Forum Topic

Share Your Story (Keep it clean or else)

  • Share ko lang yung story ko sa tropa kong kasosyo na nalulong sa sugal and hingi nalang din ng advice on what to do.

    Meron akong tropa and I consider him as my best friend. April 2020 nung nagsimula siya magbenta ng mga anime figures, small time lang (5k starting). In few months lang lumago at umabot ng 20 to 50k ang profit niya weekly. That time may utang siya sakin na around 60k but I insisted na gamitin nalang niya muna for his business kasi alam ko na uutangin niya din yun pagkabayad niya sakin. Sa lakas ng kitaan niya, dun din siya nagsimula tumalpak sa online sabong. Malaki pa din siya kumita pero malaki din siya magsugal. Umabot na sa 100k yung natatalo sakanya. Sabi niya titigil na siya at magfocus sa business. Time goes by at umabot na sa 100k yung utang niya sakin. So he decided na gawin nalang akong investor na may 20% of his profits since di niya ako kaya bayaran. Okay pa yung profit since nakakabili pa siya ng mamahaling figures pero tuloy pa din siya yung sugal. Yung tubo niya sa mga paninda niya napupunta lang din sa talpak. Ganun hanggang this year 2021. Tas nagboom yung crypto at na engganyo siya ng kaibigan niya na mag futures trading kahit wala siyang alam dun. Nabuyo siguro ng kaibigan na malakas magtrade ayun nagpasok agad ng 150k then as expected, naubos. Tapos inaya niya ako na umutang ng pamuhunan for crypto mining, bumili kami ng laptop for mining pero bago pa magsimula, sinabi niya sakin na magtrading nalang kami at ibenta yung laptop. Umoo nalang ako at nagtry magtrading, ako din na wala pang alam non sa trading napasubo nalang. Ako naghahandle sa trading pero halos naubos din dahil nangangapa pa ako. Tas dumating din yung mga time na nalulugi na yung store kasi walang bumibili ng mga item or binabarat hanggang sa naging presyong palugi. Umaabot din aksi yung weekly invoice from supplier from 100k to 200k. sa nilalabas niyang pera siguro nasa 30 to 50% lang yung nababawi niya while the rest nasa shop lang since binabarat. Nabaon siya lalo dahil umuutang siya sa mga loan shark. 20% interest in 2 months. So para makabayad siya nagbabakasakali siya sa sabong na lumago yung pera niya pero as expected, hindi. Lumobo sa 300 to 500k utang niya tas nalaman ng magulang niya yung about sa 200k at binayaran yun. Pinatigil na siya sa pagtitinda at ubos na din yung mga item ng shop niya. Ngayon di ko na alam kung paano niya kami mababayaran. Saakin naman okay lang kahit matagalan kaso kasi pinangutang ko siya sa isang close friend ko na di niya rin mabayaran. Maski ako short din at di maabonohan yung utang niya sa tropa ko. I'm aware na capable yung family niya bayaran yung natitirang balance niya na 200 to 300k pero syempre ayaw niya na maging burden sakanila. At hanggang ngayon may nagsusugal pa din siya at nagbabakasakali. Di ko alam kung ano sasabihin ko sakanya para tigilan na niya.

    He's the type of guy na gusto agad yumaman but in the end mas napasama lang. Madiskarte din siya, kaso minsan talaga nagkakaproblema.
  • imho, iwas lang sa ganyang type na "business partner" na lulong sa sugal & lunod sa utang.
  • Some people need to reach rock bottom before they realize the error of their ways. Stay as friends but don't be an enabler.
  • Take out insurance on him for 1M with you as the beneficiary. Then just wait until someone does him in and cash in on the policy.

    Bawing bawi! Hehehe
  • ^ He's a good friend don't get me wrong but definitely not a good business partner.

    Stay as friends but don't be an enabler.


    I'm not enabling him. Lagi ko nga sinasabi na itigil niya na pero umoo siya tas after a day or 2 back to old habits. Di ko na alam kung ano sasabihin sakanya.
  • Post deleted #12392635
  • I'm not enabling him. Lagi ko nga sinasabi na itigil niya na pero umoo siya tas after a day or 2 back to old habits. Di ko na alam kung ano sasabihin sakanya.


