Forum Topic

Legal Thread (TPC legal discussions)

  • ^^ pwedeng gamitin na evidence yung title na galing sa ROD na nakapangalan pa sa nanay mo, public document yun kaya di na kailangan magtestify regarding sa genuineness at authenticity nung title na nakapangalan sa nanay,
    dahil nakapirma nanay mo sa deed of sale pwede gamitin nila yun na evidence din na may consent nanay mo at pumayag sa pagbenta, pero pwede niyo din ilaban na wala kayong natanggap na consideration,

    isa sa requisite ng valid contract eh yung consideration, kung wala yun, void ung contrata, magtestify nalang kayo na wala kayong natanggap na kapalit nung pgbenta nung lupa at hindi talaga natuloy yung bentahan, wala din sila pwedeng ipakita na ebidensya na nabayaran kayo kasi walang pinirmahan nanay mo na OR o kaya acknowledgement receipt ng pera,

    pero mas maganda na hingi ka ng opinyon sa abogado na mas makakatulong sayo at magreresearch siya ng mga jurisprudence na mas magpapalakas ng side niyo, labanan ng ebidensya nalang yan,
  • Guys, ano kaya effective na aksyon laban sa isang obscene prank caller? Kahit kasi i block sya eh nagpapalit lang ng sim card ang manyak eh.
  • The easiest way is to just ignore the next call from an unknown number. The prankster will get tired of being ignored eventually and just move on.

    The legal way is to ask assistance from the NBI, but given that the the SIM cards used are prepaid, it’ll be difficult if not impossible to track him.
  • @Mustard_pie

    Ahm ikaw na mismo magpalit ng no? I mean reatain mo muna yung na no. ngayon. Until malaman lahat mga tao(katrabaho, family, friends etc.) yung bagong no. mo pero kung mahalaha talaga yang no. na yan dahil established no. na sya, i track mo na lang yung siraulo na yun.
  • Kapatid po yung hinaharass, hindi po kasi sya basta basta makapag palit ng sim kasi company sim nya un maraming clients sya na yun ang contact sa kanya. Sinabihan ko na sya na sabihin sa boss nya yung sitwasyon.
  • Kapatid po yung hinaharass, hindi po kasi sya basta basta makapag palit ng sim kasi company sim nya un maraming clients sya na yun ang contact sa kanya. Sinabihan ko na sya na sabihin sa boss nya yung sitwasyon.

    kung compny yan mas bigyan sila priority ma trace pero kung prepaid ala pagasa.

    kung ako may ganyan gagawin ko hayaan ko lang on cp gang maubos load nya. company fon nmn pla ok lang yan magkatanggap. pag hinayaan nyo lang magsalita ung nanloloko sa kapatid nyo, gang mawalan ng load, sya din susuko nyan. gawin na lang hinaan ang sound gang manawa ung lokoloko na un.
  • ^
    may isa pang paraan. block nya agad para sayang ang bili nya sa sim at load. hehe..
  • Guys, ano kaya effective na aksyon laban sa isang obscene prank caller? Kahit kasi i block sya eh nagpapalit lang ng sim card ang manyak eh.


    Ewan ko kung effective pa textbombs ngayon... padalhan mo lang naman siya ng 100K text messages every few seconds.
  • ^
    hahaha.. pede. kaso block nya lang din yan.

    mas ok kung sayangin ng kapatid mo load nya. tapos sabay block hehehe..
  • Totoo pala yung mga theme ng mga drama nuon na kapag maimpluwensta kalaban ang unang tactic ay patagalan ang ungus ng hostesya
  • hi mga sirs, repost kulang inquiry ko sa ibang thread, hoping to hear some opinions here.


    good day mga sirs,

    gusto ko sana ilapit yung concern ko sa thread na ito, si erpat kc owns a gun and do have legal papers with it, problem kc disable na siya (stroke) and i would like to know ano best solution to dispose it since sa condition niya, i am thinking about selling it on his behalf, although i dont have any ideas what are guidelines, anyhow appreciate for any help mga sirs. TIA


    -- edited by boyetpipin0 on Apr 15 2021, 11:09 AM
  • hingi po ako tulong (sorry ngayun pa lang ako mag back read)

    ako ay regular na empleyado na nag tratrabaho ng 9 years sa bpo, legal ba ang isa opisina na i convert ako na

    1. mawalan ako ng holiday pay kapalit ng pwede ako sa iba araw na lang di pumasok sa opisina pero pag di ko ginamit ng isa buwan eh mawawalan bisa na siya at masasayang lang

