Forum Topic

Converge ICT Fiber ISP (never ever hard reset your modem and refer to page 297 for ebilling FAQs)

  • Wag kayo mag papa upgrade sa 35 MBPS, sisirain lang niyan connection nyo. Dati akong naka 35 MBPS tuwing 1 hr and 30 mins na DIDISCONNECT ako sa ML, LoL, pero nung pina downgrade ko sa 25 MBPS naging smooth na ule. NO DISCONNECTION STABLE AF.

    napaisip ako dito.hehe!
    ginagamit pa naman ng utol ko converge sa LOL games.
    any experience pa sa mga user
    thanks
  • Wag kayo mag papa upgrade sa 35 MBPS, sisirain lang niyan connection nyo. Dati akong naka 35 MBPS tuwing 1 hr and 30 mins na DIDISCONNECT ako sa ML, LoL, pero nung pina downgrade ko sa 25 MBPS naging smooth na ule. NO DISCONNECTION STABLE AF.
    Nasa inyo na yan kung mag uupgrade kayo, basta ako sinabi ko lang ung naging experience ko nung naka 35 MBPS kame.


    Nung magsimula ako sa converge (late May 2019), nangyayari ito. Siguro mga 2 months din namin nae-experience yan. Pero starting August, wala na akong nae-experience na disconnections.

    And ngayong nagpa-speed upgrade ako, so far eh OK pa rin.
  • Wag kayo mag papa upgrade sa 35 MBPS, sisirain lang niyan connection nyo. Dati akong naka 35 MBPS tuwing 1 hr and 30 mins na DIDISCONNECT ako sa ML, LoL, pero nung pina downgrade ko sa 25 MBPS naging smooth na ule. NO DISCONNECTION STABLE AF.

    pa help naman po nadidisconnect po ako every 1 and a half hour nakakabadtrip na. wala po ako makitang solusyon sa google at youtube. di rin nakakatulong ang pag tawag sa converge di nila alam gagawin paulit ulit check ping pinagagawa sakin.

    ganyan din naman sa 25mbps plan ko. pero more like ping spike lang, hindi total disconnect. but still langit at lupa ang difference sa service ni pldt. nag-offer lang ng 24hour response repair ang pldt nung nagpadisconnect na kami ng plan.

    ---------------

    qualified pala ko dun sa 1 month rebate ni converge sa online applicants. free ang december bill ko. =D
  • Nung magsimula ako sa converge (late May 2019), nangyayari ito. Siguro mga 2 months din namin nae-experience yan. Pero starting August, wala na akong nae-experience na disconnections.

    And ngayong nagpa-speed upgrade ako, so far eh OK pa rin.

    depende nga siguro sa area yung naging issue sa disconnection every 1&30mins.
    October 2017 account ko pero hindi ko naman naencounter yan issue na yan. Cainta Area.
    ito pa naman hinihintay ko na 99/10mbps.
    @AaronICK
    good to hear na okay na account mo wala na disconnection.

    @all
    konti pang review sa 35mbps. hehe
  • Sa simula lang maganda yang 35 MBPS, last year nag pa upgrade kame sa 35 MBPS tapos nung nag February ayun nag ka loko loko na sa connection, DC sa LoL pati sa ML ang masaklap nun sa clash pa talaga nag DISCONNECT. Then nag report ako sa converge ang sabi wala naman daw PROB, then nag tanong tanong ako sa naka subscribe den sa 35 MBPS same prob lang daw kame. Hangang sa nag pa downgrade ung kakilala ko na naka 35 MBPS, Ayun sinabihan nya ko umayos na ule connection nya. Hinde na siya na DIDISCONNECT tuwing 1 hr and 30 mins sa LoL pati ML. So ayun nag pa downgrade na ren kame kaya ayun Umayos na, nakakapag laro na ule kame ng maayos sa LoL pati ML walang DISCONNET. SMOOTH AF
  • Nasilaw den kase ako dati sa 35 MBPS na yan HAHAHA san ka maka kita +10 MBPS 99 Pesos lang, Pero sa huli nag sisisi ako bakit pa ko nag pa upgrade hahahaha.
  • @florida

    Actually, hindi ko alam kung paano na-solve yung issue of disconnection every 1 and a half hour. Basta na lang siya naging OK sa end ko.

