Forum Topic

Share Your Story (Keep it clean or else)

  • @redwarriors

    hiram ka ng copy sa company since valid pa din yang last clearance mo pwede mo ixerox.

    pag ayaw nila ipahiram eh kukuha ka talaga ng panibago..
  • meow
  • @barzz

    Ok na. salamat po mdmi
  • deleted

    -- edited by bpc_dnd on Jan 15 2017, 08:44 AM
  • Nag-aya ang mga siblings ko kagabi na manood ng "Beauty and the Beast" sa cine. I didn't hesitate to say "YES! Sama ako!" since the movie was getting a lot of rave reviews.

    After watching the movie, I have to say that it was a great movie! It was awesome to say the least. New yet familiar at the same time. While I don't appreciate the many gay moments in the movie, I must admit that it added a rather interesting spin to Lefou's character and his motives for sticking it out with Gaston for so long..

    It was a welcome respite from the stress of everyday life. To be able to suspend disbelief for two hours and just enjoy a fairy tale like that is rare for me.

    Wala lang, just felt like sharing this story. What movies have you watched lately?
  • Walang time manuod plus walang kasama manuod
  • ay naku cutie, sa pagkakaalam ko maraming gustong sumama sayo manuod ng sine, hanggang sa pagkain ng kikiam, hehe.

    edit:

    at saka ice cream pala..

    -- edited by listik on Mar 23 2017, 11:29 AM
  • Sus hanggang post lang sila...as if tototohanin yun. Maniwala ka sa akin, keme-keme lang sila
  • ^hmmmmmm
  • Post deleted #11925934
  • I'm not sure kung pwede ko ipost to dito, wala na kasi yung thread ng "Reklamo mo for today".

    Just want to share, nagkayayaan ang team namin na mag outing. Since may fund kami from the company, gow lang. Pero, ang pinili nilang resort eh yung mahal at bawal magdala ng food. Meaning, gagastos kami ng roughly P500 per meal. Yun kasi ang nanalo sa survey dahil maganda daw ang resort.

    Na-plot na ang budget and all. They asked me kung magdadala ako ng sasakyan, sabi ko "Oo". Ilan daw pwede isakay, sabi ko dalawa lang kasi ayoko ng loaded dahil paakyat pa ng bundok ang resort. Eighteen pax kami, nag rent sila ng hiace na pwede magsakay ng 14 katao. So the remaining 4, sakin sasakay.

    Nung nag email na ng breakdown, hindi pala enough ang team budget namin so we have to shell out P1,500 per person. Nagulat sila dahil bakit ang mahal eh nasa P3k per head na nga ang budget namin from the company. Natural! Yung mamahaling resort ang binoto nila eh.

    Heto na, dahil plus P1,500 per head pa ang babayaran namin, hindi sinama ng organizer ang gas expense para sa sasakyan ko. Kung pwede daw sagutin ko na yun. So ako, kinausap ko nalang yung mga nagsabi sakin beforehand na sakin daw sila sasabay. I told them na share share kami sa full tank ng P500 each. Aba! Ayaw na nila gumastos pala at pag iisipan muna daw nila. Sabi ko, "sige mag bus kayo, P600 balikan pero problema nyo pa paakyat ng bundok."

    Kinausap ko si organizer na hindi ko kaya magshoulder ng P2k sa gas. Men! 137km away yung pupuntahan namin. Traffic pa sa SLEX so mas malakas sa gas. Ang sakin lang, comfort always comes with price. Yung mga sasakay sa hiace, libre pamasahe, samantalang sakin, ako sasagot sa gas? Di ko matanggap! Ang lakas ng loob piliin yung high end resort pero di pala kaya ng bulsa. At dun sa mga makikisabay, akala pala nila libre! Pew!
  • ^yung organizer jan ang sablay..

    yung mga sasabay lang sayo eh nabiktima lang.

    maaaring wala sila talaga nakalaan na ganun kalaking budget para sa outing kundi para din sa pamilya nila yung supposed to be pang gas sayo so hindi sila basta makapagbitaw.. maigi pa nyan dapat yung pag may bigla new plan sa outing dapat nagmeeting ulet at nagcompromise ang bawat isa..

    mahirap yung may mga change of plans tapos hindi napag usapan..

    sa mga ganyang bagay hindi pupwede yung may mga biglaang plano na wala sa usapan.. dapat as ONE pa din sa lahat,


    +++++++++++++++++++++

    ako naman ganto nangyari nung DEC lang to last year..

    yearly meron kaming Christmas Party sa Calamba, Laguna.

    Ako yung organizer, so ako yung nag aasikaso sa lahat including foods, resort, games and activities and everything..

    pero last year sa kadahilanang madami akong load sa work, i decided to step down ng konti at sila pina asikaso ko pero I suggested na kung saan kaming place, anung mga activities anung mga foods ganun pa din para wala ng problema..

