Forum Topic

Cavite TPC members (No Trading and Poitical Discussions Allowed))

  • @Emorej2016, kaya lang pala lakarin yan eh haha! taga tanza ako.

    @dodick balitaan mo ako kung may kakilala ka hehe. mahal pumunta ng bahrain.
  • ^
    ayan naman pala eh. langya na yan.. pagdating mo dito pre punta ka sa bahay.. dreamhomes subdivision kami.
  • @Emorej2016, yan ba un tapat ng divine grace?
  • @emorej2016 - taga dyan ka pala. sa kabila naman ako sa may SaveMore. Lavanya Phase 3. May sineservicehan kaming estudyante dyan hatid sa school
  • oo dreamhomes subd. tapat bakanteng lote sa gitna ng divine grace at robinson. basta nag iisa lang ang subd jan sa tapat. dami pala tejero dito. o kelan tayo meet up? hehe
  • pansin ko lumaki daang hari ngaun ah
  • Tuloy pba yang number coding nyan sa Cavite? Magandang araw mga Caviteno...
  • ^
    tuloy yun. ngayon pa nga lang ramdam na sa tejero. luwag na ng kalsada.
  • hello po sa lahat =)

    IM BACK =)
  • hello cavitenyos!!! Fiesta ng bayan ng silang hangang bukas!!
  • Waaahhh na-miss ko yang fiesta sa silang!

    -- edited by cutie_cute on Feb 02 2017, 10:53 AM
  • Grabe ang sunog sa epza. Any updates?
  • naka napaka dami ngang namatay kasi sa pagsabog yun eh.. kawawa naman.. tingin ko tapos na yung sunog kaso hindi ata nagpapadaan pa dun sa may area banda gawa ng napakadami daw na natupok talaga..
  • Di pa po tapos ang sunog, may apoy pa rin. Kwento ng bumbero lampas 100 na tantiya na bangkay dun.
  • kahapon nga nasa 78 na yung patay.. sana di na madagdagan yun. kaso madami pa nawawala nga raw eh
  • dalwa na lang daw pala yung nawawala tapos nasugpo na yung sunog as of 1130am.
  • More of "under control" ang tawag pero natanaw ko kanina 3pm may sunog pa dun e lagpas tao pa tsaka malaking area pa. Mukha marami talaga patay pero tikom bibig ng HTI pati PEZA authorities.
  • Wala naman nabalitang patay yung isa na lang daw yung nawawala.
  • ^Ser, kotrolado empre ng authorities balita pero kami dito tiga PEZA alam namin sa bilis na pagkalat ng sunog malaki tsansa na may fatality.
  • balita kaninang umaga after 20 hours na nasabing wala ng apoy. meron na naman daw kaninang naapoy pa din.. tsk tsk.
  • Papa barrzz, May namatay ba dun?
  • isa pa lang dineclare nila.. kaso 2 is missing pa.. madami nasa ospital at critical pa..

    wala pang official count ng nasawi, di pa naglalabas pero tupok na tupok yung drone image nung factory..
  • isa pa lang dineclare nila.. kaso 2 is missing pa.. madami nasa ospital at critical pa..

    wala pang official count ng nasawi, di pa naglalabas pero tupok na tupok yung drone image nung factory..


    Nakupo. Parang di kasi kumpleto yun balita tungkol dyan.
  • hindi nila ilalabas yan sa balita. ok lang din yan. kasi babayaran naman ang pamilya para lang manahimik. wala naman na magagawa pa kung ibabalita eh. sige ibalita nila tapos tatanggalin na ang HTI jan marami mawawalan ng trabaho tapos hindi pa mababayaran ng malaki pamilya ng namatayan.
  • ^Ang tanong mababayaran nga ba? Di natin alam diyan. Tsaka ang tanong baka after neto dating gawi sila tas maulit na naman? Kelangan paimbestigahin tong mabuti, ilabas ng dapat ilabas kasi kung maulit e di bayaran na naman? Vicious cycle na lang mangyayari pag ganyan.
  • ^Ang tanong mababayaran nga ba? Di natin alam diyan. Tsaka ang tanong baka after neto dating gawi sila tas maulit na naman? Kelangan paimbestigahin tong mabuti, ilabas ng dapat ilabas kasi kung maulit e di bayaran na naman? Vicious cycle na lang mangyayari pag ganyan.


    Yung kaopisina ko yung anak nya dun nagtatrabaho. Mahina daw yung sprinkler. Di naman naka design yun type ng sprinkler sa klase na possible type ng cause ng apoy.
  • ^Given na talaga yun kase nga di mo naman mapagplanuhan talaga ang type ng apoy pero ang tanong ko dun kase bat parang alang individual fire escapes per floor yun bldg ata? Yun kakilala kase na tumalon sa 3rd floor para makaligtas parang convinced siya na kelangan pa nila dumaan ng 2nd floor para makatuloy sa fire escape? Balita pa nga number one sila sa fire drills dito sa PEZA pero iba kasi yun practice sa actual talaga.

    -- edited by t3nma on Feb 03 2017, 04:07 PM
  • Baka di certified talaga ng BFP mga safety measures ng building nila.
  • @t3nma
    marami ako tropa jan sa HTI at 4years ago nasunog narin yan nabayaran lang din mga yun. babayaran nila yan. hindi mo ba naisip na kung ilalabas talaga kung ilan ang patay jan possibleng mapapalayas ang HTI dito sa bansa natin at marami ang maaapektuhan? sa dreamhomes subdivision ako nakatira exclusive subdivision para sa employee ng HTI, wukong and HRD. sa HRD nagtatrabaho ang asawa ko. marami kami kakilala jan kaya mas alam ko ang buong kwento kesa sa mga haka haka mo.
    saka ang sinasabi mong number 1 sa fire drill? wala namang ganun. saan mo narinig yan? saka kahit number one kayo eto ang tatandaan mo. hindi na yan applicable pag my actual na sunog na. kasi taranta na lahat.

    kaya lets think positive nalang at sa win-win situation. oo marami apektado dito pero aksidente ang nangyari. my mali ang kompanya at my mali din ang operator. kaya nangyari ito. aminin na natni sigurado yan maraming patay jan. pero gagawin talaga ni remulla na i cover up yan. lets face the reality. kesa sa naman mas maraming mawalan ng trabaho.
  • So cover-up lang ang ZERO DEAD at dalawa na lang nasa ICU?