Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • Nag karoon kami ng onting problema sa contractor, good thing trusted siya, binalik nya malaking pera. Pero overall, ok na ok mga gawa nya. Naiintindihan ko siya hindi kaya gumawa now.

    Kaya tips ko sa mga mag papagawa, hanapin nyo contractor yung ok na ok ang feedback, like shopee. Mas maganda makausap mo mga clients nya personally at makita mga gawa actual.

    Etong isa sa kapitbahay namin nag pagawa, ayun na takbo ng 75k one day. Sana contractor ko nalang kinuha nya, mag ka problema man, iibabalik pera, pero kilala yung contractor na yun, kita ko mga gawa solid.

    Meron pa ko kilala isa, 1m php nasayang, sobrang sakit, dahil palpak yung gawa, hindi na binalikan.
  • Mas maganda makausap mo mga clients nya personally at makita mga gawa actual.


    Nagka-problema din kami sa magkakabit ng mga sliding doors at windows. November 28 nagpa-quote ako sa inaanak ng nanay ko at matagal nang nagiinstall ng mga bintana sa amin. Nag quote ng 45k, eto naman foreman namin eh may kilala din kaya sabi nya mag compare tayo ng quote. So dumating yung kilala ng foreman namin at ibinigay ng 43k, so 2000 pesos din ang matitipid at kaya daw gawin within one week (5 sliding windows and 1 sliding door). So pumayag kami at the next day nagpa-down ng 27k para sa materials.

    So after 5 days nagtext kami kung ano balita sa bintana, nag reply at by saturday (day 6) eh dadalhin na ang buong bintana at magiinstall na. Dumating si day 6 at 8am nasa bahay na kami, 2pm na wala pang nadating na bintana. Yung mga nag-ga-gawa sa bahay (house renovation kasi) kilala pala nila yun magiinstall at ang sabi and I quote.... "Nakow! hinde na ho darating yun, matagal ho yun bago magkabit. Swerte na kayo pag nakabitan kayo sa loob ng isang buwan." Sabi ko bakit? "Eh kilala namin yun na matagal magkabit, kung kakabitan kay at talagang kakabitan kayo ng bintana..ang tanong eh kailan." So tumawag kami kay foreman at sinabi namin na ganun pala yun ni-refer nya. Kaya next day pinuntahan nya sa bahay at ayun na nga, wala daw sa bahay. Ako naman optimistic pa din kasi kahit na sabihing 1 week gagawin ang isang bagay nag-dadag-dag ako ng 2 days for grace period.

    So after 3 weeks wala pa din kaya't nagpunta kami sa bahay para tignan kung andun ang materiales kasi sabi andun na daw at busy lang at hinde magawa dahil may kasabay na ibang gawa, pero nung ni-check namin parang hinde makakagawa ng isang bintana yun materiales LOL.

    So nag decide na ako na sabihan sila na ibalik na ang pera at sa iba ko na ipagagawa. Kinontact ko na din yun unang pinag-pa-quote-an ko at sabi ko priority yun main Sliding door...2 days gawa na at nainstall na. Eto naman nang-scam sa amin (tawagin ko na lang scammer). Biglang nabuhay at tumawag at nahingi ng pasesnya at sana daw hinde na kami nagpakabit ng pinto sa iba. Sabi nya hihingi daw sya ng tulong sa anak nya na mga glass installers din (pero may sariling shop at hiwalay sa kanya). So dumating yung anak at sinukat ang bintana, then next day nakita nila ang materiales at kulang talaga, nag-promise sila na tutulungan nila tatay nila kahit ayaw nila kasi naawa sila sa nanay nila dahil sa kalokohan ng tatay nila. Sinabi rin sa amin na maraming beses na pala na sinalba nila ang tatay nila dahit sa perang itinatakbo. Inamin din na galit sila sa tatay nila dahil sa mga pinag-ga-gawa nito at bihira daw nila talagang makita ang tatay nila.

