Forum Topic

Legal Thread (TPC legal discussions)


  • ang panlaban ko lang ay anak ako




    ipinamana ng mga lola namin




    Anak > apo. Talo ka kasi anak pala mismo ng mayari ng lupa ang kalaban mo. E apo ka lang pala.


    This
  • Mga Sir
    Pa help naman

    Tanong ko lang kasi yung nilalakad kong lupa.

    Hindi ko maintindihan
    Ganito ang email sa akin
    Paki sabi nga po sa akin kung ano ang mga kulang ko
    para makumpleto ko ito?
    Ano pa ba ang mga kulang ko?
    sakit ng ulo ko hayzz


    Based on our Monitoring system, we have received the following documents:

    1. Notarized with Indemnity Agreement and Quitclaim;
    2. Certified True Copy of the Tax Declaration;
    3. Certified True Copy of the Transfer Certificate of Title;
    4. Photocopy of the Joint Affidavit;
    5. Photocopies of IDs;
    6. Photocopy of OR; and
    7. Photocopy of Birth Certificate.

    If you read the notice again, you are to submit original or Certified True Copies of the required documents (referring to affidavits, cancellation of mortgage issued by the bank prior to closure, etc.) Item Nos. 4, 6 (you may submit photocopies of the ORs but you only submitted 1 OR), and 7 (Original or CTC) are not compliant. Please review the checklist, put a check mark on the already submitted documents, must be compliant, and submit all the other documents not yet submitted via MAIL to the PDIC Public Assistance Department, 3rd Fl., SSS Bldg., Ayala Ave. cor. Rufino St., Makati City 1226.


    Ano po ba ibig sabhin nito?
    (7 (Original or CTC) are not compliant)
    Anong klaseng CTC ito?

    thanks
  • ^ aha, ikaw pala yung naglalakad. Ibalik mo na kasi kay northernshots yung mga papeles. Jk.

    CTC means certified true copy.
  • Hi mga sir, ask ko lang ano po pede gawin tinakasan kasi kami ng umuupa sa amin and may naiwan pa syang bayarin sa kuryente, tubig, association di nanamin ma-contact yung tenant any suggestion po and tips narin po sa mga nagpapaupa dyan.

    Then ano po ung mga requirements na hinihingi nyo sa mga tenant nyo bago nyo tanggapin meron pa kasi kami isang case na di namin alam na ung tenant is adict pala parang ginawang drug den yung bahay then mga 1 week lang sila sa amin dinampot sila ng mga taga intel police.

    Any wais tips dyan sa mga nag papaupa para iwas sa mga mandurugas at manloloko na tenant.
  • Ask for valid IDs, proof of employment, security deposit (3 months at least). some even require post dated checks good for 1 year.
  • Sir ask ko opinion nyo if tama ba yung ginawa namin.

    Bale may umutang sa misis ko and nun katagalan hindi na makabayad. Ngayon i offer smin na pambayad yung kanilang motor. (fully paid naman na kaso paso rehistro since 2018)

    Ginawan ko ng deed of sale and papalabasin na binenta smin and yung amount na ilalagay is ung halaga ng utang...ppwd ba yun? Labas naman na si LTO sa ganitong transaction?
  • Mga sir
    Ask ko lang pwede ba ibenta ni seller ang nabili nyang lupa with title.
    Kahit hindi nya pa na transfer sa name nya ang titulo.
    Pero may DOS
    sila nung nag bentahan sila.
    At ang original owner ay nasa abroad pa.
    Kasi gusto ng bayaw ko na bilihin ang lupa kay seller.
  • Better consult a licensed broker. Lupa yan at hindi lang basta kung anong gamit na pwedeng ibenta lang ng ganon. Dapat kumpleto documentation at tamang proseso kundi baka sumakit lang ulo mo sa huli.
  • ^^+1 sa sinabi ni Ixi97. Magiging 2 transfer process yan which requires a lot of sh*t.
  • Hello. Nag-avail ako sa company namin ng home loan. Natransfer na po sa amin ang TCT at next na po ang annotation of mortgage. Meron po ba kayo idea kung magkano magagastos sa annotation of mortgage sa RD? Thanks!
  • Hi po magtatanong lang ako kasi etong kapitbahay namin nagsabi sa nanay ko na nababahuan daw siya sa mga aso namin (nakadikit sila sa bakod namin wala silang wall) at nagsabi magrereklamo sa barangay sakali daw wala kami gawin sa mga aso namin. Ang gusto niya bawasan daw ang aso namin from 7 - gawin na lang daw 3 (wala naman kami mapagbigyan ng aso). May basehan po ba sila magreklamo sa barangay sakali umabot sa barangay?