    SO eto nga okay naman ang usapan, same place, same time, same activities..

    tapos isa sa kasamahan ko na medyo bago bago sa grupo nag presinta na sya na daw bahala sa foods, nagpresinta na masarap daw magluto ang tita nya.. eh etong kasamahan kong ito eh madaming raket to araw araw tipong nagtitinda ng umagahan saka mga kape sa office..

    medyo nag alangan ako (inisip ko yung business minded)
    so sa maayos na paraan sinabi ko sa lahat na wag na kasi unang una..

    wala naman kami prob last year sa pagkain dahil masarap, ON TIME, at madami pang bonus na food. napaka Worth it yung price na pinagkukuhanan namin ng food.. dinadaanan lang namin sa may Calamba din yung karenderya na nilulutuan..

    tapos ayun nagpumilit pa din yung tropa ko na supervisor nung nagpresenta na dun na daw kami sa tropa para daw makamura..

    eh di sabi ko sige yan ang sabi nyo eh, ang point ko lang eh mas maayos nga yung wala na ngang aabalahin sa atin masyado tipong after work diretso lang agad ng resort tapos party party na .. iwas abala pa..

    eto na nga dumating na yung event..

    FRIDAY, so nag undertime yung nagpaluto imbis na 430pm uwian eh 2pm pa lng umuwe na.
    tapos nagsama pa ng isang kadamay para katulong paghahakot..

    ako naman eh 12pm din umalis kasi nga kukuha pa ako ng lechon saka nung araw na yun eh nakaleave ako dahil na din sa Force leave na kailangan ko iconsume tapos kasma ko yung isa kong tropa na kadikit ko na nagresign na which is field service ang trabaho so wala syang time in at time out.


    sa madaling sabi eh 2-3pm pa lang nasa resort na kaming dalwa, at naligo na din habang nag hihintay sa tropa.

    nag intay kami ng 530pm to 6pm kasi galing pa sila company na 430pm ang out. wala pa din dumating so ito yung usual traffic naman ..

    nag datingan na lahat ng tropa mga 7pm halos lahat andun na..

    ang problema gutom na kami. 12 pa huling kain namin tapos yung lahat ng tropa gutom na din, wala pang pagkain..

    txt ako ng txt asan na yung mga kugkog na nagpaluto sabi nung tropa kong supervisor eh On the way na daw..

    so sa gutom ng tropa pumipilas pilas na dun sa dala kong lechon, kahit ako kumakain kain pan laman tyan din habang naghihintay

    sa madaling sabi 9pm dumating ang pagkain.. panalo.. natraffic daw saka hirap daw umahon kasi from San Pablo laguna nagdala pa sila tricycle..

    bwiset na bwiset ako dahil sa gutom.. wala silang narinig sa akin kundi ramdam nilang di ako kumain ng madami dahil na din sa nalipasan ng gutom..

    kaya ako ayokong ipapaubaya sa iba yung mga event na napaka halaga..

    once a year lang halos yang mga bonding na yan.. kayat make the best of it.,

    hindi issue dapat yang budget pero dapat napag uusapang mabuti saka dapat may nag survey na ng foods, places and other things before sasalang sa mga lugar na di pa naman familiar..

    sana mag enjoy kayo at matuloy jan hehe
  • @barzzz

    Yun nga rin naisip ko. Since kelangan namin magcontribute ng P1,500 each, baka wala na silang budget for transpo. Ang mangyayari kapag hindi ako nagdala ng sasakyan, magrerent kami ng isa pang van which is additional pa sa contribution. Ang ending, ako ang villain ng team. Pero mas ok na yun, at least lahat kami may fair share hindi tulad ng unang plan na ako lang gagastos sa gas. Dahil wala akong pera at hindi ako mayaman para akuin ang P2k.

    Share ko na din... sa experience ko, konting konti lang ang mga tao na may car etiquette. Meaning, yung pag makikisabay ka, wag ka pahatid door-to-door. Dun kana lang bumaba sa on the way pero malapit senyo, like edsa or any main roads. Ganon ginagawa ko kapag nakikisabay ako sa iba. Sa kaso ko kasi pag may nakikisabay sakin, sa bahay mismo nagpapahatid kaya nababadtrip ako. Libre na sila sa sakay, ginawa pa akong personal driver. Okay lang ihatid once, pero yung twing lalabas kami tapos papahatid sa bahay, sows! Sa Katipunan ako nakatira, mga nagpapahatid sakin taga San Juan, Guadalupe, Vito Cruz at Sampaloc. Sila yung mga walang sasakyan.

    Kapag may nakikisabay sakin pero meron silang sasakyan (coding kaya sumabay), nagpapahatid sila lagi sa edsa lang. Sila yung mga may etiquette.

    Kaya naisip ko sa outing namin, pag nagdala pa ako ng sasakyan, ihahatid ko pa sila sa mga bahay nila. Kasi kung di sila mag initiate na magpababa sa Edsa, alam na this!

    ---------------------------------------------------------------------------
    Dun naman sa experience mo, baka gusto lang nya pa good shot dahil nga bago sya sa team nyo. Si supervisor gusto lang din nya pagbigyan. Or, pwede rin yung inisip mo na business minded sya. Kaya lang, may sinama kamo sya na ka team nyo diba, so I doubt magagawa nya yun. Baka pampa good shot lang talaga kung bakit sya nagpresinta magluto.

