Forum Topic

Share Your Story (Keep it clean or else)

  • Ang comp harware ay di lang sa pag upgrade at pagbuo ng PC ito ay super boring na pag design using logic gates at iba pang digital circuits as efficient as possible.
    Palag ako dito...di boring mag design ng mga circuits gamit ang logic gates... in fact dito ako nag excel...basta pag aralan lang niya functions ng bawat IC at components like diodes, resistors, capacitors, transistors, kasi yun din naman talaga nag buo ng gates. Pinaka importante for me na mga IC ay 7400 series at LM555... pero malamang Arduino na o kaya Raspberry pi na ipagamit sa kanila sa projects nila. Pero suggestion ko sa kanya eh Tapusin muna niya ang Civil at pag aralan maigi... ubusin niya ang lakas niya dito kasi kahit san siya mapunta ay nasa strength of character magkakatalo kung magiging magaling ba siya o hindi. Pagkatapos niya mag civil eh aral ulit ng computer engineering.

    Sabi nga nila...ang umaayaw ay di nagwawagi.
  • @TS
    1.)Yung pinapangaral sa amin dati ng intructor namin sa "advanced math" ay kaya raw di ma-solve yung problem kasi di raw maintindihan yung problem kasi mahina raw sa ingles. Oo nga naman paano mo ma-solve yung problem kung di mo naman alam yung problem.

    2.)Review your work din. Nangyari na sa akin yung isang problem equation inabot ako ng 2 pages (front&back) sa haba ng mga solution equations ko. Yung teacher naman namin ay matyaga talaga at sinundan yung solution ko at ipinakita nya na may nakalimutan akong isang term. Yan ang magaling na teacher na i-analyze nya talaga yung mga gawa ng kanyang mga estudyante.

    Kung nahihirapan ka talaga ay magpatutor ka.
  • [quote]engineering din naman po yung CPE though yung family ko at yung relatives namin e ineexpect ako maging civil eng. e alam ko sa sarili ko na wala talaga akong drive or will na ituloy to kasi napilitan lang talaga ako kuhain to.
    [/quote]

    Parehas tayo paps, 2012 - 2014 ECE ako, pero di ko talaga gusto, alam mo ba nung nag enroll ako, wala akong idea kung anong major kukunin ko nun, kaya sabi ko yan nalang.. Pinapa aral ako ng tatay ko
    4 out 6 bagsak ba? Tanongin mo ako hahah 1st yr 1st sem palang may bagsak na tapos sunod sunod na

    Nag summer din ako , sinummer ko bagsak parehas! Ayun stop ako, tapos pina lipat ako ng school at shift. IE na, pero di ko talaga hilig, wala ko idea, parang napipilitan lang ako... Kaya ngayon hindi na ako pinapaaral ng tatay ko, working student na ako haha, nagustuhan ko itong business ad. na course ko ngayon. Basta nung tinake ko to , mas lalo naging interesado yung buhay ko, masarap makinig sa mga tinuturo nila sakin.

    Tatay ko engineer, nagalit sakin, nganga na ako ngayon haha, pero tuloy tuloy padin ako. Kung saan ka masaya , dun ka ^_^ para sakin lang ah!
  • nagustuhan ko itong business ad. na course ko ngayon. Basta nung tinake ko to , mas lalo naging interesado yung buhay ko, masarap makinig sa mga tinuturo nila sakin.


    of course...simple lang math dyan tas madami pa interesting girls hahaha... kung pwede ibalik ang panahon eh nag accounting at finance na lang ako at pinerfect ko yung grado ko lahat dyan kasi in the real world mas malaki chance ng businessman to succeed.
  • ^ binasa ko po lahat ng replies niyo. Maraming salamat po at nalinawan ako :)

    Ibig sabihin ko po pala sa 4th year(ish) is in between 4th year and 5th year na ako. Tapos na po ako sa mga minors tulad ng mga general math. Bale more on structural subjects and applications na mismo ako ng civil. Hirap na hirap na kasi ako dito pero siguro kaya naman tapusin. SIguro tapusin ko nalang muna then pursue ko na yung computer engineering. :)

    Maraming salamat po sa pagsagot at pagshare ng experiences!

    Nalinawan na po ako. hehe
  • ^
    Tapusin mo na yang course mo and then kuha ka ng work na related sa Com Eng. From there mag self study ka na lang ng mga language kung programming ang gusto mo or networking kung related sa IT infra.
  • Yung batch namin sobra kulit yung teacher namin nagstop na siya mag smoke dahil pinaliwanag nya na naapektuhan na raw yung kalusugan niya pero dahil sa amin nag smoke sya uli. nyahaha. Sorry Sir.
  • Maraming salamat po sa pagsagot at pagshare ng experiences!

