Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • not related sa house construction..

    Q> ok ba bumili ng lot property special right lang yung not title.
    any hints before acquiring one!?

    Salamat mga bro and sis
  • ^ may chance na mawala rin ang lupa sayo. sa may clean title ka nalang.
  • @yach022

    magkano po kaya estimate ng 3rd floor 25sqm un baba parking lang po.Salamat po

    good as 3-storey na rin ata ang pag compute sa ganyan, since meron ka ring development sa pinakababa like posts, wall, flooring, etc

    assume na nating 25 sqm per floor @ 20k/sqm

    nasa Php 1.5M and up depende sa finishing
  • OT: kapag aalis kayo ng bahay for 5 days every week kelangan ba patayin ref?
  • any recommendations nyo na contractor or gmagawa ng bahay, QC area
  • @artie

    20k per sqm ba ang kalakaran ngayon?
  • 20k to 25k yung natanungan ko dati for basic finishings
    Could go way up depende sa materyales

    Baka meron pang mas mura, pero tingin ko halos ganyan na yung rate ng basic
  • Mga Sir, kapag magpapagawa kayo sa bahay, alin ang mas ok, pakyawan o arawan ang bayad? TIA
  • Parehong may pros and cons, pero mas gusto ko yung kontrata

    Atleast sure ka na tapos yung bahay mo after ng contract. Regular visit na lang siguro sa construction site para sure ka na hindi nila tinitipid yung materyales
  • Sir. Magkano kaya pagawa ng extension up and down? nakabili kasi ako sa san mateo rizal lot area 44sqm tapos fa 36 sqm, bali 18 sqm un sobra
  • @artie,

    Salamat sa input sir. Hirap din desisyunan kung pakyawan ang bayad or arawan. May pros at cons talaga
  • Mga Sir, kapag magpapagawa kayo sa bahay, alin ang mas ok, pakyawan o arawan ang bayad? TIA


    ang nangyari sakin nung una pakyaw/kontrata then binigyan ako ng 6 n pundasyon worth 200k+ tapos nde na gumalaw ang trabaho hahaha, kaya tinuloy nmin sa mga arawan tutok lang ang patrabaho tapos lahat ng materyales kami mismo ang nabili.
  • pakyaw o kontrata :

    meron ka dapat "independent"/mapag kakatiwalaan na foreman o supervising engineer na dapat alam yung usual pace and quality ng trabaho. kahit kasi naka bantay ka pwedeng pwede "bina bagalan" yung pace right in front of you.

    regarding workforce(labor/mason/etc)....usually kasi meron nang team yung foreman and if nagka taong "wais" yung foreman mo....meron siya cut sa bawat arawan ng tao and syempre ok lang sa kanya na bagal yung pace kasi mas malaki kikitain niya in the long run.

    pag contrata naman, yun nga yung madalian na trabaho...crucial dun yung initial civil works(pre-finishing) kasi pag di po maayos pagkagawa yung foundation (from the bars, masa, curing, etc) baka much years later na lang ma check yung quality.

    depende talaga kung maka timing ka ng magagaling na tao makuha mo regardless if arawan o contrata.
  • @putosiopao and sethmartin

    salamat sa mga inputs niyo sir!
  • Hello expert. Hingi lang ako advice. Ano po magandang ceiling for my 28sq/mtrs dirty kitchen. YUng common na gypsum board or yung modern na PVC Spandrel board?.. Thanks
  • mga boss tanung lang magkano estimate sa pag gawa nang bahay
    floor area is 180sqm. 3 bedrooms and 2 crs?

    thanks
  • ^sobra ang 2m dyan. depende narin sa gagawa.
  • PUTANGINA NG MGA ADMIN DITO SA TPC. HAPPY TRIGGER KAHIT WALA KANG NILABAG IBABAN KA LANG PUTANG INA NYO!