    @pynyx000

    Seems like may psychological disorder na yang friend mo "Pathological Gambling". Since you see his faults, best course of action is to let his parents know all his debts and clear it out one by one, including yours... I've seen countless times friends and magjowa being FO just because of money... He might also need rehab for his gambling disorder para matigil na pag bagsak nyan... Kung matigas parin ulo, let him be pero best to ensure hindi ka kasama at yung tropa mong pinagkakautangan nya... Hope this helps.
  • up
  • up daw.
  • First time to test positive for Covid19.. Mild symptoms lang naman but it still feels surreal to see those 2 lines pop out sa test kit.. Advised by the doctor to quarantine at home.. Got called by my boss to retrieve my laptop so I can continue to work at home while under home quarantine.. Hehehehe..

    Adulting sucks..
  • ^get well soon bossing.
    dealing with corona, i would say i preferred what now is with the new normal much better. i'm just tired with the old grind.

    yes it is,,,, hehe
  • Get well soon lodi.

    Got called by my boss to retrieve my laptop so I can continue to work at home while under home quarantine.. Hehehehe..
    Pano yan lodi pinapunta ka pa sa office? Hindi ba parang unsafe yan hehe. dapat siguro pinadala nalang sa house nyo ang laptop.

    i would say i preferred what now is with the new normal much better. i'm just tired with the old grind.

    In terms of commuting, wfh ang laki ng naitulong.
    Kaluluwas ko lang last Monday to work on Makati, grabe kakawawa ang sumasakay ng MRT everyday. hayyy :'(
    andaming tao yun mga mukha ng mga di pa nakasakay, sobrang pagod na pagod na.
  • Pano yan lodi pinapunta ka pa sa office? Hindi ba parang unsafe yan hehe. dapat siguro pinadala nalang sa house nyo ang laptop.

    I booked a Lalamove rider to get my lappy from the office then drop it off sa bahay. Sure enough, it arrived safely and I was back working the moment it arrived.
  • Back in the office at last.. Was already negative since last Wednesday but was advised by the clinic to finish the week for good measure. =)

    I have to say that the Covid vaccines are really helpful in minimizing symptoms. Wala namang nahawa sa akin sa bahay lalo at nakapag-quarantine ako agad sa isang room. Nakakaburyong lang talaga sa room tapos di ka puede lumabas for a week.

    Hope that y'all are okay and keeping safe from Covid. Bumili na din kayo ng Antigen test kits since mura na lang naman. You'll spare yourself from the hassle of going out to get tested and worse - reported for being positive. Though I still hate having to stick a swab all the way inside my nostrils.. Urgh..
  • Buwan ng Wika po ngayong Agosto.. At gaya ng nakagawian ko ng mga nagdaang taon, narito na naman ako para maghandog ng mga akdang tula sa wikang Pilipino. Para sa mga kagaya kong may kurot ng inspirasyon ng makata, kayo po ay aking inaanyayahan na magpaskil ng inyong mga akda bilang alay sa ating Buwan ng Wika.

    Isang mapagpalang araw sa ating lahat!

    GIYERA SA KALSADA

    Maganda ang panahon.
    Matiwasay ang aking paglalakbay.
    Ang mga sasakyan ay parito at paroon.
    Di mo inaasahan ang kanilang pagsalakay..

    Malakas ang tunog ng silbato.
    Tumigil bigla ang mundo ko.
    Tila bumagal ang takbo ng mga segundo..
    Ako ba o yung kasabay ko?

    Sa isang iglap ay tanaw ko na siya
    Ang halimaw na nakakubli lang kanina.
    Tibok ng puso ko ay nakakabingi na.
    Gusto kong sanang kumaripas sa gitna.

    Unti-unti ang usad ng segundo..
    Lumalakas ang dagundong ng puso..
    Araw-araw na lang ba ganito sa mundo?
    Ako ang biktima at siya ang mangangaso..

