Forum Topic

Unified Food Discussion Thread (EAYC, Deals/Promos, Resto Reviews)

  • I think naka 10 plates ako nito ako lang kumain.

    I buo mo yan parang 1/4 slab ng steak =P

    pagiisipan ko sa birthday ko kung doon or meron pang better B-day buffet offers =P

    [Mental Note] eat light earlier and eat crazy when at buffet =P

    -- edited by Vashtard on Dec 03 2016, 09:43 AM
  • Nag sambokojin kami last night. Sa totoo lang parang mas na enjoy ko pa to kaysa vikings, Konti lang lang price difference nila. sa Sambo P888, sa Vikings, P938. Since bday, free ako. salamat sa kasama ko na nagbayad hehe

    unfortunately, walang Aburi sushi, sabi nun chef, sira daw yung torch nila pero sa Megamall daw meron. Ang tinira ko yung US marbled beef. naka ilang plates ako nun, but umikot rin ako sa iba food like yung mga katsu, tempura. I think kung 50% off, sulit na. Yung carving beef nila OK lang naman, naka ilang slices lang ako nito.
  • sa NIU punta kayo dun sa chinese order kayo lobster kaso maliliit lang ang available
  • sana po ilagay nyo po dito ung mga resto na may secret na request sa buFfet na resto.

    thanks po

    ex.

    rest-name : hidden menu (by request)
    yakimix
    101
    sambokojin
  • ako sa yakimix prime lang alam ko e yung wagyu beef ..
    ang gusto ko malaman kung merong hidden menu sa sambokojin sm megamall .. kakaen kame sa dec 10 for bday celebrant gusto ko lang sulitin .. eh kasi halos isang beses sa isang taon lang naman ako nag bubuffet ^_^
  • langku, yung Aburi sushi ata by order lang sa Megamall. Dati kase sa Eastwood by order lang siya
  • sa sambokojin, pwede mo pabalatan yung hilaw na hipon, para pagkaluto, , kain na lang ng kain :D
  • Baka po may interested dyan House of Wagyu promo i got from Citibank. PM lang
  • mga sir ano mga must try sa sambokojin na karne? :)
  • Stapo, ang binalik balikan ko lang sa Sambokojin ay yung marbled beef nila

    But marami ka naman mapapagpilian. yung mga Katsu nila ayus naman.
    Check mo na langs a FB page nila. Basta sa Eastwood wala silang Aburi Sushi
  • Ok po ba ang Sambokojin sa South Mall?
  • ^
    Ok naman sir, mejo masikip lang kahit malaki yung area, pinuno nila masyado ng tables, mejo out of place din yung ibang table ng food like carving station, bagong dagdag lang kasi
    Punta ka ng maaga if walk-in, wala kasing masyadong buffet option sa south kaya dami laging tao

    Ayaw ko dun is wala silang drinks dispenser, so every refill mo kailangan mo pang i-order, not sure if ganun sa lahat ng samboko
  • Offtopic : Contrary to popular belief, hindi masama sa kalusugan ang MSG, maraming researches na ginawa para madebunk yung theory na yan, kung meron mang negative effect sa health eh minimal lang. Matagal nang ginagamit sa mga Asian food yan, mapapansin nyo sa mga Chinese resto halos lahat ginagamitan ng MSG.

    Okay back to topic, lahat ba ng Vikings branches same pricepoint lang? Dun kasi sa Jazz Makati pagkakatanda ko 980(?) dinner. Ganun din ba sa ibang branches? Salamat po sa sasagot.
  • ^
    Hindi sir. Pinakamahal ata sa MoA, php 1k+ (not including NIU), sa SM BF naman cheapest sa mga nakainan ko, 700+ lang
  • andami ko nalusob na eayc ngayong 2016, vikings na lang kulang, tagal kasi magbukas nung nasa esem pampanga . . .


    kelangan ko ng maglaro ulet ng basketbol para makabawi!
  • @Offtopic: Pros ng MSG ay food enhancer; Cons ay "suspected" cause of headache, heart paltpitations, etc., ... and "alleged" contributory factor in asthma, migraine, Parkinson’s, Alzheimer’s and depression. Opinion ko lang naman... Marami tayong kinakainan na di natin alam kung anong nilalagay kaya naman kung pwede natin iwasan (eg. mga luto sa bahay) eh iwasan "or" bawas-bawasan.
  • wala ngang poreber, gotta die somehow someway
  • Re: MSG
    Kung gumagamit ka rin sa bahay ng Maggi seasoning, broth cubes, Knorr seasoning, Magic sarap, nam nam, etc... para ka na rin naglagay ng MSG
  • baka meron sa inyong may plan mag dine sa F All Day Dining, F1 Hotel
    meron akong P500 voucher, no plan on using it, nakakain na rin naman ako dun before
  • SIno naka try nung Apag Marangle kapampangan lunch buffet 299 lang sa glorietta malapit.

    Re: Msg madalas ako mag instant noodles pag galing shift pagod eh madami msg yun diba?
    ok lang yun?
  • ^Lahat ng sobra bawal. Ako I limit myself to 1 instant noodles per week.

    May naka try na ba ng breakfast buffet ng Aristocrat? may mg nababasa akonh bad feedbacks, sinasabi na mag almusal na lag sa bahay. sa FB page nila, hindi rin nmana stated yung menu.

    -- edited by allanroy on Dec 29 2016, 06:41 PM
  • Re: Msg madalas ako mag instant noodles pag galing shift pagod eh madami msg yun diba?
    ok lang yun?


    no, not ok, lalo na kung may history ang pamilya nyo ng HB. regardless, masama talaga maalat na food because it encourages water build up on your kidney which will lead to higher blood pressure at nakalbo utol ko dyan(I don't know if may relation pero wala kaming lahing kalbo).

    kung active lifestyle ka, pwede pa kasi hindi naiipon kung anong klaseng basura na dulot nyan pero I wont risk.
  • kurtskyTPC on 23 Dec 16 @ 12:21 PM #
    SIno naka try nung Apag Marangle kapampangan lunch buffet 299 lang sa glorietta malapit.


    Curious din ako diyan sa Apag.. kaya lang tuwing dumadaan ako walang kumakain kaya nag aalangan din ako kumain
  • May officemate Dad ko, laging naka-cup noodles dahil always busy... ayun dialysis... tapos namatay rin.
  • About eating Noodles, dapat banlian nyo muna yung noodles para mawala yung plastic wax nya , bago nyo tuluyang lutuin.
  • ^yung parang nabasa ko noon, na after mapakuluan, wag gamitin yung pinagpakuluang tubig, Instead, ilipat yung lutong noodles sa bagong mainit na tubig at saka ilagay yung flavor.

    pero di ba hoax lang yan? <click here for link>
  • Ngayong holidays... Eat all you can sa mga bahay-bahay diyan! Ingat lang sa figure at baka mapagastos pa para bumili ng bagong damit :)
  • ^yung parang nabasa ko noon, na after mapakuluan, wag gamitin yung pinagpakuluang tubig, Instead, ilipat yung lutong noodles sa bagong mainit na tubig at saka ilagay yung flavor.


    Ako minsan binubuhos ko yung mga bubbles na naiipon sa itaas malamang yun yung wax.
  • ^naku, mabuti ako nag bawas pa ng timbang. iwas lang sa sweets and carbs. kahit unli-ulam.
  • ^ 170lbs???

    nasa 75kgs ako overweight hahaha