Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • @all

    Guys gusto ask ko lang kung ano magandang gawin para sa pressure ng tubig sa house namin. Meron kaming local water distributor same like Maynilad dito sa Pangasinan. Now ang issue lang is may oras na napakahina ng water pressure or wala ng tubig na binibigay around 11AM hangang 4PM.

    May solution ba dito like using a pressure tank like yung mga nakikita sa hardware store? Something which we can use kapag mahina or walang flow yung galing sa local water distributor namin.

    Salamat.
  • mga sirs ask ko lang magkano po b alkitran? at hinahaluaan ba ito ng thinner pag nliluto?
  • Guys gusto ask ko lang kung ano magandang gawin para sa pressure ng tubig sa house namin. Meron kaming local water distributor same like Maynilad dito sa Pangasinan. Now ang issue lang is may oras na napakahina ng water pressure or wala ng tubig na binibigay around 11AM hangang 4PM.

    May solution ba dito like using a pressure tank like yung mga nakikita sa hardware store? Something which we can use kapag mahina or walang flow yung galing sa local water distributor namin.


    sa amin paps sa pangasinan deepwell tapos tangke ng tubig at motor solb na
  • @all

    Guys gusto ask ko lang kung ano magandang gawin para sa pressure ng tubig sa house namin. Meron kaming local water distributor same like Maynilad dito sa Pangasinan. Now ang issue lang is may oras na napakahina ng water pressure or wala ng tubig na binibigay around 11AM hangang 4PM.

    May solution ba dito like using a pressure tank like yung mga nakikita sa hardware store? Something which we can use kapag mahina or walang flow yung galing sa local water distributor namin.

    Salamat.


    @wakashik

    bili ka ng motor pang higod pataas pakabit ka ng tangke sa ibabaw ng rooftop or pagawa ka ng may stand mahalaga dapat mataas yung tangke para di na kayo hihinaan ng tubig kahit kailan.
  • May solution ba dito like using a pressure tank like yung mga nakikita sa hardware store? Something which we can use kapag mahina or walang flow yung galing sa local water distributor namin.


    Booster pump with 20gallons stainless tank pwde na. Dont forget lagyan nang check valve para di mag in/out yung water.
  • @walcolm_x

    Thanks sa advice. Kaso di kami pwede magpakabit ng deepwell sayang mas okay sana kung pwede sa amin.

    @barz and @blast

    Salamat mga bossing. Titignan ko kung alin mas mura sa suggestions niyo tapos yung papagawa namin. Haha.
  • senya na po if dito ko napost, pero curious lang if there are shops kayo na marecommend who can replace the tempered glass panels ng NZXT 510 ko.. nabasag kasi ung side panel
  • question, gusto ko lagyan ng bubong ang garahe. area is 5m x 5m

    anong pwede gamitin na poste at frame? 2x2 tubular? 2x4?
    flat na bubong lang, ribbed roofing, wala na kisame.
  • Good afternoon mga sir,

    Gusto ko sana magpagawa ng bar counter (standalone, hindi connected sa existing na lababo namin) pero wala ako alam sa mga construction, so ineexpect ko nung una na made of concrete or hollow blocks siya pero nung nag search ako sa net parang puro gawa sa kahoy yung nakikita ko, normal po ba na kahoy talaga ginagamit sa mga counter? Tapos pwede ko bang ipatiles yung kahoy? Parang out of budget na kasi si granite

    PS. Yung pinaka base or paa po tintukoy ko dito, di ko kasi alam tamang term eh haha, counter kasi ata is yung tawag dun sa parang pinaka lamesa sa ibabaw (granite, quartz, etc)

    Ty po

    -- edited by KSolomon on May 27 2020, 03:37 PM
  • Pahelp naman po, matagal na kasi nakatenga yung wooden flooring namin and triny ko ilatag kaso hindi pantay yung semento kaya di ko po tinuloy.

    Ilan bag of cement po kaya kailangan for a 1.5m x 3.5m room and 1 is to 1 po ba ang ratio para sa buhangin? May idea po kaya sila magkano magastos dito for materials and labor kung ipapa panday ko na lang po. Kasi po pag ako nag DIY baka pareho lang gastos pag ako bumili ng tools tapos hindi pa pulido pag kagawa ko...



