Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • @Bright_Light
    sa amin din dito, tinuloy nila. tutal andito lang din workers (and kailangan ng workers ng kita), and walang titirahan yun anak nya na napauwi ng maynila dahil pandemic.
  • pa OT, mga sir ano pwede suggest nyo Attic ladder -- yung folding at mag close cya lapat sa ceiling.
    nagkaroon kasi opening, naging semi attic+storage area, kasakuluyan gamit namin yung aluminum ladder standard na gamit pang akyat, nabili sa ACE> medyo hassle, kelangan itabi from time to time...

    *medyo mataas presyuhan ng attic ladder sa L*z*d*. :)

    salamats sa inputs, in advance.

    ingat lagi, keep safe.
  • Mga boss need help na Destroy it Yourself eh.. naputol yung kabitan ng faucet. Ano fast remedy sa ganyan?


  • ^
    Tanggalin mo na yung putol na part sir, then palitan ng bagong pvc coupling

    Parang ganito..
    <click here for link>

    Basta dapat yung isang side, makinis, yun yung ikakabit mo sa pipe, then yung isang side inner threaded para papagkabitan ng gripo

    Bili ka rin ng adhesive pangkabit ng pipe sa pvc coupler
    Di ko sure if metal yung pipe mo, epoxy siguro para sure
    Kung pvc pipe to pvc coupler, may nabibiling pvc cement

    -- edited by aRTie on Apr 08 2021, 03:31 PM
  • pansamantagal dinikitan ko muna ng mighty bond at cable tie.. tomorrow palitan ko na

    salamats!
  • Post deleted #12370952
  • Post deleted #12370957
  • Mga boss need help na Destroy it Yourself eh.. naputol yung kabitan ng faucet. Ano fast remedy sa ganyan?


    basta ok pa yang pvc mo sa loob at wala leak pde mo din yan ilabas pra next time mas madali pag palit ng gripo
  • mga boss,
    Just want to ask if u have encountered below:
    Need pa ba mag submit ng house title, exisiting bills regarding meter relocation? May existing meralco acct na pero need pa ba tlga ng above docs? Deceased n kc ung nakapangalan kay meralco and contructor is telling us na need daw ng name transfer eh ang mahal.
    Thanks in advance.
  • ^
    magkano hinihingi sa iyo? baka naman ini-scam ka lang ng contractor mo?

    mura lang mag apply ng line sa Meralco, baka mas okay pa ipaputol mo na lang yung dating line then apply new one under your name
  • Mga boss mgkano kaya magagastos mgpagawa ng half court
    25x30ft concrete slab?

    Ok na ba dun 3inches thick? Pahingi narin advice kung ano saktong mga materyales.
    Salamat po
  • ^
    nasa 30k siningil sakin ng contractor ko for a 7x5 concrete slab for parking
    varying thickness kasi sloping, 4 to 6 inches siguro

    for 3 inches na foot traffic, twice the area pero around 20% more volume
    i would say mas mahal siguro ng konti yung sa iyo, say 40k?
    not sure lang sa bakal, if pwedeng layo layo since tao lang naman aapak
    plus additional cost siguro kasi kikinisin pa yung surface

    anyway, guesstimate ko lang yan, best pa rin kung magpa quote ka mismo sa mason
    same lang naman material na need mo jan, bakal, semento, buhangin, gravel
  • boynjs Send Message View User Items on 14 Apr 21 @ 01:27 PM #

    Mga boss mgkano kaya magagastos mgpagawa ng half court
    25x30ft concrete slab?