    After 3 days, hinde na din nagparamdam yung mga anak na sana ay sasalba sa tatay nila. Tinawagan na namin ang foreman at pinasabihan na wag na gawin ang bintana at ipapagawa na namin sa iba at ipinasabi na namin na magintay na lang tawag sa baranggay regarding estafa.

    Day 21 yata (Dec 22), may tumawag sa amin, employer pala nung mga anak na tutulong sana (wala pala silang shop talaga, parang freelancer sila pag walang gawa eh nagt-trabaho sila sa iba). Narinig daw sa telepono na parang may problema yun empleyado nila. At ikinuwento ang storya, tapos nalaman na parang kamag-anak pala kami (napangasawa yata yun pinsan ng mother ko, something like that LOL). At yun scammer ay pinsan buo nya pala although galit din sya doon dahil sa style ng pag operate nya ng business nya.

    Anyways, pinilit nilang matapos at by Dec. 24 eh nagkabintana na kami. Sa kanya ko na lang din inaabot ang pera na balanse at nagdagdag na rin kami para matapos ang bintana.
  • ^

    Kaya maganda din talaga kausap contractor kaya lang pati siya may pursyento rin hindi naman pwede na break even lang.. Paano po pala pag ganyan pakyawan lang? Pwede ba kayo gumawa ng kasulatan na agreement na ganitong halaga binigay para makumpleto ang ganitong trabaho? papa notaryo niyo pa po ba? para may habol pag sakaling i takbo yung pera sa pakyawan...

    Thanks in advance
  • @all...

    lesson learn, wag magmagaling instead mag-hire ng professional legit contractor para less saket ng ulo...

    akala mo mapa-mura ka sa skilled contractor(pakyawan) in the end mapapa-mura ka na lang talaga at ubos ang pera nyo, sa professional legit contractor pwede nyo balikan o warranty di tulad sa skilled contractor

    IMHO c",?
  • lesson learn, wag magmagaling instead mag-hire ng professional legit contractor para less saket ng ulo...


    Kahit professional legit contractor sasakit pa rin ulo mo kung talagang sablay sila.

    Dun kayo sa Reputable contractor.
  • Kahit professional legit contractor sasakit pa rin ulo mo kung talagang sablay sila.

    you didn't comprehend the main point, sa professional legit contractor (Engineers/Architects), kung may sablay ang workmanship ay pwede mo ireklamo kumpara sa skilled contractors (Foreman, carpenters etc...)
  • Gudpm po sa mga tipidpcers, ask ko lang kasi nagpapalit kame ng bubong sa garahe dahil sa luma na at kalawang, tinanong ko po si carpenter/contractor kung pipinturahan ba yung bubong since G.I. sheets po sya. ang sabi po sakin after 2 months pa daw po? totoo ba ito 2 months pa bago mo malagyan kahit epoxy primer man lang? TIA po
  • tinanong ko po si carpenter/contractor kung pipinturahan ba yung bubong since G.I. sheets po sya. ang sabi po sakin after 2 months pa daw po? totoo ba ito 2 months pa bago mo malagyan kahit epoxy primer man lang? TIA po

    - tanungin mo anong dahilan nya baket 2 months pa pwede pinturahan
    - pwede na yan pinturahan before or after maikabit, di na kelangan maghintay pa ng matagal
  • Dun kayo sa Reputable contractor.


    + 1.

    @marketdiet and Snakeeyes

    hahaha bat 2 months, grabe yan hahaha.
  • @marketdiet

    ang sabi po sakin after 2 months pa daw po? totoo ba ito 2 months pa bago mo malagyan kahit epoxy primer man lang? TIA po

    Meron atang protective coating like oil / grease ang galvanized metal para hindi mag form ng white rust

    Yung 2 months na pinapahintay sa iyo is para matanggal siguro yung coating by natural course, weathering

    If nagmamadali ka, i'm sure may mabibili kang chemical for that, pero baka health / environment hazard, bukod pa sa additional cost
  • @MarketDiet.,...
  • gumamit kami before ng metal etching primer bago lagyan ng red primer oxide sa bubong.
  • I have an interior wall na naka skimcoat na. Gusto ko palagyan nang tiles. Sabi sa akin kailangan tangalin yung skimcoat muna (i-grinder) dahil di kakapit yung adhesive. Tinanong ko kung puwede tiktikan na lang kasi pag nag grinder sobrang kalat nang alikabok at kumakalat sa buong bahay. Di daw.

