-
megasyxx
on
22 Dec 19 @ 07:31 PM #
Ano ba produkto nila noon? Pirated dvd movies? Pirated software discs and music cd's?
-
polka
on
23 Dec 19 @ 06:45 AM #
Ano ba produkto nila noon? Pirated dvd movies? Pirated software discs and music cd's?
nope, they only sell blank CD and DVD back then. And it was the cheapest in the market.
eventually from their small shop that sells only blank CD and DVD, nag-start sila mag benta ng Optical Mice, back then this hot product dahil sa mahal ng optical mouse back then, where comparing a price of 200 pesos optical mouse that cdrking sells versus the other shops that sell computer products and sell the same kind of product at the price of 1500 pesos or higher.
at that point, from mouse nag benta na rin sila ng keyboard, then it followed with USB flashdrive hanggang sa naging electronic boutique shops na sila.
-
Vashtard
on
23 Dec 19 @ 07:14 AM #
Mukhang magsasarado na sa RP Ermita branch ng CD-R king... nagempake/boxing na sila ng ibang stocks...
-
unimodem
on
23 Dec 19 @ 08:51 PM #
Malaki store nila dati sa SM BF Sucat then nag sarado then after a few months nag open na naman sa ibang space. When I visited them kanina mukhang closed narin...
-
khernitzz
on
13 Jan 20 @ 02:32 PM #
Down na ang site ni da king
-
Vashtard
on
13 Jan 20 @ 03:01 PM #
Malaki store nila dati sa SM BF Sucat then nag sarado then after a few months nag open na naman sa ibang space. When I visited them kanina mukhang closed narin...
mukhang sa 2020 ang end of operations... most branches are closed na either pinatapos lang yung contract/lease sa malls/venues
pero sa tingin ko sa L*z*d* na lang sila
-
dodick
on
28 Jan 20 @ 03:51 PM - User is online
#
been to Robinson Dasma bukas pa Cdrking branch. dalawa na nga lang ang tao nila but still ample of common gadgets cables etc....
-
piLio
on
04 Feb 20 @ 12:06 AM #
dumaan ako sa Robinson's Malolos Bulacan, sarado na si DaKing
-
bc_slank
on
07 Feb 20 @ 08:06 AM #
Branch nila sa Robinson's Galleria dito sa Ortigas CBD Pasig bukas pa naman nung dumaan ako last 5th Feb 2020 kaso madalas sarado - looks like minsan na lang mag bukas or malapit na din mag sara..
-
Vashtard
on
07 Feb 20 @ 11:39 AM #
Branch nila sa Robinson's Galleria dito sa Ortigas CBD Pasig bukas pa naman nung dumaan ako last 5th Feb 2020 kaso madalas sarado - looks like minsan na lang mag bukas or malapit na din mag sara..
mukhang pinatapos lang yung duration ng contract of lease nila doon either this year somewhere ilang buwan natitira sa kanila
-
AmalgamvsAloof
on
07 Mar 20 @ 09:50 AM #
SM tarlac city branch. Rest in peace
-
jawbreakers
on
07 Mar 20 @ 01:07 PM #
Last November nasa SM Cebu ako, yung branch nila dun marami pa rin items at nabili. Yung sa Pavillion Mall naman sa Biñan ay sarado na rin.
-
interruptedz
on
22 Sep 20 @ 05:52 AM #
ano kaya nangyari sa cdr king, dati sobrang hit nila ang lalaki pa ng stores sa mga malls. then biglang bagsak. parang tingin ko dyan di nakakaopasok mga supplies nila from china. mukhang napatungan sila ng taripa kaya nag mahal na overhead
-
musicgeek
on
22 Sep 20 @ 08:30 AM #
^tsaka Lazada and Shopee came along na meron suppliers mismo nagbebenta doon kaya mas mababa presyuhan. Free shipping pa't di na kelangan pumila. Hindi din nag evolve ang dating Hari, kaya ending bye bye CDR King
-
Peorth
on
27 Sep 20 @ 01:26 PM #
Natalo sila ng online platforms. Sila kasi nag-pioneer ng access sa cheap, China-made products kaya sobrang hit sila noon. Then dumating and likes of Shopee and Lazada, mas convenient na dahil walang pila and siyempre mas wide parin ang range ng products. Since store-based ang CD-R King, malaki rin ang overhead nila. I don't think malaki ang profit margin ng CD-R King dahil cheap ang products so mukang volume-based ang income nila. Dahil sa small profit margins, marami silang branches na maliliit ang stores and manual ang resibo to decrease cost of using cash registers. Madalang lang ang large stores nila (tulad ng nasa ground floor ng Trinoma noon) pero yan rin unang nag-downsize kundi nagsara outright. Tapos kung meron pang remaining branches open, ang last straw yung pandemic, without foot traffic sa malls walang sales. So hindi ako magtataka kung closed na lahat ng branches ng CD-R King or going that way soon.
