-
statix
on
13 Aug 23 @ 06:07 PM #
matagal na ba yung screen door, why not replace yung pneumatic door closer?
May adjustment screw yan para sa hangin para hindi pabagsak ang sara
+1
-
redwarriors1994
on
14 Aug 23 @ 06:58 AM #
may naka try na ng primero? sa yero rib type. Dami ko kasi nakikita good feedback.
-
infoseeker
on
14 Aug 23 @ 08:10 AM #
May adjustment screw yan para sa hangin para hindi pabagsak ang sara
salamat po sir
resolved!!!
-
thevoid
on
22 Aug 23 @ 02:24 PM #
Question, yung mga binebenta bang mga stainless steel angle valve (SUS 304) sa dalawang higanteng popular ecommerce sites dito sa atin ay tunay na SUS 304 stainless steel?
Ang laki kasi ng difference, may mga less than 100 lang pero sa mall na SUS na Rosco brand ay nasa almost 500.
-
aRTie
on
22 Aug 23 @ 06:01 PM #
^
Sa mga nabili ko, mukhang legit naman
Although iba iba pa rin yung quality
Madalas ang hinahanap ko is yung Gripo na brand
Though mukhang rebadged, oks quality ng products nila
-
dayamos
on
22 Aug 23 @ 08:49 PM #
+100 sa Gripo, so far maganda naman quality ng mga nabili kong faucets, shower hoses and angle valves :)
-
SnakeEyes416140
on
22 Aug 23 @ 08:59 PM #
@thevoid...
though same material used, they differ in brand and quality of manufacturing process, kaya nagkaka-iba sila sa pricing, may mumurahin na brand pero atleast may quality at meron din mamahalin na brand
-
thevoid
on
22 Aug 23 @ 10:16 PM #
ang important sakin basta legit na sus 304 stainless steel, tapos mura okay na sa akin. laki kasi ng difference pero yung Roscoe subok ko na maayos.
gusto ko lang maka sigurado na legit SUS 304 at hindi zinc alloy or any other material na hindi matibay na angle valve kasi nangyari na sa akin dati ang nilagay parang plastic ata yun, naputol yung isang part nung pinaka may thread/grooves kung saan mo ipipihit para kumabit sa pipe/daluyan ng tubig, as in biglang sirit nabigla ako tapos naiwan yung part na yun sa loob ang hirap tanggalin, not sure kung navivisualize ninyo.
e ngayon wala naman talaga ako plano galawin ulit kasi ilang taon ko na napalitan ng SUS 304 na angle valve na Roscoe brand ok na ok siya. ang problema itong Maynilad contractor hindi nagingat sa pagpalit ng metro. ang ginagawa kasi ng Maynilad ngayon hindi simpleng palit ng metro kungdi magbubugkal sila dahil hindi lang yung mga tubo na nakakabit sa dalawang side ng metro papalitan, pati yung tubo sa ilalim yung naka semento, pinalitan nila ng blue PVC pipe kesyo dapat gawing standard daw. tamad bungkalin ng todo at ginawan nalang ng paraan para mag mukhang "standard". e mukhang hindi nangingat, may mga debris ata pumasok sa tubo papunta toilet at ibang gripo, ayun ang hina ng pasok ng tubig sa toilet, yung bedet pati sobrang hina. hindi ko alam kung gaano kalaki yung bumara sa angle valve pero hopefully mailinis lang at matanggal yung debris mag okay na. hindi ko lang maiayos agad agad dahil marami ako ibang ginagawa.
-
wallcolm_x
on
30 Aug 23 @ 09:46 PM #
^ nabiktima ako nyan before di ko lang alam kung san ko nabili nahulog yung showerhead na stainless steel talga sa gripo ...putol napagastos tuloy ako sa ace 700 petot din
-
wheelee
on
12 Oct 23 @ 10:12 AM #
Guys tanong ko lang kung anong pwedeng idikit sa kisame ng room namin na makakatulong sa block ng heat, 2002 nagawa yung bahay, dina nilagyan ng heat insulation Flat pa yung bubong na ginawa kaya super init at minsan nahihirapan ang aircon.
makakatulong kaya yung mga 3D na wallpaper or may specific na heat insulation na pwedeng idikit at sana hwag mahulog hehehe
<click here for link>
dagdag kalbaryo pa e afternoon Sun yung Firewall #_#
kaya magdamag mainit yung lugar na yun.
-
statix
on
12 Oct 23 @ 01:36 PM #
@wheelee
mas ok yan dikitan mo muna ang ceiling ng insulation foam;
saka mo ipatong yan 3D wall paper mo as finish. contact cement gamitin mo dun sa PE insulation foam.
-
wheelee
on
12 Oct 23 @ 01:47 PM #
UY! thanks paps!
tama, tama, insulation foam muna tapos dikitan ko ng 3D wall paper, good idea.
yung contact cement, any specific brand ba yun?
salamat ulit.
pwede rin kaya sa firewall yung foam + 3D wall paper na idea na yan?
isip ko kasi baka sa sobrang init ng wall mahulog yung foam, sana may naka try na
-
statix
on
12 Oct 23 @ 01:58 PM #
^contact cement aka rugby. kahit anong brand pero wag ka bibili ng by the bottle at mapapamahal ka ng bili dun. kung sa tingin mo marami kang kailangan, gallon na bilihin mo.
yes, pwede rin naman yan sa firewall/cynder walls. tho check mo muna kung fire retardant yun 3D wall paper mo, afaik fire retardant yun PE foam insulation.
hindi mahuhulog yan basta tama ang preparation mo with the contact cement.