  • mga sir ask ko lang kung pwede ko ba patungan na lang yung wall paint sa interior ng condo namin? kasi madumi na sya at, pwede ba kahit hindi na ako mag primer? latex matte paint kasi ang dating paint nito. at mag kano ang pinakamurang pang concrete wall na latex matte? ilang liters kaya para sa 36 sqm na condo? salamat!

    -- edited by tristanvsm on May 28 2020, 09:36 AM

    -- edited by tristanvsm on May 28 2020, 09:37 AM
  • Pahelp naman po, matagal na kasi nakatenga yung wooden flooring namin and triny ko ilatag kaso hindi pantay yung semento kaya di ko po tinuloy.


    kung ako sa yo ay tile glue ang gagamitin ko imbes na cement. parang powedered plaster at ihahalo mo bago gamitin. ilalatag ko muna lahat para makita ko kung saang banda ang hindi pantay. i note mo yung lugar na to para dito ang pinakamanipis na lalagyan mo ng glue. kung maayos ang trial placement mo ay pwedeng doon mo unahin ilagay ang tile. tapos the rest ay gamitan mo ng level edge habang naglalagay ka ng glue.
  • ^

    Wood po kasi siya and rubber yung ilalim, tapos may separate layer pa siya na foam for insulation. Parang hindi po siya meant to be glued kasi modular po siya eh...
  • Guys may house and lot (2 floor);ermat ko na medyo luma, plano namin magkakapatid na pagiba at patayuan ng bago. Mga 5floor. Ano ba need para ma approve ng housing reonavation loan sa pagibig? Consideing nakapangalan sa ermat ko, kakasya na kaya 2M inclusive of appliances? Tatlo kami magkakapatid na pareho na may gross pay na 40k. Salamat sa makaka advice
  • nino24 Send Message View User Items on 29 May 20 @ 07:22 AM #

    Guys may house and lot (2 floor);ermat ko na medyo luma, plano namin magkakapatid na pagiba at patayuan ng bago. Mga 5floor. Ano ba need para ma approve ng housing reonavation loan sa pagibig? Consideing nakapangalan sa ermat ko, kakasya na kaya 2M inclusive of appliances? Tatlo kami magkakapatid na pareho na may gross pay na 40k. Salamat sa makaka advice


    Sir kung ikaw ang mag-aapply ng loan negative yan. Dapat kung kanino nakapangalan yung property yun dapat mag-apply ng loan.
  • @nino24

    may height restriction ang pag construct ng building, you need to check that siguro
    samin na residential area, 9 meters lang ang maximum allowed, so around 3 storey high

    your budget though, mejo malabo. Php 2M is less than 100sqm na house nowadays
    kung hahatiin mo yun sa 5 flr, meron ka lang less than 20sq.m per floor
    mas mahal pa for sure yung plan mo since you'll need stronger foundations/ posts para madala ang 5 floor
  • Ano po ba suggestion nyo na welding machine yung inverter sana para lang sa bahay?. Tia!

  • nino24 Send Message View User Items on 29 May 20 @ 07:22 AM #

    Guys may house and lot (2 floor);ermat ko na medyo luma, plano namin magkakapatid na pagiba at patayuan ng bago. Mga 5floor. Ano ba need para ma approve ng housing reonavation loan sa pagibig? Consideing nakapangalan sa ermat ko, kakasya na kaya 2M inclusive of appliances? Tatlo kami magkakapatid na pareho na may gross pay na 40k. Salamat sa makaka advice


    Sir kung ikaw ang mag-aapply ng loan negative yan. Dapat kung kanino nakapangalan yung property yun dapat mag-apply ng loan.


