Forum Topic

DC Inverter Aircon Thread (Aircon roundup and FAQ on page 1)

  • Naubusan na nang Aux F si R&J Bacoor, papakabit sana Tita ko. Kung ako lang, mag sesettle na lang ako sa midea celest kaso ayaw niya.

    Kapag sa ibang dealer naman mas mahal. Naisa-isa ko na ata lahat ng dealer sa Cavite pero lahat sila 25k pataas. Pero 22.5k lang kuha ko kay R&J. Di ko din alam bakit mas mura sa kanila haha

    Sana magupdate na rin warranty si TCL para naman mas maging competitive ang entry level segment ng ST. Tho, sikat na sikat WT ng TCL ngayon kasi ang laki nila magsale sa lzd. Around 14k ata yung pinakabasic na 1HP Inv

    -- edited by KSolomon on May 09 2024, 08:42 AM
  • ^kung meron latch or tabs where to hold sa tapat(inside the cover) nyan, sa loob dapat malamang yan.
    makikita mo naman yan kung alin/saan sya mag fit.

    sinukuan ko na, in-unscrew ko na lang muna yung mga clips, ty sa tips

    nag email na lang ako sa panasonic para sure
  • ok ba ang 30a breaker sa outdoor unit para sa 1.5hp na split type ac? connected sya sa main breaker na may dedicated switch
  • flubby619
    ok ba ang 30a breaker sa outdoor unit para sa 1.5hp na split type ac? connected sya sa main breaker na may dedicated switch


    15A would be enough
  • @Statix

    yun kasi ang pinabili ng electrician namin para sa outdoor breaker na kinabit kahapon kasama na ang #10 na awg wire
  • yun kasi ang pinabili ng electrician namin para sa outdoor breaker na kinabit kahapon kasama na ang #10 na awg wire


    basta sa mga non-certified electrician asahan mo 30A or higher pa ang ilalagay nila. check mo sa installation manual mo.
  • @statix

    ok po salamat yung electrician na nag nag suggest nung 30amp na circuit breaker is yung electrician ng may ari ng inuupahan naman na nag rerenovate nung isang apartment nila na kapitbahay namin

    -- edited by flubby619 on May 09 2024, 08:20 PM
  • ^max safety @ 20A. posibleng hindi mag trip ang CB kung sakaling magkaroon ng trouble kung 30A ang gagamitin mo.
    15A gamit ko sa 1.5HP ko, wala naman unnecessary tripping na nangyayari kahit naka-full load ang AC ko.
  • @statix

    salamat cge papalitan ko na lang yung cb at wiring from 10awg to 12awg para akma sa 20a na cb
  • ^15A lang sufficient na.
  • @statix
    pina check ko yung main breaker ng bahay yung cb sa main para sa ac is 30amp d daw puwede yung 20amp sa outdoor unit ng ac baka d mag trip yung sa main cb pag nagka issue
  • ^oh c'mon. weakest link ang unang magtrip. nagkalat sa net/YT ang tamang computation ng circuit breakers. smh.
    bahala sya kung iyon ang paniniwala nya. nakita mo na ba ang installation manual mo?

    here's an example;

  • @statix

    naguguluhan na nga ako eh hayst hirap ng ganito first time ko nga lang magpapakabit ng ac nagkanda leche leche pa sa electrical
  • ^ganito lang kasimple yan paps. kung masyado mataas(lagpas na sa recommended) ang rating ng circuit breaker, at kung sakaling magkaroon ng trouble sa linya like short circuit,,, baka nagbabaga na ang power supply line ng AC mo eh hindi pa rin nagttrip ang circuit breaker mo. your house will be in danger of fire.

    kaya hindi naiintindihan nung electrician mo ang mga sinasabi nya. smh
    get 15A and never look back.

    edit:

    baka sa bolang kristal na naman kinuha ang computation nyan. or malamang wala syang computation na ginawa.

    about circuit breakers, meron na nga pala yan sa FAQs ni godai on page 01 hayz,,,