    -- edited by knshnx on Aug 25 2021, 06:31 PM
  • Wala silang basehan pero para sa ikapapanatag ng lahat, ilipat niyo na lang ng pwesto ang mga aso. Or paliguan niyo din paminsan minsan. Lagyan niyo na din ng cologne pangasar lang sa kapitbahay.
  • Maraming salamat sa pagtugon sir lxi97 pero hindi po nakatali mga aso namin sa paligid ng bahay. Bukas nagpabili ako ng panglinis at lilinisan ko yung side na yun. (tubig na may zonrox bleach) . Medyo maselan lang talaga pang-amoy eh at may edad na rin. Napapaliguan naman po mga aso at least 1/mo. Maraming salamat po ulit

    -- edited by knshnx on Aug 26 2021, 04:43 AM
  • tanongulet ako, hlimbawa may regular na nagbubuga sa o ng highly toxic gas, alam kung sino pero wala kang ebidensya, pero may air quality monitoring device ka, sapat ba yun gawing ebidensya para ipapulis yung gumagawa nun?
  • northernshots Send Message View User Items on 01 Sep 21 @ 02:35 PM #
    tanongulet ako, hlimbawa may regular na nagbubuga sa o ng highly toxic gas, alam kung sino pero wala kang ebidensya, pero may air quality monitoring device ka, sapat ba yun gawing ebidensya para ipapulis yung gumagawa nun?


    Ipapulis, probably not yet specially wala ka pa namang solid evidence., better call the DENR hotline, and report the incident to them.
  • jspydrej Send Message View User Items on 07 Aug 21 @ 06:26 AM #
    Hi mga sir, ask ko lang ano po pede gawin tinakasan kasi kami ng umuupa sa amin and may naiwan pa syang bayarin sa kuryente, tubig, association di nanamin ma-contact yung tenant any suggestion po and tips narin po sa mga nagpapaupa dyan.

    Then ano po ung mga requirements na hinihingi nyo sa mga tenant nyo bago nyo tanggapin meron pa kasi kami isang case na di namin alam na ung tenant is adict pala parang ginawang drug den yung bahay then mga 1 week lang sila sa amin dinampot sila ng mga taga intel police.

    Any wais tips dyan sa mga nag papaupa para iwas sa mga mandurugas at manloloko na tenant.


    Kung nagpapa ads ka, or kung may nakalagay na "For Rent" signage sa bahay, then open yan for everyone. Talagang prone ka sa tenant from hell.

    Better na ang kunin mo ay yung referrals from your relatives, friends or co-workers, at least meron kang character reference.
  • darkstallion202, sa denr ba pag asuntong ganyan? may power ba sila na ipakulong yung tao? may criminalliability ba sya?
  • Ilan buwan po ba magprocess ng transfer ng title sa pangalan namin? February kasi natapos na namin hulugan ang lupa na binili sa developer at nagbayad ng misc fee para sa pagprocess ng title. Pero sept na tinatawagan namin office nila at ang sinasagot lang is under processing pa daw, wala sila mabigay din kahit EPEB no. Sana para macheck sa RD. Pwede ko napo ba sila takutin na idedemanda or tulfo para mapabilis sana transfer, plan to use the title sa pagloan pa naman. Salamat po.
  • nope. unless may proof ka ng fraud, di mo sila mademanda. di ka rin pansinin ni tulfo nyan kung ilang buwan lang naman lumipas.

    tsaka di ka naman tinataguan e. sinasagot ka pa rin.

    and if tinakot mo ng demanda, ano gawin mo pag di sila natinag sa pananakot mo? i-tuloy mo ba sa demanda?

    tsaka pag nagdemanda ka, di naman instant ang decision ng korte. magbibilang ka rin ng buwan/taon bago makuha decision ng korte. sayang sa pera or oras.

