Forum Topic

Legal Thread (TPC legal discussions)

  • hello po,

    ask ko lang po sana if there is such an agreement wherein si tenant ang magpapagawa ng renovation ng landlord? provided i aawas sa upa yung ginastos ni tenant for a certain number of years..

    I am pertaining to the renovation of the whole property. for ex. 300 sq.m. yung lot area ni landlord, pero yung for lease lang na area is 100 sq.m. pero ang papagawa ni lessor ay yung buong 300 sq.m. aside dun sa 100 sq.m. na uupahan nya...

    salamat po.



    Basta willing po yung tenant, any contract or agreement po is valid as long as nagagree voluntarily yung parties and hindi po apparent sa contract or agreement na unconscionable yung terms and conditions sa part nung isang party,
  • ^ sir Ronsatuzuke, thanks po for the info and clarification...
  • Boss ask ko lang, magkano kaya estimate na gastos pag sa CA? Assuming PAO parin ang atty? Let say mga filing fees, etc magkano kaya estimate? Calculate ko lang kasi if nilaban ko ba worth it ba sa abala at sa gastos, baka kasi kahit manalo, lugi parin sa ma aaward if ever. Thanks

    napag isipan ko tuloy, haha, sabi sa akin nung kaibigan ko pinagfile daw sya ng motion for executuion nung nanalo sya sa CA, nadeny, ine expect ni lawyer siguro na pagbibigyan na yung kaibigan ko kase mahirap din lang sya, pero itinuloy pa rin sa SC, gahaman talaga siguro dahil magkaseng hirap din yung employer at yung kaibigan ko, magkalevel lang sila hahaha, dapat mahabagin yung employer dapat , kaya ingat na ingat na rin ako sa pagpili ng employer maski walang trabaho ng matagal
  • libre lahat, subra bait nila, or naswertehan lang nung kaibigan ko, binigyan sya ng 4 na pao lawyers para ireview yung kaso, pwede ka rin pumunta sa mga law firms yata para mag avail ng pro bono service nila alam ko every year dapatat isa na pro bono case ang hahawakan ng mnga law firms
  • Nice tricks @domotico.

    Required ba ang mga law firms to provide pro bono case? If not, majority ba nagbibigay ng ganon?

    Currently sakin 2 PAO laywers ang may hawak, isang experienced at isang associate base sa level nila sa position title. I strongly believe my laban naman talaga kaso ko sa labor pero who knows baka maimpluwensya si company, igapang niya. Big company kasi ito bossing. So pwede matalo kung ganon

    Kaya pinagiisipan ko yung sa CA. However, nag aalanganin din ako kasi sempre kung backpay at separation pay basehan wala pa half M , baka lugi lang ako if manalo o matalo sa kaso. Yung mga damages, sabi ng kaibigan ko atty. mdalas hindi binibigay yan or kung ibigay yan dapat tlga matindi ginawa sau like minura mura ka ganon, e wala namang ganon sa kaso ko.
  • hello po

    ask ko lang po kung pwede po ba namin i-demand na ibalik ng talyer yung pera naibayad namin for body repair and repaint ng kotse namin? kasi sablay naman yung ginawa body repair, repaint. may mga bulok sa kotse na tinapalan lang ng karton also may mga na damage din sila sa kotse pati yung HALF-TANK na gasolina nawala din 3 weeks lang sa kanila yung kotse

    before namin ipasok sa kanila walang damage yung interior ng kotse pati half-tank yung gasolina may mga picture ako before namin iiwan sa talyer nila.

    -- edited by Bringer24 on Jul 07 2022, 09:06 PM
  • Opo, pwede niyo idemand na ibalik ng talyer ang binayad niyo.
  • Magandang umaga po. Magtatanong lamang po sana, pwede po ba sampahan ng kaso ang isang tao/grupo ng mga tao ng pambu-bully ng isang pwd? Ang pagsusulat po ng ng isang tao sa katawan ng isang pwd (yung sultatan po sa katawan ng kung ano-ano na parang tattoo pero di naman permanente) ay isang uri na rin po ba ng pang bu-bully? Salamat po.
  • dapat nung sinulatan ka sa katawan, nagsumbong ka kaagad sa pulis, it is as good as rape na yan haha

    -- edited by domotico on Jul 28 2022, 12:06 AM
  • Post deleted #12424932
  • ^ hanap na lang ibang employer. pag mga small businesses kasi di gaano pinapansin ng dole. mas tutok sila sa big businesses.
  • hi mga mam/sir, naaksidente kami last April sa may Quezon province, meron truck na nawalan ng preno 4 ang na nadamage nya kasama kami, nagkasundo doon sa police station na babayaran ng may-ari yung towing and repair nag pirmahan kami, ngayon ang ginawa namin ginamit namin insurance namin saka nag abono ng fees para mabilis, after 2 months(June) kinontact namin yung may ari and sabi hindi naman daw nya papabayaan then finorwad kami sa insurance nila, kinausap ko yung insurance and nag send ng receipt sasagutin naman daw nila yung reapair and medical expenses then yung towing sagot ng may-ari, nag follow up ako sa kanila pero hindi pa nila na process, every message ko sa kanila hindi sila nag rereply parang hindi sila interesado or wala silang pakielam. plano ko sana dalhin na sa legal. need inputs mga mam/sir hindi ko kasi alam process sa mga ganun