    Nalinawan na po ako. hehe
    Ilabas mo na super saiyan mo na perserverance dyan... di hamak na mas madali Civil kesa Comp E... kung di mo kakayanin yan... malamang di mo rin kakayanin CompE at in fairness kahit anong course di mo kakayanin pag quitter ka.
    Ano ba yung subjects na ibinagsak mo?
  • ^ binasa ko po lahat ng replies niyo. Maraming salamat po at nalinawan ako :)


    Dito ako nalinawagan sa Strenght of Materials. Kapag sinabing rigid body ay rigid talaga ito meaning isang piraso ito na buo at matigas, Kasi madalas di sasabihin kung saan ka kukuha ng mga points to calculate yung mga stresses. Yung calculations mo ay sa mga points na ibase mo sa mga maapektuhan ng mga forces dahil isang piraso ito na buo. Meaning kapag may force/stress acting on a member may counterforce iyan na reaction sa ibang point dahil rigid body nga.

    Kahit gaano ka complicated ng structure analyze the rigid body first.

    No pun intended ha(baka iba na naman yung isipin ng iba)

    -- edited by DjDom2 on Apr 05 2018, 04:21 PM
  • makinig ka kay emcel.. sya pinakamatanda dito sa forum..haha
  • @emcel - bunch of general subjects sa civil (No pre-requisites) 4 out of 6 pala ang nabagsak ko. dalawang major subjects ang napasa ko. Bale yung hydraulics and hydrology ang naipasa ko. The rest na structural ay bagsak pero partial points lang naman ang difference po para pumasa kaso mahigpit sa dept. namin ngayon dahil kumukuha kami ng accreditations kaya di basta basta nagpapasa yung ibang prof.

    @DjDom2 - yep pundasyon talaga ng bawat ce students yung strength and lalo na statics. madami akong kakilala na 5th year na pero di pa din marunong kumuha ng reaction ng supports. Shame lang sakin since alam ko naman at nagaaral ako ng maigi pero di talaga kinaya.
  • Kahit gaano ka complicated ng structure analyze the rigid body[bodies] first.

    -- edited by DjDom2 on Apr 05 2018, 04:26 PM
  • No offence mga paps.. observation lang and my opinion lang po..
    tanong ko lang din sa mga people dito, applicable po ba mag second course na choice mo even after college graduation?

    natanong ko din sa sarili ko yan at sa observation ko sa mga nakatapos..
    bihira po yata yung mga leisure na makapag second degree na gusto mo unless may extra pera ka or nakapag ipon ka na ng sobra sobra..

    kasi kung ma analyze nio, after grad kelangan mo mag work at bumawi sa mga gasto mo sa kolehiyo... ilang taon din bubunuin mo para makapagpundar ng career kung newly graduate ka..

    kaya parang Malabo po yata yung second degree na choice mo unless talagang gusto mong ma attain yun at pursigido ka... ang analysis ko lang po, marami din po ang hirap sa buhya para makapag aral at makapagtapos.. kung makatapos ka, pantawid na yun sa hirap.. kung mag aral ka ulet para kunin yung course na gusto mo medyo late na, may pamilya at anak ka na nun malamang kaya maiiba yung priority mo..

    puwede po siguro kung mag masteral ka na in line sa course na gusto mo.. baka puwede siguro..

    my jis sentimos lang po.. peace

    -- edited by dcbato on Apr 05 2018, 04:35 PM
  • makinig ka kay emcel.. sya pinakamatanda dito sa forum..haha
    Amp ikaw na naan yan trollanes no hahaha


    No offence mga paps.. observation lang and my opinion lang po..
    tanong ko lang din sa mga people dito, applicable po ba mag second course na choice mo even after college graduation?


    Madami ako kabatch nag second course...yung isa naging Seaman pa which is malayo sa Engineering. 2nd engineering course for him will be 2 years away only lalo't mag singit siya ng 1-2 pre-requisites ng major subjects ng Comp-e during summer at regular sem habang tinatapos ang Civil. Pagkatapos niya ng Civil eh Major Subject na lang din kulang niya.
  • @dcbato
    May classmate akong ganyan tapos na siya ng Electronics eng tapos kukunin nya raw yung Computer at pagkatapos at Civil naman. Wala lang gusto nya lang yung tunog na marami siyang achievement. Magaling naman siya sa math eh. May kaya naman sila at wala namang pressure sa pamilya. Hinihikayat nya rin kami na ganun din yung gawin namin. Masaya rin kasi kapag yung mga barkadamo ay classmates mo rin.
  • @DjDom2 - yep pundasyon talaga ng bawat ce students yung strength and lalo na statics. madami akong kakilala na 5th year na pero di pa din marunong kumuha ng reaction ng supports. Shame lang sakin since alam ko naman at nagaaral ako ng maigi pero di talaga kinaya.


    Hindi ba engineering mechanics ang unang pundasyon? Unang eng'g subj na kailngan pag natapos yung general physics na subject. Kasi strength of materials ang prerequisite nya is yung mechanics. Regarding rigid body, mechanics ang nagtuturo dun. Yung strength of materials dun kailangan iconsider yung mga deformation etc etc.
  • Actually math ang unang pundasyon... kaya sa mga 1st and 2nd years madami math. Sa U.S. kelangan mag B.S. Math ka muna bago mag engineering if my memory serves me right.
  • Ang secret ko lang sa mga ganyang problem solving sa math ay naghahanap ako ng ibang libro(kahit sa internet) na may similar excercises pero naiba ng konti, mas maganda mas mahirap at sinusundan ko yung solution at inintindi ko kung bakit ganun yung solution.
  • Mag focus ka muna sa foundation, dun mag sisimula ang lahat. Parang halintulad sa bahay na itinayo sa taas ng buhangin at sa taas ng semento, if napakaganda ng pundasyon mo anu mang pagsubok na maaring yumanig sa iyo ay di ka papatinag.