    2. fixed salary na, wala na night differencial pay at wala na din Over time pay

    dahil sa 1 and 2, bibigyan nila ako ng dalawa libre dependent na pwede i enroll sa HMO card, pero may hierarchy ng dependents at disqualified lahat ng dependets ko kase overage o kaya naman may existing HMO card na

    pero same position pa din ako na staff sa opisina at hindi supervisory at managerial ang trabaho ko

    bale sa ginawa nila mababawasan ako ng 30% sa anual na sweldo base sa computation ko
  • Pede po magtanong about sa Talbog na Cheke?

    ano po hakbang if talbog po ung cheke?
  • ^ demand letter. Kapag walang response, sa lawyer na. Criminal offense yan kaya pwede makulong ang respondent kung wala siyang aksyon sa reklamo.
  • Tanong lang po tungkol sa CENOMAR. Ayaw po kasi tanggapin ng embassy yung CENOMAR namin dahil mali yung pangalan ng parents. Conflict po kasi yung sa birth certficate ko ang name ng mother ko is Ma. Carmencita Dela Vega tapos sa birth certificate nya is Maria Carmencita De La Vega, magkahiwalay po yung dela tapos complete yung maria. Tapos ang official is magkadikit talaga yung dela nya dahil sa parents nya yung dela magka dikit.

    Ang pinagtataka ko lang po is bakit po masyadong focused sa parents name pero kami naman po yung ikakasal and yung cenomar nirelease sa pangalan ko naman po at hindi naman po kami minor. Ngayon waiting kami sa consul ano decision nya para yun ang name na ipapalagay namin sa cenomar ulit na dapat naka apostille na din.

    Yung sa iba kasing kinasal mali mali din name ng parents pero tinanggap naman.
  • mag tatanong lang po,
    what if if two married couple (meaning both kasal,but separated) magkaroon ng affair,
    tapos ngakaroon silang baby,
    pwede ba ilagay yung name nung actual father dun sa birth certificate?
    o yung name ng tunay na husband ang ilalagay kahit hindi sya ang tatay?
  • Ask lang ulit about cheque or Bouncing Cheque...

    How long ba dapat pumasok sa bank account mo ung cheque na dineposit?

    PSbank to Bpi.
  • @Classmets28
    max 3days dapat available na sya,
  • mag tatanong lang po,
    what if if two married couple (meaning both kasal,but separated) magkaroon ng affair,
    tapos ngakaroon silang baby,
    pwede ba ilagay yung name nung actual father dun sa birth certificate?
    o yung name ng tunay na husband ang ilalagay kahit hindi sya ang tatay?

    Pwede but that would be evidence of adultery in case mag file ng kaso yung asawa. Pero kung mabait naman yung asawa at maayos hiwalayan nila, pwede mo irisk. Pero kung ako, doon na lang ako sa legal. I am not sure kung pwede i-blank yan for now. Kung hindi, yung asawa muna ilagay at tsaka na palitan kapag annulled na.
  • @utaro

    more than 1 week na kasi... wala pa din pumapasok... puntahan ko na lng siguro ung bank.
  • About sa bouncing/ talbog na cheque...

    Iba pa ba ung closed account and hindi na pondohan na account?

    Ung cheque daw kasi na inissue is closed na daw account.
  • DAIF; drawn against insufficient funds = may balance pa sa account(insufficient) pero hindi napondohan.
    closed account; zero balance. pwedeng automatically bank na ang nag close or upon request ng account holder.

    talbog na cheque yan technically.
  • @statix

    ahh okey po... gagawa na kasi kami ng legal action dahil sa Closed Account na pala siya nag issue pa siya ng Tseke....

    hindi lang namin alam pano or san mag uumpisa? need ba sa Barangay muna?
  • pahabol na tanong na lang...

    Sino ba magbibigay ng "Notice of dishonor".

    ung Bank ko or ung bank ng nag issue ng talbog na cheke?
  • Unahin mo yung demand letter para mabigyan ng pagkakataon na mabayaran yung talbog na cheke. Pag walang nangyari, derecho na sa lawyer. Di ka na dadaan sa baranggay dahil criminal charge yan at pwede siya maaresto kung di niya haharapin ang kaso.
  • @classmets

    if you don't mind, malaking halaga ba ang involved? it's a looooong, tedious and expensive battle actually. sad bad true, may mga hustler(offending party) na rin kasi sa ganyan. porke't alam na nila na ang pasikot-sikot, yun bang tipong alam na nila ang panahon at gastos na uubusin ng plaintiff to file and pursue the case. kung sa tingin mong worth it ilaban, consult a lawyer na, but be prepared.
  • @statix 100k po
  • @lxi97

    Sige po ... Ganun po unang gagawin namin...
  • Classmets28 Send Message View User Items on 30 Apr 21 @ 10:17 AM - User is online #
    @statix 100k po


    read about small claims; <click here for link>
  • @lxi97

    Sige po ... Ganun po unang gagawin namin...