    Pero tanong ko lang, may nagreklamo ba that day? Sabi mo kasi di ka nagreklamo. Pero yung iba anong sabi? For sure di lang ikaw ang nabadtrip. Dahil lahat kayo nagutom eh.
  • madaling sabi 9pm dumating ang pagkain
    Siya nagluto... hahaha



    Okay lang ihatid once, pero yung twing lalabas kami tapos papahatid sa bahay, sows! Sa Katipunan ako nakatira, mga nagpapahatid sakin taga San Juan, Guadalupe, Vito Cruz at Sampaloc.
    Sabihin sa susunod...di na ako pwedeng maghatid ha kasi naka uber na tong kotse ko...
  • @barrzz:

    imposibleng traffic and dahilan from san pablo laguna to calamba, since nakapagtravel na din ako dun kahit traffic, Normally wala pa 2hrs kapag traffic, Panigurado hindi nila inagahan kaya ganun.
  • @ride the wind

    ang totoong storya hindi sila makaandar ng maayos kasi naka trike sila.. madaming ulam na dala,.

    sablay talaga kasi kung ako yun .. before 3pm may pagkain na kaagad. isasakay ko pa sa SUV ko...

    okay lang naman na sa kanila ung pagkain , saka magpakitang gilas sya dahil bago lang pero yun gutumin kami ng wagas.. Very Wrong.

    ang hirap pa naman nung resort na nakuha namin sa may VILLA MERCED ata yun makalagpas ng pansol

    walang bilihan na malapit.. para maka raos sa gutom man lang.
  • ^they should've rented a jeep instead of tryk. daming jeep sa spc and yep mahirap talaga makabili ng pagkain dun,usually along sa may riles kami nabili ng pagkain hehehe >:)
  • at eto na naman.. may outing sa SABADO hahaha

    anu kaya mangyayare hahaha
  • kelan ka ba darating? tagal mo naman.... 3 years na kame naghihintay......
  • Meron ba kayong alam na legit at murang magpa DNA paternity test?
  • sa may QC. malapit sa dating TPC headquarters. may paternity test dun parang 12k ang singil. legit naman.
  • Exact place or Business name paps, nang mabisita nga.
  • DNA soulutions

    64 Sct. Gandia St, Diliman, Quezon City, 1103 Metro Manila
    dnatestph.com
  • sobrang sakit ng ngipin ko.... ^&*(^&@!#*!@#^&*(~!!!!!!
  • @HOLY

    ipabunot mo sir. or lagyan mo ng yelo para mangimay muna at mawalan ng konti sakit.
  • Ako naman ingit na inggit yung ex ko sa akin kasi meron na akong bago pero sya hindi pinakasalan ng kalaguyo nya. Kaya wala syang magawa kungdi manggulo at tinotolerate naman ng mga "makadiyos" niyang nakapaligid.
  • since 2006 pa account ko sa tpc.. well, to my horror hindi ko na mabuksan yun reyk13 na account ko :(
    dami na pala nag bago sa tpc.. pero some peeps i know here ay andito pa at active pa sa threads.. nakalimutan na siguro nila ako hehehe.. anyways, its nice to be back
  • @rreyk13

    Di ko malilimutan yung story mo, cool sa una kaso tragic sa ending!
  • si juanita ay part-time labandera at yaya sa forbes gillage na nagkataong tumama ng 10M sa lotto, una nya naisipan gusto nya bumili ng gadgets so nagshopping sya megamall cyberzone, nakita nya yung mga naggagandahang screen ng pc so pumasok sya at gusto nya bumili isa sa mga yun, nakabili naman sya.

    paguwi nya ng bahay, binuksan nya yung box para iinstall at magamit, nung isaksak nya sa kuryente, may umilaw pero wala lumalabas na picture, so sabi nya sira, tinawagan asianic para sabihin na sira yung screen, so pinuntahan nya sabi ng technician, di pa nakakabit yung cpu so tinuruan sya kung pano ikabit yung cpu at gumana naman, nagbigay ng malaking tip, mayaman kase. pagka-alis ng technician, binuksan nya computer ok naman na pero hinanap nya remote pero hindi nya mahanap, so tumawag sya sa asianic ulet, para itanong kung saan yung remote, sabi ng asianic, mouse lang tsaka keyboard kasama, tapos dinescribe kung ano yung itsura ng keyboard at mouse at nakita naman nya, tapos nung sinubukan nya galawin yung mouse may nakita syang gumalaw sa screen, natuwa sya, tapos pinag-laruan nya ng ilang minuto, napagod sya pero nakabisado na nya yung mouse, magpapahinga na sya at gusto nya ma-entertain, hinahanap nya kung nasaan tv tuner, pero wala sya nakita, sabi nya sira talaga, kase hindi sya makapanood ng encantadia, duon na sya nagalit ng todo-todo kase hindi sya makapanood man lang ng tv, inireport na nya sa pulis kase marami sira sa computer nya at di man lang sya makapanood ng tv.
  • ^ True story ba?