    MGA WALANG KWENTA. LAHAT NG RATINGS NABALIWALA, IBABAN KA LANG NG WALA NAMANG DAHILAN KASI NAINSULTO MO SILA. TANGINANG RULES YAN!

    WAG NA KAYO MAGLAGAY NG RULES KUNG PUTANGINANG DAMDAMIN NYO PALA MAHALAGA! TANGINANG MOD TO, TUMUTULONG KA BAWAT THREAD ITO PA GAGANTI SAYO.
  • @techsufort salamat
  • Good day sa inyo. Magtatanong lang po sa mga nakakaalam ng costs for modifications sa interior ng bahay. Looking for estimate costs for labor. Materials to be used will be provided by home owner.

    Modifications include:

    1. Tearing down and replacement of an entire sink and counter. Masyado kasi maliit yung tinayo. Less than 30 inches pahaba lang. To be replaced with a longer kitchen counter with possible tile or granite countertop.

    2. Tile fitting. Undecided between using tiles or marble.

    3. Removal and replacement of toilet sink, toilet bowls and bathroom tiles. The one initially provided is too small. Possible inclusion of shower enclosure as well.

    4. Installation of a short railing by the staircase.

    5. Installation of room partitions.


    Thanks for the help!
  • hi mga boss tanung lang uli

    balak ko kasi ako na lang gagawa nang pag palster or rendering nang concrete wall sa bahay. usually ang mga nakikita ko sa youtube is cement lang ang nilalagay yung iba naman sand and cement.

    dito ba sa philippines ano ba usually na mix cement lang or sand and cement. gusto ko sana yung wall is smooth.

    salamat sa sasagot
  • hi tanung lang uli pag mag lalagay ba nang paint like rain or shine elastomeric paint kelangan pa pagtan nang thiner or deretso apply na agad?

    salamat sa sasagot
  • estimate cost ng pavement cement for garahe. size is 2 van kasya sa garahe.. around 30sqm cguro??
    sinisingil ako developer 80,000K daw ganon b kamahal tlga?
  • Not sure po kung pwede ung tanong ko.

    San po may murang bilihan ng mga electrical para sa pinagagawang bahay? Mas maganda po ba ung steel deck gamitin as kisame o sobrang mahal po ung magagastos?

    Thanks in advance po.
  • estimate cost ng pavement cement for garahe. size is 2 van kasya sa garahe.. around 30sqm cguro??
    sinisingil ako developer 80,000K daw ganon b kamahal tlga?


    tingin ko walang 10k yan. buhangin kalahating trailer at 8-10 semento + labor.


    San po may murang bilihan ng mga electrical para sa pinagagawang bahay? Mas maganda po ba ung steel deck gamitin as kisame o sobrang mahal po ung magagastos?


    matibay basta alaga sa primer at hindi nababasa. about electrical, mas maganda kung makakapal para iwas overheat.
  • +1 kay sir tech
    sobrang mahal ng 80k kung semento lang

    yung garahe namin, around 15-20 sq.m, nasa 10k lang nagastos ko
    naka 60x60 na outdoor ceramic tiles na yun

    pwede pa siguro 80k kung may bubong, or kung stamped concrete yung gagawin nila, although mahal pa rin
  • @techsufort, thanks po.

    Me nakakaalam po ba kung san may mura bilihan ng electrical supplies pati mga tiles or hindi po pwede dito sa forum ung tanong ko po.

    TIA.
  • taga tlga tong developer ko.. kahit nga likod lng dirty kitchen 200K daw.. tskkk matapos lng tlga ma issue occupancy permit sa iba ko na papagawa mga extra..
  • any suggestion na pwde gumawa ng pavement sa garahe and gate Antipolo near shopwise banda area kasi bahay?? salamat
  • Mga boss
    San nyo mga naiscore mga furnitures nyo like bed,cabinets,table,chair?
    Mas wais bang mag pa sadya sa mga carpitero?

    baka may alam kayo pagawaan. ang mahal kase sa mga online shop e

    salamat