Forum Topic

Legal Thread (TPC legal discussions)

  • @statix

    Salamat po sir..
  • @statix

    Bouncing cheque po kasi inissue... Prang about sa utang ata ung link...?
  • ^read under no. 3.h

    -- edited by statix on Apr 30 2021, 10:36 AM
  • Hi Sir pa advice naman.

    nag i-aavail kaming lot sa isang subdivision (under development pa) nag bayad na kami ng reservation fee.

    may road lot na pero ung mismong sa block namin ung lot is elevated pa since mountain side ung dinedevelop (pa cliff pa nga) ang sabi naman samin ni Agent is tatambakan pa daw un aayusin pa.

    Question po:
    1. kung sobrang elevated nung lot paano nila nasukat ung size? pa-slant /diagonal nila sinukat ? ung size kasi ng lot based sa plan is 12x17meters (240SQM) now kung pa slant ang pagsukat let say 45 degrees pagkaka elevate pag pinantay sa kalsada is liliit ung length non, tama po ba?

    1. paano ako makakasigurado na tatambakan pa yon ni developer baka kasi mamaya kanya kanya na palang patambak ng owner, may documents ba ko dapat hingin para maka sure ako na sila magtatambak non.

    2. ano ung mga papers na need ko matanggap pag bibili ako ng lot tru inhouse financing nila

    illustration: yung lot 2 ung lot na naka reserved saamin. mountain side ung village na to wala pang naka tayong mga bahay. for retirement lot sana namin.




    -- edited by johnToT on May 03 2021, 07:04 AM
  • @johntot
    alam ko walang kinalaman yung elevation sa sukat ng lot size. isipin mo na lang top view.
  • frequenzy Send Message View User Items on 03 May 21 @ 06:17 PM - User is online #
    @johntot
    alam ko walang kinalaman yung elevation sa sukat ng lot size. isipin mo na lang top view.


    +1
    linawin mo rin mabuti yung sinabi ng agent mo na tatambakan at aayusin pa ng developer(?)
    kung sakaling tatambakan para habulin yung elevation ng road lot(according to your image), kailangan pa ng perimeter/retaining walls dyan. i doubt sagutin ng developer ang perimeter wall ng lote mo, same goes with the panambak.
  • @ statix @ frequenzy

    Thanks sir sa info. horizontal distance daw ang basehan.

    Yun nga mga sir, I need assurance in papers or any documents na tatambakan pa nila ung lot indi un sa bibig lang nila nanggagaling ang hirap magtiwala lalo na kung walang kasulatan. Ano ba need ko hingin na legal documents sa developer or agent as my proof/assurance. ung title kasi i understand pag fully paid pa to.
  • Bakit di mo ipagawa muna sa kanila bago mo bayaran yung lupa? Kung pangako lang, walang bisa yan. Duda din ako na magbibigay sila ng written promise or contract sa pagtambak ng lupa niyan.
  • @ lxi97

    ung site / village is under development pa lang talaga, Yung ibang block is okay na may cemented road lot na. indi ganon ka elevated. now dun sa part na kukunan namin ng lot ung block is sobrang snaka-slope unlike sa ibang block.

    Actual site: bali ung design ng lot sa isang block is magkatalikuran. Ang naka reserved samin is ung lot sa block159 sa bandang dulo.




    -- edited by johnToT on May 04 2021, 08:56 AM
  • Subukan mo kumuha sa developer ng contract tungkol sa land improvements. Duda ako na ibibigay nila yon, pero malay mo. Otherwise, asa ka na lang sa salitang pangako na wala naman talagang bisa or do the improvements at your own expense. Lupa naman kasi ang binili mo, ibang usapan yung improvements/enhancements.
  • @lxi97

    un nga eh. sige sir maraming salamat
  • @john

    with that kind of topography, kayo(home/lot owner) ang didiskarte sa enhancements/improvements nyan to support your proposed house design/structure. ang engineer mo na ang bahala dyan at your own expense.