    -- edited by statix on May 09 2024, 10:22 PM

    -- edited by statix on May 09 2024, 11:14 PM
  • Good day! bibili po kami ng WT AC for our room but can't decide on which brand?

    room details:
    area: 14sqm
    max number of people: 4 (3 adults, 1 kid)
    appliances: 1 fan, 1 tv, led light

    we are facing morning sun and pag afternoon is wala naman since natatakpan ng katabing bahay namin.

    ang budget is 25k. ang brand na pinagpipilian namin:

    TCL
    haier
    Kolin
    Panasonic ( if talagang maganda compare sa above brands, then will try to extend the budget :) )

    -- edited by ratedglenn on May 10 2024, 01:35 AM
  • @flubby

    Outdated na yung information na pinaghuhugutan nung electrician na yan. Applicable lang yan sa conventional na AC. But since you are installing an inverter AC, iba ang rating ng breaker na kailangan dahil wala nang surge current na kailangan i-factor in.

    A 1.5hp AC can use a breaker as low as 10A but tama na yung reco ni Statix na 15A sa service breaker sa labas na nakalagay sa loob ng Nema 3R enclosure. Tapos pagdating sa panel board, dapat ay 20A ang dedicated na AC breaker sa branch with a 50~60A main breaker. May escalation dapat yan to protect your home from overload.

    1.5hp Appliance > 15A dedicated service breaker > 20A dedicated PB breaker > 60A (or higher) main breaker

    This escalation is intended to protect your home just as Statix shared. Imagine na nagbabaga na yung appliance mo hindi pa nagti-trip yung breaker mo if mali ang rating na nakakabit.
  • Outdated na yung information na pinaghuhugutan nung electrician na yan. Applicable lang yan sa conventional na AC. But since you are installing an inverter AC, iba ang rating ng breaker na kailangan dahil wala nang surge current na kailangan i-factor in.


    exactly.
  • @statix and @Godai_Yusaku

    salamat sa help nyong dalawa feeling ko nga na ganun ako pa lang ang mag split type ac dito sa amin lahat naka window type na inverter or and non inverter na less than 1.5hp yung main breaker if i recall sabi yung electrician was 70a 2 story appartment

    papalitan ko na yung breaker sa outdoor unit ng 20amp and pati na din sa main breaker na dedicated para sa aircon by tom
  • Hello po i need help!

    Balak ko po bumili ng AC ST 1HP yong room size ko po is 10.5sqm lng tapos dalawa lang yong option ko which is Daikin Queen Series AVA model at Panasonic Deluxe Inverter CS-RU9AKQ 2024 new model alin po ba sa dalawa ang maganda specs wise?

    Tia sa makakasagot!

    EDIT: SAME LANG SILA NG PRICE RANGE 30k+

    -- edited by jamesisjames on May 10 2024, 02:32 AM
  • vxoxixd
    mga ka aircon, san ba dapat yang clip na yan sa front grille (panasonic cw-xu1221vph), sa loob ng cabinet or sa labas? di ko sure kung pwersahin ko ba baka kasi masira. salamat sa makakasagot.


    sinukuan ko na, in-unscrew ko na lang muna yung mga clips, ty sa tips

    nag email na lang ako sa panasonic para sure



    bossing pa share kung ano sabihin ni Panasonic ha kapag nagreply haha, almost same tayo ng model non-X lang yung amin, di ko rin mailock kapag nandun yung clips sa magkabilaang side kaya in-unscrew ko lang din yung amin, di nga sya nabanggit sa manual
  • di ko rin mailock kapag nandun yung clips sa magkabilaang side kaya in-unscrew ko lang din yung amin, di nga sya nabanggit sa manual






    kung removable sya, baka naman for protection purposes lang yun metal tabs na yun.
    yun nga screws na lang ang maghold sa front grille/cover. kung titignan nga naman mukhang hindi magfit ng maayos ang cover kung nandyan yun tabs.
  • jamesisjames
    Hello po i need help!