-- edited by statix on Oct 11 2023, 11:01 PM
-
gr8guy
on
15 Oct 23 @ 07:54 AM #
i guess swerte kami sa anay. kinain yung solid wood na hagdan. tapos nilason sila hanggang maubos. buti wala na bumalik na anay.
ano po chemicals ginamit nila? na try ko na ata lahat, Joy liquid, clorox, Hometak (tek ba?), suka, paint pang anay,, may nabubuhay parin huhuh
thanks master sa makaka recommend.
-
srkid
on
15 Oct 23 @ 09:08 AM #
try nyo po Solignum
-
songerph
on
15 Oct 23 @ 11:47 AM #
try nyo po Solignum
ito effective samin. wala ring balita later ng infestation sa mga kapitbahay.
-
sem_rs
on
23 Oct 23 @ 07:04 AM #
ano po magandang vacuum cleaner na maliit lang
-
statix
on
23 Oct 23 @ 09:12 AM #
sem_rs Send Message View User Items on 23 Oct 23 @ 07:04 AM #
ano po magandang vacuum cleaner na maliit lang
shopvac or ridgid. kung alin na lang mas mura sa dalawa.
-
gr8guy
on
23 Oct 23 @ 09:17 AM #
Solignum
thank you sir songerph & srkid!
-
songerph
on
05 Nov 23 @ 09:53 AM #
Hello guys sa may experience sa PPR pipes, ano difference among brands? Magpapa-re-pipe ako buong bahay. Yung phildex nasa 270, yung lamco and others nasa 180. May 150 pa nga sa shopee.
-
wallcolm_x
on
09 Nov 23 @ 12:36 PM #
ask lang mga boss anong water proofing or ruberrized paint ang pwede pintura patong sa tiles ng terrace? pag naulan kasi tumutulo sa ilalim ng terrace eh
-
songerph
on
09 Nov 23 @ 01:09 PM #
Hello guys sa may experience sa PPR pipes, ano difference among brands? Magpapa-re-pipe ako buong bahay. Yung phildex nasa 270, yung lamco and others nasa 180. May 150 pa nga sa shopee.
I went with Lamco. 160 lang per 4 meters. Good naman quality.
https://lamcoppr.com.ph/
ask lang mga boss anong water proofing or ruberrized paint ang pwede pintura patong sa tiles ng terrace? pag naulan kasi tumutulo sa ilalim ng terrace eh
check grout.
boysen plexibond sa mga corner/poste/slab. magtanggal nga lang ng tiles.
-
dayamos
on
09 Nov 23 @ 02:55 PM #
^hehe, buti ngayon mas marami na pagpipilian when it comes to water proofing solutions.
Noon, ang naririnig ko lang na ginagamit ng mga gumagawa ng bubong was "alkitran" xD
-
wallcolm_x
on
09 Nov 23 @ 03:01 PM #
^ yan din pinahid sa wall namin until now di na natulo eh kaso parang nag fafade yung coat katagalan
-
songerph
on
09 Nov 23 @ 09:30 PM #
ang dami na innovations sa waterproofing. pili na lang ng pasok sa budget. tipid yung plexibond. lagay lang every year ang maintenance. mas mahaba buhay kapag plexibond then pintura.
-
blast
on
14 Nov 23 @ 02:37 PM #
Yung RubberTop waterproofing gusto ko den subukan para sa amin roofdeck. Any feedback po dito sa product na ito?
Tia!
-
songerph
on
14 Nov 23 @ 03:48 PM #
Yung RubberTop waterproofing gusto ko den subukan para sa amin roofdeck. Any feedback po dito sa product na ito?
Ikaw na magtry sir hehehe. mahal a 3500 php 4 gallons/18 liters. nasa 32 sqm daw kaya hehe. one coat lang yun.
I went with Lamco. 160 lang per 4 meters. Good naman quality.
https://lamcoppr.com.ph/
6k labor repipe buong house. satisfied naman ako sa gawa nya. nakatsamba lang ako kasi ang average na labor quote sa mga natanungan ko ay 12k haha
-
ultrajaforms
on
22 Nov 23 @ 03:18 PM #
hello po, tanong ko lang.
balak namin mag latag ng LAN Ethernet cable bago mag buhos sa slab
from main source sa L1 to Bedrooms at mga bedrooms sa L2. pati na rin spare sa Roofdeck.
Pwede na ba isabay sa Electric conduit and LAN cable? or separate conduit sya at pvc? salamat
-
windom99
on
22 Nov 23 @ 03:33 PM #
@ultrajaforms
mas maganda kung seperate sya na conduit at pvc...ganyan gawa ko sa bahay ko.
-
statix
on
22 Nov 23 @ 04:03 PM #
mas maganda kung seperate sya na conduit at pvc...ganyan gawa ko sa bahay ko.
+1