Forum Topic

Share Your Story (Keep it clean or else)

  • sige na nga....

    sa totoo lang, si duterte, dirty harry, aware ako sa davao deathsquad, at opinion ko, kahit i deny ni duterte yan or aminin nya... sa puso ko alam kong may blessing si duterte dyan... pero you know what people? Ok lang sa akin, everytime i hear criminals die, either shoot outs, ambush, robbed out, salvaged, ... i feel happy.... ONE LESS EVIL WILL MAKE THE WORLD A BETTER PLACE. yun kasi motto ko.

    malungkot ako at nagdudugo puso ko if may mga bata, babae, innocents akong naririnig na namamatay, minumurder, ni rarape... pero sadista ako sa mga criminal... fuck human rights, for me criminal doesnt deserve them. AN EYE FOR AN EYE. if ako kasi mabibiktima ng krimen, i wouldnt want anyting else but revenge. Justice system is ROTTEN in this country and until that is fixed, I am looking forward for duterte to play BATMAN



    Hindi ba kayo nagtataka bakit maaaaalaaaaki ang progress ng Metro Manila pero mahirap na bansa pa rin ang PILIPINAS?

    Kasi Metro Manila lang ang UMUUSAD.... siksikan na tayo sa Metro Manila, and mga opportunity lahat nasa METRO MANILA.... lahat ng tao sa Pinas gusto pumunta ng METRO MANILA.....

    ANG PROBINSYA or ang ibang lugar... Napag iiwanan.... humihirap, naghihirap.... FEDERALISM po ang sagot dito. Kahit gumawa pa kayo ng Feasibility FEDERALISM ang pinaka magandang sagot dito para sa PINAS.

    Kung di nyo alam ang federalism or wala kayo Idea. eto in lay mans term.

    Yung Opportunity na nakukuha nyo sa Manila ay pwede nyo na makuha sa ibat ibang estado. wala nang Provincial rate sa mga sweldo, ang kada state ay may kanya kanyang Government under 1 federal government. So kanya kanyang opportunity kada state.

    Pwedeng iba ang tax rate or exemption sa State of NCR, kumpara sa State Number 2, and State number 3 naman no tax mga 40k pesos pababa... etc...

    kanya kanyang opportunity each state...

    HINDI TAYO MAG SISIKSIKAN SA METRO MANILA... lahat ng state UUSAD, lahat AASENSO, lahat Progresibo...

    ang pagasenso ng PILIPINAS ay hindi na KONTROLADO ng METRO MANILA.

    example.

    State of NCR
    1. Makati
    2. Manila
    3. QC
    4. Ortigas
    5. etc etc. etc.

    State Number 2
    1. Cavite
    2. Batangas
    3. Tagaytay
    4. Laguna

    State 3
    1. Bicol
    2. Quezon Province
    3. Antipolo

    and may competitivess level pa each state..

    Example. Lipat na kayo sa state number 2 kasi walang income tax mga working 50 years old people pataas

    lipat kayo dito sa State number 3, Libreng pabahay for start up families

    Lipat kayo dito sa State Number, may ganito kaming mga benefits and privelegest

    so on and so forth.

    -- edited by quinn_margz on Apr 27 2016, 03:36 PM
  • Post deleted #11651678
  • Post deleted #11651735
  • Post deleted #11651751
  • peace lang tayo kuya. hahah.
    healthy discussion lang.

    dahil corruted na pag iisip ng mga nasa pwesto,


    kaya nga papalitan na natin.
    3 lang naman yun trapo sa mga tumatakbo
    ngayon.

    yun 2 okay naman yun (AFAIK)


    tama ka rin naman na nasa atin dapat
    magsimula ang pagbabago.

    pero eto kasi paniniwala ko.

    kung ihahalintulad tayo sa buto,
    hindi lahat nakukuhang umusbong
    sa semento.

    yun iba, kelangan talaga ng mag-pupush.

    marunong naman tayo sumunod,
    ang mahirap lang, yun leader na dapat
    e magandang ehemplo, sila pa mismo
    yun bulok.
  • Uu, healthy kwentuhan lang, walang keyboard warrior, haha.

