Forum Topic

TipidPC Middle East Chapter

  • Meron kayong alam na dance instructor dito sa abu dhabi? nag hahanap kami ng partner ko para turuan kami ng isang sayaw para sa kasal namin.
  • Any TipidPC sa TURKEY, we will travel with my family sa Istanbul; Nov 27-30.
    sino po may experience at ano po kayang place ang magandang puntahan.
    salamat po. God bless you all..
  • Any TipidPC sa TURKEY, we will travel with my family sa Istanbul; Nov 27-30.
    sino po may experience at ano po kayang place ang magandang puntahan.


    FYI sir, there's an incidence of Turkey shooting a Russian plane today. Monitor this event closely for your peace of mind.
  • Yes, I saw in the news, there is tension between Russia and Turkey,
    I also confirm with our embassy in Ankara, that as of the moment it is safe just avoid any military establishment and crowded area.
    and we are praying for the protection of the Lord, I want to visit some biblical places in Turkey,
  • @all
    mga paps papunta ako Sharjah sa enero, Office based at 1 year contract , live out ang offer.
    pahingi naman ng tips :
    - 4,500 housing & food allowance /mo. magkano apartment/room rental per month? kasama na tubig, kuryente at internet. sa ngayon ako muna , at plano ku kunin si misis at panganay ko after 4mos.
    first time ma assign sa Sharjah saan ba makahanap ng tirahan? at paano mode of payment sa upa.
    - 850/mo. aed transpo allowance, kasya ba mga Sir? saan makatipid na transpo sa tirahan papuntang office.

    maraming salamats.

    -- edited by dy3zone on Nov 27 2015, 03:04 AM
  • @dy3zone

    san ka sa SHJ magwork?
  • Mga kabayan, nagiisip akong bumisita sa Israel...

    Magkano kaya ang budget na kailangan dyan para sa Family of 4? Balak ko sana at least 4 days at mapuntahan ung mga holy sites.
  • @ojay_c

    sa may al-khan paps, OG company. any tipid tips na din sa tirahan, transpo, food.. musta cost of living sa Sharjah?
  • @dy3zone

    ako sa sharjah al nhada nakatira, 42000/yr 2 bedrooms,
    ung ibang flat dito aabot hangang 55000/yr
    pero may mga bedspace na 1000/mo completo na lahat tubig/ilaw/internet.

    sa alnahada kasi malapit lang ang sakayan papuntang dubai kaya marami kababayan dito nakatira.
    pero pag kukunin mo ang family mo you need flat kasi required sa family visa na meron kang sariling flat na nakapangalan sa iyo.
  • @mhay_b salamat.

    sa 42000/yr kasama na ba tubig/ilaw/net, fully furnished ? paano payment/ terms sa rental dyan?
    prefer ko sana di masyado kalayuan sa office, at walang hassle sa transpo ser.
  • sa 42000/yr kasama na ba tubig/ilaw/net, fully furnished ? paano payment/ terms sa rental dyan?


    @ dy3zone

    .. kuha ka ng 1bedroom flat, mas makakamura ka. siguro around 30K/year. di kasama ilaw/tubig saka net. pero merong iba na package na. di rin furnished. A/C lang ang meron. dito sa Al Ain, ikaw pa bibili ng A/C.LOL! terms of payment, kapag flat yearly yan or 3 cheques, depende sa may-ari. ibig sabihin, babayaran mo kagad yung buong taon or every 4 months. syempre yung unang 4 months mabigat dyan. yung presyo ng flat eh depende sa layo mo sa dubai. hassle kasi sa sharjah yung traffic palabas saka papasok ng dubai.

    .. kung gusto mo naman makamura, kuha ka ng isang room lang. may ka-share ka na ibang family din. kasama na sa rent mo yung ilaw,tubig,internet saka TFC or GMATV. pero, since kukunin mo yung family mo, kailangan talaga na meron kang sariling flat. kasi requirement yan for sponsoring your family.
  • tama si mark,

    first payment ang mabigat. yung susunod na payment cheque iyan. pondohan na lang.
  • @ojay_c

    sa may al-khan paps, OG company. any tipid tips na din sa tirahan, transpo, food.. musta cost of living sa Sharjah?
    OG company? sa al khan lang rin kasi work ko pero sa Qassimiah ako nakatira.

    kung sa al khan work mo at balak mong tumira sa rin sa al khan, make sure na walking distance na lang bahay para tipid ka na sa transpo.

    take note na mahal sa al khan compared sa qassimiah. 1 BR sa al khan is 40 to 45k na rin. dito samin, 30 to 35k. so compute mo na lang since 1 way taxi is minimum 11.50
  • salamat mga ser sa matinding tips.

    @markquicksilver
    magkano budget ninyo ser sa ilaw/tubig/internet? estimate lang din.
    pwede ko consider yang bedroom flat sir, makahanap sana ng fully furnished :)

    @ojay_c
    sa Al khan ka din pala naka assign, paps taxi lang ba means of transpo from Qasimia? ilang minutes to Al khan? baka meron paupahan dyan at kunin ko ding option, mas mahal pala kapag malapit sa work area.
  • mahal pala flat/year sa dubai pero mas malaki ang sahod compare sa KSA?

    thanks
  • May nakapagdala na po ba ng vape sainio sa dubai? di naman po ba macoconfiscate? pati yung juice? Thanks
  • @markquicksilver
    Ok naman ba byahe ng taxi or bus sa al ain? Baka March lipat na kami dyan sa Tawam Hospital magwoworo wife ko. Tapos may chance na malipat sa Al Wagan. Saan kaya maganda kumuha ng flat?
  • @ojay_c
    sa Al khan ka din pala naka assign, paps taxi lang ba means of transpo from Qasimia? ilang minutes to Al khan? baka meron paupahan dyan at kunin ko ding option, mas mahal pala kapag malapit sa work area.
    since ang work mo nmn is al khan lang, ok ka na sa qassimiah since 10 mins lang naman byahe. aSuggest ko lang sa al khan k tumira kung dxb work mo pra malapit ka na sa boundary. Maay bus naman kasoal magulo route. Never ko pa na-try mg bus dito hehehhe
  • @markquicksilver
    Ok naman ba byahe ng taxi or bus sa al ain? Baka March lipat na kami dyan sa Tawam Hospital magwoworo wife ko. Tapos may chance na malipat sa Al Wagan. Saan kaya maganda kumuha ng flat?


    .. di tulad sa dubai or abu dhabi, medyo mahirap ang bus dito, kasi every 30mins saka iilan lang. taxi, everywhere naman meron. kung kukuha ka ng flat, syempre dapat yung malapit sa work ng misis mo which is tawam area.

    @markquicksilver
    magkano budget ninyo ser sa ilaw/tubig/internet? estimate lang din.
    pwede ko consider yang bedroom flat sir, makahanap sana ng fully furnished :)


    .. sa al ain ako nakatira, di ko pa naranasan mapunta ng sharjah. pero marami nagsasabi na mura nga daw yung house rent sa sharjah. hassle dun yung traffic kung sa dubai ka nagwo-work. kung may car ka na, mas maganda pa daw kung sa ajman ka tumira. mas mura dun. may makikita kang fully furnished pero sigurado, mahal ang upa.

    .. sa ilaw/tubig, depende sa usage mo yan. pag summer, malakas sa A/C. pag winter naman, heater. nasa 200aed yung minimum kadalasan. internet, naka-elife TV triple play ako. TV plus phone and internet, minimum subscription 370aed, 10mbps. kung may GMATV, add ka pa ng 99aed.

    -- edited by markquicksilver on Nov 28 2015, 01:48 AM
  • @markquicksilver
    Ang mura pala ng kuryente sa Al Ain. Nasa 55k kasi budget ng hospital para sa housing per year if di kami titira sa accommodation. Yun nga lang sila pa din hahanap ng bahay na accredited nila. Pag di kasi accredited, di nila bibigay furniture allowance.
  • since ang work mo nmn is al khan lang, ok ka na sa qassimiah since 10 mins lang naman byahe. aSuggest ko lang sa al khan k tumira kung dxb work mo pra malapit ka na sa boundary. Maay bus naman kasoal magulo route. Never ko pa na-try mg bus dito hehehhe


    di pala kalayuan sa al khan sa 30-35k may fully furnished na din ba sa Qassimiah? kung minimum taxi fare na 11.5, abot 23aed back and forth , more or less 600aed/month, sa 5 days per week na trabaho.
  • . sa al ain ako nakatira, di ko pa naranasan mapunta ng sharjah. pero marami nagsasabi na mura nga daw yung house rent sa sharjah. hassle dun yung traffic kung sa dubai ka nagwo-work. kung may car ka na, mas maganda pa daw kung sa ajman ka tumira. mas mura dun. may makikita kang fully furnished pero sigurado, mahal ang upa.

    .. sa ilaw/tubig, depende sa usage mo yan. pag summer, malakas sa A/C. pag winter naman, heater. nasa 200aed yung minimum kadalasan. internet, naka-elife TV triple play ako. TV plus phone and internet, minimum subscription 370aed, 10mbps. kung may GMATV, add ka pa ng 99aed.


    from sharjah to dubai, abot ba isang oras kung na traffic? parang Edsa lang din ba. :)

    salamat ulit sa detalye. more or less 700aed budget pala a month sa ilaw,tubig etc. depende pa yan sa gamit.
    sa pagkain mas advisable ba magluto nalang, may kamahalan ba kung sa mga public market o resto dyan?
  • Ang mura pala ng kuryente sa Al Ain. Nasa 55k kasi budget ng hospital para sa housing per year if di kami titira sa accommodation.


    .. depende sa gamit yung kuryente. kami kasi, sa gabi lang kami sa bahay, since nagwo-work kami pareho ni misis. so, tipid kami sa kuryente. yung 55K mo, malaking flat na yan kung sa Al Ain mo gagastusin. ako, nasa 36K lang, lumang bahay na inayos lang ng may-ari yung loob.

    from sharjah to dubai, abot ba isang oras kung na traffic? parang Edsa lang din ba. :)


    .. sabi ng friend ko, pag peak hour, morning saka evening, sobra sa isang oras. pero kung friday, 20mins lang by car. pero pag bus, syempre mabagal/matagal.
    sa pagkain mas advisable ba magluto nalang, may kamahalan ba kung sa mga public market o resto dyan?


    .. syempre, da best pa rin yung magluto ka. iba naman kasi yung tinitinda dito, indian or arabic foods kadalasan. di ko sure sa sharjah kung merong pinoy resto. sa dubai, especially kharama saka satwa, merong pinoy resto.

    -- edited by markquicksilver on Nov 28 2015, 03:50 PM
  • @markquicksilver
    Balak namin 2br na kunin, tapos magparent kami. Kukunin kasi namin pinsan ni misis early next year. May mga pinoy groceries din ba sa Al Ain like al maya here in Dubai?
    @dy3zone
    Mahirap sa sharjah pag wala sariling sasakyan. Pag peak hours konti taxi. Pero if may malapit na bus stop sa bahay nyo ok naman. Mga ka office, bus at Metro mode of transportation nila l.
  • mga master, san po pwedeng makabili ng pc casing dito sa dubai? kadadating ko lang kasi dito sa burjuman, from pinas ako. dinala ko mga pc parts ko, bali wala pa akong pc casing. yung malapit po sana sa burjuman. thanks
  • @t0nt0n

    nssa same block ka lang ng computer street especifically computer plaza (al ain center)

    ito yung map
    <click here for link>
  • @Parusa

    Thank you sir, nakita ko na kanina :)
  • @t0nt0n
    nagbebenta ba sila nang branded items? may contact number kaba sir? tawagan ko muna baku ang pupunta kasi mang gagaling pa ako AUH.
  • Tipid tips?? hanap ka ng Flat na Room for Rent... tapos mag bike ka nalang papasok or kung malapit, lakad every day.. mag baon ka nalang imbes na bumibili lagi...

    Mataas ang cost of Living sa Dubai or Qatar kaya mas malaki ang Offers nila dun at benefits..

    Dito ako sa saudi, may mga offer dito sa Flats na 500per month All in na.. makita nyo pag kakaiba ehehe..

    Basic Salary Offers naman is malaki na ang 10k for seasoned Engineers.. Yung iba nag Dubai tapos bumabalik padin ng Saudi kasi mas nakaka ipon sila dito kesa sa mga open Countries... Pwede natin sabihin na nasa tao na yun, pero kung may law na nag prohibit edi mas makakatipid ka talaga ehehehe...

    -- edited by tuklap on Dec 03 2015, 05:55 PM
  • grabe ang sun and sands / nike, pakyawan ng Air Jordans.