Forum Topic

Share Your Story (Keep it clean or else)

  • Di ko na sabihin edad baka may kakilala kami dito hehe. Pero bata pa kami, young adult siguro ganon.

    Add ko lang sa story, di ako proud, kabit lang ako. May asawa sya at anak. Lalake po ako. Lalakeng kabit. Di ako makabitaw.
  • Omg! Super complicated naman ng situation nyo.
    And i qoute "been there done that." Hahaha
  • Add ko lang sa story, di ako proud, kabit lang ako. May asawa sya at anak. Lalake po ako. Lalakeng kabit. Di ako makabitaw.


    Watch your back lang lods. Yung isang tropa ng kuya ko napatay dahil sa ganyang relasyon.
    Tapos yun tunay na asawa hindi nakulong nun napatay sya.

    Goodluck!
  • Scary. Ingat na lang talaga.
  • Scary. Ingat na lang talaga.


    I mean, nagtagal naman yun patagong relasyon nila.
    Maganda rin ang babae at sexy tapos tropa ng kuya ko average lang kung sa kwan eh pwede mong sabihin na swerte sya dahil pinatulan sya.

    Di naman maiiwasan yan mga ganyan setup, may tao kasi na hinahanap ang "thrill" sa buhay.
    Yun mga patagong banatan nila ng kabit nya kinukwento pa nya na mga muntik sila mahuli, pinagyayabang nya. May element of excitement nga naman haha.

    Be cautious lang dre @Dice
  • Masaya ako sa set up. Kaso parang may pakiramdam ako na ni way out na ko kasi mahal na mahal ako ni girl. Mahal ko din naman sya. After the cheating chat ko sa kanya, nagkasundo kami na iaayos namin. Aalis kami, kami na magsasama kasama anak nya. Gusto ko un. Kaso nagbago ihip ng hangin ng malaman nya ung mga hinaheart ko sa stories, tsaka ung mga student ko dati na naging fb friend ko na, na magaganda. Napaamin din kasi ko na pinagpantasyahan ko, ayun yari.
  • Hirap maging lalake tapos gwapo ka pa no? Char!

    Well, advise ko lang sayo @dice.. Minsan sa buhay may nagagawa tayong mali.. pero di naitatama yun ng isa pang pagkakamali. Masaya ang may kasama sa buhay. Pero masaya yung wala kang kahati. Yung wala kang iniisip na baka isang araw magising ka na lang na.. ay ayaw ko ng gantong set up. Kawawa naman si girl diba? Wag maging selfish. At the end of the day.. iisipin mo pa din yung pang long term relationship. Yung makakasama mo hanggang sa kunin na tayo ni Lord. Ok?
  • I find it ironic that a married woman is telling her lover to be faithful and not to look at other women when she herself is being unfaithful.. If she were a single mum already separated from her husband I guess that's fine..

    Wala lang.. Hehehe
  • I am not sure about everyone pero sa experience ko, mas cheater talaga mga babae kaysa lalaki.
  • @waki

    In my experience, women do not cheat on impulse. Yes they also entertain erotic/romantic thoughts at the sight of someone they fancy, but they don't really act on it like men do. In other words, kapag walang nagpakita ng motibo sa kanila, they don't really consider cheating as a course of action. Kaya para naman sa akin, ang mga lalaki talaga ang salarin/initiator pagdating sa mga cheating. Yes meron pa rin mga exception pero they are not the rule and should only be treated as outliers.
  • Hello po. Need your inputs din.

    May niligawan akong babae, ofismate, and nireject nya ako nung january. Hindi na kami nag uusap eversince dahil na-hurt ako. Iba yung binigay nyang reason ng rejection sakin kesa sa mga kinukwento nya sa common ofis friends namin. then this march lang, nag message sya sakin na nagsosorry na pinaasa nya ako and the likes, kasi daw naiilang sya sa situation namin sa ofis. Sineen mode ko lang. According sa isa sa mga common office friends namin, ayaw na daw nya pag usapan yung about samin, pero these past few weeks, nakikipag usap sya sa common friends namin about sa situation namin and yung pinaka recent messafe nya. Syempre ako sinabi ko ayoko na makipag usap about dun, pero pag nagkukwento sila sakin about kay ate girl, nakikinig lang ako pero walang opinion from me. Nagsimula sya magkwento nung napromote ako nung february. Pero ako wapakels sa kanya kasi busy ako sa new position ko, at may kataasan din yun pride ko.

    Pero recently, nakareceive sya ng work-related red flag, and dismissal yung DA. Nasabi sakin ng TL nya na nakausap nya si ate girl about dun, and umiyak daw. Sabi pa ni TL i-comfort ko daw. "Ay" lang yung sagot ko. Tapos yung isa naming friend nakausap din nya about dun, and maluha-luha nga daw. Nabanggit nga din ni ate girl sa friend na pumunta sya sa tita nya sa ibang floor para magkwento at umiyak. Knowing her, hindi nya afford mawalan ng trabaho ngayon. Since ka-wave ko at tropa ko yung OM namin, nagsabi ako sa kanya na i-save nya si ate girl dahil madalas din naman syang top performer. Minsan naiisip ko ibaba ko pride ko and kausapin sya about dun, pero ewan ko.