    -- edited by sitcoms on Aug 02 2022, 05:01 AM
  • Demand letter muna. Next step, pag walang mangyari, demand letter from lawyer na.
  • ^
    kahit may kasunduan na both parties? snail mail ko ba send yung demand letter? thank you
  • grabe 3 days na ako nilolooban ng mga magnanakaw, buong angkan yung mga nagnanloloob, ang dami na nilang ninanakaw na gamit, mga adik dito sa lugar, ano kaya maganda gawin, ngsumbong na ako sa mga pulis eh pero walang ginawa
  • Post deleted #12426383
  • Post deleted #12426419
  • grabe 3 days na ako nilolooban ng mga magnanakaw


    naku saang lugar yan sir? ingat palagi, .45 or sawed shotgun lang yan.
  • pumasok na naman kagabi pinutulan ng ulo yung halaman na katabi nung ninananakaw nila na halaman tapos nag buga ulet sila ng gasolina ngayong umaga
  • Post deleted #12426434
  • Post deleted #12428239
  • Good Day
    ask ko lang may pamangkin ako na babae may asawang seaman
    at may 2 anak sila
    hindi na sila maayos ngayon
    .Kasi babaero ang lalake, ilan beses na ginawa ni lalake ang pambabae.
    Ngayon nawalan sya ng trabaho tinanggal siya ng opisina sya
    kasi meron ata silang tinatawag na Character Record.
    Kaya hirap siya makapag apply sa iba.
    Ngayon sumulat si lalake sa pamangkin ko.
    Ang sabi ay ibebenta ang ari arian para mag negosyo.
    Pero ayaw ng pamangkin ko ibenta ang bahay.
    Ang sabi ni lalake ay sa Lola na lang sila tumira.
    Tanong ko pwede bang tumanggi ang pamangkin ko
    na ipabenta ang bahay at lupa?
    Kasi walang titirhan ang
    pamangkin at 2 anak nya pag nabenta
    Thanks
  • question lang, ano yung legal technical term na pwedeng mabasura ang isang kaso dahil, for example, 15 years naganap yung crime pero now mo lang sinumbong? yung time frame ek ek thingy na pwede mabasura yung case. na discuss namin ito during college forgot the term lang.

    and is it even applicable sa Pinas law setting?

    disclaimer, hindi ito regarding ke sir Vhong (pero if applicable din nagkataon lang)
  • @gr8guy

    Not a lawyer pero i think it has something to do with prescriptive period.
  • ^^ yes, prescriptive period kapag may reglementary period na nakaindicate sa law, pag lagpas na dun prescribed na ung crime or yung civil action

    meron ding ginagamit sa rule on equity or sa common-law na laches na ginagamit din sa pilipinas, kapag alam mong may right ka pero hindi mo nilaban tpos after ilang years eh saka mo ilalaban, pwedeng pumasok sa laches
  • pwede ba pa curve yung boundary ng lupa maliban sa road na natamaan tapos pa curve yung rod, yung case naman na ito,eh between 2 lots, may muhon na nailagay mga 1930's pa yata, sabi nung katabi na may ari ng laupa, pa cruve daw yung sukat papuntang muhon? may ganuon ba? kasy nung ipasukat sa surveyor malaki nasakop nila dahil gauon daw hatian nila sa lupa dati

    -- edited by domotico on Sep 30 2022, 09:56 PM
  • Tanong ko pwede bang tumanggi ang pamangkin ko
    na ipabenta ang bahay at lupa?

    Hindi mabebebnta ang bahay at lupa kung hindi siya pipirma sa deed of sale so yes, pwede siya tumanggi.
  • @Techyboy

    Hindi po pagpapasara ang purpose ng show cause order. Inoobligate ang isang party sa case na iexplain ang side niya.

    Ingat po kayo sir sa pagsawsaw sa mga labor cases. Lalo na ngayon hirap na hirap mga small businesses, mahirap na baka makahanap ng katapat lalo na kapag naituro na instigator.
  • consideed na conjugal property yung mana ng father namin na lupa na ibinenta ng mother namin na hindi kinunsulta ang buong pamilya, hindi ko kase alam na nabenta na pala yung lupa na yun
  • abugado pala si idol lxi, private practice ba paps? o sa gov't?