-
rhove
on
30 Sep 20 @ 04:44 PM #
naalala ko dati, magtatanong lang ako, pinapa pila pa ko. pag dating sa dulo, wala daw. napa face palm na lang ako.
hindi ko alam kung masungit ba karamihan mga tindera nila or natatapat lang talaga na mainit ulo ng napapagtanungan ko.
-
dodick
on
30 Sep 20 @ 07:20 PM - User is online
#
^kaya siguro lahat ng items nila nkadisplay na ksama price tag. ako kasi kukuha nko ng # kahit di sure then ako na rin mismo mgcheck sa display nila kung available. ganun lang talaga ang sistema ng queuing nila. btw, sila ata una ring ngkaron ng e-bike bago pa totally ngkaroon ng e-bike shops.
-
Staticlink
on
01 Oct 20 @ 08:43 AM #
ano kaya nangyari sa cdr king,
Di na kasi sila nagtitinda ng CD/DVD, out of stock lagi. ayun. Hehehe
-
piLio
on
11 Nov 20 @ 11:17 PM #
There was a spate of CD-R King store closures over the last few years. From a high of 500 stores, CD-R King currently has less than 10 branches, according to a source from an official of the leasing department of one of the country’s major shopping malls. The source says that the CD-R King there is still operational, but has closed down several other branches in the same mall network even before the onset of the coronavirus pandemic. And as far as the source knows, the company has also undergone a change of ownership.
<click here for link>
-
chaingang317
on
14 Nov 20 @ 10:27 PM #
Yung nabili ko na USB fan kay CDR-king ang bumuhay sakin nitong brownout. Ang tagal na rin nitong fan na to... 8 inch blades tapos connected sa power bank. Malakas pa rin and nakatulog ako ng mahimbing. Hehehe
-
mykel07
on
27 Nov 20 @ 03:24 PM #
natalo na din kasi sila ng lazada saka shoppe. mura na free delivery pa.
-
artsky
on
27 Nov 20 @ 05:28 PM #
may instances din kasi na hindi helpful mga staff nila. tanungin mo ng item wala daw stock, pero pag nag-ikot ikot makikita meron. pero in fairness ok yung mga items nila dati basta marunong ka mamili. favorite ko dito yung imation dvdr. yung powerbank na binili ko nung 2015 buhay pa until now.
-
90boi
on
27 Nov 20 @ 06:13 PM #
yung powerbank na binili ko nung 2015 buhay pa until now.
naalala ko yung pinaka unang external hdd ko na maxtor, sa kanila ko din nabili for 5k yata at 80gb lang pero hanggang ngayon nagana pa.
-
Peorth
on
29 Nov 20 @ 11:31 AM #
favorite ko dito yung imation dvdr
Nearly 700 DVD+/-Rs yung nabili ko sa CD-R King over several years. Actually, ang best na DVD-R nila is yung Verbatim, I think yung media ID is MCC-004. Yung Imation kadalasan CMC MAG M01, which is pretty bad. Sony nila okay rin, I think ang media ID was Sony D21. Sobrang daming testing ginawa ko sa media nila, so natatandaan ko pa kung ano yung very good at kung ano ang probematic. Ngayon, lahat ng data sa DVD recordables linipat ko na sa HDDs (I have total of 38 Tb HDD space), hindi ko naman tinapon yung discs pero nakatago lang.