Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • Tnx hardRod.
  • Guys may plan kami kunin na bahay RFO na. Question is kung pano ko malalaman na magada ang build quality ng bahay In and Out? thanks po sa sasagot.

    -- edited by antipaticoh on Aug 19 2017, 03:58 AM
  • Guys may plan kami kunin na bahay RFO na. Question is kung pano ko malalaman na magada ang build quality ng bahay In and Out? thanks po sa sasagot.


    magdala ka ng engineer sa bahay tapos check mo rin ung plano
  • Guys may plan kami kunin na bahay RFO na. Question is kung pano ko malalaman na magada ang build quality ng bahay In and Out? thanks po sa sasagot.


    1. Check for leaks. Pagdating mo sa bahay, buksan mo ng full yung main water valve para malakas ang water pressure sa may water meter, tapos ipalock mo lahat ng faucets,toilets etc. tignan mo kung gumagalaw yung water meter mo.

    2. Pumunta ka after a heavy rain kung pwede para makita mo kung may leak sa roof at kung nababaha yung lugar. Kung nangangamoy lumot yung loob ng bahay ay ibig sabihin ay may pumapasok sa tubig sa bahay.

    3. Tignan mo yung mga kahoy na parts - cabinets, ilalim ng sink, ceilings for signs of ants or termites.

    4. Ok lang kung faded yung paint kasi ito yung pinaka madaling ipagawa at pinaka mura na renovation.

    -- edited by hardROD on Aug 19 2017, 09:01 AM
  • I think 3 hallow blocks ung taas ng tinambak namin from ground. Gagawin kasi namin is papabakbak ko ung bakod un ung magiging opening ng gate para sa sasakyan tapos gate is magiging sliding.


    ung haba nya sir ilan? check mo nlng kung pasok sa 15deg ung slope nya, kung mas malaki try mo baliin meaning 2 times ka magslope sa ramp mo.
  • any idea kung san meron waterproofing service na by injection ang procedure.
  • Sir ask lang paano mapapaganda ung insidee wall sa bahay kasi ung gumawa hindi kininis mabuti, hindi din pinuruhan ng semento. Ano massuggest nyo na gawin kahit ako na lang ung gumawa.
  • masilyahan mo ng boysen masonry putty. then lihahin mo.. suggestion ko bili ka sa surplusan ng Ryobi Orbital Sander.. nasa P1500 lang brand new nyan. then bili ka ng mga disc na panliha.

    putty then liha lang katapat nyan.
  • ^
    Salamat sa tips boss... magpapacanvass na ako kung magkano aabutin.. salamat..
  • mga kaTPC, ano pong magandang ilagay sa wall kpag me mga bakbak na sya or tipak gawa ng mga pgdrill etc etc... bago sya pinturahan.. Thanks po..
  • mga kaTPC, ano pong magandang ilagay sa wall kpag me mga bakbak na sya or tipak gawa ng mga pgdrill etc etc... bago sya pinturahan.. Thanks po..


    masilyahan mo, may nabibiling ready made na.

    based lang sa DIY ko ito:

    1. masilya - hintayin matuyo
    2. sanding - 200 grit
    3. pinturahan mo ng flat latex
    4.) pinturahan mo na either semi gloss, glossy or flat

    -- edited by anthony11 on Aug 23 2017, 07:12 PM
  • ^thanks po, try ko iyan... totoo po ba talagang khit minor quakes lang ehh pwedeng mgcrack agad ung mga nadrill sa mga walls o ung mga butas? thanks po uli..
  • Hi Guys, please advise ano kaya pwede pang terminate or pantaboy ng Ants/Ipis. Bulok na yung mga kahoy sa nakuha nmin pwesto sa province. Malaki yung gagastusin kung papalitan nag rent lang kmi. Bka meron pwde mag share ng remedy. God bless!
  • sprayan mo ng malathaion
  • @nino - since nag rent ka, bakit hinde mo i report sa owner? meron ako nagamit before ant chalk ang tawag pero unless balak mo guhitan ng chalk buong bahay eh better na ayusin yung main issue.
  • me nagtanong dito dito regarding SPRAY FOAM. Saw this sa youtube, just want to share:

    <click here for link>

    -- edited by PadreFlorentino on Aug 24 2017, 03:10 PM
  • question, anong paint ang ginagamit para magmukhang natural wood ang cabinet? wood stain ba yun o varnish?