    Ok na ba dun 3inches thick? Pahingi narin advice kung ano saktong mga materyales.
    Salamat po


    pa 4" mo na iyan, lalo na if inside your property 35% better quality, same labor cost, later on baka magsawa kasa laro, pwede mo gawin garahe or iba pa. approximately uubos yan ng 50+bag na cement, with proper compaction kahit walang bakal yan..
  • mga master, hingi lang po ako ng advise. sa subd po nmin eh deep well ang supply ng tubig. gang ngayon problema prn nmn ung marumi at minsan me maliliit na uod kaso wala nmn ginagawa ung realty at hoa nmin. since ayaw nla papasukin ang maynilad, pwede kayang ako na lang mgpalagay ng tubo pra sa sariling water supply sa bahay? at least mas magawan ko ng paraan ung filtration nya or much better mas laliman pa ung tubo? thanks po sa sasagot.
  • ^
    If ayaw ng village nyo na papasukin ang maynilad, i doubt papayagan ka rin mag setup ng sarili mong deepwell

    Malaki kita nila jan eh. Parents ko, nasa 200 lang bill sa maynilad, samin sa provided ng subd, nasa 1k for almost same consumption

    Ask mo na lang din admin nyo, baka naman iba policy sa imyo, pero tingin ko ang option mo lang jan is maayos na filtration system, install after ng metro para walang issue sa water provider
  • ^wala po useless ang filter na gamit namin. week pa lang kulay tsokolate na 3 pyun filter nya! ehh since sa subd kasi kanya2 na lang diskarte sa pgppaayos ng bahay, ganyan narin sna iniisip ko na patago na lng palagyan ng tubo. nka solar nman kaya wala ng problema sa dc pump. mabusisi din ba ang pgbabaon o lagay ng tubo? kung ganun kadumi pa ung tubig sa supply ng subd khit meron silang sariling filtration/purifier eh ganun din ba mngyayari kpag mgpalagay ako ng sariling deep well? Thanks po uli!
  • ^
    not necessarily.
    Kung matagal na yung subd, baka hindi nalilinisan yung main reservoir / water tank kaya madumi na yung nadidistribute, so kahit pumantay ka lang, possible na mas malinis makuha mo

    Kung hindi naman, if you go deeper, possible ka rin makakakuha ng mas malinis

    Yung sa parents ko, nasa 20 pipes ata nakabaon
    Matrabaho yun sir, need mo kasi ma reach yung water table underground
    Normally nasa 30m to 40m below ground yun
  • ^ay grabe naman pala 30-40m! me weekly or 2-3x a month daw sila nglilinis ng tangke, yun ang sabi nila. bobo na lng maniwala. so meaning to say kahit mgtanong ako sa area na me poso (labas ng subd), possible ng mgkaiba ung lalim ng pwesto nya sa lugar namin?
  • Yup sir, depende yan sa dami ng tubo na nilubog

    Take note na lang din na yung pump mo, need rin mag adjust pag mas malalim
  • Mas magastos ba kung yung half court ay gamitan nalng ng ready mix concrete? Yung lupa is sobrang tigas, pina excavate ko na, need pa rin ba bakalan? Skatepark/basketball court ang purpose nya tapos pwede rin parking sa future.
  • Tingin ko, you can get away without rebar, pero less prone to cracking kasi kung may bakal, lalo na gagamitin mo pala as parking
    Even yung walkway ko and sidewalk na pinagawa, pinabakalan sakin ng contractor ko

    Matigas din lupa samin, nagpa excavator pa ako nung nagpapatag
  • Ok sir salamat. May tanong pa ko, para may second opinion lang. mgpapagawa kasi kami ng cr doon sa site, yung typical lang na cr with bathroom mga 1m x 2m tapos septic tank. Bare lang sya, walang kisame pero may bubong. Mga mgkano kaya magagastos non at ilang weeks bago matapos? May nakausap na kasi kami contractor kaya lang para makasiguro kaya nagtanong ako dito.

    Btw. Yung site is mejo elevated pero pina excavate ko na para maging level ung ground.
  • ^
    guesstimate lang uli sir, pero yung contractor ko kasi, lagi per sqm mag compute

    For house structure na bare, nasa 10k to 12k per sqm na ata ang presyuhan, so around 20k to 24k(?)
    Pero baka hindi pa kasama yung bathroom fixtures jan

    Mabilis lang yan, kaya siguro ng less than 2 weeks
    Depende pala sa dami ng gagawa

