Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • Worry ko na lang sa mga to kapag may pintura yung pagdidikitan, so yung bond nya is based lang sa strength ng kapit ng pintura?


    yan din concern ko, yung existing paint pa naman madikitan lang ng furniture sumasama na yung paint.

    wala din pala ako nakita bostik liquid nails sa wilcon, selleys lang meron sila. ok din ba ang selleys?
  • yes, naka-rely nga sya sa kapit ng pintura if painted surface ang didikitan
    siguro kung initially mukhang umaangat na yung paint, scrape na siguro muna

    pero kung mukhang maayos pa naman paint, hindi naman siguro basta basta matatanggal unless i force na tanggalin.
    distributed naman yung dikit sa surface area ng material, so kung baseboard lang or cornice, kayang kaya naman dalin yun

  • yan din concern ko, yung existing paint pa naman madikitan lang ng furniture sumasama na yung paint.

    wala din pala ako nakita bostik liquid nails sa wilcon, selleys lang meron sila. ok din ba ang selleys?


    Selley's yung nabili at ginamit ko. Mas mabilis matuyo ito. Depende sa paggagamitan. Meron sila nung stronger than nails at yung pioneer construction adhesive. Natry ko yung stronger than nails, mukhang oks din naman. mas madali linisin yung excess, yung Selley's medyo makalat linisin.
  • @aRTie, tech_hero

    Thanks. Nkabili na ako kanina ng selley's at elastic (paintable) na silicon para sa gaps. last question before ko gawin tom morning yung baseboard, mas okay ba ifinish paint na yung baseboard before install or after na? and ano ba usually paint ginagamit flat lang or semi/gloss?
  • ^
    cabinet doors pa lang nagawa ko sir na kahoy, so paint muna ako upto last coat before ko ini-install
    ayaw ko kasi na napipinturahan yung mga handle and hinges

    sa purpose mo, kung plano mo pinturahan yung pang fill ng gap, kabit mo muna siguro before paint
    para pag coat mo ng baseboard, damay na yung filler

    or kaya primer/ first coat before installation, then install, then gap filler, then 2nd and 3rd coat

    regarding flat or semi-gloss, depende sa finish na gusto mo ma-achieve
    pero mas madaling linisin ang semi-gloss, mas hindi din dumihin, so tingin ko mas common ang semi-gloss for baseboards

    by the way, consider mo yung Davies Aqua Gloss-it for paint. Quick Dry Enamel to na water based so hindi mabaho
    yung ibang Enamel na paint, weeks inaabot bago totally matanggal ang amoy

    anyway, antay pa tayo ng inputs, baguhan lang din ako pagdating sa kahoy
  • I am way over my head, mahirap pala mag cut ng corners using just hand tools lalo na kapag hindi sakto 45 deg yung angles haha! masyado ako nag focus sa pagdikit and skipped the hard part. Hindi pulido yung gawa ko sa corners, sana maitago ng silicon.
  • +1 ako sa Davies Aqua Gloss.
  • ended up using screws kasi hindi talaga even yung concrete wall ng living room namin, liquid nail cant hold the tension/load when the baseboard were bent and pressed to the wall. will definitely use putty to hide the screws and gaps.

    Thanks sa tip sa paint. Will definitely go with Davies Aqua Gloss
  • paps ask lang ung mga L shaped na angle bar ba need tlaga i drill at hindi kaya rekta ng self tappping screw? balak ko kasi lagyan ng liso yung laundry area dahil pag malakas ulan umaanggi
  • paps ask lang ung mga L shaped na angle bar ba need tlaga i drill at hindi kaya rekta ng self tappping screw? balak ko kasi lagyan ng liso yung laundry area dahil pag malakas ulan umaanggi

    tigas nyan bro need talaga drill
  • ^ ahh ok paps salamat mukhang rivet talaga ang bagsak ko nito
  • Meron namang self drilling screw sa bakal. Pwede yun gumagana naman. Ganyan gamit nung mga nagiinstall ng aircon.
  • self tapping ba yun?

    magkano kaya abutin kung gawa ako gn frame ng lamesa gamit mga tubo like this ? mas mura ba tubo kaysa angular?