    Meron kaming facebook group chat ng mga subscribers dito sa Project 8 (Sangandaan, Bahay Toro, Tandang Sora, Baesa, etc). So mas madali kaming nakakapag-report sa isa't isa kung may mga issues ang converge para malaman agad namin kung isolated lang yung issue or talagang may outage sa area namin. And based sa mga feedback, dito sa area ko sa Sangandaan ang pinaka-stable sa Project 8. Most of the time, may issues na sa Tandang Sora at Bahay Toro, stable pa rin ang connection namin. Dalawang beses lang yata ako naka-experience ng outage simula magpakabit ako nung May 2019. And malawakang outage talaga siya.

    Yan ang naging deciding factor ko kaya ako nag-avail nung speed upgrade. Nabasa ko na rin kasi dati yang issue na nagpa-upgrade tapos nagka-issue na sa connection. Pero nung magpatanggal ng addon, bumalik sa stable yung connection niya. But since stable naman sa area ko, baka naman kako hindi ako maapektuhan nung issue na sinasabi niyo.

    Medyo maaga pa para mag-conclude na OK nga siya. Sa ngayon, yes. But I am hoping na sana after several months, stable pa rin sana ang connection ko even with this addon.

    -- edited by AaronICK on Dec 02 2019, 06:23 PM
  • yung issue with upgrade technically makes no sense to me unless physically nilipat ka sa ibang router. its just a matter of QOS setup or limiter to me, in which case should not change stability.

    -- edited by ryandegreat25 on Dec 02 2019, 06:28 PM
  • This december mag eksaktong 1 year na subscription ko dito sa converge. Most of the time positive experience pagdating sa connection kahit pa sobrang hangin pag may bagyo. Once lang ako nag red LOS nung nagkaron ng major outage pero matagal tagal na rin at isang araw lang bumalik na. As for intermittent na disconnection meron pero sobrang bihira, madalas pa AFTER midnight nangyayari at kusang bumabalik on its own within minutes pero pag umabot 10minutes at wala pa rin talaga, power cycle lang si laptop at si modem balik na ulit sa normal.

    Light user lang ako so sa laptop - download at browsing lang talaga. Pagdating naman sa games ay sa console ko lang talaga kinakabit, bihira din ako magka problema kahit dun sa mga games na kelangan naka-konek parati para lang makalaro. Solo ko kasi fiber connection ko kaya sa araw naka-off pag nasa work ako so gamit ko lang yung PLDT DSL namin pero sa gabi dun lang ako kakabit sa fiber ko, papatayin ko na ulit yung modem bago matulog. Sa device mismo wala naman ako masyado binutingting except yung mga obvious na dapat baguhin. One-time napa hard reset ako at hindi ko alam noon na nakakawala pala ng connection yun pero hindi naman dapat. Wala pa kasi sa thread title dito yung bawal ang hard reset, kinailangan ko pa mag back read dito sa loob ng thread para malaman yun. As usual itinawag ko sa tech support at nabalik naman agad within 1 minute siguro.

    Pinaka mabigat ko lang na naging problema dito sa converge is yung billing. May dispute ako na inabot ng 4-5 months yata bago naayos sa side nila. Kinailangan ko pa mag reklamo sa NTC para magising sila at aminin na sa kanila ang mali kaya buti na lang na-plantsa na. Medyo minus points sa customer service pero kung hindi ka marunong magpa-ikot ng agent, talagang iinit din ang ulo mo.

    Nagpa-upgrade na rin ako to 35mbps last march yata. Promo din eto noon kasi nagulat ako biglang inalis yung requirement na dapat minimum 3mos subscriber bago makapag avail. Saglit lang sya naging open for application kaya pinatos ko na. No regrets naman so far at wala rin noticeable performance hits since then.