    Antay pa tayo ng ibang feedback sir, mas okay kasi if may maka pag input na maalam sa amount and presyo ng hollow blocks, semento, buhangin, etc. na kailangan, then factor in na lang yung labor charge
  • Yung labor kasi singil sakin is 800 sa skilled tapos 500 per day sa helper. Bale 2 skilled at 2 helper daw need nila. Tapos arawan pa ang gusto, estimate nalng sa CR at septic tank ay d pa nila sure pero around 2 weeks daw. Ewan kung overkill na yung apat sila. Hindi na rin sila mismo ang maghuhukay, ihire ko uli excavator para mas mabilis. Sa materyales kami mismo oorder.
  • Not sure sir parang mahal kung 36k labor pa lang

    Nakapagpagawa kasi ako ng retaining wall na 12mx1.5m for 30k, labor materials na, plastered and painted na rin

    That's enough material na rin para matayo yung 1x2m bathroom mo, bubong and sahig na lang kulang

    1 week lang nila tinira yun, isang tagahalo ng semento and isang taga layout ng hollowblocks

    This is considering mahal pa sumingil contractor ko. Hands-on kasi sya sa pag manage and nasa site the whole time
  • Kapag house repairs kailangan pa rin ng building permit? As in palit lang ng sirang bubong?

    Eto po pala yung clause sa building code na nirefer ko. Medyo epal po kasi yung homeowners.




    -- edited by techph888 on Apr 25 2021, 03:54 PM
  • Magandang umaga po!

    Plano po kasi namin magpa water proof ng firewall. Itatanong ko lang po kung maganda at matibay po ba ang Titan Elastomeric Paint sa pag waterproof ng residential firewall po?

    Thank you in advance!
  • Yung labor kasi singil sakin is 800 sa skilled tapos 500 per day sa helper. Bale 2 skilled at 2 helper daw need nila. Tapos arawan pa ang gusto, estimate nalng sa CR at septic tank ay d pa nila sure pero around 2 weeks daw. Ewan kung overkill na yung apat sila. Hindi na rin sila mismo ang maghuhukay, ihire ko uli excavator para mas mabilis. Sa materyales kami mismo oorder.


    Nagpagawa ako CR sa 2nd floor. Umabot ako ng 70k excluding fixtures. Bale structure materials lang, piping, tapos labor. Bukod pa ito doon sa fixtures at tiles. I would assume na aabot ng same sayo since gagawa din ng septic tank, piping saka structure. Saka consider mo na din pag bili/gawa ng pinto.

    Basta pag labor, consider mo dapat na pasok sila sa 40-60% ng material costs mo kasi ganyan ang presyuhan nila pag nag contract ka ngayon.

    -- edited by tech_hero on Apr 27 2021, 11:19 AM
  • Kapag house repairs kailangan pa rin ng building permit? As in palit lang ng sirang bubong?

    Eto po pala yung clause sa building code na nirefer ko. Medyo epal po kasi yung homeowners.


    Iba yung building permit na kinukuha sa munisipyo vs dun sa "construction" permit na binibigay ni Homeowners. Usually, para i-allow ka nila mag construction at papasukin yung mga delivery ng materials sa gate ng subdivision kaya need ng construction permit nila. Pero minsan yung construction permit ng subdivision, nagbabase naman sa building permit na kinukuha sa munisipyo. Kaya problematic kung di naman kayo bigyan or di na need permit sa minisipyo pero hinahanapan kayo ng subdivision. Ginagawa ng homeowners yan para sure na hindi magviolate sa rules nila sa construction. Yung iba, ginagawa jan, present ng ibang permit/plan, pero iba ang gagawin. Then goodbye na sa construction bond.

    Better ask dun sa mga accredited contractors ng subdivision nyo. Sila may workaround jan. Either gumagawa sila ng plan para i-present to dun sa homeowners assoc para sila na bahala. Pero hassle nga yan at usually mas mahal sila mag quote.
  • ^ hindi kami gated subdivision sir. Open for all yung daanan namin kaya wala din dito mga accredited contractor. Saka meron kami katabi na warehouse ng isang construction company kaya madalas din may dumadaan na 10 wheeler truck dito samin. I dont think kakailanganin namin ng 10 wheeler or ng mga malalaking mixer truck since wala naman kami itatayo so puro repairs lang talaga