Honest lang ako sir hehe. Share ko lang experience ko.

Ang deal namin is swap yung 1080p monitor ko sa 1440p monitor ni sir plus mag add ako ng cash.

Andaming dead pixel nung sinwap mo saking ASUS TUF VGA27AQ. Sa post mo nakalagay walang issue kahit ano at no dead pixel. Meron pang isang ang laki nasa gitna pa ng screen.

Hindi lumalabas ang dead pixel kasi naalog sir FYI ko lang sayo hehe.

Alam kong wala ng box yung monitor mo pero nag request ako na kahit sana ilagay mo sa kahit anong box, pero hindi mo pa din nilagay bubble wrap lang ginawa mo. syempre nabugbog din tong monitor sa motor. Yung sinwap ko sayong monitor ko walang issue, complete with box pa.

Sabi mo 3 days warranty yung monitor, pagkakuha na pagkakuha ko palang sinabi ko na sayo na may dead pixel. Tinest ko agad yung monitor mo pagkakuha ko at sinabi ko agad sayo na may issue pero sabi ko is try ko muna kung mawawala sa mga screen repair website yung dead pixels. Sabi ko din sayo wag mo muna ibenta yung monitor ko kasi under 3 days pa yung warranty balak ko pa sana bawiin sayo. Pumayag ka, kaso pagka kuha na pagkakuha mo ng monitor ko, binenta mo agad. wala na ko nagawa.

Ngayon, gamit ko is yung monitor mo na ang daming dead pixel at wala na ko choice kung di gamitin.

BAD EXPERIENCE.

Di na uulit.