    Di ba talaga puwede tiktik na lang? O kaya diretso patong nang adhesive sa skimcoated na wall?
  • wmaxell Send Message View User Items on 06 Jan 21 @ 08:46 AM #

    I have an interior wall na naka skimcoat na. Gusto ko palagyan nang tiles. Sabi sa akin kailangan tangalin yung skimcoat muna (i-grinder) dahil di kakapit yung adhesive. Tinanong ko kung puwede tiktikan na lang kasi pag nag grinder sobrang kalat nang alikabok at kumakalat sa buong bahay. Di daw.

    Di ba talaga puwede tiktik na lang? O kaya diretso patong nang adhesive sa skimcoated na wall?
    Rep


    In my opinion mas mabilis mag grinder kesa magtiktik. pero antay pa rin naten ang comments nung mga professionals dito.
  • you didn't comprehend the main point, sa professional legit contractor (Engineers/Architects), kung may sablay ang workmanship ay pwede mo ireklamo kumpara sa skilled contractors (Foreman, carpenters etc...)


    Kahit pwede ireklamo, sakit pa rin ng ulo. That's the point. Sakit ng ulo ang gusto mo iwasan.
  • Question:

    Anong magandang adhesive na pwede ikabit sa PVC Stair Nosing sa wooden stairs?

    Double sided tape? or may suggestion kayong adhesive na maganda? Sobrang daming klaseng adhesive. Wala na ako tiwala sa mga salesman ng wilcon, home depot at kung ano ano pa. Una nilang ibebenta sayo yung need mag quota.
  • ^
    Pag permanent na dikit, usually bosny/ bostik no more nails gamit ko, works on almost any surface

    Ang gusto ko sa kanya is malakas yung initial grab, hindi tulad ng rugby madaling magalaw pag hindi pa tuyo
  • ^ Gaano ka-permanent ito boss? yung stairs ko kasi may coating ng polyuretane varnish. Oks lang kaya kung dun sya dumikit? If permanent, bale yung varnish masisira pag natanggal sya? yung 3M advanced na double sided tape, mukhang oks din kaso masyadong mahal.
  • Between Aluminum trim and tiles ang ginamit kong pandikit is Bostik no more nails. So far OK siya up to now mag 1year na kapit na kapit pa din.
  • Between Aluminum trim and tiles ang ginamit kong pandikit is Bostik no more nails. So far OK siya up to now mag 1year na kapit na kapit pa din.


    Gamit ko kasing nosing/trim is yung parang rubbery PVC na nabibili online. Yung stairs ko made of wood na may polyurethane varnish. Oks kaya ang bostik? No more nails din sana pwede.

    -- edited by tech_hero on Jan 08 2021, 09:49 AM
  • ^
    makapit sya sir, malamang nga madamage na rin yung varnish mo kung tatanggalin mo yung trim
    meron akong pvc moulding na nakakabit sa painted wall using No More Nails, tuklap yung pintura nung tinanggal ko yung moulding

    i'm pretty sure kakapit naman sya sa materials mo, pero use na lang siguro kung magandang quality yung trims mo and magtatagal
  • @aRTie

    pwede rin ba yang Bostik sa pag install ng baseboard? yung kakabitan eh concrete wall na may fresh semi gloss paint?

