Forum Topic

Ask Sir Tony - an Electronics/Electrical Q & A thread

  • ~ san ba yang si da king?

    CD-R King.
  • awakeruze Send Message View User Items on 06 Mar 18 @ 10:36 PM #

    ~ san ba yang si da king?

    CD-R King.


    ~ LOL. ang slow ko. haha. thank you po!



  • Battery-1 = 2pcs 3.7v Li-Po 5000mah in parallel (3.7v 10,000mah total)
    Battery-2 = 2pcs 3.7v Li-Po 5000mah in parallel (3.7 10,000mah total)

    Each battery has its own charging circuit.
    So in this scenario, after I plugged in the fully charged Battery-2 in parallel to Battery-1, I will quickly disconnect Battery-1 and charge it with Phone charger that is compatible with charging circuit's power input specs.

    -- edited by ozi_zero on Mar 10 2018, 03:49 AM
  • Hi po sa mga kagalang galang nating Electrician dito sa TPC. Patulong naman po, pwede po ba mangyari dalawang Breaker sa isang Aircon? Or dalawang Breaker sa isang linya? Wala po ba magiging kaso dun? Please see attached pic.




    -- edited by rock2death on Mar 17 2018, 05:54 PM
  • ^
    Why would you need two breakers for one aircon, especially when both of them have the same rated current (30 amps)? I don't see the point.
  • ^
    Medyo mataas po kasi yung paglalagyan ng Main Panel kaya lalagyan pa ng isang Breaker katabi ng aircoin mismo, pero pwede po ba yan wala po magiging problema dyan kahit dalawang Breaker sa isang aircon?
  • @ozi_zero,

    ginawa ko na dati yan sa mga motors, lights and even sa dslr ko dati. Grabe kaba ko nung ginamit ko na siya lalo sa camera. wala naman naging problema. Depende sayo kung gaano ka katapang mag risk ng item para sa DIY project. haha.

    @rock2death
    Wala naman problema basta same wire and breaker. Madalang lang naman papatayin yung breaker kaya pwedeng wala ng additional. Nung nag pakabit ako ng aircon may kasamang breaker na kasama kaya kinabit ko na lang din. Sayang lang din kung bibili ka pa ng breaker dahil mataas (dapat ang main panel ay reachable) lang yung Main panel mo
  • @poipoy

    thanks sa input bro, theory palang kasi sakin never ko pa na try.
    actually yung risk tlga iniiwasan ko kaya nag consult ako dito. xD
    medyo masakit kasi sa bulsa kong mababaw.
    magandang makakuha ng feedback sa nakasubok na personally, especially sa electronics.
    salamat.

    ano connectors ginamit mo?
    ok ba dean's connector for safety?
  • @poipoy

    Maraming salamat sa sagot sir, isa pa pong concern ko kung mapapansin niyo po sa sketch ko meron akong 60AMP branch sa Main Panel ko then another 60AMP fuse box ulit at may branches na dalawang 30 AMP, wala po ba magiging problema sa ganyan? At ok lang din po ba mas mataas amperahe ng branch (60A) at sa Main CB(50A) ko?
  • Hi guys, question lang please.

    I bought 2 single channel sticks of DDR4 4gb RAM, not knowing anything about the advantages of dual channel memory. The RAM that I bought are of the exact same kind and model naman. I was wondering if kaya ba itong irun as dual channel pag nakabit na sa MotherBoard?

    Going into specifics, these are the items:
    - MSI Z370 PC PRO (motherboard)
    - G.Skill Aegis 4GB DDR4 2400mhz (2 pcs)

    Again, the RAM I bought came individually, and according to the website, is listed as Single Channel. Can I run both of them in Dual Channel Mode once they're installed?

    Thank you!
  • ^
    Yes you can run them as dual channel
  • @ozi_zero,

    ok din gamitin yun. ang ginamit ko parang yung 4 pin ng connector ng psu na may lock para hindi basta basta matatanggal. yung ibang connections naka solder para sure na hindi matatanggal.

    @rock2death,

    lumang panel na ba yan? minsan hindi maiwasan yung ganyan kasi walang available na tamang size ng breaker/fuse nung time na ginawa yung connection niyo. Check mo kung anong wires ang kinabit dun sa 60amp fuse box. dun natin malalaman kung delikado ba yan. haha
  • @poipoy

    Bali ang luma kasi dyan sir yung 60 amp fuse box ayun dati talaga yung main fuse namin kung saan naka connect ang meter namin, ngayon nire-wiring ang bahay namin naglagay ng Panel Board at ginawang 50A nalang ang Main CB at dun na naka connect ang meter namin kaya naging branches nalang yung dati namin Main Fuse box na 60A. Yung ginamit na wire sa 60A fuse box ay #8.

