm. bali isang haba lng ung wall division nya. sa isip ko nga ehh pabor nrn sa knya un khit papano, tatlong tao gumagawa sa kanya.
  • nung ako nagpabakod ako at nung may nagpatayo sa leftside namin nakiusap kung pwede huwag na sya magpagawa at gamitin na lang yun amin as bakod. Nag ok ako pero hindi ko pinabayad at sinabi na wala syang isasabit, magpapako, or kahit na ano dun sa bakod. I check every now and then to be sure.

    Kapag nakihati ka di ka makakaset ng conditions mo unless everything is in writing.
  • ^

    Yup. Tama po yung ganun. Kami naman di namin kasundo yung nasa left namin kaya bantay din kami paglipat nila baka maya gamitin nga. Hehe. Tingin ko kasi di na din magbabakod yun eh may instant bakod na sya sa right side nya mas malaki pa naman lote nya. Yung garahe kasi na part yung binakuran ko kasi nagslab na din ako sa garahe.
  • Hello, guys. It's my first time to open a business(clinic) in a mall. Theyre requiring me to secure CARI. I just need insights on how to go abt this. Wala naman kaming ganito dati since ang dati naming space is small (usually 17-20sqm only) and non-food business naman so hindi din ganon ka-complex yun design. Ano kaya price range ng CARI and saan sya naka-base? 33sqm po ang area ng space namin.

    Thanks in advance to anyone who can render insights.
  • need ba ng permit pag nagbakod ka ng bakal na ang taas is around 4-5 ft?
  • @uneekph/jr2_pajarillo,
    yan nga din iniisip ko, kung gagawa pako ng kasulatan tapos pirma lang sya. pero ok nmn ung me ari at di naman pala nila ito titirahan, ipapaupa lang nila. ung pkiusap nya sa akin na magdagdag, maliwanag nyang binangit na preho kaming makikinabang sa wall division at talagang sinolid nya ung pgkakagawa. Thanks guys sa input. Happy Sunday All!
  • Nice. Ayos yan boss. At least wala ka na alalahanin pa.

    Mga boss. Ask ko lang mobile mode kasi ako. May idea kayo paano ginagawa yung parang cornice style dun sa taas ng window sa harap?

    Credits na lang sa owner ng FB image




    Currently kasi meron ako ganun na bakal yung may mga horizontal na opening. Gusto ko sana palagyan ng ganyan diko lang sure kung alam ng mason yan. May nagsabe sakin aluminum daw yan eh. Thanks.
  • need ba ng permit pag nagbakod ka ng bakal na ang taas is around 4-5 ft?


    Nung nagpagawa ako ng bakod made of simple steel frame na sinabitan ng mga GI yero 12 ft high sa backyard namen nagreklamo ung kapitbahay sabi ipaalam pa daw sa barangay nila kasi nakadikit sa wall nila so ginawa ko pinalayo ng kaunti mga 2 meters papasok sa lot namen. Nung nakita nila na pasok na pasok na sa lot namen wala na angal hehe. Nagkaroon nga lang ng 2 meter 'buffer zone' sa pagitan haha.
  • mas mura ba ang bricks kesa sa normal na cement floor? plan ko gawin sa backyard namin 20sqm.