Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • Hi Sir pa advice naman.

    nag i-aavail kaming lot sa isang subdivision (under development pa) nag bayad na kami ng reservation fee.

    may road lot na pero ung mismong sa block namin ung lot is elevated pa since mountain side ung dinedevelop (pa cliff pa nga) ang sabi naman samin ni Agent is tatambakan pa daw un aayusin pa.

    Question po:
    1. kung sobrang elevated nung lot paano nila nasukat ung size? pa-slant /diagonal nila sinukat ? ung size kasi ng lot based sa plan is 12x17meters (240SQM) now kung pa slant ang pagsukat let say 45 degrees pagkaka elevate pag pinantay sa kalsada is liliit ung length non, tama po ba?

    1. paano ako makakasigurado na tatambakan pa yon ni developer baka kasi mamaya kanya kanya na palang patambak ng owner, may documents ba ko dapat hingin para maka sure ako na sila magtatambak non.

    2. ano ung mga papers na need ko matanggap pag bibili ako ng lot tru inhouse financing nila

    illustration: yung lot 2 ung lot na naka reserved saamin. mountain side ung village na to wala pang naka tayong mga bahay. for retirement lot sana namin.




    pa-advice na din sa tamang thread. thank you
  • ^
    Sa first question mo, horizontal distance yan sir
    hindi yung slanted na distance

    Sa next question, pwede ka magrequest ng engineering plans. Makikita mo kasi dun dapat yung level ng terrain, and probably retaining wall kung sobrang sloping yung ground
    Baka pwede ka rin manghingi ng certification sa agent mo na tatambakan nila
    Based sa diagram mo though, i doubt tatambakan nila yan na papantay sa road, masyadong magastos yun sa part nila especially if lot only lang yung binebenta, anong developer ba yan sir?

    Contract lang naman usually yung papeles na binibigay, then after ng full payment, saka mabibigay yung title
  • @ aRTie

    Thanks sa info sir big help po.

    so kahit pala slanted or pa slope ung sukat ng lot is horizontal distance pala binabase ang dimension ng lot. so safe ako na 17meters pa rin ung length and frontage ko is 12 meters.

    ung developer is si Primeeast Properties.

    sana mabigyan ako ng engineering plans and certification na tatambakan nila and hoping maka kuha din ako ng perspective plan design nila. para alam namin ano ba magiging itsura nung project village nila if may mga houses nang nakatayo - not sure kung anong technical term dun.

    thank you
  • so kahit pala slanted or pa slope ung sukat ng lot is horizontal distance

    yup sir, if makakakita ka ng subdivision plan na sina-submit sa bureau of lands, hindi naman accounted for dun yung change ng terrain, horizontal distances lang

    hopefully totoo nga yung commitment ng developer mo. kung lot only kasi, usually pinapabayaan na lang yung natural terrain, mahal kasi mag fill and maglagay ng retaining wall
  • @ aRTie

    may subdivision plan naman na pinakita samin.

    yup hoping na totoo nga na sila magtatambak kasi magastos kasi although may mga libre panambak naman kaso ung bayad sa truck and labor ang masakit eh ilang truck uubusin non.

    un pa isa kong problema ung retaining wall need ko sila makausap. Nagpunta kasi kami last sat e holiday pala :(

    sir salamat
  • johnToT

    ung developer is si Primeeast Properties.


    May I know sir kung saan Subdivision yan? Sa EastRidge po ba?
  • @ 1008dma

    yes sir tama po, may idea po ba kayo about sa eastridge and primeeast

    -- edited by johnToT on May 04 2021, 05:29 AM
  • @johnToT

    Maganda po yan ipa split level para hindi ka na mamoblema sa panambak. For example yung mas mataas na level Living room and bedrooms then yung nasa mas mababa dining room and kitchen. ganda niyan overlooking pa pwede mag kape-kape sa terrace sa likod.
  • @johnToT
    Nagcheck din kami ni wife ng lot jan, pero undecided if we will pursue as we are also looking for other options.
    Okay lang ba sir PM mo sakin if saan banda yung nakuha mo na lot? and gaano kalaki? Kasi nung nagcheck kami yung mga natitirang lot is ganyan nga yung landscape, may masyading matarik or minsan naman yung cut is not square.
  • @Leshrock18

    pwede rin, kaso gusto talaga namin is mautilize ung lot space, plan namin is 30% lang ng lot ung tatayuan then may roofdeck pero depende pa rin sa sasabihin ng engineer and architect although matagal pa kami magpapatayo ipon ipon pa and underdevelopment pa naman ung subdivision.

