Forum Topic

sino dito regular na tumatakbo? jogging tayo!

  • Mga sir pa recommend naman po ng brand/model shoes pang running/jogging yung matibay po.
  • ^parang nauuso ngayon si Hoka One. Pero malamang sasabihin ng mga experts depende pa din sa paa mo. Diyan papasok yung pronation, heel strike or midfoot strike, kung stability shoes ek ek at madami pang iba.

    Madami pang brand ng sapatos ( Nike, Adidas, Skechers, Newton, NB, Brooks, Saucony etc) Kung bibili ka ng sapatos kahit yung pinakamahal pa yan, nauuso, or pinakamatibay pero hindi ka naman komportable sayang lang pera. Yung iba nga nakakatipid kasi hindi sila gumagamit ng sapatos (barefoot runners)
  • Wala talagang perfect na sapatos kaya mahirap mag recomenda. Iba ibang tao iba iba hilig ng paa.

    What works for me might not works for you (naks)

    Kaya ako iba ibang brand iba ibang type na din (stabilidad/neutrals)

    Pero stability talaga ako sa gait analysis, nun baguhan palang ako puro sapatos stability binibili ko, kaso nagkanda inju injury din ako. Di ko masabing sa sapatos, might be sa running form din.

    Tapos nun nagtagal nagtry na ako ng different type and different brands, sinabayan ng regular exercise and proper diet (naks) tapos ayun medyo nawala or nabawasan naman ang masasakit sa paa.

    To summarize, trial and error po ang pagbili ng running shoes. Pero magandang basis yun pa gait analysis ka muna tapos yun ang sundin mong type ng shoes.
  • @uson, supermanster

    Thanks po
  • agree with supermanster. hindi lahat pare-pareho eh kaya maganda ma-try mo muna yung shoes kung compatible ba sayo or hindi (syempre after ng gait analysis).

    pinaka-comfortable ako sa Nike Lunarglide, stability shoes. kaya puro ganung model ginagamit ko. nung nag-ibang brand kasi ako, puro paltos inabot ko tsaka sumasakit paa ko. kaya balik ako sa Lunarglide.

    anyway, baka may gustong sumali sa inyo ng Virtual Race for extra motivation ng training. Yung mga friends ko sa ultramarathon ang organizer. nandito yung details nung event: <click here for link>

    -- edited by mannatech on Aug 19 2017, 03:22 PM
  • runners/ joggers/ trail runners
    ano gamit nyo leggings ? compression leggings /trousers, socks etc

    hingi lang ako tips. gusto ko sana rin gumamit
  • runners/ joggers/ trail runners
    ano gamit nyo leggings ? compression leggings /trousers, socks etc


    ako rin, calf compression lang kasi baka makatulong, meron na lumalabas na vein sa likod ng tuhod ko. 2xu ba pina ka okey ?
  • OK yung original na 2XU kaso mahal eh. Kung hindi problema sa inyo ang presyo, go for 2XU.

    Gamit kong Compression Tights eh Reebok, mas cheaper ng ilang libo sa 2XU and so far, OK naman performance. Tobys MOA ko nabili. Meron din akong compression socks (Ironman brand). Ever since nag-compression socks ako, hindi na ako nag-cramps sa 21K at slight na lang sa 42K pero nawawala din. Yung compression tights naman ginagamit ko kapag ultra marathon
  • any shoes na nakakagalaw toes and zero to little drop lang.. and after that need a test run and hope it feels right and natural hehe kapag hindi bili ulit haha

    -- edited by macber2 on Oct 07 2017, 07:06 PM
  • @mannatech:

    thanks. naka chance ako pumunta dun sa 2xu glorietta last week, wala sila XL na size. wala kasi dito sa cdo. nag tiis muna ako nung LP brand para lang feel. parang restricted nga run though balik ako from slow pace after parang bunion injury sa lower left big toe ko. okey lang slow pace muna as long as walang injury. balik 200 lbs kasi ako ngayon. hirap talaga maka tigil(more than a year), prior aim ko at that time was 21k ngayon ni 10k hirap pa.
  • <click here for link>

    baka may gustong sumali. full sublimation yung finisher shirt. ang ganda ng shirt at medal nila dun sa unang event eh. pang-motivate sa training guys! laking tulong lalo na sa mga ultra runners.
  • Sino dito tga cavite? near buenavista area? Takbo tayo minsan :D
  • legit ba yung asics shoes sa lazada ?
  • guys meron ako nasagap na book "Primal Endurance" just pm send me email then share niyo na rin.
  • Post deleted #12135869
  • Planning to buy a running shoes sa SM this 3 day sale sa weekend. Not sure what brand and model to look. Im a beginner but doing mountain hiking for quite a while. I'm actually thinking of buying a merrell trail running shoes but since medyo madalang na ko umakyat kaya plan ko running shoes lang. Thanks for any suggestions

    -- edited by neojohan5 on Sep 24 2018, 04:16 PM
  • asics.
    subok ng matibay.
    panget adidas mabilis kumalas yung ilalim.
    limang bundok na naakyat netong asics ko.
    pinangtatakbo ko din minsan sa San Juan
  • @damnskaterboi
    Sadly walang asics dito sa SM samin. Yung plan ko na bilhin na running shoes di ko naman gagamitins a bundok. i have my merrell for that. Mostly running lang within the subdivision.
  • yugn asics ko is running shoes talaga pero pinang aakyat ko din.



    saucony maganda rin.
  • ^ Saan mo nabili yan?
  • sm megamall.
    nagsale sila
    3.5k ata
    basta wala pang 4k
    asics t532n model
    mahal asics kapag regular price.
    parang saucony din.
    abang abang lang talaga ng mga sales.

    -- edited by damnskaterboi on Sep 24 2018, 04:47 PM
  • Dami ko na nagamit na running shoes brand ang pinaka pasok sa paa ko is Reebok, malapad kasi paa ko, sa Nike/Adidas nagpapaltos yung side ng paa ko.

    Ang maganda sa reebok laging clearance sale sa mga outlet lol
  • @Koyomi
    Good suggestion. Yan problem ko sa sapatos. Wide feet kasi ako. Kaya mostly wide shoes hanap ko.
  • ^New Balance meron pang wide feet
  • pag new balance
    sa robinson manila may outlet sila.
  • Meron ba dito nag register sa Pinoy Fitness Sub 2 /2.3/3 run on November 18, 2018?
  • Cavite area kasi ako.
  • Biglaang confict of sched para sa Manila leg ng 711 run 21km Large & Medium. DIto ko muna i-offer bago ko i post sa facebook baka may interested pm me. Hope this is okay admin if not pa delete na lang, apologies.
  • Ito ba official na thread para sa mga runners? May event sa CCP (Run and Raise) this coming Sunday, January 20. Naka-register na ako, kaso walang available na large size, medium na lang nakuha ko. Baka merong sasali sa event na may singlet na large na willing makipag-swap.

    Pa-delete na lang din admin kung di 'to pwede. Pasensya na.
  • ^I post mo din sa facebook ng page ng run. Yung sa akin mabilis na nakuha dami pang nagi-inquire. Sayang yun nag conflict lang gusto ko talaga takbuhan.