    So mas maganda kung ipatransfer muna pala ang property isa samin tapos mag apply ng loan? Kung four floors lang kaya sapat na ba ang 2M? May naka experience na ba dito iloan sa pagibig ang house renovation nila?
  • @nino24

    may height restriction ang pag construct ng building, you need to check that siguro
    samin na residential area, 9 meters lang ang maximum allowed, so around 3 storey high

    your budget though, mejo malabo. Php 2M is less than 100sqm na house nowadays
    kung hahatiin mo yun sa 5 flr, meron ka lang less than 20sq.m per floor
    mas mahal pa for sure yung plan mo since you'll need stronger foundations/ posts para madala ang 5 floor

    Kung stretch ko sa 3M for construction kaya na po kaya? Sa tondo manila lang po
  • ^
    depende kasi sir sa total area ng ipapatayo mong bahay, dun sya magde-depend

    nasa around 25k/sqm na ata ang pagawa ngayon with basic finishings, you can use that figure to estimate

    may plan ka na ba kung anong dimension ng bahay na gusto mong ipatayo?
    gano ba kalaki yung lote na papatayuan mo?
  • Let us calculate the size or footprint(floor area) of a 4 storey house using these parameters:

    @aRTie.........Php25,000/sqm (Unit Price - estimation)

    @nino24........Php3,000,000 (Budget/Appropriation)

    Total Floor Area:
    3M divide by 25k/sqm = 120sqm

    Floor Area:
    120sqm divide by 4 floor = 30sqm

    Floor Dimension:
    5m x 6m
  • Tanong: Meron kaming bakanteng lote sa isang subdivision sa Bulacan and balak na naming magpatayo ng bahay. Ang problema ay yung katabing lote ay nailit ng bangko mahigit 10 years na. Yung lote namin ay wala pang bakod, pero yung katabing lote ay meron kaso may puno sa katabing lote na napabayaan since wala ngang nakatira at tinulak ng ugat yung pader papunta sa lote namin. Ngayon ang balak sana namin eh yung side na yun eh gawing firewall para nakatalikod kami dun sa abandoned na bahay.
    Paano kaya ang proseso para dito? Kami ba dapat ang maghagilap kung aling bangko ang may-ari ng lote at ipagawa sa kanila yung pader na nakatumba sa lote namin?
    Or pwede bang gibain nalang namin ng tuluyan yung bakod para maitayo namin yung firewall as long as may witness kami from either home owners assoc or barangay?
    Duda kasi kami na kahit malaman namin kung aling bangko na gagastusan nilang ayusin yung bakod dahil ilang ahente na ang nagsabi sa amin na matagal ng sinubukang ibenta yung lote na yun pero walang bumibili.
  • Ask ko lang po saan po maganda bumile ng wooden planks na 2in*12in*3ft ang size para sa stairs? Saka no po tamang way para install to. thanks



  • Magkano po kaya labor pagawa ng hagdan na shelf, meron na pong materials.
  • mga sir, pano ba mag wall texture? yung cheap diy lang, ano ba need materials? paint at ano pa yung inihahalo? kasi nahihirapan na ako mag sand sa gypsum board. nakakatamad mag liha, kaya balak ko i texture na lang para matago yung mga putty na di naliha. tia!
  • ^pinaka-madali na DIY is bili ka ng textured paint (eg., davies classitex) + stucco roller. tapos top coat mo na lang.

    *pwede ka rin gumawa kapag nabitin ng konti: decalite powder + plasticizer or binder tulad ng water-based stickwell + water-based paint. sa paghalo ng components above, kailangan mo ng high speed mixer (DIY: drill + drill bit na korteng "T", ung dulo). stucco roller to apply. proportion & consistency will be based on your plasticizer. mas konti plasticizer, matagal matuyo.

    HTH

    PS.

    Doon sa putty - kung puti na, pwede direct approach. Pero kung ang binatak ay polituff or any colored-type putty, kailangan muna manuhan ng puting putty para di lumutang ang kulay sa mga coats.

    -- edited by the_prefect on Jun 13 2020, 07:19 PM
  • GoodPM sa lahat.

    Tanong lang po kung advisable ba na magpatong na lang ng bagong yero sa luma? O mas maganda pa rin tanggal lahat bago maglagay bagong yero? Dami na kasi tulo at para makatipid sa labor.

    Any advise/suggestion po will be appreciated. Salamat marami! :)
  • Tanong lang po kung advisable ba na magpatong na lang ng bagong yero sa luma? O mas maganda pa rin tanggal lahat bago maglagay bagong yero? Dami na kasi tulo at para makatipid sa labor.


    ok lang yan basta abot hangang frame yung mga bolts/pako