    @1008dma

    ygpm
  • anu po ba tamang action sa septic tank vent ng isang bungalow para hindi umamoy sa kapitbahay nito?

    dagdagan ng taas ang vent?
    pa siphon?
  • Bros ano ba yung minimum na grounding na pwede para sa standalone shower water heater? San pwede i-tap yung ground?

    I doubt if everyone installs a proper grounding rod for this?
  • mga master mgDIY lang po ako ng ac window type installation. ano pong "best way" para pra mabutasan ung wall na paglalagyan ng aircon? meron kasi syang 2" sa isang side na pagitan ng bintana at pagbubutasan. marami pong salamat.
  • mga master mgDIY lang po ako ng ac window type installation. ano pong "best way" para pra mabutasan ung wall na paglalagyan ng aircon? meron kasi syang 2" sa isang side na pagitan ng bintana at pagbubutasan. marami pong salamat.


    ang naalala ko sa ginawa sa amin. Nag grinder lang ng shape na butas tapos sinsilin lang nila and inayos ng semento yung mga kanto para malinis tingnan
  • mga sir hingi lang po sana ng ideas para sa garage ng 2 kotse.
    yung pinakamura sana and kaya mag DIY. so far meron kaming extra yero, tho di ko po kasi sure kung ano-ano mga need.
    kahit pinaka simpleng garage lang sana hehe
  • Yung exterior paint ko after 2 years nag fafade and namumuti. May prep ba na need gawin bago irepaint?
  • Leshrock18 Send Message View User Items on 04 May 21 @ 04:09 PM #

    @johnToT

    Maganda po yan ipa split level para hindi ka na mamoblema sa panambak. For example yung mas mataas na level Living room and bedrooms then yung nasa mas mababa dining room and kitchen. ganda niyan overlooking pa pwede mag kape-kape sa terrace sa likod.


    ganito ang bahay namin, personally gusto ko talaga maraming levels sa first floor. sakto medyo slanted ang lote namin, iyang sayo baka tatlong levels sa first floor need instead of 2 he he, meron kang super high ceiling.

    i'd like to think naging matured nako sa mga superstitions, yin yang chakra, etc. hindi ko nalang pinapansin yung mga nag sasabi ng sunken living room ako. he he
  • ask lang ng advice regarding roof insulation. ito ang photo ng kisame



    Suggested ilagay is rockwool. nakapag canvass na ako and ito yung quote

    1)50kg: 50mmx0.6mx5m(rockwool lanket type) with foil net price pHp1,456/pc

    2)60kg:50mmx0.6mx5m(rockwool blanket type) with foil net discounted price Php1,576.

    *you will be needing around 28 pcs of rockwool blanket type with foil* or make it 30 pcs pra sure just in case nakakapusin kayo.depends ksi how will be the rockwool cut.

    (estimate is based on floor area (7.5 meters x 11 meters) ng rooms na ako ang sumukat

    need advice kung paano ito ilagay. Gugupitin ba and place in between the beams?

    Balak ko din mag pa pintura ng bubong using insulating (Cambridge CeramiCoat Elastomeric Insulating Paint) or heat relecting paint (Boysen Cool shades). Any advice about this? May companies that charge P250 per sqm three coats na daw using a paint sprayer.

    <click here for link>
    <click here for link>

    Maraming salamat sa sagot.

    -- edited by janjaran on Jun 02 2021, 12:36 AM
  • kahit saan halos binabaha na ngayon
    kahit yung mga dating lugar na di talaga binabaha dati eh - binabaha na ngayon

    sana may maka-isip ng "building code" sa mga kukuha ng building permit pag magtatayo ng bahay
    na dapat yung bahay eh elevated yung ground floor
    at least 3 o apat na hollow block ang taas sa main road
    kung bahain naman is dapat mas mataas yung elevation nya sa pinaka-mataas na bahang na record

    may mga lugar sa pampanga na dahil halos taon-taon eh binaabaha- kaya ayun yung mga bahay nila halos lahat eh bungalow type at elevated (may tambak)
  • Mga boss hingi lang ako ng idea senyo anong pwede kong ipang extend dito need ko lang ng 70cm para hindi mabasa terrace. Tolda sana kaso hassle ikabit




    -- edited by kapitantumba on Jun 04 2021, 12:15 PM
  • Mga boss hingi lang ako ng idea senyo anong pwede kong ipang extend dito need ko lang ng 70cm para hindi mabasa terrace. Tolda sana kaso hassle ikabit


    kung DIY may nabibiling awning sa suking online at sa wilcon, pedeng retractable..

    pede din permanent pasurvey mo sa gumagawa..