    -- edited by statix on May 04 2021, 11:48 AM
  • @ statix

    thank you sir. pero ask ko na din. legal ba sa batas na magbenta ng ganyan ka sloped. alam ko kasi is ung lot frontage elevation should be at street level
  • legal ba sa batas na magbenta ng ganyan ka sloped. alam ko kasi is ung lot frontage elevation should be at street level


    afaik there's no such law against it. may mas grabe pa nga ang slope dyan. isipin mo na lang yung mga nasa baguio.
  • Legal or not, as a buyer, may choice ka naman na wag bumili.
  • lxi97 Send Message View User Items on 04 May 21 @ 12:33 PM - User is online #
    Legal or not, as a buyer, may choice ka naman na wag bumili.


    exactly, take it or leave it ang labanan dyan. tho some individuals preffered that such, will build a house ala tony stark :)
  • thank you mga sir :)

    this is for our retirement lot sana. Ang sabi samin kasi tatambakan pa daw not sure kung gaano kataas or what kung igagaya ba nila sa ibang block. n.

    naka pag bayad na din kasi kami ng reservation fee so i dont marerefund namin un incase mag dalawang isip kami. last available lot na kasi yan so if ever matagal pa naman namin yan patatayuan,

    again thanks sa mga inputs
  • Maski naman tambakan yan ay kailangan pa din diskartehan ng architect kung paano magiging structurally stable. Doon ka actually gagastos sa pagpagawa ng foundation given sa nature ng lupa na inclined. Walang difference kung may tambak o wala dahil madali lang gumuho ang tambak kung yun lang. Mura lang ang tambak, yung pundasyon ang mahal.
  • @lxi97

    Tama may nakukuha ngang libre na panambak, truck and ung hahakot ang babayaran na lang.

    Bukod sa pundasyon is retaining wall ung tingin ko ang mabigat dyan, 12 meters kasi lapad ng lot. Bali ung katalikuran kong lot dapat maayos din retaining wall nya.
  • paconsult po ako dito about sa manang lupa.

    yung lolo't lola ko e nakapagpundar (and namana ng lolo ko sa parents nia yung iba) ng mga bukirin. hiwahiwalay pero kung susumahin e lampas isang ektarya. nagkaanak ng sampu (3 males, 7 females). yung isang lalaki, naging "outcast" na, sya mismo ang umalis at halos wala na communication ever since nag-abroad. dalawang babae naman na ang nayumao few years ago, at meron isa na matandang dalaga.
    ang kwento e nagkaroon daw ng verbal agreement ng mga lolo't lola at mga anak nila kung saan ang parte ni 1st, 2nd, 3rd, until bunso. but few years later, na-yumao na mga matanda na ang mga lupain ay hindi legal na nahati, kumbaga e pangalan pa rin ng lolo't lola ko ang ibang titulo at sa iba ang panganay na babae (old maid) ang iba. hanggang sa lumipas ang panahon at tumatanda na rin kaming mga apo. ilan sa aming mga apo e nakikiusap na sa mga magulang at tita't tito na legal ng hatiin ang mga lupain dahil nagkakaroon na ng lamat ang pamilya. unfortunately, may mga matigas na marami demand pero walang ambag hanggang sa umaayaw sa paghahatian.
    sa ngayon, nagkakaroon ng development sa lugar namin. nilapitan ng mga nasa "buyer" ang ilang mga farmers dito samin para bilhin ang mga sakahan, kabilang na mga tito't tita ko sa mga nilapitan. unfortunately, nadala sila sa sales talk at wala na silang pakipot na binenta ang lampas kalahating ektarya na nakapangalan pa sa lolo't lola namin. supposedly, kung natuloy ang legal na hatian noon e sa mga tito ko sakahan na yun, pero wala eh, ayaw nila hatiin dahil sa ganid kaya hindi naipangalan sa kanila ang lugar na yun. at yun nga, binenta ng basta basta ang lupain without consent ng ibang mga kapatid. tatlo lang sila pumirma dahil sabi daw ng "buyer" e sapat na daw ang tatlong pirma.
    nahawakan na nila pera, kinuha ang original title, pero walang kopya ng deed of sale.
    ang habilin daw ng "buyer" sa kanila e tahimik lang at wag daw ipaabot sa barangay ang usapan para walang inggitan. ang nakakapagtaka pa e kulang ang natanggap nilang pera unlike sa sinabing price ni buyer. pero wow, ok lang daw sa kanila kung kulang, pangprocess daw kasi sa papers?
    pero wala pa 12hrs, nalaman ng ibang mga kapatid ang nangyari (note: nasa iisang bayan lang ang 5 magkakapatid, may dalawa pang kapatid na nasa ibang lugar at meron pang isang "outcast" na nasa abroad). syempre, expect the rage, nagulat na lang ang iba nung nalamang nabenta na pala ang lupain.
    nagtanong din ang parent ko (isa sa magkakapatid) sa barangay, alam daw ng barangay ang balita na planong development sa mga sakahan sa lugar namin pero wala pa silang nareceive na confirmation. ang sabi pa nga nila e baka naman daw chismis lang yung nalaman naming bentahan, better make a confirmation sa mismong seller at buyer daw muna. pero ayun nga, nalaman namin na may habilin pala si "buyer" sa mga involved na mga tao, kaya pala hindi sigurado mga tao sa baranggay hall about sa ilang mga tanong namin.