    -- edited by booker on Aug 24 2017, 03:34 PM
  • Paano maiwasan ang bula ng pintura sa banyo?
  • ^ barnis sir tapos pili ka na lang ng shades kadalasan " natural " pinipili para litaw na litaw yung haspe ng kahoy kaso yung nakaraan na bumili ako ala makita na natural
  • kulang ang budget mo... hold mo muna plano mo and ipon ipon... plans pa lang baka umabot ka na 10T to 25T. then building permit mo.. nasa 40T to 80T dahil sa rooftop.

    budget na unti unti na 30T monthly is kulang... one person 500x24 days = 12000 labor sa isang tao sa loob ng isang buwan, wala pa ang materyales dyan. and buti kung kaya ng isang tao lang ang magbuhos.

    my suggestion is ipon ka muna ng 1.5Million.. then saka ka magpagawa. from then pag natayo mo na structure mo, don mo unti untiin ang finishing.

    btw, wag mo titipirin ang mga materyales.. buy the best para life time na sya.. lalo na pagdating sa sanitary pipes and water lines, wiring and electrical. sa hollowblocks gumamit ka ng de sais na pinakamatibay.. forgot kung ano tawag don.. yung hollowblocks na yun sobrang tibay at sobra bigat ginagamit naming pang tamp ng lupa. pagdating sa semento.. dont settle for cheap.. holcim or equivalent gamitin mo.


    I know this is an old reply, pero di po aabot ng 40-80K yung permit nya, I work as a pre approving officer sa office of the Building Official ng City namin, ( I won't mention), Civil Works would only cost 7.2 pesos/sqm, aside from zoning and fire clearances, the highest he would need to pay for the permits alone would be 10K, and that would be me exaggerating the cost.

    Regarding po dun sa nag tatanong kung kailangan ba talaga ang permits, I would say yes, from my experience, madaming sablay when it comes to applications lalo na pag äs built na ito", usually walang set back, lahat ng sides naka firewall, which is not permissible sa Building Code po natin, at the same time hindi ma approvan ang Occupancy Permit which is kailangan para sa FCEI nyu for permanent electricity Connection.

    -- edited by lofi312 on Aug 24 2017, 04:35 PM
  • ^+1. Anu sir function ng occupancy permit? and what is FCEI?
  • ^+1. Anu sir function ng occupancy permit? and what is FCEI?


    the occupancy permit comes after the building permit pag erected na yung structure/building mo, this is to check kung naayon ba sa plans na napporved ng building official yung pinatayo monng building, dito din nachecheck kung may changes na nagawa sa building at kung permissible ba yung changes na ito, kung masyadong malaki yung changes pinag susubmit namin sila ng as built plans, Occupancy Permit ginagamit din yan as requirements for other services such as insurance or pag nag apply ng building ng business permits katulad ng mga partments or resorts, hindi kami napirma sa business permit clerarance form pag walang Building and Occupancy Permit, which means di marerelease ang business permit nyo po.

    FCEI - Final Certificate of Electrical Inspection,

    may dalwang klasen ng electrical connection na ini issue, 1 is tempory and the 2nd is permanent,

    Temporary Connection ang ini issue kapag approved na ang permit at kailangan ng electricity for construction purposes

    Permanent Connection will come after ma approved na ang Occupancy.

    and BTW, regardless po kung may contractor or foreman, kailngan pa po natin i apply ng permit, wag po natin tipirin yung safety natin.
  • Hi Guys, please advise ano kaya pwede pang terminate or pantaboy ng Ants/Ipis. Bulok na yung mga kahoy sa nakuha nmin pwesto sa province. Malaki yung gagastusin kung papalitan nag rent lang kmi. Bka meron pwde mag share ng remedy. God bless


    Use terro ant bait at baygon cockroach killer or yun gel bait. Don't use malathion since it's not meant for indoors!
  • Mga ka TPC pa estimate po ako kung mga magkano aabutin kung magpa extension ako ng likod ng bahay para sa kitchen area. Nasa 4 meters long pa po yun sa likod ng bahay ko from the back door. Ganito po sana yun style na gusto ko.

    <click here for link>

    -- edited by cratemax on Aug 29 2017, 08:56 PM
  • ^di maview attachment mo sir
  • May other alternative pa ba sa skim coat? Mejo mahal kasi per sack nagrrange ng 500-700 pesos.
  • @putosiopao

    na view ko naman po sir yun image
  • mga boss matanong ko lng po.. anu hinahalo sa flat latex white na pintura pag tint base?.. ndi ko kasi alam kung thinner po o gas.. ung bayaw ko kasi nagdala ng pintura sa bahay pwede ko ba un iprimer sa ding ding bago pinturahan ng ibang kulay?. . maraming salamat po
  • mga boss matanong ko lng po.. anu hinahalo sa flat latex white na pintura pag tint base?.. ndi ko kasi alam kung thinner po o gas.. ung bayaw ko kasi nagdala ng pintura sa bahay pwede ko ba un iprimer sa ding ding bago pinturahan ng ibang kulay?. . maraming salamat po


    bili ka na lang ng premix color na lang, mahirap makakuha ng same tint pag kinulang yung unang halo mo. kahit sa wilcon mixing service nila, minsan sablay yung 2nd batch,
  • @anyone

    Ano po ba pwede ipahid sa outer concrete wall ng bahay para hindi tumagas?...tumatagas kasi kapag umuulan...Thank in advance!