    Tingin nyo mga sirs, dapat ko ba syang kausapin or dapat ba akong makipag usap sa kanya?
  • @localfly

    When you find yourself ready to throw away your pride, then you know you're truly ready for a relationship. Yes talk to her, but keep your distance to feel things out. Di naman ibig sabihin ng pagkausap mo sa kanya eh liligawan mo na siya ulit. If anything, she might be regretting everything and wants to start fresh with you (especially since you're now absolutely a catch after getting promoted) and honestly that takes a lot of guts to do for most women.

    No need to let her know you saved her neck. Just be friendly again. And if the two of you can be friends again, then we'll and good. No pressure. Come what may. Ü

    Kinda makes me curious if she would actually make the first move.. Hmm.

    -- edited by Godai_Yusaku on Mar 27 2023, 05:57 PM
  • Tingin nyo mga sirs, dapat ko ba syang kausapin or dapat ba akong makipag usap sa kanya?


    don't mix work politics and emotions. its a deadly combo.

    and even so, IDK she reports to you so im not sure how your company works in terms of rank system.

    if dadaanan mo sa politiko, big no no. unless you have ulterior motives which again, is a bad mix sa office.

    dapat ko ba syang kausapin or dapat ba akong makipag usap sa kanya?


    mejo nalito ako sa tanong na ito, parang " am i righ or am i right lol"

    seriously though, if hindi naman si girl mismo yung humingi ng tulong sayo, why bother helping. unless, again, you really just want to help without expecting something in return, then i commend you.
  • @Godai_Yusaku

    wala naman akong balak sabihin na I talked to OM to try to save her. malalaman naman nya yun kahit walang magsabi sa kanya. alam ko naman ding ise-save sya ng TL nya and ni OM. pero as you say, come what may. whatever comes, I have to embrace it.

    @gr8guy

    sorry for my confusing question. hindi ko na napansin. it should be "dapat ko ba syang kausapin about sa issue nya, or hayaan ko na lang" hehe

    anyways, I don't have any ulterior motives, partly, for now. I'm currently too busy for that. kakausapin ko lang sya about sa issue nya kasi makiki-chismis lang ako. wala din ako balak haluan ng politics yung about samin.

    I know na parang extending help din yung ginawa ko nung nagsabi ako sa OM, nabanggit ko lang naman yun sa kanya habang nag iinom kami. and ang reply nya is "kanina ko pa hinihintay na sabihin mo yan eh. bahala ka jan" yun lang, then balik na kami sa session namin. kawawa naman kasi yung tao. kilala ko sya inside and outside the company. hindi nya afford mawalan ng trabaho ngayon, breadwinner kasi. wala din naman akong ine-expect from her.

    -- edited by localfly on Mar 27 2023, 11:28 AM
  • hindi ka naman isa sa mga "tirador ng trainee" noh?
  • @GobiGobi

    Hindi. Regular na yun and taon na ang binilang sa kumpanya
  • kakamiss ang TPC. hahaha
  • @ localfly

    musta na sir? ano po balita ke madam? :)

    marios unite XD
  • @alexis

    Wag ka mag-alala. Di ka naman na-miss ng TPC. Hehehe

    Nasaan ka ba? Si Honorio kung saan saan na ang gala ah.
  • @gr8guy

    ayon, ok pa naman sya. pero may something na hindi ko maintindihan.

    one time, naglalakad ako sa hallway then narinig ko si ate girl na kausap yung isa kong agent. di ko ma-gets kung nagbibiruan sila or totoo yun kasi may kalakasan boses nila and nakatawa yung agent ko, pero sabi ni ate girl malapit na daw sya magka-jowa. then nagkasalubong kami, since alam kong sya yun, hindi ko pinansin. tapos nakita ako ng agent ko, then sabi nya sakin sabi sa kanya ni ate girl na pag masaya daw ako, masaya na din daw sya or parang ganyan. hindi ko masyadong inintindi yung sinabi nya kasi iba yung iniisip ko, bakit alam ng taong ito ung about samin ni ate girl?

    another scenario, napadaan ako sa mga ka-team nya and nakipag usap saglit, then after a while dumating sya. after few seconds, umalis nako kasi madami pakong gagawin, yun ang paalam ko. tapos last week nag uusap kami ng isa nyang team mate (na naging tulay namin dati ni ate girl), nabanggit nya sakin yung scenario na yun, and nasabi nya na sabi ni ate girl na childish daw ng ginawa ko na bigla akong umalis kasi dumating sya. hindi ko na in-explain ulit yung side ko dahil nasabi ko na sa kanila kung bakit umalis agad ako.

