-
sixty4bit
on
07 Feb 21 @ 01:23 PM #
stable na rin ang app, refresh lang at updated na pero yung guard namin di stable. may inabot lang ako sa courier service at alam naman nya di naman ako lumabas, at nang pabalik na ako sabay "tawakkalna!". wala na, sunod-sunuran na talaga tayo. preliminary pa lang ito, may susunod pang malala (sigh)
-
swingman_01
on
07 Feb 21 @ 01:33 PM #
^haha protocol eh matraffic tuloy papasok ng opisina.
-
sixty4bit
on
07 Feb 21 @ 02:08 PM #
ang siste ngayon, di bale maiwan mong lahat huwag lang smartphone :]
-
swingman_01
on
07 Feb 21 @ 02:50 PM #
^tumpak lahat pa naman nang establishment hinahanap ang tawakkalna, lahat tuloy kelangan may internet.
-
Dacs
on
16 Feb 21 @ 02:01 PM #
Bumili ang kasama ko ng shawarma, napakasarap SR 1000 ang halaga.
Nahuli ng pulis nagkukumpol kumpol, nasampolan hehe
-
ssi_markd
on
16 Feb 21 @ 02:34 PM #
^ yan ba yung sa may malapit sa rahmaniya? hehe
-
mrm08
on
16 Feb 21 @ 06:11 PM #
putek na shawarma yan, pahamak. hehe
-
sixty4bit
on
16 Feb 21 @ 07:17 PM #
Bumili ang kasama ko ng shawarma, napakasarap SR 1000 ang halaga
peste! *_*
ako rin may kwento... officemate ko bumyahe ng hapon, inabot ng dilim sa daan. nakita sya ng pulis at hinabol. yung isang tail light daw pundido. sabi ni officemate malapit lang ang bilihan, bibili sya ng bulb @6sr. sabi ni pulis, lah lah! wahid alf riyals. kasing halaga din pala ng swarma ang bombilya, hehe.
-
bakitakonabanned
on
18 Feb 21 @ 10:23 PM #
kakabalik ko lang from vacation, aasikasuhin ko na pala absher ko na yan, yan pa naman problema ko dati pa, di tugma mga info hahaha, di maka register sa tawwakalna
-
maxinimum
on
22 Feb 21 @ 05:47 PM #
Maiba naman, meron po ba dito na tuloy-tuloy pa rin naghuhulog sa SSS/Pag-ibig contribution?
last year di ako nakapaghulog dahil sa pandemic, pwede pa kaya maghulog ng 2020? walang contact number sa branch namin para magtanong. nag-email naman ako wala pang reply.
sa pag-ibig, magkano kaya ang contribution para sa ofw?
-
dexski
on
22 Feb 21 @ 06:31 PM #
^Pwede pa sir mag generate ng PRN sa SSS from January 2020 to December 2020.
Login lang kayo sa sss then generate PRN tapos bayaran na lang sa gcash.
-
maxinimum
on
22 Feb 21 @ 06:48 PM #
^ thanks sa info sir, kaya pala active pa yung 2020 sa applicable period :)
gcash medyo hirap ako gumawa ng account. pinicture ko ng malinaw ang passport, ayaw pa rin. isa pa, daming proseso sa pagta-transfer ng pera (quickpay > moneygram > gcash). akala ko pwede lang sa stcpay o debit card.
-
dexski
on
22 Feb 21 @ 07:55 PM #
^isang fee lang sir bayad from Quickpay to monegram tapos sa Gcash to SSS wala na sir fee na babayaran.
-
jefsanity
on
23 Feb 21 @ 05:44 PM #
aside from gcash pwede naman online banking (phil)
-
northernshots
on
24 Feb 21 @ 10:14 AM #
Di na pwede magbayad para sa sss 2020, deadline ay nung January, Yung whole month na di makapag generate ng prn