    Kaya babalik tayo sa nasabe naten na corrupted na mga pag iisip ng mga namumuno at hindi na sila magandang ehemplo. Di lang dapat yung isa yung palitan, dapat mula taas hanggang nasa baba mapalitan din. Malabo kung sa malabo yan, pero kahit kasi na sino andun sa taas, kung yun at yun pa din yung mga nakapaligid, wala pa din mangyayare kasi ganun pa din tas malamang sa malamang pagkakaisahan lang siya ng mga yun.

    Kaya minsan mas gusto ko nalang magkaron ng civil war, there will be bloodshed pero panigurado kasi mamamayan panalo jan basta magkaisa lahat sa pagtrample sa mga ganid sa kapangyarihan.

    Sana wag mahawa yung mga batang paparating sa mentality naten pilipino, wala ng mababago pag nagkaganun, haha.
  • Sana wag mahawa yung mga batang paparating sa mentality naten pilipino, wala ng mababago pag nagkaganun, haha.


    di nga sila mahahawa surrr. kasi kapusukan/kalandian ang kadalasang ginagawa ng mga bata ngayon. hahaha.

    o ok na yan mga surrr. balik na tayo sa "share your story". so much for being OT na. baka mapagalitan malock tayo ng wala sa oras. hihihi. salamat sa pagsagot paps Quinn, skabuts and MaChee. :)

    undecided parin kasi ako e. hehehe.
  • Pwede ba reklamo dito, kagabe kasi mas napansin kong mas madae pang commercial kesa balita sa 7 saka 2, kaya nga ako nanood ng news shows para sa balita eh di sa commercial, akalain mong sa 10 mins na commercial, may halos 5 mins na balita pala, haha. Aga ko tuloy nagrelax, haha.
  • Share ko lang...nung nakatira pa kami sa tambo (paranaque) may batang lalakeng putol ang mga paa na namamalimos sa overpass sa coastal. At tuwing nadaan ako dun, hindi pwedeng di ako mag abot ng limos kasi the kid never fails to smile with gratitude. Its been 4 years since last ko syang nakita, and just recently kinelangan ko pumunta ng las pinas and dun ako sa coastal sumakay. Hoping na makikita ko yung bata, umakyat ako ng overpass and there he is at binata na. And to my surprise, he still remembers me and said --- tagal mong nawala ate. Syempre nagbigay ulet ako ng limos and there his smile again with pabaon na -- ingat ka lagi ate :)
  • @skabuts
    Kaya ako sa mga dedicated news channel na lang nanonood.

    @cutie
    Naks. Krash ata ni kuya.
  • Hehehe nag viral si Arrakh sa FB
  • ^ yun ba yung sa post niya dito about binay? Me link ka?
  • LOL! Madaming may kilala kay Arrakh IRL! Di na ata siya pwedeng magtago.
  • share nyo naman.
  • Post deleted #11653328
  • Hahaha... si Arrakh na antayin nyo at baka magalit saken
  • Share ko lang...

    Nakakataba ng kalooban na yung mga OJT nyo dati ay super successful na sa career but still di nakalimot sa mga taong nakasama nila along the way. I feel old na talaga. Hahaha
  • anne from vgm here kmsta mga boss :)
  • I just want to share and ilabas lahat ng sama ko ng loob sa sarili ko..