    eto mejo bago lang, nabanggit ko na previously na ayaw na nga nya pag usapan yung about samin, pero yun nga nakikipag usap sya sa common friends namin about sa situation namin. pero recently, hindi ko alam kung bakit biglang dumami yung nakakaalam ng situation namin. 2 lang dati nakakaalam, pero ngayon siguro kalahati na ng team nila may alam. 4 na ang nagtanong sakin kung may niligwan ba daw ako. edi yon, gumawa ako ng diversionary tactics para hindi mapag usapan yun. kaya ngayon parang ayaw ko na lumapit sa team nila dahil sa nalaman nila.

    di ko pala nasabi previously yung about sa kanya. way back february, nagkwento sakin yung common friend namin may nagbigay daw sa kanya ng chocolates. sabi nya bagong manliligaw daw nya nagbigay nun. and nabanggit pa nya na lagi daw sila napunta sa tagaytay. then last month, sinabi ni ate girl na hindi daw totoo yun. kapatid lang nya yung nagbigay ng chocolates, and isang beses lang sila napunta ng tagaytay, tapos mga kapatid nya yung kasama nya dun. hindi ko na lang masyado inintindi dahil ayoko ma-distract sa trabaho ko. at ngayon 50% distracted nako, at meron pakong ongoing leadership training.

    eto sure ako, minsan pag naglalakad ako, nakikita ko sa peripheral ko na napapaatingin sakin si ate girl. one time kausap ko yung team mate nya, kita ko sa peripheral ko na nakatingin sya sakin mga lagpas 5 seconds. syempre hindi ko tiningnan si ate girl.

    yaw ko na sa earth sinisira nila focus ko
  • bakit alam ng taong ito ung about samin ni ate girl?


    you'd be surprised how gossip flies in the office!

    sabi ni ate girl na childish daw ng ginawa ko na bigla akong umalis kasi dumating sya.


    seems this ate girl masyadong asumera. hindi lang mariteses ang na sa office nyo, mag ingat sa mga ganyang tao. they will try to put you on the spot, make mountains out of mole hills.

    hindi ko alam kung bakit biglang dumami yung nakakaalam


    nagtaka ka pa ba? hehe

    lagi daw sila napunta sa tagaytay


    ala na, touch move na sir hehe

    ongoing leadership training


    i think the best is to focus on ur current work, especially nasa higher rank ka na versus agent lang sila

    malay mo



    may makilala ka na bago, much better than ate girl, na hindi i bbroadcast private details nyo with her whole team, damn.
  • you'd be surprised how gossip flies in the office!


    and now it's starting to affect me. just like recently, sinabihan ako ng OM namin na bawas muna kami sa g*guhan namin sa ofis gawa ng meron silang iniimbestigahang fraud activities, and nadadamay daw ako. professional muna kami sa ofis. Well, that's another topic na.


    seems this ate girl masyadong asumera.


    nasabi nga ng OM namin nung inuman session namin, it's like meron syang main character syndrome


    ala na, touch move na sir hehe


    touch move na talaga. pinagkalat nya na manliligaw nya yung kasama nya nun, tapos ngayon sasabihin nya kapatid nya yung kasama nya dun.

    madalas nga tanungin ni team mate si ate girl ano daw gagawin nya pag kinausap ko sya. makikipag usap naman din daw sya. hindi ko naman sya kakausapin kung wala akong kailangan sa kanya, and hindi pa naman umabot sa point na may kailangan na ako sa kanya.


    i think the best is to focus on ur current work, especially nasa higher rank ka na versus agent lang sila


    yep focusing on my work naman, kaya pag may topic about sa kanya, sinasabi ko na lang hayaan mo sya, then ibang topic naman ibi-bring up ko


    additional: may nagtanong sa team mate nya kung may boyfriend na si ate girl, sinabi nya "meron si TL (ako)" then binalita sakin ni team mate yun. di ko na lang pinansin, bahala sila mag isip. and hindi rin maganda naririnig kong feedback dun sa lalaki. madaming red flag.

    -- edited by localfly on May 12 2023, 12:12 PM
  • Godai_Yusaku Send Message View User Items on 11 May 23 @ 05:33 PM #

    @alexis

    Wag ka mag-alala. Di ka naman na-miss ng TPC. Hehehe

    Nasaan ka ba? Si Honorio kung saan saan na ang gala ah.

    dubai parin naman. hehehe

    hiwalay na rin naman yata yun sa asawa nya kaya kung saan saan na rin napapadpad. mag 5 years na rin kaming hindi nag uusap nun. haha
  • kamusta na kayo?
  • Sad nga hiwalay na sila ni ate. Ako pa man din match maker nila. Haha! HAPPY NEW YEAR PALA.
  • May gusto sana ako ishare kaso friend ko pala si alexis sa fb. Wag na lang. Hahaha
  • Hala...
  • Post deleted #12459243
  • May gusto sana ako ishare kaso friend ko pala si alexis sa fb. Wag na lang. Hahaha


    PM mo nalang saken ang chika na yan HAHA.
  • @elaine
    HAPPY NEW YEAR PALA.

    Naputukan ka ba? Delikado at bawal na ang paputok sa labas! =)

    Sad nga hiwalay na sila ni ate. Ako pa man din match maker nila.

    Walang poreber