Forum Topic

TipidPC Middle East Chapter

  • Nagtingin ako sa Rashidiya villa dati kasi mura, naka- nang kapitbahay mga T@n- P@ts. Bigo.
  • layu naman ng Rashidiya sa place of work mo nun sir.

    nag try ka tumingin sa Discovery Gardens? mejo matrapik lang daw dun.
  • Mga sir ask ko lang. Meron po kasi ako non-pro drivers license sa pinas. Res: 1 & 2 po. At almost 8 years nako ng dridrive since highschool. SUV , Kotse, Van, pick up , light truck etc etc. kaso sa province naman ako galing naiikot ko buong luzon dahil sa trabaho namin kasi private car parin gamit ko nun. Ngaun mag aabroad ako dba my possibility maka drive din ako sa KSA? Kailangan ko ba gawin professional o whatsover ung lisence ko sa pinas o di na kailangan? Baka maka alis ako sa pinas ng march eh. Renewal ko is 2016 ng december pa po? Thx sa info
  • @leviscornejo

    .. dito ka magtanong brad, puro mga nasa KSA tao dyan. dito kasi sa thread, mga taga-UAE, kaya di ka mabibigyan masyado ng pansin. although, galing din ako ng Saudi, matagal na akong wala dun. marami ng pagbabago sa mga rules.
    <click here for link>
  • Ay ganun ba , ok po sige dun ako mag post din sa kabilang thread thank you po sa info
  • Ano ba maganda applyan na visa kapag 4 days lang ang stay dito sa Dubai?

    Yun kaibigan namin bumili ng ticket sa cebupac at nag pa reserve na din ng hotel accomodation pero na momoblema sa visa ngayon. Sabi sa pinas 14 days daw processing pero hindi yun aabot sa flight. Ano kaya maganda gawin?

    meron nag recommend na 'transit' visa pero basi online; kailangan papunta sa ibang bansa at hindi pabalik sa pilipinas. Nakaka hilo naman ang patakaran nila dito.
  • Yun kaibigan namin bumili ng ticket sa cebupac at nag pa reserve na din ng hotel accomodation pero na momoblema sa visa ngayon. Sabi sa pinas 14 days daw processing pero hindi yun aabot sa flight. Ano kaya maganda gawin?


    .. kung andito ka sa Abu dhabi UAE, lapit ka sa mga travel agents. merong 14, 30 saka 90 days visa. yung 14 days visa, 3 working days lang, makukuha kagad. meron pa nga, 1 day lang, kuha na bayad ka ng extra 375 aed. 14 days visa eh 350 aed + express processing amount of 375 aed = 725aed.

    .. kung interesado ka, tawagan mo 'to - Shine Jacob - 056-126-9700.
  • ^Nasa Deira na ako, mahal na din. Sa Al quoz ako nagtatrabaho, puro labor camp nakikita ko dito. Saan sa Al quoz pafs? thanks.
    bldg 29 kung di ako nagkakamali... yun nga yung sa labor camps na ginawang condo. Anlayo mo pala pafs.
  • madami pinoy dyan pafs... kasi pag umuuwi ako sakay ng bus... madami ako nakakasakay
  • .. wag ka ng manghinayang. ok na yung malaki ang sweldo kahit na malungkot.hahaha!

    .. saka, galing sa isang kaibigan, marami ang nanganganib ang lagay dito sa UAE. kasi, sa pagbagsak ng langis, under recession daw yung UAE ngayon. di lang nila pinaaalam. ganun din sabi sakin ng boss ko kaya di ako makahirit ng salary increment.LOL!
    OO nga pafs... nabasa ko rin yan sa news ng Dubai... kaya lang me world expo yata gaganapin dyan sometime in the next few years kaya maghahanap pa rin ng mga trabahante dyan... tinitignan ko rin kasi yung mga rates ng worst case scenario sa sahod sa Dubizzle... para maestimate ko kung kakayanin ko... baka kasi pag nakalipat ako dyan eh patay ako sa trabaho tas di pa ako makapamasyal kasi hindi sapat ang sahod... ganun din hehehe... si Sir Jung talagang manyaman yan hehehe... Swerte talaga mga nakapwesto dyan.
  • Ei guys, share lang ako ng good news, sa wakas after long weeks of lessons, anxiety and of course expenses, nakapasa at nabigyan na ako ng Drivers License dito hehehe. Kung Hei Fat Choi too.

    hehe sa kasiyahan ko late ko na nakita ung comment ni sir Emcel about me. Sana nga sir laging magkatotoo ang mga pangarap mo sa akin hehehe thanks.

    edit: added reply to emcel's comment.

    -- edited by jung_06_04 on Feb 08 2016, 05:13 PM
  • congrats jung!
    it's time for spaghetti soup!
  • uo nga, kelan kaya? hindi pa kse nag iinvite si boss Maui eh.
  • Grats Sir Jung!

    road trip na ba?
  • wala pa pang road trip na magagamit, naubos sa pagpapa lisensya hahaha.
  • ^Mabrook sir Jung!
  • Congrats papfs! Makulit nga daw mga Driving examiners dyan... pero 1 take lang yung kuya ko... ang ginawa lang niya eh tinatanong niya ang examiner kung san pupunta next at yun after makailang tanong siya at execute... tinapos na ang exam at pasado na siya... pero baka nadidyebs lang yun hahaha. Nagplano ako visit din uli dyan ngayong Last week of April... ang dami kasing murang bilihin tas high quality pa. Nakabili ako dyan ng luggage na medium sized at 99AED sa parang walmart dyan. Halos indestructible siya at sobrang ganda niya... worth 3.5k kung sa PH bilhin.
  • Ei guys, share lang ako ng good news, sa wakas after long weeks of lessons, anxiety and of course expenses, nakapasa at nabigyan na ako ng Drivers License dito hehehe. Kung Hei Fat Choi too.


    .. congrats sir jung. ikuha na kagad ng sasakyan yan ng makapag-road trip na. tyak, mag-iiba galaw mo sa araw-araw.hahaha!

    .. as per my experience, tama sabi nila. pag meron ka ng driving license, mag-iiba na takbo ng buhay mo.
  • ang ginawa lang niya eh tinatanong niya ang examiner kung san pupunta next at yun after makailang tanong siya at execute


    .. actually, iyan yung isa sa mga teknik na sinabi sakin. yung maging friendly ka sa examiner/pulis. kasi, lahat naman ng nag-e-exams eh ina-assumed ng pulis na marunong mag-drive. kaso, ang tinitingnan nila eh yung confidence mo sa paghawak ng manibela. kung medyo parang jolly ka, relax, hindi ka kabado, saka nakiki-kwentuhan sa mga pulis, alam nila na pwede kang bigyan ng lisensiya.
  • .. actually, iyan yung isa sa mga teknik na sinabi sakin. yung maging friendly ka sa examiner/pulis. kasi, lahat naman ng nag-e-exams eh ina-assumed ng pulis na marunong mag-drive. kaso, ang tinitingnan nila eh yung confidence mo sa paghawak ng manibela. kung medyo parang jolly ka, relax, hindi ka kabado, saka nakiki-kwentuhan sa mga pulis, alam nila na pwede kang bigyan ng lisensiya.
    Totoo pala yun hahaha... akala ko sinwerte lang kuya ko... kasi yung mga kaibigan niya hindi pumasa... may Taxi driver pa nga daw sa pinas... bagsak pa rin heheheh
  • thanks guys.

    That what i heard before sa pagkuha ng Driving exam, na pulis ang mag pa exam sayo and un lang ang titingnan, confidence and some basic rules na itinuro ng driving school.

    pero ngayon kse is ang Examiner are from RTA, hindi daw pulis and definitely not in police uniform, naka khandoora lang, but definitely Locals. then naka Ipad na pre installed ng Test Parameters, so bawat galaw mo, pindot sya then me time that he will react and take the control from you (which means automatic fail). pagkatapos ng exam, ready na ang printed score. They will even say, na walang usapan inside the car.

    Dati ba magkahiwalay ang Parking exam with the actual Road Exam? kse thats the case now, 4 kinds of parking plus sudden stop, (with the proper moves by the book).

    but eniweys, ang importante eh nalampasan ko na yun kaya yehey.
  • Dati ba magkahiwalay ang Parking exam with the actual Road Exam? kse thats the case now, 4 kinds of parking plus sudden stop, (with the proper moves by the book).


    .. yung sakin, theory exam saka road test kagad with the police kasi meron akong lisensiya sa pinas, binigyan nila ko ng one chance na ipasa yung road test. dalawang pulis yung nag-score sakin, sa passenger side saka sa likod.

    .. ayun, 1 take lang din. inabot lang ako ng halos 3 weeks, saka 2000 aed sa gastos. bale nag-praktis muna ako mag-drive sa labas, bago ako nag-road test exam with the police.
  • congrats sir Jung..

    meron na tayo rason para makita-kita ulit heheh..
  • @mark:
    .. yung sakin, theory exam saka road test kagad with the police kasi meron akong lisensiya sa pinas, binigyan nila ko ng one chance na ipasa yung road test. dalawang pulis yung nag-score sakin, sa passenger side saka sa likod.


    actually ang start after ng Theory Lesson is ung Theory Test, then bago mag practice driving, me evaluation test, then Parking Test (pag me ibinagsak kang kahit 1 ulit ka), then Assessment Test (pag hindi ka pumasa of course ulit), tapos un nang final RTA Driving test.

    @ sir Ojay, yup me reason na magkita kita, kelan kaya hahaha.
  • @ sir Ojay, yup me reason na magkita kita, kelan kaya hahaha
    Gawin nyo May hahaha para may chance ako maka meetup sa inyo.
  • ^ noted sir emcel. basta if ever andito ka just give us all a heads up para makapag meet up. hindi naman kailangan ang okasyon hehe
  • Mga Sir sinong may converter ng Arabic to English (Excel file)? Hindi kasi ma-convert ng Language Translator sa Excel..

    Currently using this online translator: <click here for link>
    Thanks,

    -- edited by whoami01 on Feb 09 2016, 03:40 PM
  • nag taas na ba ng presyo ng bilihin sa lagar nyo?
  • congrats Sir Jung!!! good morning peeps
  • nag taas na ba ng presyo ng bilihin sa lagar nyo?


    yung renta ang tumaas. ouchy ouchy!