    <click here for link>

    -- edited by wallcolm_x on Jan 18 2021, 10:41 PM
  • ^ Hindi ko sure, pero mas makapal yang pipe na yan, i'm not sure if mas matigas. Pwede ka naman gumamit din ng tubular, kahit de uno lang depende sa need mo.

    Nagpagawa ako sa steel fabricator, welding/labor lang, the rest depende sa presyo na gagamitin sa bakal.
  • magkano inabot labor? tsaka pic naman boss ng pinagawa mo balak ko kasi yung pde pa matanggal eh
  • ^ parang ganito





    pero pang 60X120 na board yung size at 1" yung tubular at pina primer ko. 900 pesos singil sa akin lahat lahat material at labor.

    -- edited by tech_hero on Jan 20 2021, 03:48 PM
  • mura lang pala tubular 20feet nasa 280 lang tapos sakto me nag bebenta na hardware dito sa amin na 4x2 ft na playwood or plyboard cuts 205 petot lang

    mukhang eto n lnga gagawin kong lamesa computer table nakita ko din sa youtube pde gamitan ng rivets pero balak ko bolts and nuts lang para pde ma dis assemble

    and dilemma ko ngaun is pano pagkakasyahin yung 20feet na tubular ngaung ang balak ko is dapat 32inch ang taas ng lamesa para kasya rec;iner arm rest sa ilalim

    pero kung susundin ko yung sukat ng wood na 4ft by 2ft mukhang bitin yung 20feet na tubular dahil 12feet na agad yun sa braces pa lang sa iallim ng kahoy..

    any idea?
  • ^ Di plywood ginamit ko. Stair threads na pinagdugtong para saktuhan na ang size at maganda kahoy. Bumili ako dati kasagsagan ng lockdown, 5k eh, di pa maganda at pulido kahoy at pagkakagawa.

    Bumili ka ng bakal sa junk shop, or sa mga fabricator baka may tira sila doon kapag konti lang kailangan mo.
  • Tanong po mga sir, ofw ako tas nakabili ako ng bahay sa bellavita, balak ko na palagyan ng bakod,kisame at 1 room pa,,, totoo po ba sabi ng tito ko na sagot ko pa test weekly ng tauhan na kukuhanin ko? covid test po tas pag nag positive sagot ko din mga financial? anu pala mas ok yung arawan or pakyawan ba yun?
  • Good day mga sirs! Hihingi sana ako ng advise sa faulty construction sa ginawang renovation or extension sa bahay namen. To start with, in less than a year yung wall may cracks na. May portion na nagsi seep yung tubig sa wall among others. Nag chip off na mga paint sa room ng bata. Yung baseboard natuluan ng tubig na nag seep sa wall umangat na... Been calling yung Engineer and architect pero di ako sinasagot. Ano bang legal step ang pwede ko gawin for this? Need ba ipa assess yung faulty na mga gawa sa isang engineer/architect para maging basis kung tama ba yung naging gawa? Planning on filing a case sa architect and engineer. Please advise ... Thank you
  • Good day mga sirs! Hihingi sana ako ng advise sa faulty construction sa ginawang renovation or extension sa bahay namen. To start with, in less than a year yung wall may cracks na. May portion na nagsi seep yung tubig sa wall among others. Nag chip off na mga paint sa room ng bata. Yung baseboard natuluan ng tubig na nag seep sa wall umangat na... Been calling yung Engineer and architect pero di ako sinasagot. Ano bang legal step ang pwede ko gawin for this? Need ba ipa assess yung faulty na mga gawa sa isang engineer/architect para maging basis kung tama ba yung naging gawa? Planning on filing a case sa architect and engineer. Please advise ... Thank you


    Kaka consult ko lang sa abugado dati pa about dyan.

    Kelangan mo iready yung contract na papeles mismo ninyo. Tapos make sure me connection ka sana sa mga kamag anak ng mga yan para ma trace mo sila.

    Sa barangay ka muna ng lugar ng unit mo pupunta. Matanong ko magkano yung total nyan me sira?

    Pag nag fail sila sa hearing sa barangay, de dretso kana sa police, at hihingi kana ng complaint of affidavit.
  • @redwarriors1994

    Kaka consult ko lang sa abugado dati pa about dyan.