    tama ba ang sinabi ng "buyer" na sapat na ang tatlo sa kanilang magkakapatid para pumirma gayung walo pa silang buhay na buhay?
    may chance pa ba para mabawi ang nabentang lupa kahit di pa nagalaw ang pera (walang bawas kahit piso)?
    kung pede pa mabawi yun, paano? wala silang kopya ng deed of sale at wala na ang original title.
    kung hindi na talaga mahabol yun, may karapatan ba ang ibang mga kapatid na makakuha ng kahit kaunting "share" sa napagbentahan? may iba pa namang lupain ang hindi naibenta (supposedly for 4 remaining female siblings) pero kahit anong gawin e mas maliit na lang yun unlike sa nabentang lupain na dalawa lang sila maghahati daw (di daw kasali sa hatian ng pera yung isang nagpirma kasi female, sabi ng mga nagbenta).

    -- edited by Reim on May 15 2021, 10:10 PM
  • ^napakaraming nakikisawsaw. ganito lang kasimple yan, kung sino/kanino nakapangalan ang title(kung meron talaga) siya/sila lang ang may karapatan mag donate/dispose/benta. patay na sila lolo at lola? so paano makapagbebenta ang patay na? maliwanag pa sa sikat ng araw, katakutakot na falsification of documents ang ginawa dyan. void or null ang nangyaring bentahan sa madali't sabi.
    yung old maid naman, kung sa kanya lang nakapangalan yung title at sya mismo talaga ang nagbenta? walang problema dun, kailangan ng consent? nino, ng mga naghahabol? sino sila para mag contest? hindi uubra ang verbal agreement dyan. sad to say, maghabol sila sa tambol mayor.

    may iba pa namang lupain ang hindi naibenta (supposedly for 4 remaining female siblings) pero kahit anong gawin e mas maliit na lang yun unlike sa nabentang lupain na dalawa lang sila maghahati daw (di daw kasali sa hatian ng pera yung isang nagpirma kasi female, sabi ng mga nagbenta).


    hindi nila naiintindihan ang mga pinagsasabi nila.

    tama ba ang sinabi ng "buyer" na sapat na ang tatlo sa kanilang magkakapatid para pumirma gayung walo pa silang buhay na buhay?


    isa pa ito.
    at obvious na sanay sa kalokohan yung buyer.
    consult a lawyer para alam nyo kung nasa anong posisyon kung sino man yung mga naghahabol.
    but be prepared at mahaba-habang bakbakan yan sa korte.
  • @statix
    patay na sina lolo't lola pero nakapangalan pa rin sa kanila ang titulo.
    merong sariling titulo na rin si old maid na syang naging mana na nia, kaya napagkasunduan nila noon na hindi na daw sya kasali sa ibang properties, meron syang pinirmahan written statement about doon. pero recently bigla sya naghahanap ng parte daw nia sa properties ng lolo't lola namin, ayaw nia rin i-acknowlegde yung pinirmahan niang kasunduan.

    ang problema ngayon e yung sa nakapangalan pa rin sa lolo't lola namin. by law, equal share ang mga anak nila pero binenta 3 siblings nila ng basta basta yun ng walang consent ng iba.