    Balak ko po bumili ng AC ST 1HP yong room size ko po is 10.5sqm lng tapos dalawa lang yong option ko which is Daikin Queen Series AVA model at Panasonic Deluxe Inverter CS-RU9AKQ 2024 new model alin po ba sa dalawa ang maganda specs wise?

    Tia sa makakasagot!

    EDIT: SAME LANG SILA NG PRICE RANGE 30k+


    Here's the comparison table I've made


    This is based on the spec. sheet from the manufacturer's website.


    Legends
    Green - Better
    Blue - Equal

    I have two (2) Panasonic Inverter (Split-Type) both are 1.5 HP, first one was bought last 2021 and the second one was bought last year 2023. No issues on both units. Sayang lang at di ako naka-abot ng AKQ series nila na 12 yrs. (Compressor) / 3 yrs. (PCB) / 1 yr. (Parts and Service) ang warranty.

    P.S. Ignore the color fills on the "Difference".

    -- edited by yoohoo27 on May 11 2024, 02:55 AM

    -- edited by yoohoo27 on May 11 2024, 02:55 AM
  • Hi sa lahat
    May LG 2.5HP IBA ako and mag iisang taon na. size ng unit is around 25-30sqm

    Two weeks ago napansin ko na parang may mist or tipong tubig na galing sa water sprayer (di ko alam ung tamang term) akong na eencounter. Usually nangyayari siya pag ung temps ko is set around 26 below.
    December ung last kong palinis so akala ko sign na un for me para magpalinis so nagpalinis ako dun sa installer.
    Until now may mga ganung moments pa rin ung indoor unit ng AC ko.
    I tried to vacuum ung drain pipe using a shopvac habang naka dry mode pero wala namang bara na nakuha.
    Habang umaandar ung vacuum wala naman akong naririnig na parang barado ung pipe

    I've check the connections rin mula sa indoor unit papunta sa outdoor and wala naman akong nakita na leak or any signs na nagka water leak.
    Normal lang ba ung nararanasan ko?
    Does it mean na di ko dapat iset ung temp ng AC ko below 26(dun ko kasi napapansin ung mist na nangyayari)
    Na try ko mag manually set to 26 and just dry mode and parehas ang result na may mist.
    Looking forward sa mga inputs niyo
    Salamat


    Hi update lang sa situation ko.
    1. After calling their office, binalikan ako nung AC tech ng aking installer then may "tinungkab"/ kinalkal lang sya sa likod ng condenser ng indoor unit he claims na may blockage raw ung drain line kaya may overflow di ko raw need magpa pulldown. After a day nagkaka drip and misting pa rin. I informed ung ac tech and di na ako mapuntahan so naghanap na lang ako ng ibang titingin sa situation then I found one

    2. Hindi maganda ung diagnosis ung bagong ac tech:
    a. Bakit hindi raw ako sinasabihan na magpa pulldown na ng installer/ac tech ko eh a year na ang nakalipas?
    May signs na raw for pulldown cleaning like ung condenser unit may area na mukhang nagyelo na raw also ung
    squirrel fan madumi na rin(akala ko nung recent na linis nadamay na ung squirrel fan I guess im wrong)
    b. Hindi raw tama ung installation ng indoor unit ko di raw naka "slant" properly papunta sa drain side kaya nagkaka
    mist dahil sa overflow ng tubig. Dahil hindi naka "slant" properly may naiipon raw na tubig and katagalan un raw
    ay nagiging malapot that can cause issues later on like dripping/misting or worse ung tubig mag overflow raw sa
    electrical nung indoor unit. Common tactic raw ng mga nag iinstall ng Aircon daw ung ganun kasi un raw
    nagdadala ng trabaho sa kanila so medyo nadisappoint ako hearing about it.
    c. Habang ginagawa nila ung pulldown cleaning pinakita niya sakin ung sa "slant" using a level and based sa
    palinawag nya, to my surprise, oo nga parang hindi siya naka "slant" more papunta sa drain side.
    d. Kaka 1 year lang nitong LG ko nung recent na palinis ko sa installer(april) and after nun parang ang bagal/no reply
    na sila sakin sa concerns ko kaya parang naniniwala ako dun sa sinabi sakin ng 2nd ac tech na pwedeng di na ko
    pinapansin kasi out of warranty na ung unit na binili ko sa kanila
    e. May kinabit siya na kulay puti na parang plastic ata? sabi niya it helps with the "slant" daw.