    Kelangan mo iready yung contract na papeles mismo ninyo. Tapos make sure me connection ka sana sa mga kamag anak ng mga yan para ma trace mo sila. Sa barangay ka muna ng lugar ng unit mo pupunta. Matanong ko magkano yung total nyan me sira?

    Pag nag fail sila sa hearing sa barangay, de dretso kana sa police, at hihingi kana ng complaint of affidavit.


    Salamat sir sa pag reply. Yung architect kasi working siya sa gumawa originally ng bahay namen.
    Nag sideline siya outside sa office nila at kinuha yung contractor na gumagawa dun sa office nila. So may address sila dun sa original Architect namen.

    Sa total ng repairs or back job na gagawin nila more or less 100k all in (estimated).

    Ang ayoko lang kasi sinabihan ako nung engineer na after daw ng turn over nila ng bahay eh wala na sila pananagutan or responsibility. Kasi daw nung tinern over nila eh wala naman daw defects. Pero after a year or almost 2 years eto na at nag labasan mga defects.

    -- edited by jakdripper on Jan 21 2021, 04:59 PM
  • @jakdripper

    hindi pala yan estafa sorry... ibang law yan nahahanay.

    Medyo mabigat nga yan, pero pwede mo yan sampahan kaso. Search mo sa fb "law free advice Philippines" tpos punta ka group. Me mga free advice dun ng mga abogado.

    Tapos, mostly nyan contact ka sa PAO ano dapat gawin... lugi ka kasi pag nag hire ka ng lawyer... ok din mga libre lang. Kasi ang less than 200k small claim lang yan sabi sakin lawyer pero ipush mo padin yan para mabawi.
  • redwarriors1994

    Base sa research ko papasok siya sa "Faulty Construction".

    Sige sir search ko yang binigay mo sa fb para makapag consult ako at para malaman yung needed na steps. Ang gusto ko lang naman eh ayusin nila yung palpak na trabaho kasi di naman pinulot yung perang binayad sa kanila

    Update nalang ako dito. Maraming salamat redwarriors1994
  • Post deleted #12357059
  • redwarriors1994

    Base sa research ko papasok siya sa "Faulty Construction".

    Sige sir search ko yang binigay mo sa fb para makapag consult ako at para malaman yung needed na steps. Ang gusto ko lang naman eh ayusin nila yung palpak na trabaho kasi di naman pinulot yung perang binayad sa kanila

    Update nalang ako dito. Maraming salamat redwarriors1994


    No problem. Make sure na hindi ka mag bibigay ng kahit anong personal information sa lawyer, advice lang hanap mo na libre. Kahit pera wag ka mag bigay.
  • Guys tingin nyo nasa magkano pagawa ng small bodega/storage around 50-60sqm total area? (with heat insulation, sound insulation, small office room divider for 3 people, storage space and packing space), electricity (with sub meter) and no toilet.. with mezzanine para ma maximize yun space.. kaso pag mezzanine style pansin ko ginagawa sya sa loob mismo ng malaking warehouse..

    we are planning to put at the backyard of our house (we are inside an exclusive village).. kailangan pa kaya ng building permit pag ganyan? for short term goal only maybe good for 3-5yrs.. ano kaya options pwede sa amin and advantage and disadvantage each?

    Pre-fab design



    something like this, lalagyan lang ng roof and hardiflex walls



    or ganito na concrete walls na (for long term)



    -- edited by jac9 on Jan 22 2021, 09:19 AM
  • mga bossing, may recommend po ba kayong marunong gumawa ng mga wainscoting?
  • guys may alam ba kayong rules pag magpapatayo ng electric fence? yung kapitbahay namin mukhang magpapatayo ng electric fence. magkadikit yung perimeter wall/fence namin so im a bit concerned lang. How high are these voltages? nasa side pa ng sampayan namin. Im just a bit worried sa safety issues.
  • Magpapalit kami ng kitchen sink, pero yung sink na nagustuhan ko is smaller than the existing cutout.

    Yung buong countertop ba kelangan palitan or meron remedy?

    existing cutout is 84x40, new sink requirement is 78x40