Forum Topic

Construction and Renovation Issues (Builder's Thread)

  • Tama si artie bawal mag lagay ng hole o window kung isasagad ang property saka may rules po sa building code ng set backs para na ren sa air and ventalation
  • ^kapitbahay ko ng lagay ng dalawang butas / bintana kahit dapat ay firewall na. mejo malakas loob kasi kahit building permit wala sila.
  • hello po mga sir and mam,

    magkano po usually ang pdlc smart film?, per square meter po ba ang pagcost?

    thank you po sa sasagot
  • Masters, baka meron kayo alam na bilihan ng ganitong type ng "vinyl planks".




    Iba kase yung kulay and texture sa Wilcon, medyo brownish sya instead of yellow. Already tried sa MC Home Depot and CW, wala din yung ganito :(

    Baka meron pa kayo alam na bilihan ng vinyl planks na meron physical store, pa bulong na lang.

    Hindi kase pwede online store, mas mahirap mag match ng kulay.

    TIA!

    -- edited by dayamos on Jan 30 2023, 06:19 PM
  • Try mo sa ace, mero di sila minsan dun
  • ^thanks, yup, tumingin na din kame sa Ace, sabi hindi na daw nila nag stock ng mga vinyl planks sa mga branches nila, mga old stocks na lang daw kung meron man :(
  • hello po,

    ano po remedy o kung may pwedeng gawin sa bakod pra maiwasan yung issues kapag may kiskisan/rice milling na kapitbahay,tapat ng kalsada,.sabi kasi ng parents ko eh maingay daw at maalikabok ang kiskisan eh nalaman kong magpapatayo ng kiskisan yung may ari ng lupa sa tapat ng lupa na pagpapatayuan sana namin ng bahay, parang mahirap naman na ireklamo at sabihin na residential area,baka magkaroon ng kaaway agad na kapitbahay
  • kung meron existing residents especially katabi, dapat unahan niyo na Barangay kasi sakit talaga sa ulo yan, tama parents mo na maalikabok and possibly mag operate sa gabi.
  • health hazard yan
  • wala bang zoning kayo po dyan?
  • ^^^You need to file a complaint for it and its not instigating misunderstandings rather asserting your right. In the first place kasi your neighbor should have been considerate of their actions before setting up that rice mill inappropriately in a residential area it seems. So IMO, pwede po nyo idulog (along with other complainants) sa barangay nyo better yet sa City Health office. Eto yun nabasa ko about their mandate for Iloilo City. I guess it's the same naman throughout the country.
    Its mandate is to formulate and implement policies, plans, programs and projects to promote the health of the people in the city and to execute and enforce all laws, ordinances and regulations pertaining to public health.
  • alam ko pede idulog yan sa city planning yan yun dun din kasi nakuha ng building permit kawawa kayo dyan lalo ang kati ng gabok ng rice mill
  • rice milling daw ng coop, mukang magiging members din po yung mga kapitbahay.,haha, at mukang wala po issue sa mga kapitbahay yung sa gagawing rice milling,
    wal din pong zoning/planning kasi sa probinsya po, meron pa ngang may backyard piggery at walang issue sa mga kapitbahay,

    problema po eh kung bigyan ng business permit ng munisipyo baka walang effect na magcomplain,
  • gaano kalaki yung lote na pagtatayuan ng kiskisan? dati ako nagpapakiskis, maingay lang kapag nasa loob, paglabas, di na gaano. kulob kasi yung building, malaking pinto lang sa harapan at mga maliliit na butas sa pader. ang magiging problema lang jan ay ang alikabok. pag nagkikiskis kasi, ibinubuga sa labas ang ipa, maalikabok yun.
  • mga master, pa estimate nman po ng outdoor pool na me sukat sana ng 3 by 6mtrs. kahit medium/standard built po ung quality nya. Marami salamat po
  • @BlackMoon

    nakita ko mga 50 sq m siguro yung pinapatayo nilang kiskisan tpos yung lote nasa 900 sq m siguro, sabi naman nung gumagawa eh isasako daw nila yung mga ipa kasi ibebenta din nila,.
  • boys! mga 30sqm na room tanggal ng ng wallpaper, palit vinyl tiles, repainting (walls and ceiling). Mga magkano aabutin? Ball park figure lang.

    -- edited by reezer on Feb 12 2023, 10:22 PM

    -- edited by reezer on Feb 12 2023, 10:44 PM
  • 20k
  • ^Thank you paps!
  • sabi naman nung gumagawa eh isasako daw nila yung mga ipa kasi ibebenta din nila,.

    maganda siguro kung nasa loob na din ng building yung tambakan ng ipa para di makalabas ang alikabok pag bumubuga ang kiskisan..tapos yung mga nakasako, pwedeng sa labas.
  • good day baka po may alam kayo mag kano pasukat sa geodetic engineer? 100sqm lang po or yung gilid lang ng bakuran? maski estimate lang po sa bulacan po ito

    thanks

    -- edited by eon_flux on Feb 16 2023, 01:12 AM
  • ^
    10k to 12k, usually bumababa ng ganyan presyuhan

    Sobrang mas mataas kung based sa tariff rates
  • ^ ahh thanks hanap na lang siguro na malapit dito..

    ang hirap talaga pag patay na yung nag usap sa lupa saka natabunan na yung mohon. pinagamit kasi ng tatay ko yung kapraso na part namin ngayon inaangkin na ng gumamit part daw nila yun hehe
  • any thoughts sa poly carbonate para bubung o pader
  • ^kakapagawa lang ng bubong nyan for my pamangkin's 60sqm indoor garden sa house nila. Ok naman ang kinalabasan. Pricey nga lang.
  • ^salamat pafs sa inputs gusto ko din i try para may liwanag paren sa likod
  • ^Yung kinuha nila is flat surface then almost transparent ang liwanag. Mas mura ng about 70% yung corrugated.

    -- edited by musicgeek on Feb 16 2023, 06:36 PM
  • Andito nanaman yung iba pala nag co comment nag runong runongan tapos may offer na service sa PM. Ingat sa mga bagong nag papagawa. :-)

    Para di malustay pera.
  • @andoksus

    any thoughts sa poly carbonate para bubung o pader

    Kung kaya ng budget, yung solid yung kunin mo
    Pangit yung twinwall pag nasingitan ng dumi sa gitna, and hindi ganun ka durable, madali madent or mabutas

    Mahal nga lang yung solid pero maganda and matibay
  • 150sqm na residential house and lot, papapalitan yung buong linya ng water pipes, sulit na ba sa P5500 na labor fee or lugi?

    Umiikot pa din kasi yung meter ng tubig maski walang leaks. Yung PVC lines sa loob ng bahay ay luma na at nakabaon pa sa ilalim ng sementadong sahig.