Bumili ako ng gamit na Razer BattleField 3 Blackwidow Ultimate, Imperator at Scarab. Walang problema sa pad kaso sa mouse
at keyboard nagkaproblema. Bago ako magbigay ng negatibong komento kahit wala na ang personal warranty pinagisipan ko ito
ng maigi! Dre mabait kang kausap kaso ung sinabi ko sa iyo noon nung pang anim na araw na sa akin nung mga binili kosa iyo
doon lumabas ung depekto ng keyboard at mouse. Ung mouse hindi na gumagana ngayon. Ung keyboard dumami lalo ung mga keys na
iba ang lumalabas pag pinindot mo. Sayang ung P7,000. Pitong libo un magkakaroon ako ulit noon. Sana pinambili ko ng
bagay na mas kailangan ko nasayang pera ko. Wala akong paki alam kung bibigyan mo ako ng negatibong komento nararapat ito
sa iyo hindi ko alam kung may depekto ito o wala bago mo sa akin ibenta kaya ka yata madaling madali noon. Nagobserba ako
ng matagal doon sa mga accessories wala talagang nagloloko.

Natutunan ko ang aral sa mas mahirap na paraan. WAG NA WAG KAYONG BIBILI NG RAZER NA GAMIT DAHIL SIRAIN ANG TATAK NA ITO
LALO NA KUNG BIBILI KAYO NG GAMIT NA GINAMIT NA NG MAHIGIT ISANG TAON. Mas maganda bumili ng Razer na bago kahit mahal!

Ikaw ang una kong binigyan ng \"NEGATIBONG KOMENTO\", lugi ako......!