    Lumaki akong lola's boy kasi medyo may deperensya ang mama ko sa pandinig at ang papa ko naman nasa abroad nung ako'y bata pa lang. Sakitin akong bata kaya kapag nagkakasakit ayan na si Nanay(lola ko from mother side) to the rescue. Nanay ang nakasanayan ko na tawag sa kanya. Talagang pagpupuyatan nya ako hanggang sa ako'y gumaling. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano ang magdasal. Strikto sya sa pagtuturo at di nya hinahayaan na matulog nang hindi pa nagdadasal. Iniwas nya rin ako sa mga bad influence na mga kaibigan naalala ko nga one time na isinisigaw ko ung isang mura na narinig ko mula sa palabas sa TV agad nya akong tinawag at pinagalitan pero hindi rin nya ako tiniis at niyakap din nya ako.

    Hangang pag sa tungtong ko ng iskwelahan sobrang supportive pa rin sya. Hatid sundo ako lagi at lagi nya akong tinuturuan sa mga assignments ko. Kapag mataas ang mga nakukuha kong grado, agad nya akong ililibre sa kahit anong fastfood na gusto ko kaya ganado akong magaral. Lumipas na ang panahon sobrang lakas pa rin ng Nanay ko at lagi pa rin nanjan para sa akin hanggang sa naging high school student na ako. Hindi ko pinapabaya ang pag aaral ko dahil gusto kong suklian lahat ng nagawa sa akin ng Nanay ko.

    Lalo syang sumaya ng umuwi na ang lolo ko na nagretiro na galing ibang bansa pero kahit nanjan na si lolo katabi pa rin ako ni Nanay matulog.Lumipas pa ng ilang taon, college student na ako dito naranasan ko ang sobrang hirap sa pag aaral pero nanjna pa rin si Nanay upang gabayan ako. Dumating ang isang araw na nagpabago sa buhay ng Nanay ko.

    Isang gabi bigla na lang sumakit ang dibdib ng lolo ko kaya agad agad namin sya dinala sa hospital, naroon ako kasama ang Nanay ko na nagbabantay sa lolo ko sa ICU. Isang linggo na dumaan at kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata ng Nanay ko kaya't di ko sya iniwan. Dumating ang isang gabi na biglang bumaba ang BP ng lolo ko. Sobrang hagulgol ng pag iyak ang nasaksihan ko sa Nanay ko salamat sa Diyos at naging normal din si lolo. Nagpasya sila na dalhin sa Manila ang lolo ko upang mas bumilis ang pagrecover dahil dun gumaan ang ang pakiramdam namin at lumakas ang paniniwala na gagaling sya ngunit pagpatak ng alas dose ng madaling araw nakareceive kami ng text na pumanaw na ang aking lolo habang sila ay nasa byahe. Lahat kami ay nagsiiyakan ngunit ang pinaka nasaktan sa lahat ay ang aking Nanay. Magmula noon ay nagbago sya. Lagi na syang nasa sulok at nagmumuni.

    Lumipas ang ilang taon ako'y nakagraduate na sa Kolehiyo ngunit sa mga taon na iyon nakita ko rin ang unti unting pagbabago sa Nanay ko. Pumayat sya dala na rin ng matinding pagkalungkot. Nagkaroon din sya ng alzheimer dahilan kaya't nakakalimutan na nya ang mga pangalan namin ngunit kapag binabanggit ang pangalan ko napapangiti pa rin sya. Sabi nga ng tita ko, "di ka makakalimutan ni Nanay kaw kaya ang favourite apo".

    Ako'y nagkatrabaho at naging busy ngunit di ko pa rin nakakalimutan tuwing sumasahod ako na ilibre si Nanay gaya ng ginagawa nya sa akin noon. Isang gabi pagkauwi ko galing trabaho nakarinig ako ng pagaalala galing sa mama ko. Nawawala daw si Nanay. Agad namin tinawagn lahat ng pwede nyang puntahan ngunit bigo kami. Itinawag na rin namin sa Kapulisan ang tungkol dito. Sobra kaming nagalala dahil di namin alam kung nasaan sya, kung kumain na ba sya? Kung basa ba sya dala ng masamang panahon? Hanggang sa kinaumagahan nakatanggap kami ng tawag mula sa mga pulis na nahanap daw ang aking Nanay. Kinupkop sya ng DSWD at pinakain. Dinala daw sya doon ng isang tricycle driver. Basang basa dahil sa ulan at nanginginig. Punong puno rin sya ng bukol at pasa dahil sa pagkakatumba. Mula noon humigpit kami at di na namin sya hinahayaan na lumabas pa ng bahay.

