Forum Topic

PC Technician Lounge (Trading/Selling Not Allowed)

  • may ma irerecommenda ba kayo na lugar kung saan pwede mag payos ng monitor? Pinatingin ko na kasi siya sa mekaniko at sabi mismo yung panel na daw problema.

    Ang problema kasi bumubukas siya at may power pero walang video. Bali sabi niya kailangan palitan daw yung panel o video board.

    Dell brand siya.. U2713HM. iniisip ko na ipadala sa Dell service center pero ang alam ko sobra sila mag price para sa repair fee. tapos baka wala pa sila panel para doon sa monitor ko. kaya naghahanap lang ako ng alternatibo na pwede puntahan na service center bagamat sa Dell. taga NOVALICHES ako. kaya sana may mairecommenda po kayo na malapit halos doon..
  • guys paano kaya maayos and ng videocard garbage display? pagka tinatangal ko naman ung heatsink/fan bare gpu lng ok ung display then pag binalik ko ung heatsink fan garbage display ulet, btw working naman ung fan
  • anong cause bakit minsan naglalag pag maraming tabs sa chrome?

    random yung lag minsan wala naman.

    -- edited by tpcjml on Feb 26 2017, 07:06 AM
  • @mary_carmeline1990

    if garbage na VC I suggest bili na lang po kayo ng bago Lalo kung matagal na po yung VC.
  • anong cause bakit minsan naglalag pag maraming tabs sa chrome?

    Two possible scenarios:

    1. Running out of RAM --> OS moves some data to swap file/virtual memory
    2 All CPU cores at 100% usage : Chrome is multi-core aware.
  • Two possible scenarios:

    1. Running out of RAM --> OS moves some data to swap file/virtual memory
    2 All CPU cores at 100% usage : Chrome is multi-core aware.


    so i need to upgrade ram 4gb lang kc ram ko pag lag padin upgrade ako i3 or i5 gamit ko lang pentium g3258

    yung lag nangyayari minsan pag nag stream ng videos multi tabs sa chrome

    -- edited by tpcjml on Feb 26 2017, 07:27 PM
  • ^ Monitor CPU and RAM usage with Windows Task Manager.
  • Post deleted #11880716
  • @jhingkhai

    Hindi ko pa nakita specs ng mga RAM mo pero malaki possibility na hindi sila match. Kahit RAM na same brand, model at specs may possibility na hindi mag match. Kaya marami ka mababasang guide online na ang suggested talaga yung 2-piece kit na ram ang gamitin (para tested na matched pairs na ng manufacturer) kung gustong mag dual channel na memory.
  • Mga Sir, ask ko lang, yung motherboard na hindi gumagana ang sound (walang output) kahit naka-install ang driver, gagana kaya kung lalagyan ko ng pci or usb sound card? Alin kaya ang mas maganda, pci or usb sound card? Thanks
  • anong software magandang gamitin para ma full erase ang HDD? at hindi na ma-recover pa mga files.
    salamat.. :)
  • ^ seatools
  • anong cause ng nung biglang ayaw mag boot ng pc ko tapos nung reset cmos jumper settings ko yung motherboard ko gumana na ulit? tagal ko pa nag trouble shoot ng mga parts tapos nung nag reset mobo lang naayos na.
  • ^
    CMOS data corruption --> invalid system config?

    I've experienced similar situations, and one thing that comes to mind is that the CMOS data somehow gets corrupted and the BIOS fails to detect it on power-up.

    -- edited by awakeruze on Feb 28 2017, 10:37 PM
  • Hi. Pwede ba iinstall sa desktop ang laptop HDD basta Sata? Salamat.
  • ^ Yes. Laptop and desktop SATA HDDs have the same connector.
  • @awakeruze

    Salamat sir. Mayroon pa ba akong ibang dapat malaman para masiguradong gagana ang laptop HDD sa desktop ko?
  • ^mejo mabagal nga lang sya kasi yung rpm nya is only 5400
  • @CrkDice

    I see. Not bad na din kung pang additional storage lang. Salamat.
  • ^yep pwede na for small files
  • Salamat sir. Mayroon pa ba akong ibang dapat malaman para masiguradong gagana ang laptop HDD sa desktop ko?

    It will definitely work. I've plugged in a laptop HDD to a desktop via SATA before, :
    1. Recover data from dead laptop;
    2. Clone laptop HDDs on a desktop PC.

    Find a way to mount it securely in your casing. If your casing has mounts for SSDs., great -- SSDs and laptop HDDs have the same size and screw hole locations.

    -- edited by awakeruze on Feb 28 2017, 11:42 PM
  • @awakeruze

    Find a way to mount it securely in your casing. If your casing has mounts for SSDs., great -- SSDs and laptop HDDs have the same size and screw hole locations.


    Yun nga sir, kaya natanong ko kung gagana yung laptop hdd kasi nagbabalak ako mag dual boot setup tapos may SSD mount yung case ko. So iinstall ako ng isa pang OS dun sa laptop hdd. Salamat.
  • Hi! Good early morning!

    So yung problem ko po is network/modem/internet problem
    Okay naman po yung internet super bilis kahit may mga nakikiwifi. Tapos pag binubuksan ko yung pangalawa naming PC which is naka connect din sa modem super bagal na ng internet. Nag search ako kung bakit pero ang labo ng mga nahahanap ko. First sabi nila baka daw same ng IP address. Pagka check ko yung PUBLIC IP ADDRESS is the same nga po.

    CISCO DPC3825

    Ano po gagawin pag ganito di po kami makapag laro ng sabay.
  • nangyayari talaga minsan na meron IP conflict(same IP ang nakukuha ng device from modem) pero most liely hindi dapat maka-connect ang isa dun sa nagpareho ng IP, reboot mo lang modem to acquire new IP.
  • nangyayari talaga minsan na meron IP conflict(same IP ang nakukuha ng device from modem) pero most liely hindi dapat maka-connect ang isa dun sa nagpareho ng IP, reboot mo lang modem to acquire new IP.


    I dont think na same IP conflict siya kasi nag lagay ako ng magkaibang static IP on each PC pero ganun parin eh. mag google lang yung isang PC grabe yung bagal ng internet. as in yung 8-10ms na ping nagiging 900ms
  • public address isa lang talaga un, which routable palabas, and unique sa buong mundo unless 2 subscription mo, and kadalasan dynamic binibigay ng ISP provider, pwde static pero mas mahal singil nila, baka you are referring to ip address ng LAN which is a private address,
  • hello mga master

    not sure if eto yung tamang thread but i think its the most appropriate

    any tips po kung paano madali tanggalin yung GPU sa MOBO?

    di ko kasi masungkit yung PCI-e plastic lock. Ginawa ko kanina umaga, ginamitan ko ng screw driver na maliit para matulak yung latch. gumana naman kaso parang delikado hehehe.

    <click here for link>

    -- edited by sylphunter on Mar 02 2017, 10:42 AM

    -- edited by sylphunter on Mar 02 2017, 10:42 AM
  • ^ use a plastic or nylon spudger instead of metal screwdrivers. ito yung ginagamit ng mga cellphone/laptop technicians pambukas ng gadgets.
  • Guys my solution ba para mawala na permanently ung bd - rom na nagaappear parati? windows 10 po gamit ko. also tried to disable at uninstall sa device manager pero nag appear parin po. salamat.
  • Post deleted #11884881