Forum Topic

Mountaineering Discussion

  • mga boss ano marerecommend niyong seam sealer? Natanggal na rin kasi yung seam tape nung tent namin. Saka normal lang ba na nagiging sticky yung inner part ng rain fly ng tent?
  • ^
    Nung ni re-seam ko yung tent ko, gamit ko yung Gear Aid Tenacious Tape Repair Tape. Sa Outdoor Armory meron available.

    Medyo normal lang maging sticky lalo na kung matagal na yung tent. Nababakbak yung seam sealer tsaka waterproofing nun kaya sticky. Yung dati kong Apexus tadpole ko, nabakbak yung waterproofing, after noon naging sticky na. Kahit anong laba ko linis ko, ayaw na matanggal nag pag ka sticky. Ilan gamit pa lang nabakbak na. Kaya kumuha nako ng branded na tent after nun.

    Recommended talaga ni rere-seam at waterproofing ang tent every couple of years, depende sa usage.

    -- edited by HighWind on Feb 23 2018, 03:32 AM
  • @HighWind

    Thank sa tips sir. Yung tent namin ngayon ay yung tadpole ng sideout. Bigay lang siya ng pinsan ko. May way ba para mareapply yung waterproofing? Mas okay ba yung Repair Tape compared dun sa Gear Aid na seam sealer din?

    Anong branded tent din kinuha mo sir?
  • ^
    Yung ginawa ko dati saken medyo nabakbak na yung waterproofing sa flooring ng tent ko, so binakbak ko na ng tuluyuan by applying warm water tsaka Perla na soap (kasi mild soap sya, pwede nga sa mukha diba) tapos mano mano kong brinush hanggang matanggal yung original na waterproofing.

    Ni re-apply ko yung NixWax spray tapos, seam sealer tape sa kanto at dun sa mga pinag tahian na part ng tent.

    Ayun napalaban agad sa bagyo, so far wala naman leaks, parang bago ulit.

    I'm using North Face Rock 22. Dami ng pinag labanan kaya bumibigay na hehe.
  • May nanghiram kasi nung tent namin, tapos nilabhan ata using normal detergent. Ayun, pagsoli samin nagbabakbak na yung rain fly.

    Saan nakakabili nung NixWax spray sir? Balak ko nga ireapply na yung waterproofing habang summer. Baka mamaya mapahike sa tagulan e, mahirap na mabasa. Hehe.
  • Sa Xplore Outdoor sir, search mo sa FB, dun ako nakabili. Nasa 600-750 ata per bottle.
  • nagbayad ba ng 16M at nakulong na ba? mahaba haba din yang 6 years.
  • ^yung sa Pulag ba yan sir?
    Sabi ng kakilala ko na PAMB member, hindi naman nakulong at kasama sa siningil yung PAMB na nagissue ng permit sa mga hikers. Yan nabalitaan ko.
  • Anniversary sa New Trail sa Mt Batulao now diba? Di makaakyat buntis si wifey =)
  • magkano na ba inaabot fees sa baTulao now?
    last na akyat ko dun 2014 pa, puro daw kasi toll fee sa trail
  • ^ Sa new trail hindi masyado. Sa old trail madami na niningil. Sa baba donation lang, kina mang Resting P10 kapag day hike. P20 kapag overnight sa campsite. Huling akyat ko 2017 pa ata. Not sure now.
  • YohanSeals thanks sir, balak ko balikan yun this year hehe, ang saya dati dun lagi kami overnight tapos inuman, now kasi puro dayhike na lang ginagawa katamad yung ganun
  • wala bang mag set ng akyat.. KKB tayo.. para mag kita kita man lang.
  • Hi! Newbie palang po sa pag hihike. ano mas ok na tent? ung frog2 ng basekamp or ung sa brown trekker?

    baka pwede din sumabit sa KKB hike :D
  • ^Basecamp pipiliin ko dyan. :)

    san yang kkb climb niyo? Baka pwede sumama.
  • sabi ng isang kakilala ko malaki daw ung tadpole ng basekamp for 2 person? tsaka mas mabigat?

    latag nalang ung kkb hike :D
  • ^Base sa specs mas magaan talaga ang BT ng 200grams kaya siguro mas mabigat ang basecamp kasi mas malaki. Tingin ka din sir sa tents ng Naturehike may mga lightweight sila.
  • try sir sierra design medyo pricy nga lang ,
    naturehike budget friendly if 2 person lang ang need mo
    meron si naturehike na 1p na kasya pa rin sa 2 tao.
    VIK P5.1k or yung backpacking model na 1 person that cost around P3.5k
    I use naturehike 2P river star 2. swak kahit 3 person.
  • arkyn di ko na compare ung grams ng BT sa naturehike pero sige check ako sa sm north. ung sa bag inbetween ako ng osprey at deuter. balak ko na tlga bumili next week pero undecided padin haha.

    bodjok

    check ako nyan sa sm north para pag compare ko sila lahat. dapat kc pang matagalan tlga tong bibilhin ko. ayokong mag sisi haha
  • ^
    ^
    try mo check silangan outdoor, local brand sya from south
    bumili ako ng tent sa kanila 3yrs ago pa hangang ngayon buhay pa din
    Silangan Rev1 Tent tadpole, free standing sya, kaya lightweight
    nagamit ko na sa KD2LMm Halconm pulag at ibang mga minors, need ko lang sprayhan kasi nabakbak na yung water proofing nya

    update: rev1 lang yung version nung sakin, meron na sila rev2 now mas magaan, mas ok mag start ng lightweight setup sa tent hehe, sakit sa tuhod pag mabigat gamit
    -- edited by ortigasboy123 on Feb 21 2020, 09:29 AM

    -- edited by ortigasboy123 on Feb 21 2020, 09:30 AM
  • mermaidecc
    sa bag may mga local brand na pangmatagal din tulad ng Habagat at Conquer, try mo din pag nagawi ka sa mga store nila.

    ortigasboy
    ano gamit mo pang waterproofing. Nag reapply ka ba ng seam sealing tape sa tent mo? Yung tent ko may tagas na after 2 years.
  • arkyn
    meron na bibili sir seam tape at yung water proofing spray, sa Go sports dati nag sale nun buy 1 take 1 eh, isang set nabili ko ubos na, ilang beses ako nakaranas ng bagyo na hike tumatagas talaga, kaya ginagawa ko now naka extra flysheet na ako lagi, single wall lang kasi tent ko, bilis mag moist
  • ^anong brand ng waterproofing spray gamit mo sir? sa flysheet ko lang din gagamitin tsaka sa groundsheet. Minsan kasi kahit di umulan pumapasok ung moist galing ilalim.
  • ^
    nikwax sir,
  • ^copy, salamat sir.
  • may nag oorganize ba dito ng kkb hike? pasabit naman. hehe.
  • mahal pala yang nikwax na yan.haha.

    stapo
    kami sir lagi diy/kkb pag umaakyat dito sa mga bundok sa bicol.hehe

    baka meron dito nakapag diy commute na ng luzon 321, pabulong naman magkano inabot ang gastos, at diskarte sa itinerary.
  • wala nag oorganize pero pwede tayo bumuo basta KKB
    set tayo pag naka buo tayo ng 8-10 n tao
  • San ba bundok balak sa kkb?
  • suggestion ko Amuyao.

    kung ano ang gusto ng nakakarami