    Lumipas ang apat na taon napapansin ko na sumobra ang pagkapayat ni Nanay. Hindi na nya alam kung paano gamitin ang mga kubyertos dahil sa pagkalimot at kahit maligo kaya't sinusubuan namin sya at pinapaliguan. Isang gabi di ko alam kung ano ang nasa isip ko at bigla na lang ako naglambing sa Nanay ko.. Niyakap ko sya ng mahigpit at tinabihan kahit na tinataboy nya ako dahil hindi na nya ako kilala.

    Kinabukas nun ay nagmadali ako dahil malalate na ako sa trabaho. Pagkauwi ko walang tao sa bahay pati si Nanay wala. Nakareceive ako ng text sa kapatid ko na dinala daw sa hospital si nanay dahil ayaw nyang kumain at lahat ng pinapakain sakanya ay isinusuka nya. Dali dali akong pumunta sa hospital at binisita sya. May nakapasok na tube sa ilong nya upang doon sya makakain. Naka catheter na rin sya dahil di na nya kaya tumayo at maglakad. Lumipas ang isang linggo nang pinayuhan kami ng doctor na pwede na syang iuwi ngunit nakakabit pa rin sa kanya ang tube sa ilong. Di ko sya magawang bantayan palagi dahil na rin sa pagkabusy ko sa trabaho.

    Matapos ang isang linggo simula ng iuwi sya ay di na sya masyadong malikot at lagi na lang tulog kaya't bigla kaming nag alala. Itong nakalipas na dalawang linggo lang bago ako pumasok sa trabaho, hinalikan ko sa noo ang Nanay ko at sinabing magpagaling agad para lumakas sya. Pagkauwi ko ay bigla ako kinausap ng tita ko at sinabing ibinalik sya sa hospital dahil nanghihina ulit sya. Gusto ko syang bisitahin agad ngunit dala na rin ng pagod sa trabaho at sa pag overtime at di ko na nagawa.

    Kinabukasan ay pumasok ako sa trabaho at may mga bago kaming gagawin kaya't nagmeeting kami. Nakalimutan ko ang cellphone ko na dalhin sa pagmemeetingan namin. Pagkatapos ng meeting ay bigla ko na lang kinuha ang cellphone ko na puno ng miss call at text ng kapatid ko 5 minutes ago pa pinapapunta ako sa hospital upang makausap si Nanay habang sya'y humihinga pa. Ngunit ng magpapaalam na ako sa boss ko para pumunta ng hospital bigla tumawag ang kapatid ko at humahagulhol habang sinasabing wala na si Nanay. Di na ako nag aksaya pa, dali dali na akong pumunta sa hospital. Nakarating ako at pumasok sa kwarto lahat sila nagsisi iyakan agad kong pinagmasdan ang Nanay ko na di na humihinga at malamig na. Hinalikan ko sya sa noo at nasabing "bakit di nyo ako hinintay Nanay". Nung mga oras na iyon, nag flashback sa akin ang mga nagawa ng Nanay ko sa akin. Lumaki ako na naging desenteng tao dahil sa kanya at kinumpara ko iyon sa mga nagawa ko at walang wala ito kumpara sa mga nagawa nya sa akin. Sobra akong nagsisisi na di ko naibigay sa kanya ang mga naibigay nya sa akin noon. Nakulangan ako sa mga bagay na nagawa ko para sa kanya. Di ko sya naalagaan gaya ng pag aruga nya para sa akin sa tuwing ako ang may sakit.

