Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • mga master, pahingi nman po sana ng suggestion. buhos po ung taas, kung papalagyan ng kwarto medyo matagal pa ipapagawa. ano pong paraan para di maapektuhan lalot kapag nag uulan na? balak kasi sa taas ehhh half ggwin kwarto then the rest open na sya (tambayan). TIA!
  • Lagyan mo muna nh water proofing like plexi bond para di sumilid sa baba ang tubig
  • Quick question po, magkano po usually ang bayad sa contractor if ipapa kita mo palang (actual visit sa house) yung ipapa renovate na bahay? Thank you po!
  • Quick question po, magkano po usually ang bayad sa contractor if ipapa kita mo palang (actual visit sa house) yung ipapa renovate na bahay? Thank you po!


    Wala. Pamasahe lang nya sagutin mo pwede naman.
  • Dapat nga wala. hanggang quotation libre pa yun dapat

    Potential business yun for them, kasama na yun sa gastos nila
  • @krpk, yung napagtanungan namin before 2500 ang kanilang site visit. tapos gagawaan nila ng plan/design(iba pa bayad nito)

    pero ang ginawa namin kumausap kami sa city hall building permit, ng ask ng site visit sa isang engr. sinundo nalang namin, ng bigay din advice for free. pina snacks nalang namin. sabi nga nya no need na din ng building permit since renovation lang naman. need lang ng barangay permit.. :)

    hopefully ma simulan na project namin this month.. :)

    -- edited by ComPeter on Jul 05 2022, 08:26 PM
  • Salamat po sa lahat ng sagot! Ipag miryenda nalang din namin :)
  • Pwede ba malaman magkano singilan ngayon sa provincial area(bulacan for me)
    My nakausap kasi ko architect, 3M computation sa 2 story house namin 102sqtr mtr na lote ( with 3x bedroom) 27,000 per square mter rough estimate nya sakin, mataas po ba un? Ang budget lang namin ni misis kasi is 1.5M to 2M lang

    -- edited by mark009 on Jul 27 2022, 09:36 PM
  • My nakausap kasi ko architect, 3M computation sa 2 story house namin 102sqtr mtr na lote ( with 3x bedroom) 27,000 per square mter rough estimate nya sakin, mataas po ba un? Ang budget lang namin ni misis kasi is 1.5M to 2M lang

    tingin ko sa price ng bakal at materials ngayon mukang tama na yan fully furnish na yan pero kung gusto mo maka tipid mas maganda kaw mag canvass ng materials tapos may mga materiales na hindi conventional na mas madali kaso availability lang tatanungin kung meron dyan sa place mo.
  • Mga bossing effective ba talaga yung mga negative waterproofing materials like crystor? yung wall kasi ng room ko katabi e bakanteng lote na sobrang taas parang naging basement ung room ko. nasira ata yung waterproofing ko nung nagtambak sila kaya may tumatagos na sa wall kong moisture kapag umuulan. sa loob ng room ko na sana gusto mag waterproofing balak ko yung crystor ang bilhin. papatanggal ko nalang paint at skim coat nung room ko para maiapply.
  • ^ sana may pressure injector yung gagawa. nakita ko sa yt na nagdrill sila sa wall tapos nag inject ng water proofing using ay pressurized injector para papasok yun sa mga cracks at fissures ng wall
  • naku wala akong gnun sir. regular na laborer ung gagawa nung pang waterproof sa bahay :(
  • ^
    Mahirap ba kung huhukay ng maliit na strip sa kabilang lote para ma waterproof yung kabilang side?
    Magpaalam na lang sa mayari. Nabanngit mo naman na bakante pa
  • Mga bossing effective ba talaga yung mga negative waterproofing materials like crystor? yung wall kasi ng room ko katabi e bakanteng lote na sobrang taas parang naging basement ung room ko. nasira ata yung waterproofing ko nung nagtambak sila kaya may tumatagos na sa wall kong moisture kapag umuulan. sa loob ng room ko na sana gusto mag waterproofing balak ko yung crystor ang bilhin. papatanggal ko nalang paint at skim coat nung room ko para maiapply.

    suggestion ko lang, dapat ayusin kung saan nangagaling yung tubig. ganyan din kasi kwarto namin dati, kahit anung waterproofing ang gawin sa loob kapag dating nag tagulan nababasa pa rin. sayang lang yung effort at gastos.
  • mataas masyado bossing mataas pa sa kwarto ko eh. di mahuhukay ng tao lang. tapos sa subd. namin hindi pwede ang mga heavy duty machines like excavator. side ko lang talaga ang maaadjust ko