    3. So far after ng linis niya parang bumalik ung lamig nung unang install sakin and napansin ko na ung electricity
    consumption ko, from daily avg ng 8kw mula ng mag summer, bumaba sa around 6kwh so I guess maayos ung
    naging pag pulldown cleaning niya and nawala ung dripping/mist. I'll also set a reminder na rin na bago mag
    summer makapag pulldown annually.

    Nasa 28 lang ako usually ng temp sa AC kasi higher than that nilalamig na ako but I tried going to 27 yesterday for a couple of hours until nagising ako sa lamig and binalik ko sa 28. nung gabi napansin ko na may dripping sa louver so kinontak ko ung ac tech ang sabi sakin "Sapag ka tabingi po siguro talaga yan sir sa installation".

    Right now naguguluhan na talaga ako.
    I'm leaning towars sa sinabi ni sir statix before na
    it happens sometimes and it depends sa room temps & RH levels. nangyayari yan kung sobrang lamig pa rin yun lumalabas sa louvers kahit malamig na ang room


    Will also do na rin ung sinabi ni sir godai and observe
    Masyado yatang mababa yung target temp mo? Ano pala ang fan speed when it happens? Baka naka-low fan ka lang? Try setting it to F2 at 25deg and below to see if baka need lang ng faster fan speed.


    Weird lang na during the previous year wala naman gantong nangyayari although at the moment naman kasi apaka init. Pero ayun observe na lang siguro. Mag update na lang ako siguro in a week or two what will happen
  • @Godai_Yusaku
    @all
    I have to thank to all of you, who let me discover Unitech WT Aircon. Now after 3 years, I think there is time for cleaning service, mainly due to neverending construction in our street. What shall I look for, to address or be aware of. My unit is 2.5HP Unitech WT Aircon. Thanks again.
  • Hi ano po mas okay kunin sa dalawa? Yung mas tipid sa kuryente at okay yung after sales?

    Daikin queen series 1hp 2022 model - P36,000
    Panasonic AS Premium Inverter 2022 model - P37,500

    Thank you!
  • @MetroMessiah
    I have nothing but praises for the Daikin queen series of st ac. Have purchased a 1.5hp unit way back 2019 and just recently a 2 hp 2023 model for my sister's room. Try to look for the new model AVA with the ionizer. As for the price, try to canvass for cheaper prices. I'm assuming kasama na installation fee dyan. The price of the 1hp from the distributor I got the 2hp queen is only 34.2k kasama na installation fee.
  • Daikin queen series 1hp 2022 model - P36,000


    Got Daikin Queen AVA 1.5hp at 40,600 all in. Hanap pa kayo ibang dealer, meron sila list sa website nila nang authorized dealers.

    Same as @Toretto, I think I won't buy any other brands na haha. Although yung mga warranty offering nung ibang brands sounds enticing.



  • lakas kumonsumo ng kuryente ni tcl, lamig na lamig na kami ayaw mag tick off yung compressor.
  • @Toretto @carlrs, Thanks! Just saw a dealer selling the AVA model 1hp for P34,400 all in. Good deal na po ba or may mas mura pa ako mahahanap?
  • @Godai,

    Sir Godai, pa-clarify lang po on the Gree warranty specifically on the 3yrs for part (from pg 404). As per dealer, they said it only covers the pcb, other parts (aside from the compressor) only have 1yr warranty. Tama po ba yung dealer or need to insist on the 3yrs for all parts?

    Also, clarification lang po on the power consumption vs settings. If unit is rated 1hp, 1hp ba talaga ang consumption regardless of the settings (low/mid/high cool)? How is fan speed factored in?

    Thanks.