    Balak ko sana DIY, kaso another problem ko is uneven yung wall, pano gagawin kapag ganun? putty?
  • ^
    Yup, pwede rin sir. Kahit kahoy or pvc yung baseboard mo

    Mas okay sana kung maayos mo muna yung wall
    Pero kung masyado matrabaho for you, kabit mo na lang yung baseboard mo using no more nails then i-putty or sealant mo na lang yung mga gap sa edges
  • thanks!

    pwede ba gamitin ko nalang din yung caulking gun as putty? same lang ba ang caulk at putty?
  • ^
    Iba-iba rin ata ang caulk sir, and ibang compound pa sya sa putty, and may iba iba pa ring klase ng putty

    Tingin ko anything will work naman basta kaya mag fill ng gap and hindi masyado nag shi-shrink pag natuyo

    Naalala ko na magandang nagamit ko na ganyan is yung Selleys No More Gaps. Mejo may kamahalan nga lang sya vs Bostik or Bosny counterpart
  • Hello Guys! Ano magandang kasulatan or agreement sa contractor? Yung hindi talo ang customer. Like pwede ba yung agreed contract price pwede hindi agad ibigay? Like every 2 days ang bayaran etc. Para hindi nila matatakbo yung pera? Yung materials mas maganda kung ako mismo magsource tama no?
  • Hello Guys! Ano magandang kasulatan or agreement sa contractor? Yung hindi talo ang customer. Like pwede ba yung agreed contract price pwede hindi agad ibigay? Like every 2 days ang bayaran etc. Para hindi nila matatakbo yung pera? Yung materials mas maganda kung ako mismo magsource tama no?


    Tama, para safe ka. Pwede din gawa muna 3 days, tapos bayad for 3 days. Wag na wag ka papayag ng bale. Ikaw bumili ng materyales. Ma effort siya pero sulit, kesa ma scam ka.

    Make sure din kunin mo may magandang reputasyon na contractor.
  • Yung materials mas maganda kung ako mismo magsource tama no?

    Depende to sir. Yung ibang contractor kasi, may mga contact na or supplier ng quality na materyales na mura nya nakukuha. Kahit patungan pa nya, mas mababa pa rin sa bigay ng hardware kung mag walkin ka lang

    Regarding contract, ask for warranty. Yung payment, usually staggered naman ang payment, tipong magbibigay ka ng pera sa DP, 30% 60% 100% completion, kung hindi arawan ang usapan nyo
  • chaingang317 Send Message View User Items on 09 Jan 21 @ 12:17 PM #

    Hello Guys! Ano magandang kasulatan or agreement sa contractor? Yung hindi talo ang customer. Like pwede ba yung agreed contract price pwede hindi agad ibigay? Like every 2 days ang bayaran etc. Para hindi nila matatakbo yung pera?

    Option #1: Arawan Skilled workers
    - araw-araw ka magbabayad sa kanila base sa napagkasunduan nyo na labor rate at material cost
    - mako-control mo ang cash flow

    Option #2: Pakyawan Skilled workers
    - (bibilhin o babayaran mo sa kanila ang materyales) then babayaran mo lang sila pagnatapos na ang particular Item say Item Painting Works babayaran mo lang sila pagnatapos nila ang Painting works (labor & material inclusive) base sa napagkasunduan nyo na presyo

    Option #3: Kontrata/Contractor >> Professional Engineer/Architect
    - mag Downpayment ka base sa napagkasunduan nyo (20%-60%)
    - ang payment ay base sa Progress Billing or Monthly Billings

    Yung materials mas maganda kung ako mismo magsource tama no?

    kung marunong at maalam ka pwede, otherwise consult an engineer/architect, wag magmarunong kung walang experience sa house construction dahil baka lalo ka mamahalan, saket sa ulo at maloko

    Good Luck c",?
  • Iba-iba rin ata ang caulk sir, and ibang compound pa sya sa putty, and may iba iba pa ring klase ng putty

    Tingin ko anything will work naman basta kaya mag fill ng gap and hindi masyado nag shi-shrink pag natuyo

    Naalala ko na magandang nagamit ko na ganyan is yung Selleys No More Gaps. Mejo may kamahalan nga lang sya vs Bostik or Bosny counterpart


    Malulupet pala tong glue na to. Ngayon ko lang naappreciate. Yung ibang glue sobrang tibay totoong stronger than nails. Worry ko na lang sa mga to kapag may pintura yung pagdidikitan, so yung bond nya is based lang sa strength ng kapit ng pintura?