    -- edited by rock2death on Mar 19 2018, 12:48 PM

    -- edited by rock2death on Mar 19 2018, 12:48 PM
  • ^
    halaaa. bakit ganun ginawa dyan. dapat ang ginamit na wire ay mas malaki sa 8.0sqmm dapat 14 sq mm. If maoverload yung line ang mag trip lang ay yung main 50A CB then 60A fusebox. A worst case scenario is kapag nag fail yung Main 50A hindi mag ttrip parin ang fusebox mo masusunog yung wires ng hindi mo alam.

    Ang rating 8.0sq mm ay 55A. assuming na bago yung wires na ginamit pero kung luma na talaga yung bahay malamang mas mababa pa ang rating niyan. mga nasa 40A lang . Yung breakers na gagamitin dapat mas mababa sa rating ng wire para mag ttrip ang breaker bago mag init ang wire.
  • ^
    pinalitan na namin ng #6 AWG yung wire sir, so ganito na laman ng main panel namin

    MAIN: 50A with 7 branches (40A, 30A, 30A, 15A, 15A, 15A, 15A)
    Normal lang ba uminit yung breaker ? Kasi umiinit yung Main CB namin (50A) saka yung isang 15A for 2.5hp split type AC. Ginamitan ko ng Fluke Clamp Meter yung Service Entrance namin 35A result. Yung mga CB na binili namin G.E ang brand. Matanong ko na din pagdating sa electrical wire ano preffered niyong brand Ok ba ang Sycwyn at Duraflex?

    -- edited by rock2death on Mar 24 2018, 02:43 PM

    -- edited by rock2death on Mar 24 2018, 02:44 PM

    -- edited by rock2death on Mar 24 2018, 03:07 PM
  • dapat di umiinit ang breaker
  • @rock2death,

    Pacheck mo yung line niyo sir sa marunong. Lalo yang umiinit. Hindi dapat umiinit kahit anong part ng panel niyo. Delikado yun. Kulang yung 15A para sa 2.5hp na aircon. Dapat nag ttrip na yan.
  • ^
    As per specification kasi ng 2.5hp AC ko 10.2A lang ang power rating niya so supposedly di ba dapat kaya na yun ng 15A CB? Gamit kong wire sa AC ko #10 AWG NM/Romex. Running pala yung AC ko ng 12hour a day kasi ginagamit sa computer shop.
  • ^ mali padin. Hindi naman mag iinit yan kung tama ang ginamit. Plus kung #10 na wire ang ginamit mo dapat 30A ang breaker size na nakakabit dyan.
  • ^
    ah okay pag kaka intindi kasi namin ok lan g mas makapal wire kesa manipis, try namin palitan ng 30a ung ac
  • mga master, me paraan po bang iconvert ang 220vac na motor sa 12vdc na voltage. Like yung kagaya sa mga ceiling fans. Dpo ba pwede irewind ung mismong motor nya or some other way po. Salamat po sa sasagot.
  • completely different ang ac and dc motors. for your reference, pls. read:
    <click here for link>
  • Sino po dito sainyo naka experience ng sudden electrical power failures o ano like kidlat o ano po.
    epektib ba yung mga power surge na mga extension na na bibili sa mga ace or handyman na may fused?. balak ko bilhan kasi TV ko para just incase may ibang sasalo ng surge bago sa tv.
  • ^ ang experience ko jan (using panther brand, with built in 10 amp circuit breaker) with cheapo symbian phone chargers is nag trip yung built in breaker nya.

    pero one time sa regular wall outlet ako nagsaksak ng charger, may pumutok na malakas sa charger mismo.


  • saan po kaya makakhanap nito, or makakapagpagawa?


    4pin PWM fan connector to mini-gpu adapter

    -- edited by jomai on Mar 30 2018, 04:06 PM

    -- edited by jomai on Mar 30 2018, 04:07 PM

    -- edited by jomai on Mar 30 2018, 04:08 PM
  • @poipoy

    sir pinalitan na namin yung CB ng 2.5hp AC from 15A to 30A pero nag iinit pa din siya? Bakit ganun? Nga po pala matanong ko na din may iba iba pang kapal ng sukat ng bus bar ng Panel o iisa lang sukat nun?
  • sir pinalitan na namin yung CB ng 2.5hp AC from 15A to 30A


    baka di kaya ng wire, #12 o #10 ang wire?
  • rock2death,

    check mo kung san mainit kung sa wire ba o breaker. Iba iba kapal ng bus bar. depending sa load na ilalagay mo.


  • ahb472625pst
    4.2v
    logitech headset battery

    sino nakakaalam troubleshoot yung ganitong battery? binaklas ko na and check yung voltage before and after ng protection circuit, before circuit ay 3.9v after circuit wala ako makuhang voltage. para saan ba yung white wire?

    -- edited by piLio on Apr 03 2018, 03:47 PM
  • Q: Anu po ba ang Mali or kulang sa layout na po nito.. thanks po sa makaka sagot.

    See picture below.
    <click here for link>