    Overall, happy ako sa serbisyo ko dito sa converge. Swertihan at subjective pa rin talaga ang user experience depende sa usage, traffic at location siguro.
  • Nag pa speed upgrade ako kahapon. Nag txt na ngayon na completed na ung speed upgrade ko. Nag speedtest ako but 25mbps pa din speed ko. Nag restart na ako ng modem. Mga gaano katagal ba mag effect un??? Thank you in advance
  • @AaronICK
    same tayo ng experience sa converge, wala naman ako naencounter na malaking problema bukod lang sa outage sa area. good

    ^
    same wala parin yung effect ng additional 10mbps. kanina nag text sakin na successfully na daw pero still 25mbps.
  • ^ sakin din 25mbps pag 2.4ghz, pero sa 5Ghz 35mbps.
  • We do use a dynamic IP for residential, tama? Bakit hindi ko mapalitan IP ko even after mag restart ng modem? Reason kung bakit ko gusto palitan is I can't access a specific site (socialclub.rockstar.com) pero accesible sya via VPN so I figured its an IP issue. Any input would be highly appreciated mga lodi.
  • worth it ba yung additional 10mbps na promo? or let it pass na lang muna?

    natutukso ako pero naiisip ko, aanhin ko another 10mbps e sa 25mbps nga (may extra isp pa ako) e busog na ako. hahaha!



    at eto ang nagulat ako. di pa pala ako nakabayad ng internet bill. may gawd!
  • @Reim

    Kumbaga, parang luho na lang naman ang additional 10Mbps. Kung sapat na sapat na sayo ang 25Mbps, no need to avail of the upgrade. Lalo na siguro kung hindi ka madalas sa bahay. Hindi mo rin mapapakinabangan yan.

    But sa mga nag-avail na katulad ko, madalas ako mag-download at mag-upload ng mga files. So I need a better speed to do my tasks. Tapos ayan na nga ang offer na 99 pesos lang per month ang dagdag, so sulit para sa amin.
  • Normal lang ba maging unstable yung internet tuwing rains/bagyo? Kasi hindi lang tuwing bagyo nagiging ganito to eh. Sometimes kahit mga occasional rains lang nadadali internet ko for some reason.
  • ^Sa dsl namin nagkakaproblema sa koneksyon pag may bagyo lalo na pag malakas ang hangin at tuloy-tuloy ang ulan. Medyo hindi rin kasi maayos ang pagkaka-layout sa cable nung kinabit dati.

    Pero sa converge ko hindi naman kahit ano pa lakas ng hangin at ulan, nung pinakabit ko kasi eto sinigurado ko kung san maganda padaanin ang cable papasok ng bahay na talagang walang obstacle at hindi mahahagip ng hanging o ulan. Kaya tuwing may bagyo stable pa rin.
  • kamusta po ang latency sa online games? (dota 2 mainly) consistent din ba ang download speeds?
    looking to switch from my current isp, globe fiber.
  • Check niyo yung ping ko sa games

    <click here for link>
  • tanong ko po sa mga naka Micro Biz kung stable naman po ba ang connection kahit naka dynamic lang? balak ko kasing downgrade ang Ibiz 10mpbs ko sa plan 25mbps lang medyo mabigat kasi ang 4k para sa 10mb. ok naman po ba?



  • upgraded from 25Mbps. 2 tawag sa customer support, nawalan ng net nung umaga. talon singco, las piñas area.

    sa bill, ganito na pala:

    1500.00 - basic fee /mo
    + 125.00 - router | install fee /mo; staggered fee for 2 years
    -----------------
    1625.00 - plan fee /mo
    + 99.00 - 10Mbps speed bump /mo
    -----------------
    1724.00 /mo

    kanina ko lang naintindihan ung breakdown ng SOA, hehe!

    -- edited by the_prefect on Dec 06 2019, 04:42 PM
  • Recently upgraded to plan 2500 and hindi umaabot kahit 60+Mbps man lang yung speed.




    -- edited by beans77 on Dec 06 2019, 05:55 PM

    -- edited by beans77 on Dec 06 2019, 05:58 PM
  • Recently upgraded to plan 2500 and hindi umaabot kahit 60+Mbps man lang yung speed.


    Contact Tech Support and ask for "Line Reconditioning" @beans77
    https://click2talk.convergeict.com/call2.htm
  • @beans77

    ^naka 5GHz band wifi connection ka sa smart fone nung nag-speed test ka? or try sa laptop| pc using utp cable na nakakabit sa lan port ng router. tapos test mo ulit.

    -- edited by the_prefect on Dec 06 2019, 06:06 PM
  • Sa mga nag-switch from other provider to Converge: talagang ganun ba karami hinihingi nilang requirements at hindi pwedeng ID + competitor bill na lang? Daming questions e, nakaka-urat yung ganung klaseng application, ni walang switcher promo/rebate man lang.