    :)
  • tama sila paps haha, wag mo ako gayahin haha...

    Hangga't may nagpapa aral sayo, take mo yan paps!
  • Kung di mo na talaga kaya at alam mo sa sarili mo ung kapasidad mo wag mo na ipilit lalo na kung hindi ka naman masaya sa ginagawa mo.

    May option ka naman eh. hindi ka naman katulong na pinapag-aral ng amo, ung iba ngang katulong nakakapili pa ng course eh. Kausapin mo ate mo at sabihin mo ung gusto mo, pwede yan pag usapan. ngayon kung ung budget ng ate mo eh sobra sa gusto mo ikaw na mag shoulder nun. Nasa pag uusap naman yan eh, kapatid ka niya, hindi ka niya katulong. Basta ipangako mo sa kanya na ung kukunin mong kurso eh matatapos mo at susuklian mo din ung kabutihan ng ate mo. Minsan kasi ung ibang kapatid pag umangat na nakakalimot na sa pamilya.

    Anyways, payo lang naman yan. ikaw pa rin makakasagot sa lahat ng problema mo. Maaaring mali ako or tama at some point pero buhay mo yan kaibigan. Wag ka matakot, lahat ng takot hindi yan aasenso sa buhay.
  • turning 29 this year... may mga nagtutulak na dapat mag baby na ko.. Lalaki me.
    Emotionally not ready. May ipon naman ako, stable job at alam ko kaya suportahan financially.
    Di palang talaga handa..

    any thoughts? kung ok lang mga 35 ako mambuntis
  • turning 29 this year... may mga nagtutulak na dapat mag baby na ko.. Lalaki me.
    Emotionally not ready. May ipon naman ako, stable job at alam ko kaya suportahan financially.
    Di palang talaga handa..

    any thoughts? kung ok lang mga 35 ako mambuntis



    Same age at scenario tayo brother, GF ko atat na atat ng magbuntis at kasal
    Me ipon at financially ready narin naman ako, Emotionally lang hindi kaya medyo nagiisip isip pa
  • Same age at scenario tayo brother, GF ko atat na atat ng magbuntis at kasal
    Me ipon at financially ready narin naman ako, Emotionally lang hindi kaya medyo nagiisip isip pa


    Lol. gf ko din nag aaya na. handa na raw siya.
    Nakakatawa pa yung housemate namin [nagrerent kami] na babae, ikakasal na sa bf niya. Kaya nagtatanong. kelan tayo...
    wtf
  • Turning 29 this year... may mga nagtutulak na dapat mag baby na ko.. Lalaki me.
    Emotionally not ready. May ipon naman ako, stable job at alam ko kaya suportahan financially.
    Di palang talaga handa..

    any thoughts? kung ok lang mga 35 ako mambuntis
    May bahay ka na? Yung Gf ba eh the one na? Namasyal na ba kayo sa lahat ng gusto nyong puntahan? Rule lang naman dyan eh pag nagdadalawang isip ka eh don't pero masama kasi sa babae magbuntis ng late age na. Tsaka pwede naman buntisin kahit hindi kasal. The thing with most filipina women is they think they own you pag nakasal na kayo.

    On the other side of the fence...madaming babaeng nagpakasal sa iba dahil yung bf nila eh hindi handa kaya nung may nagyaya eh pumatol na...which is good or bad for you or both depending on how much you love the girl.

    -- edited by emcel on May 05 2018, 10:09 AM
  • korek ka dyan @emcel.
    Well my girlfriend is 3 years older than me nasa 33 na sya at medyo gusto ng mag anak kagad kaya gusto rin ng kasal. 2 years palang kami kaya medyo nakikiramdam ramdam lang muna. Hehe sarap buhay binata as in
  • Di man magandang advice to pero for practicality dapat buntisin nyo kung the "one" na yan. Maging handa lang kayo sa pagod ng may baby at post partum depression ng GF nyo. Usually after magkaanak madaming naghihiwalay.
  • @emcel

    Salamat sa advice, hehe grabe pa naman madalas toyo ng gf ko kapag nasa mood
    lakas mambwisit e
  • ganyan mga babae..... kasi pag kasal na kayo wala ka na kawala... ikaw, papayag ka dun?

    kung hindi pa, wag mo pilitin sarili mo ikaw rin magsisisi ka.
  • Wag na mag-asawa o mag-anak hanggat hindi napigisipan ng 100 beses kung handa na ba talaga seryosong responsibilidad at sakripisyo sa oras, pera at iba pang bagay.

    Kawawa lang mga anak, ikaw, asawa mo at ibang tao malapit sa inyo.



    Speaking from experience.(take it with a grain of salt)