    Hinga ng malalim.
    Magdasal ng taimtim.
    Ihanda ang sarili sa giyera.
    Ilabas na ang rehistro at lisensya..
  • Story: Toxic boss

    Recent event: Nagvisit boss ng boss ng boss ko from Malaysia. Sya yung SEA regional head ng service delivery dept. Main reason ay dahil madaming customers na nagrereklamo na deteriorating daw ang service quality namin.

    Context: Umalis boss ko for a better role and pay sa ibang company by end of 2021. Yung trabaho nya, pinaghatian namin 3 of the same level (manager). April 2022 na nag onboard ng kapalit ng boss namin, pero walang binawas sa workload namin. Naging mga utusan lang kami sa mga gusto nyang changes, which did not help the company improve much.

    Back to recent events: tinanong kami, what changed? Why are the customers complaining now, but the issues were there anyway even from way back? Sabi ko umalis kasi boss ko na maasikaso. Kahit trabaho ng ibang department, sya sumasalo para di tuluyan magalit mga customers. Sabi ko mali yun kaya nasanay yung iba na may ibang gumagawa ng trabaho nila. Ginawa ko for a few months pero bumitaw ako kasi wala magbabago. I will be the one ending up being burned out.

    Chismis from co-worker: nagsabi daw sa kanya yung malaysian boss na di daw nya gusto attitude ko towards work. walang kuwenta daw galing ko kung "he sets too much boundaries." Dagdag pa nya, "if this gets worse, better offer him a package and let him go."

    Rant: WTF?! Sya nagtanong, sinagot ko lang naman. At wala ako nakikitang mali sa sagot ko. Kung akala nya ay magbabago ako (feeling ko sadya sya naglabas ng ganyan na info para umabot sa akin), I will not change. Tanggapin ko package nya madami naman akong options having 2 master's degrees. Iniisip ko rin mag PhD in AI or data science sa UP.

    Lesson learned: sometimes it's better to keep your mouth shut. Kung slave driver boss mo di nya iintindihin lahat ng tamang ginawa mo. The moment di tugma pagiisip mo sa philosophy nila, ganyan kadali lang sila magdecide na alisin ka sa trabaho. Same goes sa mga HR programs and whatnot. Aabot mga feedback sa boss and in most cases they don't take it well. Seek na lang ng external help from friends or professionals who are at an arm's length from your company.

    -- edited by law_handyman on Aug 19 2022, 07:35 AM
  • Medyo naging busy ang lelong nyo kaya ito na malamang ang huling alay ko ngayong taon para sa Buwan ng Wika. =)

    PATUNGO SA BUKAS NA WALANG KASIGURUHAN

    Natatakot ako.
    Yan ang totoo.
    Wala na naman akong trabaho
    Paano ba naman ito?

    Mundo ay biglang nagbago.
    Nang dahil sa munting organismo
    na ang lahat ay di sinasanto.
    Si Juan, Si Pedro, at pati na si Pablo ay tinalo.

    Lahat ay binawalang lumabas.
    Ginamitan pa nila ng dahas.
    Kung kailan kailangan kumita,
    saka pa walang mahihita!

    Paano na ang bukas?
    Sa ayuda na lang ba kami kukuha ng lakas?
    Kaunting ipon ay di din sapat.
    Saglit lang na gastos ang katapat.

    Puro na lang masama ang balita..
    Mga nawalan ng trabaho at nabawasan ng kita.
    Marami na din ang pumanaw dahil sa sakit.
    Bumigay na lang din kaya kami sa kanilang pang-aakit?

    Kanino ba ako dudulog bukas?
    Anong drama kaya ang aking ipapamalas?
    May makakarinig ba sa kalam ng aking sikmura
    at sa kabog ng aking dibdib na dala ng kaba?

    Pipikit na lamang at magdadasal.
    Ama, may mali ba sa aking inasal?
    Ano pa ba ang kulang sa aking panalangin?
    Upang ang aking hinaing ay Iyong dinggin?

    Tungo sa bukas na walang kasiguruhan..
    Isusugal ang lahat pati kinabukasan.
    Bahala na basta sige lang.
    Lalakad ako sa dulo ng walang hanggan.