    -- edited by splukutum on Sep 16 2021, 09:41 AM
  • @mark
    per experience, sa brother ko tamara lane sa caloocan. Filinvest yung developer, lagpas 1yr bago nila nakuha yung title,
  • guys question..namatay sa covid yung uncle ko..naiwan is 2 anak na 29 at 24 years old.. pwede kaya mabawi yung bahay na ipinasok sa pagibig? hinuhulugan monthly at di pa nasisimulan sa subd.. lastly may account sya sa ucpb bank ba yun tas ayaw naman paopen ng manager sa anak yung account para ma withdraw..punta daw sa main office sa manila..paano kaya? wala ako maipayo kasi di din ako makauei ng pinas..tas di naman sila sanay bumiyahe pa manila..
  • Post deleted #12393096
  • ^ start by getting some necessary documents: death certificate of father and birth cert of son.

    Yung mga magulang ko, forward thinkers, ayaw nila maabala mga anak pag may nangyari sa kanila kaya most of their major properties and bank accounts have at least a son/daughter listed as co-owner or co-depositor.
  • baka i-require rin yan na i-settle yung estate tax
  • not sure pero alam ko due to the new Train Law allowed na mag withdraw habang pinaprocess yung Estate Tax na 6%
  • Good Morning po, may concern lang po ako sa repossessed motorcyle na nabili ko 3 years ago. Nung nabili ko ito ay for request pa daw sa main office yung original documents kaya ang binigay lang sakin ay copies of or/cr, id's ng previous owner, certificate of sale at id nung binilhan ko. Ang advice kasi ng binilhan ko ay huwag muna kunin ang original documents para sa releasing daw plaka at yung certificate of sale naman daw ay pwede ko naman daw ipresent sa mga checkpoints. Sa sobrang tagal na wala pa din plaka itong motor ay naisipan ko nang ipa transfer of ownership itong motor para magkaroon na rin ng peace of mind. Kaya ni request ko na yung mga documents nung July at this month ay nakuha ko yung original or/cr kaso wala pa yung deed of sale at release of chattel mortgage. Nagulat ako kasi 3 years ago ko nang nabayaran ng cash yung motor pero ipa process pa lang nila yung deed of sale at release of chattel mortgage kasi hindi daw ako nag file ng quit claim. Hindi ako nag file ng quit claim dahil kailangan nila yung mga documents para sa releasing ng plaka. Hindi po ba often na kapag nabayaran na e ipa process na dapat ang deed of sale at yung release of chattel mortgage? Hindi rin kasi nila pinaliwanag noon, ngayon lang kung kelan ko sila kinukulit dahil ang tagal ko nang ni-request e wala pa din ngayon. Salamat po!
  • hi tanong ulet, sa right of way, may gate yung harap ng bahay namin tapos ma family compound sa side na right of way or daanan din ng mga tao, yung gate iba na nakasakop kase naibenta na, pero usapan maski nuon pa na yun ang magiging right of way ko tapos inaway ako at ayaw na ako padaanin dun sa gate, ano pwede gawin duon kaaway ko rin yung bahay sa kabilang side

    -- edited by northernshots on Oct 19 2021, 08:19 PM
  • Hi, possible ba na harangin nung kumpanya final decision sa supreme court? Mag 2yrs na duon pero wala pa decision
  • Mukhang unlikely. Supreme court yan. Napakalaking tao naman yang nasa company para mainfluence ang supreme court. Ikaw ba, sa tingin mo, dahil ikaw lang nakakaalam dito kung anong company yan, may ganong kalaking tao sa kanila na posible maabot supreme court justices?
  • hingi lang po ng legal advise

    may bahay kami na naibenta this year, and kasama dun ang kuryente. yun kuryente namen is nakinstall sa mga bakal na poste.

    last week meron bata na nakuryente sa poste na yun at unfortunately namatay, ngayon mag-aasunto ang magulang ng bata at isinisisi samen dating may-ari ng bahay/poste ng kuryente dahil samen nakapangalan at di daw namen inalam kung okay ang linya.

    may pananagutan po ba kami? take note po di na po kami ang may-ari pero ngayon taon lang naibenta ang bahay. Salamat po sa tutulong