    tawagin ko munang Team A yung mga gustong maayos na ang hatian ng properties nina lolo't lola.
    while Team B naman yung mga naniniwala sa verbal agreement, kasama dito si old maid.

    kailangan ng consent? nino, ng mga naghahabol? sino sila para mag contest? hindi uubra ang verbal agreement dyan. sad to say, maghabol sila sa tambol mayor.

    ang gusto sanang maghabol e sina Team A na hindi nainform na mga kapatid na nagkabentahan na pala.
    yang verbal agreement na yan ang problema eh. kontento na sina Team B sa verbal agreement, ayaw nila ayusin legally ang hatian nila, feeling kasi nila e ginugulangan pag nasubdivide na mga properties.

    hindi nila naiintindihan ang mga pinagsasabi nila.

    nakakalungkot man aminin pero tama ka. kaya lagi masakit ulo ng mga Team A kasi ayaw makinig ng Team B.
    ang gusto ng Team A ay magkaroon ng equal share mula nung namatay sina lolo't lola. pero gusto ng Team B ay sundin ang verbal agreement with a twist nila noong unang panahon. Team B din ang nagbenta ng lupain ng lolo't lola namin nung isang araw lang.


    at obvious na sanay sa kalokohan yung buyer.

    napakaobvious na nga po ang lokohang nagaganap pero... nagpaloko pa rin ang Team B. :(


    kelan lang kasi ito naganap, as in wala pang 48hrs, kaya kainitan pa lang ng ulo ng mga magkakapatid ngayon at nalilito pa ang Team A.
    meanwhile, malaking tao si "buyer" kaya medyo alanganin sina Team A kaninong lawyer magpapaconsult.

    -- edited by Reim on May 16 2021, 12:11 AM
  • patay na sina lolo't lola pero nakapangalan pa rin sa kanila ang titulo.


    ang problema ngayon e yung sa nakapangalan pa rin sa lolo't lola namin. by law, equal share ang mga anak nila pero binenta 3 siblings nila ng basta basta yun ng walang consent ng iba.


    iyan ang butas dyan. paano naibenta yung property ng lolo at lola na parehong deceased na hindi dumaan sa legal proceedings?



    merong sariling titulo na rin si old maid na syang naging mana na nia, kaya napagkasunduan nila noon na hindi na daw sya kasali sa ibang properties, meron syang pinirmahan written statement about doon. pero recently bigla sya naghahanap ng parte daw nia sa properties ng lolo't lola namin, ayaw nia rin i-acknowlegde yung pinirmahan niang kasunduan.


    ah,,, nagbago ihip ng hangin. it happens most of the time hehe

    meanwhile, malaking tao si "buyer" kaya medyo alanganin sina Team A kaninong lawyer magpapaconsult.


    developer? who cares? pero kahit higante pa yan. matinik na lawyer talaga ang kailangan nyo.
    and it's a looooooong and expensive battle. good luck na lang,,,,
  • Hi question lang po regarding tax properties.
    Aside from Land and Building may iba ba pong tax na kailangan bayaran ng Land Owner? Every Year eto lang yung dapat bayaran? Picture below for reference. Salamat po.


  • ^maliban dyan, wala nang babayaran pang iba.
  • Kung pinapaupahan mo, kailangan mo din bayaran yung business tax
  • @statix, lxi97

    Malinaw na po ang lahat, salamat po sa inyo.
  • may road lot na pero ung mismong sa block namin ung lot is elevated pa since mountain side ung dinedevelop (pa cliff pa nga) ang sabi naman samin ni Agent is tatambakan pa daw un aayusin pa.


    kadalasan napansin ko dyan, yun magiging floor na bahay ay horizontal pero ang backyard na lupa sa paligid ay naka slope ng konti. kung pre-selling yan ay pwede mo naman iraise yun issue sa developer bago iturn over sa yo ang mismong bahay para magawan ng paraan ,may mag developer kasi na may restrictions sa pag improve ng labas bahay


    @Reim

    kung naging legal ang bentahan ng lupa at nailipat na sa ibang pangalan ang titulo ay hindi nyo na mababawi yan so ang pwede mong gawin ay double check mo muna sa registry of deeds kung nailipat ng yun ownership sa titulo, kung hindi pa ay pwede mo i-flag sa kanila na may land dispute kayo dahil hindi pa natransfer yun pangalan ng lolo/lola mo sa heirs o naidonate sa mga heirs kaya kailangan mo lumapit sa abugado at kasuhan ang mga pumirma mong kamaganak.... kung nailipat na ay no choice kasuhan mo na lang ang nagbenta para mapilitan na hatiin yun benta as areglo. pero sa totoo lang ay mabilis lang mailipat ng buyer ang ownership sa titulo basta may pera at connection dahil sa pirma at hawak na nila ang title

    sa mga remaining na lupa ay ipa survey at subdivide nyo sa remaining heirs kasama yun outcast at sa mga yumao kung may anak/apo na buhay pa ay kasama pa sa partihan yan, kung wala ay kayo kayo na ang maghahati

    -- edited by taurexn on May 17 2021, 01:24 PM
  • iyan ang butas dyan. paano naibenta yung property ng lolo at lola na parehong deceased na hindi dumaan sa legal proceedings?

    developer? who cares? pero kahit higante pa yan. matinik na lawyer talaga ang kailangan nyo.
    and it's a looooooong and expensive battle. good luck na lang,,,,


    kaya galit ang Team A dahil walang alam na may bentahan na naganap, nalaman lang nila nung may nag-leak ng info mula sa loob ng Team B.

    hindi developer si "buyer", sabihin na nating Boss ng Bayan. at yan ang problema, karamihan sa mga lawyer ngayon dito e kung hindi takot sa kanya, mga bagito naman. wala na yung mga veteran na matitinik.


    sa mga remaining na lupa ay ipa survey at subdivide nyo sa remaining heirs kasama yun outcast at sa mga yumao kung may anak/apo na buhay pa ay kasama pa sa partihan yan, kung wala ay kayo kayo na ang maghahati

    matagal na yan gustong gawin ng Team A noong kompleto pa mga lupain nila. maski nga ilan sa mga apo e nakikiusap na rin na ayusin na yan kasi sakit sa ulo ang awayan nila. kaso umaayaw pa rin talaga yung sa kabila, di mawari bat ayaw nila. gusto ata e masolo lahat (kesyo one of eldest, kesyo marami daw sya anak, kesyo tagadala daw ng apelyido ng lolo namin, etc). may time nga na meron na engineer dito para masubdivide na, kaso meron nagwala kya hindi natuloy.


    as of now, may nakausap na abogado ang Team A.
    illegal daw yung nangyaring bentahan dahil buhay pa ang ibang mga kapatid.
    isang suggestion nia e i-cancel ung bentahan, pero ang inisip namin e baka pag-initan na kami ni "buyer." mahal pa namin buhay namin, di na kami magri-risk kalabanin sya.
    another suggestion nia e hatiin sa lahat yung napagbentahan. pinili nila to pero ang problema e hindi naman gumalaw si lawyer. tawag na lang daw sila later, sabi ng lawyer.


    inaadvice namin na mga apo from Team A, kung ganyang maski lawyer e walang aksyon, isama pang gahaman ang Team B, tanggapin na lang ang nangyari. karma karma na lang. tapos ibenta na rin sana pati yung ibang property ng lolo't lola namin para wala na root ng awayan.
    as much as possible, ayaw namin umabot sa korte to. nangyari na kasi yan minsan about din lang sa lupa, yung isang property na nakapangalan kay old maid.


    sensya na at parang naglabas ako ng sama ng loob dito while seeking advice.

    -- edited by Reim on May 18 2021, 09:47 AM
  • Question po regarding Re-connecting Meralco and Manila Water/Maynilad Line.

    Kailangan ba po buhay pa yung naka pangalan sa Lot/Bahay para ma re-connect yung line ng meralco/tubig?

    5 years ago
    - My Aunt Passed away
    - We disconnect the Electric and Water line since walang naka tira sa bahay
    - It's an old house/property and Tax Dec lang ang binabayaran. NO Title.

    Now we want to reconnect the Water and Electricity pero ang sabi kasi samin need itransfer muna yung Tax Dec dun sa gustong magpa re-connect. Ganun ba po talaga yun? Masyado na yatang magastos mag papa transfer pa.

    Salamat po.