    Sobrang pinagsisisihan ko lahat ng mga oras na sinayang ko habang kasama ko pa si Nanay ngunit kahit ano pa ang gawin ko di ko na magagawa iyon. Sobra akong nagpapasalamat sa kanya sa lahat ng ginawa nyang sakripisyo para sa akin. Kaya habang nariyan pa ang mga mahal natin sa buhay ipadama natin sakanila ito dahil di natin alam kung hanggang kailan natin sila makakasama.

    pasensya na sobrang haba. first time ko lang gawin to kahit papano nailabas ko ito..

    -- edited by reiko08 on May 02 2016, 05:37 PM

    -- edited by reiko08 on May 02 2016, 06:13 PM
  • Post deleted #11654993
  • Nakakalungkot naman. But don't blame yourself at wag din mag self pity kasi alam mo naman na hindi rin gugustuhin ng nanay mo na maging miserable ka.

    Isipin mo nalang na she's no longer in pain at kasama na nya ang lolo mo.
  • ^un nga rin inisip ko ehh at least magkasama na ulit sila.. pero syempre di pa rin maaalis ung mga what if's..
  • I understand, that's how I felt too when my mother passed away. It took awhile before I forgave my self. Minsan, sumasagi padin sa isip ko na I could've done better.

    It will get better in time. Condolence.
  • Look at the brighter side you still make your nanay proud of you kasi napalaki ka nyang ganyan ngayon. Hindi maiiwasan yang mga what if's na mga tanong but I guess acceptance will help you a lot. Condolence.
  • Kaya habang nariyan pa ang mga mahal natin sa buhay ipadama natin sakanila ito dahil di natin alam kung hanggang kailan natin sila makakasama.


    this... :(
  • parang ganyan din yung bunso namin kasi sa bulacan na sya tumira nung nag asawa na sya dahil taga dun yung asawa nya...kaya nung nagkasakit si nanay namin eh halos kami ng kuya ko ang kasama at nagaalaga kay nanay. ayun sobrang naguilty sya at di nya naalagaan masyado si nanay nung lumalaban sya sa cancer. sabi namin huwag sya magalit sa sarili nya kasi naiintindihan naman sya ni nanay at pag may time naman sya dumadalaw dalaw sya every week pag restday nya.

    nakakalungot talaga pag ganyan...Condolence na lang boss sa'yo
  • Padaan! **waives!! :)
  • Ayan. Nagsign na ng waiver si Arrakh. Ilabas na BPI account niyan.
  • Tsk, bat may naghihiwa ng sibuyas sa opis, sakit tuloy sa mata, tsk.
  • share lang ng kwento

    eksena sa cubao (kani-kanina lang)...

    habang ako ay nag aabang ng taxi at nakasukbit ang akin gitara sa akin likuran naisipan ko muna bumili ng mani...nang biglang may lumapit sa aking ale...

    ale: boss kuha ka ng babae kunin mo na yun...(sabay turo dun sa babaeng medyo maputi at may itsura naman...aba ibang mani ang inaalok ni ate haha)

    ako: (tuloy lang sa pagbili ng mani mas gusto yung mani ni kuya mainit init pa eh hahaha)

    ale: boss kuha ka na babae maganda alaga ko

    ako: (medyo naiirita na ako) ate muka ba akong desperadong maghanap ng babae? (sabay ngiti hehe)

    ale: bigay ko na sayo ng mura...kunin mo na

    ako: ayoko nga bading ako hehe (syempre joke lang yun...baka maniwala naman kayong bading ako)

    mula highschool ata ako ganito na kalakaran sa cubao...nakakatawa lang isa sa mga tumaakbo sa pagkapresidente natin ay taga dito. pero wala sya nagawa sa lugar nya mismo and to thinks na naging DILG sec pa sya haha...tapos gusto nya ayusin buong bansa pwe