Pasensya na sir pero I think we both know you deserve this.

Sa tagal ko na sa TPC ito ang unang negative feedback na ibibigay ko kahit kaynino. Medyo mahaba haba to dahil gusto ko kung sino man makakabasa nito alam yung buong storya at para at least kung gantihan man ako ni sir jiopwet/Jay ng negative feedback pwede ko na lang ipakita sa Mods ito pati ang kumpletong chat logs namin at text transcript para ipatanggal. Para na din alam ng mga tao na deserving si sir sa negative feedback na to.

Sa mga tinatamad basahin lahat, basahin niyo na lang yung pinaka ilalim.

Maayos naman kausap to si jiopwet. Yun nga lang hanggang sa usap lang naging maayos. Noong Sabado nag post itong si sir ng IFS para sa gaming keyboard na Armaggeddon Kai-3 for P400 each, P350 naman daw kung 5 or more kukunin. Nag tanong ako tungkol sa keyboard, cinonfirm ko kung yun mismo yung model, kung kompleto ba yung package, anong condition ng keyboard, pati na din kung pwede ideliver sa place namin. Accomodating naman siya at sinagot niya lahat ng inquiries ko at pinakitaan din ako ng screenshots nung actual keyboard (Nung una nirefer niya ako sa Ulop.net dahil may post din siya dun ng IFS niya pero hindi ako makapag register doon kaya pinost niya na sa TPC yung screenshots) . Pumayag din si sir na ideliver samin ang keyboard dagdagan ko lang daw ng P100 dahil medyo malayo nga naman ang pang gagalingan niya. Pumayag ako at sinabi ko o-orderin ko 7 (Dapat 3 lang talaga kukunin ko 1 para sa pc ko at 2 para sa backup pc ko. Pero naisip ko dahil hindi pa ako nag chi-christmas shopping ito na lang panreregalo ko sa mga pinsan ko at para na din mas worthwhile ang pag deliver ni sir sa amin dahil mas madami siyang mabebenta.)

Pumayag na si sir na 7 kukunin ko at idedeliver niya sa place namin kapalit ng P2,550. In short may DEAL na kami. Ang huling text niya nung sabado sakin ay ta-try niya daw ideliver kinabukasan or kung hindi, sa Lunes. Nag reply naman ako at sabi ko sana bukas na niya madeliver at natanong ko din kung gaano pa kadami ang stock niya. Kinabukasan nireplyan nako ni sir, malabo daw na madeliver niya nung araw na iyon (Linggo) dahil alanganin na daw at kinapos siya sa oras. Pero binigyan niya ako ng assurance na sure na sure na yung sa Monday sinabi niya din na 30pcs ang stock niya. Nireplyan ko siya at sabi ko okay lang at nagtanong ako kung may discount pa kung 10 kukunin ko. Ang sagot niya, free delivery na lang daw kung 10 at tetext niya daw ako tomorrow (Lunes) kung papunta na siya.

Kinabukasan, 12:30 PM na at wala pa din message si sir. Tiningnan ko account niya sa TPC at last online siya around 12 noon, tiningnan ko ulit yung post niya at nakita ko in-up pa niya ito ng mga 1am ng umaga pati din yung isa pa niyang item na Thermaltake Challenger. Nag text ako sa kanya at tinanong ko kung tuloy pa kami today. Walang reply. Hindi ko na muna inintindi dahil baka madami pang kadeal si sir at medyo maaga pa naman ang araw. Ayoko din mag mukhang makulit total may promise na naman ako galing kay sir. Umabot na ng gabi at wala pa din tong text si sir hindi muna ako nag isip na baka iniwan nako sa ere dahil baka naman may emergency o baka napano si sir so hindi pa din ako nag text sa kanya dahil ayokong ipamukha na minamadali ko siya total sabi niya nga siya daw ang mag tetext sakin pag papunta na siya.

Patapos na yung December 23 wala pa din paramdam tong si sir. Chineck ko TPC ko pati account niya, walang message pero nakita ko nag online siya 11:22 PM. Naisip ko pa din na baka may emergency nga at baka aksidente lang siya na login sa TPC (inisip ko baka na restore session lang kaya siya na login sa TPC). Laking gulat ko na lang nung nakita ko wala na sa IFS niya yung keyboard parang gusto palabasin ni sir na hindi talaga nangyari to at hindi kami nag usap at nag deal. Nag message ulit ako kay sir para maitanong ang status ng deal namin at pinaalala ko sa kanya na nag commit na siya sakin ng 7 pcs. na dapat kahapon niya dineliver sa akin. Hindi ko na mahintay ang reply niya dahil halatang tinakasan nako ni sir at mukhang nag e-enjoy na si sir sa kanyang holiday at wala na din siyang paramdam sakin sa text.

Dalawang araw ako nag hintay sa 7 pcs na keyboard dalawang araw na nasayang. Sana ginamit ko na lang sa pag hahanap ng ipapanregalo sa mga pinsan ko. Malas ko lang at nag tiwala ako sa tao na to at masyado ko binase ang desisyon ko sa 194 positive feedbacks niya.

Alam ko 1 negative feedback lang to at alam ko madami pang magiging future transactions itong si sir sa TPC pero consolation na sakin na hindi na magiging 100% positive ang feedbacks ni sir.
Para sa mga makakatransact ni Jay; wag po papakampante sa salita niya dahil walang isang salita itong tao na to wag po ibase sa feedbacks niya kung ganon talaga katino itong tao na ito hindi ko na sana binigyan ng nega to. Hangga\'t posible tingin tingin muna ng ibang pwedeng maka deal at gawing last option itong si sir, unless gusto niyo matulad sakin.

Madami na ko naka deal na ganito pero itong si sir lang ang tinuluyan ko ng negative feedback dahil ang pagkakaiba nitong si sir eh wala man lang siyang common courtesy para paalam sayo na canceled na ang deal ni hindi man lang gumawa ng kahit anung attempt para paalam sayo na hindi tuloy, kahit man lang yung mga generic excuses katulad ng: \"nanakawan ako\" \"nag ka emergency sa bahay\" \"May importanteng meeting ako na inattendan\" o kaya \"Sira yung mga items\" wala, as in wala talaga.

Very unprofessional at inconsiderate.

two thumbs down


Post niya sa Ulop:


Screenshots ng conversation namin ni sir: